Probinsya News

Probinsya News PROBINSYA NEWS is a Media and RADIO & TV news program COVERING ENTIRE CALABARZON AND MIMAROPA

Gusto ko lang tani makaon buko salad, pero daw sobra na gd ni.
30/10/2022

Gusto ko lang tani makaon buko salad, pero daw sobra na gd ni.

Youth Summit, Isinagawa sa Lucena CityMatagumpay na natapos ang isinagawang Lucena Youth Summit sa pamamagitan ng limite...
22/10/2022

Youth Summit, Isinagawa sa Lucena City

Matagumpay na natapos ang isinagawang Lucena Youth Summit sa pamamagitan ng limited na face-to-face lecture noong ika-22 ng Oktubre taong kasalukuyan.

Dinaluhan ito ng mga lider estudyante at mga youth serving organization ng naturang lungsod.

Ito’y sa tulong ng pinagsanib-pwersa ng Local Youth Development Office sa ilalim ng pamumuno ni Ate Sweet Romulo at ng Sangguniang Kabataan Federation sa pamumuno ni SK Federation President Rolden C. Garcia.

Ilan sa mga naging resource speaker sa mga kabataan ay sina Former Chief Justice Maria Lourdes Serenno, Ma’am Alyssa Mijares, Ma’am Sheena, Ma’am Juliet, Kons. Patrick Nadera at Local Youth Ambassadress Ms. Angelica Alcala.

Sa nasabing Summit, itinuro sa mga kalahok ang kahalagahan ng pamilya; komunidad, ang sarili; kalikasan; tungkol sa Leadership Development at Role of Youth in Nation Building.

Layunin ng summit na matulungan ang mga kabataan na maunawaan ang kanilang mga tungkulin at responsibilidad sa komunidad, mapaunlad ang kanilang potensyal na pamumuno at maitaguyod ang pagiging nasyonalismo.

Layon din ng nasabing aktibidad na maturuan ang mga Kabataan sa kung paano mamuno sa isang organisasyon sa hinaharap.

Pinasalamatan naman ni SK Federation Pres. Garcia sina Mayor Mark Alcala at Vice Mayor Roderick Alcala dahil sa suporta at programang naisakatuparan.

Photo: Rolden C Garcia

PANAWAGAN: TULONG PARA KAY MANG JERRY TABANGNananawagan ng tulong pinansyal ang pamilya ni Jerry Tabang matapos na ito a...
22/10/2022

PANAWAGAN: TULONG PARA KAY MANG JERRY TABANG

Nananawagan ng tulong pinansyal ang pamilya ni Jerry Tabang matapos na ito ay ma-stroke.

Si Mang Jerry na caretaker at sepulturero sa Puerto Princesa City Cemetery ay isinugod sa ospital nang ito ay matumba habang nagtatrabaho.

Ayon sa kanyang asawa, tumaas ang blood pressure ni Mang Jerry na nauwi sa mild stroke at hanggang ngayon ay nasa Coop Hospital pa rin ito.

Si Jerry Tabang ay nag-iisang empleyado ng City Cemetery na ilang dekada nang nagbabantay sa sementeryo ng lungsod.
Hirap ang pamilya sa gastusin kaya ito humihingi ng tulong.
Sa mga nais tumulong:

GCash: 09519490240 (Mary Jessan Tabang)

Suportado ni SK Federation President Rolden C. Garcia ang isinagawang Rap Talents sa Lungsod ng Lucena kasama si SK Chai...
16/10/2022

Suportado ni SK Federation President Rolden C. Garcia ang isinagawang Rap Talents sa Lungsod ng Lucena kasama si SK Chairman ng Rafael Echano ng Brgy. Dalahican ng syudad.

Dito ay nagtagisan ang maraming millenials ng angkin nilang talento.

