Laiya Ibabao, San Juan

Laiya Ibabao, San Juan to serve

22/08/2022

Good morning po.
Announcement
Resbakuna Covid-19

August 30, 2022 TUESDAY

LAIYA IBABAO Health Center

5-11 year old 8-10am
1st dose 2nd dose

12-17 year old 10-11am
1st dose 2nd dose

1st booster--5months from the 2nd dose

Adult 11-12pm
1st dose
2nd dose

1st booster
2nd booster pwd po ang 50 above and with co-morbidity, senior,frontliner at immunocompromised patient..

Thank you po..

July 26, 2022Sa pamumuno ng ating butihing Mayor  Ildebrando "Beebong" Salud at pakikipag tulungan ng ating Punong Baran...
26/07/2022

July 26, 2022

Sa pamumuno ng ating butihing Mayor Ildebrando "Beebong" Salud at pakikipag tulungan ng ating Punong Barangay Maximo Rosales at kanyang mga kasama.
Na pinagtulong tulungan din ng mga Brgy. Functionaries, Brgy. Police, Volunteer, Brgy. Health Workers at LGU Municipal Vaccination Team na ginaganap sa ating barangay

LATE UPLOAD.Nuong nakaraang Marso 24, 2022Sa pamumuno at patnubay ng ating butihing Mayor, Ildebrando “Beebong” Salud at...
26/03/2022

LATE UPLOAD.
Nuong nakaraang Marso 24, 2022

Sa pamumuno at patnubay ng ating butihing Mayor, Ildebrando “Beebong” Salud at kanyang LGU Vaccination Team (Midwife & Nurses) at Suporta ni Kapitan Wenilo “ Jong “ Ada at kanyang mga Barangay Health Workers (BHW), Brgy. Kagawad at Volunteer.

Nuong ika – 24 ng Marso ay nagkaroon po muli tayo ng Anti Covid Vaccination para sa ating kabataang edad mula limang (5) taon hanggang labing isang (11) taong gulang at kabataang labing dalawang (12) taon hanggang labing pitong (17) taong gulang. Na nakapag tala ng;

• Pfizer 1st Dose – 147 (5-11 yrs old)
• Pfizer 1st Dose – 16 (12-17 yrs old)
• Pfizer 2nd Dose – 46 (12-17 yrs old)
• Pfizer Booster – 34
• Aztrazenica – 20
• Sinovac 1st Dose – 07
• Sinovac 2nd Dose – 13
• Johnson & Johnson – 23

Narito ang ilang detalye nuong ika – 24 ng Marso!

12/03/2022

When: March 24, 2022
Where: Laiya ibabao Barangay Hall
What: Anti covid vaccination

✅8:00 am

👉(5-11) 1st dose
👉(12-17) 1st & 2nd dose

✅1:00 pm, Adults

- Sinovac
- Johnson & Johnson
- AZTRAZENICA

booster po available din.. pls share.. thank you❤️ 🙏

Ngayong ika - 03 ng Marso, ay matagumpay na naisagawa ang pagbabakuna ng ating mga alagang hayop (A*o at Pusa) ng Anti -...
03/03/2022

Ngayong ika - 03 ng Marso, ay matagumpay na naisagawa ang pagbabakuna ng ating mga alagang hayop (A*o at Pusa) ng Anti - Rabbies
na nakapagbakuna ng 325 na alagang A*o at Pusa mula sa Labing Isang (11) sitio. ng ating Barangay sa pangunguna at suporta Ng ating butihing Kapitan Wenilo "Jong" Ada, kasama ang kanyang mga Brgy. Kagawad sa pamumuno ni konsehala Nitz Atienza Somera na miyembro ng Community Based Animal Technician (CBAT)San Juan, ganuon din ang pasasalamat kina Sir. Felix at Ma'am Fe Reyna, kasama ang kanilang staff at iba pang nag boluntaryong tumulong sa Proyektong Ito ng Munisipyo ng San Juan, Batangas sa pamumuno ni Mayor Ildebrando Beebong Salud.

