SINAG SINAG is the official student publication of the UPD College of Social Sciences and Philosophy In its 53rd year, SINAG is once again facing tumultuous times.

Amid a raging pandemic and a deepening economic recession, the publication's online presence has been severely hampered by organized and sustained attacks from paid online trolls. SINAG's original page, which already had 12,000+ likes, began to suffer from low reach and impact as the unjustified reports took their toll. To fulfill its mission of upholding the truth and defending press fre

edom, SINAG deemed it apt to begin anew on the platform. Unencumbered by past obstacles and with renewed zeal to serve the people, SINAG aims to fight back and deliver a radical, assertive, and mass-oriented brand of journalism.

TINGNAN: Sinalubong ng kilos-protesta ng iba't ibang mga progresibong organisasyon ang paglalagda ni Marcos sa panukalan...
30/12/2024

TINGNAN: Sinalubong ng kilos-protesta ng iba't ibang mga progresibong organisasyon ang paglalagda ni Marcos sa panukalang badyet para sa taong 2025.

Batay sa bicameral-approved version ng pambansang badyet para sa 2025, ang DPWH, PNP, at AFP ang ilan sa mga may pinakamalaking itataas na pondo samantalang makararanas naman malaking bawas ang badyet ng CHED, DOH, at PhilHealth.

Giit ng mga sektor, imbis na ilaan ang malaking porsyento ng pera ng taumbayan sa militar, ituon ito upang tustusan ang mga ahensyang nagbibigay ng mga batayang serbisyong panlipunan gaya ng edukasyon at serbisyong pangkalusugan.

Binatikos din nila ang mahigit isang trilyong pisong nakalaan para sa mga proyektong pang-imprastraktura na anila'y gagamitin lamang sa kurapsyon at para pagsilbihan ang interes ng mga pribadong korporasyon.

TINGNAN: Nagkasa ng iglap-protesta ang mga kasapi ng Kabataang Makabayan sa Recto Ave. kahapon, Disyembre 16, 2024, bila...
17/12/2024

TINGNAN: Nagkasa ng iglap-protesta ang mga kasapi ng Kabataang Makabayan sa Recto Ave. kahapon, Disyembre 16, 2024, bilang bahagi ng pagdiriwang sa ika-60 anibersaryo ng organisasyon.

Pinatampok sa iglap-protesta ang nag-iinit na hidwaan sa pagitan ng mga naghaharing uri, sa pangangatawan ng paksyong Marcos at paksyong Duterte. Anang rebolusyonaryong organisasyon, karapatdapat lamang lumaban upang panagutin si Marcos, Duterte, at ang mga kasapakat nila sa mga kasalanan nila sa mamamayang Pilipino.

Sa huli, nanawagan ang mga kasapi ng KM sa mga kapuwa nila kabataan na buong-tapang na bagtasin ang rebolusyong landas at tumangan ng armas para ipagtagumpay ang pambansa-demokratikong hangarin ng mamamayang Pilipino at para wakasan ang paghahari ng imperyalismo, pyudalismo, at burukrata kapitalismo sa bayan.

Ginunita rin ang ikalawang anibersaryo ng pagpanaw ng rebolusyonaryong si Joma Sison, tagapangulong tagapagtatag ng Kabataang Makabayan.

TINGNAN: Nagkasa ng Oplan Pinta-Oplan Dikit (OP-OD) ang Kabataang Makabayan - Kristine Florendo (KM-KF) sa CAL New Build...
13/12/2024

TINGNAN: Nagkasa ng Oplan Pinta-Oplan Dikit (OP-OD) ang Kabataang Makabayan - Kristine Florendo (KM-KF) sa CAL New Building para ipagdiwang ang ika-60 anibersaryo ng kanilang organisasyon.

Laman ng mga OPOD ang mga pagpupunyagi para sa anibersaryo ng Kabataang Makabayan at gayundin para sa Partido Komunista ng Pilipinas, Bagong Hukbong Bayan, at Pambansa-Demokratikong Prente.

Hinimok ng mga kasapi ng KM-KF ang mga kabataan na tumungo sa kanayunan at sumapi sa Bagong Hukbong Bayan para isulong ang digmang bayan. Nanawagan din ang mga rebolusyonaryong kabataan na itigil ang umiigting na komersalisasyon at militarisasyon ng pamantasan.

Matatandaan na nitong nakaraang linggo, nagpakalat naman sa buong kampus ang Kabataang Makabayan - Antonio Zumel ng mga polyeto na naglalaman ng kanilang pahayag para sa anibersaryo ng KM.

https://x.com/PahayagangKAPP/status/1864921475813355539

TINGNAN: Namataan sa Palma Hall at sa iba pang mga lugar sa UP Diliman ang polyeto ng pahayag ng Kabataang Makabayan - A...
06/12/2024

TINGNAN: Namataan sa Palma Hall at sa iba pang mga lugar sa UP Diliman ang polyeto ng pahayag ng Kabataang Makabayan - Antonio Zumel para sa ika-60 anibersaryo ng organisasyon.

