“Hindi po tayo terorista. Hindi tayo komunista. Hindi tayo diktatorya. Tayo ay demokrasya na nagmamahal sa isang malayang bansa. May respeto sa saligang batas, sa karapatang pantao, sa mararangal na public officials, lalo na sa taumbayan.”
Ito ang opening statement ni House Committee on Human Rights Chairman at Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante Jr. sa ginanap na ika-13 public hearing ng House quad-committee ngayong Huwebes, Disyembre 12, tungkol sa extrajudicial killings ng madugong drug war ng Duterte administration at mga illegal Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) sa Pilipinas.
“Ayaw natin ng proliferation of illegal gambling. Ayaw natin ng mga Chinese na gusto tayong sakupin. Ayaw natin ng ilang mga opisyal ng bayan na imbis na suportahan ang bayan ay nakikitulog sa higaan ng mga dayuhan. Ayaw natin ng iligal na droga. Ayaw natin ng patayan, galit tayo diyan. Respetado natin ang batas at dahil dito mahal natin ang ating bayang Pilipinas. ‘Yan, mga kaibigan, ang Quad-Comm,” dagdag ni Rep. Abante Jr.
#PilipinasToday
#QuadComm
#19thCongress
#CongressPH
HOUSE QUAD COMM: MISSION POSSIBLE
Sa gitna ng tila walang tigil na pag-atake ng mga diumano'y 'bayarang vloggers at trolls,' lumabas ngayon sa social media ang isang explainer video tungkol sa misyon ng House Quad Committee na nagiimbestiga sa diumano'y pagkakasangkot ng mga opisyal ng nakaraang administrasyon, kabilang si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, sa mga serye ng pagpatay ng mga drug personalities at pagkakasangkot nito sa operasyon ng illegal drugs.
Sa ika-13 pagdinig ng joint panel ng Kamara ngayong Huwebes, Disyembre 12, iginiit ni Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante na dapat maliwanagan ang mga tiwaling vlogger at trolls tungkol sa tunay na pakay ng Quad Comm na ibulgar ang mga kasalanan ni Pangulong Digong at kanyang mga kakutsaba ang kanilang nagawang kasalanan sa bayan.
#PilipinasToday
#QuadComm
#19thCongress
#CongressPH
#WannaFactPH
Inihayag ni Vice President Sara Duterte sa kanyang press conference ngayong Miyerkules, Disyembre 11, na hindi niya pinagsisisihan ang kanyang pagbabanta sa buhay ni President Ferdinand Marcos Jr. at dalawang iba pa sakaling may pumatay sa kanya.
Iniimbestigahan ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) si Vice President Sara Duterte kaugnay ng pahayag nito noong Nobyembre 23 na kumontrata na siya ng hitman na maglilikida kina President Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Marcos, at House Speaker Martin Romualdez sakaling may pumat*y sa kanya.
“May kinausap na ako na tao. Sinabi ko sa kanya, ‘Kapag pinatay ako, patayin mo si BBM, si Liza Araneta, at si Martin Romualdez.’ No joke. No joke. Nagbilin na ako,” matatandaang sinabi ni VP Sara.
#PilipinasToday
#VPSaraDuterte
#SaraDuterte
#Duterte
P350 DAILY SUBSISTENCE ALLOWANCE NG AFP, APRUBADO
Pinuri ni House Speaker Martin Romualdez ang pag-apruba sa dagdag P200 sa arawang subsistence allowance ng mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP), na mula P150 ay magiging P350 na, o P10,500 kada buwan.
“Napakagandang balita… binigyan natin ng increase, the AFP, for our soldiers’ daily subsistence allowance, we will increase it from P150 to P350, that is going to be maintained and fully supported,” sinabi ni Romualdez nitong Disyembre 11.
#PilipinasToday
#MartinRomualdez
#Duterte
#WannaFactPH
Sa ikalawang pagkakataon, hindi pa rin sumipot si Vice President Sara Duterte sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) ngayong Miyerkules, Disyembre 11 para sa imbestigasyon na isasagawa ng ahensiya tungkol sa diumano’y pagbabanta ng Bise Presidente sa buhay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at Speaker Martin Romualdez kamakailan.
Sa halip, ang kanyang abogado na si Atty. Paul Lim ang nagtungo sa NBI na agad na pinulong ni NBI Director Jimmy Santiago at iba pang opisyal ng tanggapan. (Video courtesy of GMA News)|
#PilipinasToday
#VPSaraDuterte
#SaraDuterte
#Duterte
#WannaFactPH
Huwag magmura -Sen. Francis Tolentino
#FrancisTolentino
405 PANG OVP CONFI FUNDS RECIPIENTS, PEKE!
Gaya nina ‘Mary Grace Piattos’ at ‘Kokoy Villamin,’ 405 pang pangalan na nasa acknowledgment receipts bilang tumanggap ng confidential funds ni Vice President Sara Duterte, mula sa Department of Education (DepEd), ang natuklasang walang birth record sa Philippine Statistics Authority—nangangahulugang hindi totoong tao ang mga ito.
Ang tanong, saan napunta ang milyun-milyong pisong pondo na pinalabas ng tanggapan ni VP Sara na “tinanggap” ng daan-daang pekeng pangalan na ito?
(Courtesy: 24 Oras/GMA News)
#PilipinasToday
#MaryGracePiattos
#PSA
#OVP
#DepEd
#VPSaraDuterte
#SaraDuterte
MT. KANLAON, SUMABOG
Nakuhanan ng video ang malakas na pagsabog ng Bulkang Kanlaon sa Negros Occidental, ngayong Lunes, Disyembre 9.
#PilipinasToday
#NegrosOccidental
#KanlaonVolcano
ABO MULA MT. KANLAON, KUMALAT
Umabot na ang abo sa Barangay Maao, Bago City, Negros Occidental matapos ang ‘explosive eruption’ ng bulkang Kanlaon ngayong hapon ng Lunes, Disyembre 9.
Video Courtesy: K5 News FM Kabankalan 102,9
#PilipinasToday
#KanlaonVolcano
#WannaFactPH
Itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang Kanlaon Volcano sa Alert Level 3 matapos ang "explosive eruption occurred at the summit vent" ng bulkan, ngayong Lunes, Disyembre 9 ng hapon.
"All local government units are advised to evacuate the 6-km radius from the summit of the volcano and must be prepared for additional evacuation," saad ng ahensya.
#PilipinasToday
#NegrosOccidental
#KanlaonVolcano
#WannaFactPH
NAG-AALBUROTONG MT. KANLAON