Noong ika-24 ng Pebrero ay nagkaroon muli ng isang malawakang pagbabakuna sa ating Brgy. Hall, na nilahukan din ng mga t...
03/03/2022

Noong ika-24 ng Pebrero ay nagkaroon muli ng isang malawakang pagbabakuna sa ating Brgy. Hall, na nilahukan din ng mga tao mula sa Iba't - ibang Brgy na karatig na pinangunahan ni mayor Ildebrando Salud ksama ng kanyang mga masisipag na LGU Vaccination Team (Doktor, Midwifes & nurses) at sa suporta ni Kap. Wenilo Jong Ada at kanyang mga Brgy. Functionaries (Kagawad,BPSO,BHW at volunteer) na nakapagtala ng; pfizer 174, sinovac 38, aztrazeneca 96, janssen 48, na may kabuuang 356 vaccinated.

Nawa'y magtuloy tuloy na ang pagkawala ng pandemya sa ating bansa😇 Godbless us all.

18/02/2022

PATALASTAS;

magandang araw, ang ating pong second dose ng january 25 naturukan ay s February 24 laiya ibabao health center..

👉8am
1st and 2nd dose PFIZER
12-17ylo

👉10am
1st and 2nd dose SINOVAC

👉1PM
1st dose J&J
booster doses
2nd dose AZTRA ZENECA
thankyou po, para sa lahat n po ito ng adult.. imelda barualte bulsa ibabao hugom aplaya

Sa pamumuno ng ating mayor Ildebrando "Beebong" Salud kasama ang LGU San Juan Vaccination Team at tulong ng ating butihi...
26/01/2022

Sa pamumuno ng ating mayor Ildebrando "Beebong" Salud kasama ang LGU San Juan Vaccination Team at tulong ng ating butihing kapitan Wenilo "Jong" Ada, kanyang mga kagawad, BPSO,BHW, Volunteers at iba pang lokal Brgy. Official, BPSO, BHW at volunteers mula sa iba't - ibang karatig brgy. ay muling naging matagumpay ang ginanap na bakunahan sa ating brgy hall at covered court kahapon ganap na ika - 25 ng Enero na nakapagtala ng;

1st dose JnJ - 806
1st dose Sinovac - 32
1st dose pfizer - 421
2nd dose pfizer - 151
booster pfizer - 16

na may kabuuang 1,426 na mga taong nabakunahan,

Maraming Maraming salamat po😇💉❣️

23/01/2022

‼️PATALASTAS PO SA LAHAT‼️
👉LATEST UPDATE
👉 ITO NA PO ANG BAGO SCHEDULE
👉 ITO N PO UN SUSUNDIN NATIN

👉JANUARY 28, 2022
👉 FRIDAY (8am) ..
👉LAIYA IBABAO
👉Covered court

👉SECOND DOSE
💚AZTRA ZENECA
💚second dose ng iba 💚pang vaccine
kompeto po tayo

👉BOOSTER ng more than 2 months interval ng J&J

👉 more than 3 months interval naman kung ikaw ay
💚AZTRA
💚SINOVAC
💚MODENA

💛TANDAAN PO!!!

👉 ang SINOPHARM po ay wala pang available na booster,

👉PAKIHINTAY lang po nang sunod na abiso mula sa DOH💚💚💚
MARAMING SALAMAT PO AT PLS SHARE❤️

💘 PAKIBASA po ng ayos.. detalyado po iyan wag n mag pm at baka di ko n kau mareply 🙏

- Chat of Laiya Ibabao Assigned Midwife

23/01/2022

❗ITO NA PO UN ATING SUSUNDIN PARA S MARTES PO💘

💕MAPAGPALANG ARAW PO..💕 Ipagpaumanhin po ninyo kung pa bago bago po ang schedule ng aming anti covid vaccine dahil po ito ay batay s aming nararanasan per barangay kaya kme namn po ay nag isip ng maayos n pamamaraan para sa pag pila ninyo ay mapagsilbihan po namin kaung lahat at wala uuwi ng walang turok kaya hinati hati po namin ang nasabing skedyul at ito na po iun..
barangays
👉Imelda
👉Barualte
👉Bulsa
👉Laiya Ibabao
👉Laiya Aplaya
👉Hugom
👉 at iba pang kalapit barangay