Ang Kabataang Makabayan ay isang rebolusyonaryong organisasyong masa ng kabataan na itinatag noong Nobyembre 30, 1964. Mula nang itatag ito, naging mahigpit na katuwang ng Partido Komunista ng Pilipinas ang rebolusyonaryong organisasyon sa pagsusulong ng demokratikong rebolusyong bayan sa iba't ibang sulok ng bansa.

Binigyang diin sa pahayag ang pananatili ng mga saligang suliranin ng lipunang Pilipino—ang imperyalismo, pyudalismo, at burukrata kapitalismo—na siyang ugat ng armadong pakikibaka.

Anang organisasyon, tanging sa pagwawagi lamang ng demokratikong rebolusyong bayan maisasakatuparan ng kabataan ang kanilang mga makauring hangarin.

Sa huli, hinamon ng Kabataang Makabayan - Antonio Zumel ang lahat ng kabataan na isapraktika ang mga ideyang natututunan sa silid-aralan, at sumapi sa Bagong Hukbong Bayan para ipagwagi ang pambansa-demokratikong hangarin ng mamamayang Pilipino.

ALERT: Armed and uniformed police personnel were seen inside the campus this morning. They claim to be attendants of the...
06/12/2024

ALERT: Armed and uniformed police personnel were seen inside the campus this morning.

They claim to be attendants of the Urban Poor Solidarity Week of the Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP).

This is not the first time that fascist institutions with a long history of abuse against the UP Community have used programs or government initiatives as an excuse to enter the university.

EDITORIAL NOTE: A video taken and posted by SINAG has been altered and is being circulated online to fit a different nar...
05/12/2024

EDITORIAL NOTE: A video taken and posted by SINAG has been altered and is being circulated online to fit a different narrative.

SINAG strongly denounces this act of misinformation.

The video being circulated is a clip taken during the mobilization against Jeepney Phaseout last December 2023 and is not, as the video claims, of Duterte supporters protesting.

TINGNAN: Kasalukuyang nagaganap sa Palma Hall Lobby ang  : Drama vs. Accountability, isang talakayan tungkol sa bangayan...
05/12/2024

TINGNAN: Kasalukuyang nagaganap sa Palma Hall Lobby ang : Drama vs. Accountability, isang talakayan tungkol sa bangayang Marcos-Duterte.

Kasama sa mga nagsasalita ang ilang kapamilya ng mga biktima ng EJK, si Atty. VJ Topacio ng Hustisya, at si Teddy Casiño ng Bayan.

LARAWAN NG PAGLABAN: IPAGLABAN ANG GINHAWA NG MAMAMAYAN, PANAGUTIN ANG ABUSADO AT KAWATANNagmartsa patungong Mendiola an...
01/12/2024

LARAWAN NG PAGLABAN: IPAGLABAN ANG GINHAWA NG MAMAMAYAN, PANAGUTIN ANG ABUSADO AT KAWATAN

Nagmartsa patungong Mendiola ang laksa-laksang mga progresibong grupo mula sa iba’t ibang batayang sektor upang gunitain ang ika-161 na kaarawan ng rebolusyonaryong si G*t Andres Bonifacio.

Tinangka man silang harangang makarating sa tarangkahan ng Mendiola ng daan-daang kapulisan, hindi nagpatinag ang mga makabayang grupo na maglunsad ng kanilang programa.

Giit ng mga grupo, marapat lamang na singilin ang gobyerno sa pagtalikod nito sa tungkulin na ibigay ang mga batayang serbisyo at pangalagaan ang karapatan ng mamamayan. “Labis-labis ang krisis na nararanaan natin habang nananatiling napakababa ng sahod ng mga manggagawang Pilipino.” ani Ka Jerome Adonis ng Kilusang Mayo Uno.

Sa ilalim ng rehimang Marcos Jr., patuloy na tumataas ang presyo ng mga bilihin habang nananatili ang walang katiyakan ng kabuhayan ng mga mamamayan. Anila, hangga’t nananatili sa pwesto ang mga Duterte at Marcos, patuloy lamang na uunahin ng mga ito ang iba’t ibang mga maniobra upang manatili sa kapangyarihan imbis na lutasin ang mga suliranin ng bayan.

“Habang tumitindi at lumalaganap ang korapsyon sa bansa, tumitindi naman ang kakapusan sa mga serbisyo na dapat ay ibinibigay sa atin. Kaya dapat maningil tayo sa mga pinuno sa bansa na nananatili sa pwesto pero wala namang ginagawa.” dagdag ni Ka Mimi Doringo ng grupong Kadamay.

