Kaagapay ng PNP lalo na ng Police Community Affairs and Development Group (PCADG) ang ating Non-Uniformed Personnel (NUP) sa pagpapa-abot ng serbisyo at malasakit sa ating mga lolo at lola...
Kilalanin natin si NUP Juliet Rosales na nagbigay-ngiti at kasama sa pagpapahalaga sa ating mga senior citizens mula dito sa San Juan City.
Sumabay sa indak ang ating mga lola mula dito sa Little Sisters of the Abandoned Elderly ng San Juan City ngayong araw ng Huwebes, Oktubre 26, 2023.
Dahil sa ligaya at tulong na hatid ng Police Community Affairs and Development Group (PCADG) sa ilalim ng liderato ni Police Brigadier General Lou F Evangelista.
Mahalin natin ang ating mga lola at lolo habang sila ay nabubuhay pa. Ipadama natin sa kanila ang ating walang hanggang pagmamahal...
Golden Moments with Lola... 😍😍😍
ATM: Shempre hindi lang brain and beauty ang ikakabuga ng aming Chief ng Information and Communication Development Division na si Police Colonel Nieves Dela Pena.
Game na game din ito sa sayawan kasama ang mga bumubuo ng Regional Police Community Affairs and Development Unit (RPCADU) NCR para sa isang intermission number sa idinaos na socials ng PCADG.
Pinangunahan ni Police Captain Jezzryl Failagmao mula sa Chaplain Service ang Eucharistic Mass at binasbasan ang mga birthday celebrators ng buwan ng Setyembre mula sa mga tauhan ng Police Community Affairs and Development Group (PCADG) sa ilalim ng pamumuno ni Police Brigadier General Lou Evagelista Director ng PCADG na idinaos sa may AVR ng PNP Museum, Kampo Krame, Quezon City nito lamang umaga ng Biyernes, Setyembre 8, 2023.
Nagbigay-saya at napaindak naman ng PNP COMBO PCADG ang mga benipisyaryo sa mga kantang handog para sa ating minamahal na kababayan...