Courtesy | Rolden C Garcia

PABATID SA PUBLIKO : Sa sinuman na makapansin at makakita sa isang Gray na Sedan, may basag ang kanang side mirror at ma...
16/10/2022

PABATID SA PUBLIKO : Sa sinuman na makapansin at makakita sa isang Gray na Sedan, may basag ang kanang side mirror at may itim na side skirt design na plastic sa buong paligid.

Ang nasabing sasakyan ay isa sa mga dumaan na sasakyan sa nangyaring insidente/road crash na naganap sa tapat ng City Hall Annex, Barangay. Isabang, Lucena City noong October 12, 2022 sa oras humigit kumulang 7:30 ng gabi.

Ang inyong impormasyon ay malaking tulong sa ikalulutas ng kaso. Maaring makipag-ugnayan sa aming himpilan o hanapin c PEMS Aldin Rañola 09311002922.

Courtesy : Lucena PNP

Isang estudyante sinaksak ng kapwa mag-aaral sa bayan ng Pagbilao, QuezonArestado ang isang menor de edad na estudyante ...
16/10/2022

Isang estudyante sinaksak ng kapwa mag-aaral sa bayan ng Pagbilao, Quezon

Arestado ang isang menor de edad na estudyante matapos umano nitong saksakin ang kapwa nito estudyante sa loob ng isang pampublikong paaralan sa Barangay Mapagong, Pagbilao, Quezon nitong Martes, Oktubre 12.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas 6:30 ng umaga nang magkaroon umano ng mainit na alitan sa pagitan ng suspek na kinilala sa alyas na John at ng biktima na si alyas Dave.

Sa gitna ng alitan, nagbuno sa lupa ang dalawa kung saan doon na kumuha si John ng isang kitchen knife mula sa kanyang bag at saka sinaksak si Dave sa likod.

Agad namang dinala ng mga rumespondeng g**o ang biktima sa hospital para malapatan ng lunas habang si John ay agad na napasakamay ng security guard sa paaralan.

Sa kasalukuyan, nasa pangangalaga na ngayon ng Women and Children’s Protection Desk si John habang hinihintay na mai-turn over sa Municipal Social Welfare and Development (MSWD).

TINGNAN | Trending ngayon ang maternity shoot ng isang  tomboy at bakla sa Cebu City na malapit ng maging magulang.Sa ka...
16/10/2022

TINGNAN | Trending ngayon ang maternity shoot ng isang tomboy at bakla sa Cebu City na malapit ng maging magulang.

Sa kabila kasi ng kanilang pananaw sa kasarian ay hindi ito naging hadlang para bumuo ng sariling pamilya.

📷: JM Sanchez Photography

MAGPINSAN PATAY SA PAMAMARIL  SA CANDELARIA, QUEZONPatay ang isang 14-anyos na estudyante at ang pinsan nito matapos na ...
09/10/2022

MAGPINSAN PATAY SA PAMAMARIL SA CANDELARIA, QUEZON

Patay ang isang 14-anyos na estudyante at ang pinsan nito matapos na ang mga ito ay pagbabarilin ng kanilang kaalitan sa Candelaria, Quezon nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jimber Perez, grade 8 student at Alexander Perez, 18 anyos, parehong residente ng Sitio Baloyboy, Brgy. Masin Sur.

Batay sa report ng Candelaria police, nangyari ang pamamaril sa vulcanizing shop na pinagtatrabahuhan ng biktimang si Alexander sa Cabuñag Street, Brgy. Poblacion dakong alas 8:20 ng gabi.

Dumating ang suspek na si John Peter De Villa, 23 anyos, taga Brgy. Pahinga Sur, na armado ng maiksing baril at unang pinagbabaril ang biktimang si Jimber na tinamaan sa dibdib at sa pisngi.

Tinangka pang tumakbo ng biktimang si Alexander, subalit hinabol din ito ng suspek at saka binaril kungsaan tinamaan ito sa likod.
Mabilis na tumakas ang suspek at sumakay sa naghihintay na motorsiklo na minamaneho ng kasapakat nito na kinilalang si Romnick Pasahol, 31, taga Brgy. Malabanban Norte.