January 25, 2022 (8am) VENUE
💙Barangay Hall
♥️ first and second dose of PFIZER for pedia (12-17 years old)

(1pm) VENUE
💙 covered court
♥️ first dose of JnJ
for adults.. (18years old above)
💜first dose of SINOVAC for senior

ito lang po. muna ang sa January 25..
maraming salamat sa pang unawa po.
Godbless 🙏and keepsafe💕
💉

-chat of Laiya Ibabao assigned Midwife

19/01/2022

Subject: Postponement of LTOPF Caravan

This pertains to the request of One Stop Shop License to Own and Prossess Fi****ms (LTOPF) Caravan to be held on January 22, 2021 (Saturday) at San Juan Municipal Police Station, Brgy Mabalanoy, San Juan, Batangas.

Please be informed that the said Caravan is postponed due to the Alert Level 3 classification. Schedule of the activity will be announced later. Thank you and keep safe.

- Advocacy Group San Juan MPS

24/12/2021

Isang pagbati ng Maligayang Pasko at Maligayang Bagong Taon mula sa ating butihing Punong Barangay Wenilo Ada☃️

Isang napakagandang regalo ang nangyaring ikalawang yugto ng Vaccination Program na handog ng Department of Health ng Sa...
24/12/2021

Isang napakagandang regalo ang nangyaring ikalawang yugto ng Vaccination Program na handog ng Department of Health ng San Juan Batangas sa ating mga kababayan at kalapit Brgy.

Sa pamumuno ng ating butihing Mayor Ildebrando " Beebong" Salud at buong suporta ng ating maaasahang Punong Brgy. Wenilo "Jong" Ada, ay nailunsad ang tatlong (3) araw na Vaccination Program na Ito, na ginanap nuong ika - 15, 16 at 17 ng Disyembre.

Pasasalamat din sa mga walang sawang tumutulong mula sumusunod;







At iba pang organisasyon

12/12/2021

Bilang pakikiisa ng Brgy sa taunang LAMBAYOK FESTIVAL sa suporta ng butihing kapitan Wenilo G. Ada, ay nagawa ng kalahok na si Mr. L***y Patal ang kanyang Obra "Simple pero Elegante", bilang opisyal na entry ng Laiya Ibabao sa MINI DOLL LAMBAYOK QUEEN CONTEST sa ilalim ng patimpalak ng Tourism of San Juan, Batangas🌴

Salamat sa lahat ng nag heart react at sumuporta❣️

08/12/2021

Ang atin pong simbang gabi ay gaganapin sa Chapel ni St Joseph the Worker brgy hall compound at Magsisimula sa ika - 15 ng Disyembre, tuwing alas 5:00 ng hapon.

Maraming salamat po sa nagtulong tulong upang maprepara ang ating pagdadausan ng simbang gabi. Lalo na po kay kapitan Wenilo "Jong" Ada, sa patuloy na suporta sa mga taong nagiging abala sa pagpapasaayos at pagpapaganda ng chapel sa pamumuno ni Marissa Santok (Chapel Coordinator)

Sa pamumuno ni butihing Punong Barangay Wenilo G. Ada ay naipagawa ng maayos ang Laiya Ibabao 2 CHILD DEVELOPMENT CENTER...
04/12/2021

Sa pamumuno ni butihing Punong Barangay Wenilo G. Ada ay naipagawa ng maayos ang Laiya Ibabao 2 CHILD DEVELOPMENT CENTER, para sa panimulang pag – aaral ng mga batang day care na may edad 3 to 4 yrs old sa ilalim ng pangangalaga ni Gng. Lucy Umali. Ganuon din ang suporta nina Kgg. Julieto I. Eleda (Committee on Education) at Kgg. Maximo A. Rosales (Committee on Infrastructure) sa pag alalay sa naturang proyektong malapit ng matapos. Na maaaring magamit sa taong 2022.

