24/12/2024
๐๐๐ง๐๐๐๐'๐ง ๐๐๐ช๐๐๐ | Kasuya sa Saya
Sa Panulat ni: John Daniel Dickerhoff
Hindi maitabig ang p**a, bughaw, at berdeng ilaw.
Kahit papaano may natitirang awa sa paskong hilaw,
Lata, katamlay-tamlay, at kay panlawโฆ
May ilaw o diwa pa bang naitabi sa pasirang frigidaire?
โWala eh, panis na.
Kulang pa nga yata ang sahog sa โChicken Macaroni Salad,โ
โDi mahagilap ang laman ng ina(hin) sa mangkok ni itay.
Ang pasas naman ay naubos na ni bunso,
Tas sila ateโt kuya ay โdi ito gustoโฆ
โHindi magkasundo, may sari-sariling mundo.
Para saโn ang pasko kung sa pagmamahal ay uhaw?
Wala bang mag-aabot ng panulak?
O kaya naman madama lang muli ang tapik ng aming dilaw.
Paskong Pinoy pa rin ba kung pamilya ay may bitak?
โSalo-salong problema ang naihanda sa hapag-kainan.
Taliwas sa Nakasanayan
Habang nakadungaw sa balkonahe ng aming bahay at pinagmamasdan ang mga tahanang palaktaw-laktaw ang kulay; nagsusumigaw na ilaw sa kabila, kay dilim naman sa dakong pakaliwa. Biglang napaisip, hindi ba nakapagbayad ng ilaw ang aming kapit-bahay? Disyembre na at ilang tulog na lamang ay pasko na; araw ng pagsasaya, pagsasama-sama, at siyempre ng pahinga, kaya nga ito kaabang-abang, dahil sa wakas may panahon na para maramdaman naman ang tahanan, makahiga sa papag na pundar pa ni inay at itay, at makakain ng masasarap na putahe kasama ang mga minamahal.
โMAHAL NAMAN NG MGA BILIHIN!โ
Napatikwas ako sa aking inuupuan nang marinig ko ang aking ina na pumalahaw. Dali-dali pumunta sa sala at kinamusta ang nanay kong nakakunot na naman ang noo; hawak-hawak ang supot ng plastik na may laman na kakarampot na sangkap, at mga sobreng puti na sa tingin ko ay โchristmas letterโ galing kay itay. Ngunit, baโt tila hindi siya masaya?... Anak, nako po, pake patay naman ang โairconโ sa kwarto at nasasayang lang naman. Tingnan mo ang bill natin sa kuryente, kay taas. Naglabas na nga ng paalala ang Meralco na tumataas ang per Kilowatt hour (kWh) ng kuryente sa halagang Php 0.9392, at dahil daw ito sa pagbaba ng halaga ng peso kotra dulyar. Sa katunayan, ang 200 kWh na pagkonsumo ay nagkakahalaga na ng 21 pesos, at mula sa PHP11. 8569 per kWh na kadalasang nagagamit ng isang tahanan nitong Nobyembre, mas tumaas ito ngayong Disyembre na may sumatotal na PHP11.9617 kada pagkonsumo. Tas ikaw, aba na para bang may trabaho ka, nang mag-aksaya ka riyan, gawin mo pa namang freezer ang kwarto?
Bukod sa sermon ni nanay, napabuntong-hininga na lamang din ako sa itinaas ng presyo ng kuryente, natakot din ako na baka maubusan na naman ng pera at maisipan na naman ng aming ina na lumipad papuntang ibang bansa, mistulang ligaw na manok na isang kahig isang tuka rin naman, at kasamang nagpapakahirap ang estimado ng Philippine Statistics Authority (PSA) na mahigit 55.6% Filipina workers sa ibaโt ibang panig ng Europa, Asya, at Kanluraning mga bansa.
Salad ng Problema
Tuwing pasko talaga โdi nakaliligtaan ng aming pamilya ang lutong โChicken Macaroni Saladโ ng aming ina, paano pa naman kasi ito ay hitik sa rekado, may manok na hinimay, โall purpose creamโ at โmayonnaiseโ na kay linamnam, at paborito naming pinya na nagdaragdag ng tamis at kaunting asim sa tradisyonal na handa ng aming tahanan.
Hindi na makapaghintay na lantakan ang paborito, at maamoy ang masarap na halimuyak nito, pero teka, hindi ko naman napansin na marami ang napamili ni inay, kadalasan kasi pinapasama niya pa ako sa palengke dahil kay bibigat ng kanyang mga dala-dala. Mistulangโฆ OH SHOCKS! Walang manok at pinya? Ma, hindi iyan masarap, sambit ko sa aking ina na may lungkot sa aking mga mata.
Iyan lang ang kinaya ng pera natin โnak, tamang timpla na lamang sig**o upang mapasarap itong pasta, mayonnaise, cream, at pasas para kahit papaano ay may mapagsaluhan tayo. Grabe sakit sa bulsa ng bilihin, mula sa 3.0% nitong mga nakaraang buwan, sabi sa ulat ng PSA pumalo naman ito sa sa 3.5% inflation rate, sa buwan pa lamang ito ng Nobyembre, hindi pa kasama ang buong taon. Ngunit hayaan mo nak, sa sunod na pasko, bongga ang handaan. Nag-offer si kumareng Linda na mag Australia raw kami sa sunod na taon.
Bumabatingting sa aking tainga ang sinabi ni inay, mukhang babalik ang pangungulilang napawi na. Kaya naman pala walang ilaw ang bahay sa kaliwa, dahil mas inunang asikasuhin ang papeles pa-ibang bansa kaysa sindihan ang parol sa labas.
Hindi masisisi ang mga taong naghahangad para sa ikagiginhawa, sino bang may ayaw sa buhay marangya? Ngunit, ito nga ba talaga ang tunay na diwa ng Paskong Pinoy? Hindi baโt nakaugalian natin magsama-sama para sumaya hindi dahil sa anumang materyal, magagarbong set-up, at mga handa? Nabilog lang ba ako ng napamiyasang kasanayan kung saโn relate ang โone day billionaireโ na kataga.
Ma! Alam kong masarap, magaling, at maparaan ka magluto, kaya kahit kulang ng sahog alam kong walang magbabago. Ngunit, kung aalis ka, marami muling maglalaho. Hindi namin kailangan ng nakasanayang babaon lang sa atin sa lungkot, aanhin ang pasko kung wala sa tahanan ang talang liwanag namin tuwing sumasapit ang dilim, at init ng pagmamahal na nagpapahupa sa aming katawang nilalamig. Ang tunay na pasko ay makasama kayo; mapatawanan, iyakan, o maski sa kahirapan. Hindi nabibili ng salapi ang halaga na naririto ka, kapiling ka, nahahagkan, at nalalapitan ka.
Nakasusuya ang saya na dala ng salapi,
Habang ikaw ay nagpapa-api
Sa mga banyangang bihira ang mabait.
Makasama ka sa hirap at ginhawa ay mas sulit.
Paskong Pinoy ay tungkol sa pagbubuklod-buklod,
Hindi sa magarbong handa na nagpapaluhod.
Magdidil ng asin ang mas nanaisin,
โWag lang maiwan at mawala muli ang mahal sa paningin.
Hindi dapat uhaw bagkus hiyaw ang naririnig,
Sigaw ng kasiyahan na bumabatingting.
Pagmamahalan ang dapat nagniningning,
Pasko ay para sa selebrasyon ng pananatili.