Isinugod pa ang dalawa sa ospital subalit parehong idineklarang dead on arrival ng doktor.

Ayon kay Candelaria police chief, PLTCOL Dennis De Leon, alitan sa pagitan ng grupo ng biktimang si Jimber at ng suspek ang lumalabas na motibo sa krimen.

Nagsasagawa pa ngayon ng manhunt operation ang Candelaria police sa ikadarakip ng suspek at ng kasama nito.

PHOTO COURTESY : Candelaria PNP

‘DELIVERY VAN PUMARADA SA ILOG MARIKINA CITY’Ibinahagi ng netizen na si Domingo ang mga litrato na ito ng isang delivery...
06/10/2022

‘DELIVERY VAN PUMARADA SA ILOG MARIKINA CITY’

Ibinahagi ng netizen na si Domingo ang mga litrato na ito ng isang delivery van na sumubsob sa ilog ng Marikina.

Kwento ni Domingo, nag bi-bisikleta lamang umano siya noong nakita niya ang van na walang sakay at wala rin ang driver.

Dagdag pa nito, kumakain lang umano ang driver ng van at nalimutan na ikambyo ang handbreak ng sasakyan.

(📷Domingo Dela Paz/Facebook)

BIYAHE NG PNR CALAMBA CITY – LUCENA CITY AND VICE VERSA  ARANGKADA NA Simula ngayong araw, October 6 ay aarangkada na an...
06/10/2022

BIYAHE NG PNR CALAMBA CITY – LUCENA CITY AND VICE VERSA ARANGKADA NA

Simula ngayong araw, October 6 ay aarangkada na ang biyahe ng PNR train mula sa Calamba City hanggang Lucena City and vice versa.

Ayon sa PNR, ang Inter-Provincial Commuter Lucena - Calamba City ng Philippine National Railways ay duduktong sa una ng binuksan na San Pablo-Lucena City route.

Ang inisyal na schedule ay mayroon lamang tig-isang biyahe ng tren sa maghapon, araw araw. Aalis sa Lucena City ang tren na diretsong Calamba City tuwing alas 4:50 ng madaling araw at ang Calamba to Lucena naman ay tuwing alas 6:30 ng gabi.

Ang direstong pamasahe ay nagkakahalaga ng P105.00 at P84.00 naman ang discounted fare para sa mga estudyante, PWD at mga senior citizen kungsaan mayroon ito ng 11 daraanang station.

Samantala ayon pa rin sa PNR, mananatili naman ang dati ng San Pablo-Lucena City and vice versa schedule ng PNR na unang ng binuksan noong June 26.

TINGNAN| Naging katatawanan para sa iba ang tatoo na listahan ng grocery.Ngunit para kay Bojo Aquino, isang OFW sa Taiwa...
06/10/2022

TINGNAN| Naging katatawanan para sa iba ang tatoo na listahan ng grocery.

Ngunit para kay Bojo Aquino, isang OFW sa Taiwan, ito ang pinakamagandang masterpiece na kanyang naipalagay sa katawan.

Ang grocery list kasi ang huling mensahe ng kanyang nakababatang kapatid na pumanaw nitong Hunyo lang.

“My youngest brother never failed to message me every payday. Bago pa makapagpadala, may sarili na syang listahan of goods for his own. Not until He died this June. This was the last grocery list he wrote, a few days before he passed away. I know, a lot of people will make fun of this. "Bat may Yakult, Doritos jan?” As expected, people will laugh at things they don't understand but I don't care that much. For me, this is the most beautiful masterpiece I've ever had".

📷 Bojo Dela Cruz Aquino

Address

Batangas Province
Batangas City
4200

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Probinsya News posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Probinsya News:

Share


Other Batangas City media companies

Show All