Inaaanyayahan po ang lahat ng kasapi ng grupo o kasapi nang magsasaka dito sa ating barangay na sumali, o magsali sa Fac...
02/12/2021

Inaaanyayahan po ang lahat ng kasapi ng grupo o kasapi nang magsasaka dito sa ating barangay na sumali, o magsali sa Facebook group na Ito nang isang kasapi ng pamilya, upang kung sakali man pong magkaroon ng proyekto ay agad nila itong mababalitaan.

Iseaech lamang po Ito "FITS KIOSK (LAIYA IBABAO FARMERS ASSOCIATION)

Sa pagtutulungan at pagsusumikap ng bawat Barangay na nakiisa sa ginanap na pagbabakuna nuong nakaraang ika - 30 ng Noby...
02/12/2021

Sa pagtutulungan at pagsusumikap ng bawat Barangay na nakiisa sa ginanap na pagbabakuna nuong nakaraang ika - 30 ng Nobyembre, 2021 sa Basketball Gymnasium ng Laiya Ibabao, ay marami na sa ating kababayan ang nagkaroon ng pagkakataon makapagpabakuna.

Sa pangunguna ng ating kasalukuyang Mayor. Ildebrando "Beebong" Salud at sa buong pusong suporta at pakikiisa ng ating napakahusay na Punong Brgy. Wenilo "Jong" Ada at ng kanyang kapanalig sa Barangay (KAGAWAD,BHW,BPSO,VOLUNTEERS) ay matagumpay na naisagawa ang proyektong pagpapabakuna.

Lubos lubos ding pasasalamat sa mga sumusunod;

☑️Local Government Unit (LGU) ng San Juan ,Batangas
☑️Metro Manila Development Authority (MMDA)
☑️AIRFORCE
☑️Iba pang BHW,BPSO,KAGAWAD ng iba't ibang brgy, na buong pusong sumuporta sa programa at kanilang mga mamamayan.

PROUD TO BE FRONTLINERS⛑️
❤️GODBLESS US ALL❤️

Sa pangunguna ng ating butihing Mayor Ildebrando "Beebong" Salud ng bayan Ng San Juan at napakahusay na Kapitan Wenilo "...
17/11/2021

Sa pangunguna ng ating butihing Mayor Ildebrando "Beebong" Salud ng bayan Ng San Juan at napakahusay na Kapitan Wenilo "Jong" Ada at Barangay Functionaries (BHW,BPSO,KAGAWAD) na naghanda sa araw na ito.

Nagkaroon ng pagkakataon ang ating Barangay na mapabilang sa 3 Barangay na nabiyayaan ng mga kagamitan at munting opisina upang higit na makatulong at makapaglingkod sa pangangailangan ng ating mga magsasaka, mangingisda at iba pang sektor na may kinalaman sa Agrikultura.

Sa mga kasapi ng mga Farmers, makakaasa po kayo sa pag unlad at sa madaling proseso SA inyong pangangailangan.

November 16, 20219:00 - 10:00 A.M.BADAC Meeting
17/11/2021

November 16, 2021
9:00 - 10:00 A.M.
BADAC Meeting

November 16, 20212:00 - 3:00 P.M.2nd BDRRMC Meeting
17/11/2021

November 16, 2021
2:00 - 3:00 P.M.
2nd BDRRMC Meeting

Maraming Salamat sa mga sumusunod na organisasyon at Non - Government Organization sa ilang araw na pag duty sa ating pr...
28/10/2021

Maraming Salamat sa mga sumusunod na organisasyon at Non - Government Organization sa ilang araw na pag duty sa ating pribado at pampublikong sementeryo alinsunod sa protocol na ipinatutupad ng bayan Ng San Juan.

kami po ay taos pusong nagpapasalamat, sa pangunguna ni kapitan Wenilo "Jong" Ada & kapitana Leah Gloria Ada, Lalo't higit sa pang araw araw na pagkain at pangangailangan ng mga nagboluntaryong duty















Patuloy pa rin ang pagbabantay hanggang Nobyembre 03, 2021, at ang sementeryo ay sarado hanggang sa nabangit na petsa.