30/11/2024

PANOORIN: Bilang pagwawakas ng mobilisasyon ngayong Araw ni Bonifacio, kinanta ng mga batayang sektor ang Internationale, ang awit ng pagkakaisa ng mga proletaryado, sa paanan ng Mendiola.

30/11/2024

NGAYON: Ginigiit ng mga progresibong grupo ang kanilang karapatang makatungtong ng Mendiola upang singilin ang gobyerno sa kapabayaan nito. Dalawang beses na hinarangan ng mga kapulisan ang bulto ng sambayanan sa Recto bago makatungtong ng Mendiola ngunit bigo silang pigilan ito.

30/11/2024

NGAYON: Nagmamartsa patungong Mendiola ang iba’t ibang mga batayang sektor ngayong umaga, Nobyembre 30, 2024 bilang pag-gunita sa Araw ni Bonifacio at upang panagutin at singilin ang administrasyong Marcos-Duterte sa kapabayaan nila na naglugmok sa sambayanan.

LOOK: Media formations and student organizations organized a protest at Quezon Hall, today, Nov. 22, 2024 to commemorate...
22/11/2024

LOOK: Media formations and student organizations organized a protest at Quezon Hall, today, Nov. 22, 2024 to commemorate the 15th anniversary of the Maguindanao massacre where 58 people were killed, including 32 journalists.

Press freedom advocates denounced the continued state-enforced attacks against press freedom. They recall cases of state-enforced disappearances, intimidation and surveillance.

The journalists also called for justice for the 58 victims of the Maguindanao massacre along with other victims of violence against the press.

TINGNAN: Nagkasa ng maikling kilos-protesta ang ilang mga miyembro ng komunidad ng UP, sa pangunguna ng mga kabataan, up...
22/11/2024

TINGNAN: Nagkasa ng maikling kilos-protesta ang ilang mga miyembro ng komunidad ng UP, sa pangunguna ng mga kabataan, upang tutulan ang panukalang P2.4B na kaltas-pondo sa pamantasan.

Ayon sa panukalang pondong kasalukuyang tinatalakay sa Senado, mababawasan ng P14.1B ang pondo ng mga state universities and colleges habang tataas naman nang 51% ang budget ng AFP at PNP.

Kinundena rin ng mga grupo ang kusang-loob na pagbebenta ng pamunuan ng UP sa mga malalaking negosyante ng mga espasyong dapat sana ay para sa komunidad.

Pagkatapos ng kilos-protesta, tumungo ang mga grupo sa Morayta upang makiisa sa malakihang pagkilos hinggil sa panukalang budget para sa susunod na taong pampanuusan o fiscal year.

TINGNAN: Kinundena ng mga Iskolar ng Bayan ang sustainability forum sa Institute of Biology ngayong hapon ng Nobyembre 2...
20/11/2024

TINGNAN: Kinundena ng mga Iskolar ng Bayan ang sustainability forum sa Institute of Biology ngayong hapon ng Nobyembre 20, 2024 na pinangunahan ng mga prominenteng korporasyon sa bansa.

Giit nila, walang kredibilidad na magsalita sa usapin ng sustainability ang mga malalaking korporasyon tulad ng SM Development, Ayala Land, Megaworld, at Filinvest dahil sa development aggression ng mga ito na nagpapalayas ng mga katutubo, magsasaka at maralita sa ngalan ng kanilang mga proyekto.

18/11/2024

PANOORIN: Nauwi sa gitgitan sa pagitan ng mga security guard ng Dilimall at ng komunidad ng UP ang Ribbon Cutting Ceremony ng Robinsons Easymart matapos pigilan ang komunidad na makalapit at ipanawagan ang kanilang mga hinaing.

18/11/2024

PANOORIN: Hinarap ni President Angelo "Jijil" Jimenez ang komunidad ng UP bago magsimula ang programa ng ribbon cutting para sa pagbubukas ng Robinsons Easymart sa loob ng DiliMall.

Binatikos nila si President Jimenez sa hindi pakikinig sa komunidad ng UP matapos ang ilang beses na mga pulong at pagpapadala ng sulat sa kanyang opisina.

Anila, nauna pang itayo ang DiliMall kaysa ang mga ipinangako na mga espasyo para sa komunidad. Panawagan din nila na harapin ng administrasyon ng UP ang komunidad upang pag-usapan ang kanilang mga hinaing.

18/11/2024

Address

3/F Palma Hall Mezzanine, University Of The Philippines Diliman
Quezon City
1101

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SINAG posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to SINAG:

Videos

Share