❣️
28/10/2021

❣️

Ikatlong araw, tuloy tuloy na operasyon bantay undas 2021, mabuhay kayo mga frontliners❣️
25/10/2021

Ikatlong araw, tuloy tuloy na operasyon bantay undas 2021, mabuhay kayo mga frontliners❣️

Alinsunod sa pagpupulong ng Inter Agency Task Force noong ika - 11 ng Oktubre, 2021 sa ganap na ika 3:00 ng hapon, ang m...
24/10/2021

Alinsunod sa pagpupulong ng Inter Agency Task Force noong ika - 11 ng Oktubre, 2021 sa ganap na ika 3:00 ng hapon, ang mga sumusunod na alituntunin sa pagpasok ng sementeryo sa darating na UNDAS ay ipapatupad:

1. 18-65 taong gulang lamang ang pinapayagang makapasok Ng sementeryo at DAPAT DALHIN at IPRESENTA ang mga sumusunod:
A) VACCINATION CARD o Health Declaration (kukuha sa inyong Barangay)

2. Ang sumusunod ay DAPAT GAWIN sa pagpasok sa sementeryo:
A) pagsusuot Ng facemask
B) pagdadala Ng Alcohol, hand sanitizer
C) pagpapakuha Ng temperature sa entrance Ng sementeryo

3. Ang mga sumusunod ay HINDI PAPAYAGANG GAWIN sa loob Ng sementeryo simula Oktubre 23 hanggang Oktubre 28, 2021
A) pagpapalipas ng gabi sa sementeryo
B) pagdadala ng pagkain, inuming nakaka lasing, armas at musical instruments
C) pagdadala o pagtatayo ng tents
D) pagtigil sa sementeryo ng higit 30 minutos

4. Lahat Ng magmmula sa labas ng lalawigan ng BATANGAS ay dapat magrehistro sa SPASS (SPASS Req. : Valid I.D. and Negative RTPCR Result)

5. Ang sementeryo ay BUKAS mula 8:00AM - 6:00PM araw - araw simula Oktubre 23 - Oktubre 28, 2021.

6. Ang sementeryo ay NAKASARA mula Oktubre 03 hanggang Nobyembre 03, 2021

7. Ipinagbabawal ang pagpasok Ng anumang Uri Ng sasakyan sa mga petsang nabangit - (Oktubre 23 - Nobyembre 03, 2021)

8. Ranging sasakyan ng mga MAGLILIBING at MAKIKIPAGLIBING lamang ang pinahihintulutang pumasok sa sementeryo simula Oktubre 23, 2021 hanggang Nobyembre 03, 2021.

Salamat sa mga sumusunod na organisasyon at Non - Government Organization
Functionaries - Officials, BHW, BPSO at VOLUNTEERS (sa pangunguna ni kapitan Wenilo Ada)






Sa pangunguna Ng ating butihing Mayor "Ildebrando D. Salud" at Brgy. Captain "Wenilo G. Ada" ay matagumpay na naisagawa ...
20/10/2021

Sa pangunguna Ng ating butihing Mayor "Ildebrando D. Salud" at Brgy. Captain "Wenilo G. Ada" ay matagumpay na naisagawa Ng maayos ang Dugtong Buhay Program Blood Letting Activity.

Nakiisa din ang ating Kasundaluhan,kapulisan at ang samahang BICO RIDERS (isang samahan na may layuning makatulong sa kapwa at komunidad) at ang mga taong may mabuting kalooban sa ibat ibang barangay (Brgy. Bulsa, Barualte, Bataan, Imelda, Laiya Aplaya at Hugom)sa pag bibigay nila ng dugo upang makatulong sa mga nangangailangan nating kababayan.

Dagdag pa dito ang ipinamalas na suporta din Ng ating Barangay Health Workers, Barangay Police Safety Officers at Barangay officials sa pag alalay sa ating mga Volunteer Blood Donators.

" MARAMING SALAMAT PO "

Address

Laiya Ibabao, San Juan, Batangas
Batangas City
4226

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Laiya Ibabao, San Juan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share


Other News & Media Websites in Batangas City

Show All