Vital Signs

Vital Signs The Official Student Publication of UP College of Nursing: "Our duty is the truth."
(1)

NGAYON: Nagpulong ang Student Legislative Assembly (SLA) at Nursing Student Council (NSC) ukol sa pag-apruba ng Memorand...
30/09/2024

NGAYON: Nagpulong ang Student Legislative Assembly (SLA) at Nursing Student Council (NSC) ukol sa pag-apruba ng Memorandum of Understanding (MOU) at pag-amyenda ng Saligang Batas ng Nursing Student Assembly (NSA) nitong alas-5 ng hapon, ika-30 ng Setyembre, 2024 sa Zoom.

Itinalakay sa pulong ang mga naging isyu kamakailan sa prosesong elektoral, gaya na lamang ng mga bakanteng posisyon sa konseho, at ang naging paghirang sa Batch Student Council ng Klase ng 2026 na labag sa saligang batas ng NSA. Naging bunsod ito ng pagbalangkas ng MOU upang resolbahan ang mga nasabing isyu.

Nagmungkahi rin ang NSC ng mga maaaring amyendahan sa saligang batas ng NSA na pag-uusapan pa sa mga susunod na pagpupulong.

Ngayong araw, 52 taon na ang nakalipas, ay nilagdaan ng diktador na si Ferdinand E. Marcos ang Proclamation No. 1081, na...
21/09/2024

Ngayong araw, 52 taon na ang nakalipas, ay nilagdaan ng diktador na si Ferdinand E. Marcos ang Proclamation No. 1081, na siyang naging simula ng panahon ng malawakang pagkulong, pagtortyur, pagpaslang, at iba pang panunupil sa karapatang pantao ng ating mga kapwa mamamayan.

Maraming taon na ang nakalipas matapos ang madilim na panahon na iyon, ngunit hanggang ngayon ay nararamdaman pa rin natin ang parehas na banta sa karapatang pantao sa ilalim ng bagong rehimeng Marcos.

Sa panahong pilit na binubura ang legasiya ng mga naging biktima ng Batas Militar, tayo ay dapat makiisa sa patuloy na pag-alaala nito.

NEVER AGAIN. NEVER FORGET.

NGAYON: Nagtipon ang UPCN Class of 2025 sa UPCN Auditorium para sa kanilang pinakahihintay na Pinning and Candle-Lightin...
29/08/2024

NGAYON: Nagtipon ang UPCN Class of 2025 sa UPCN Auditorium para sa kanilang pinakahihintay na Pinning and Candle-Lighting Ceremony “ALAPAAP: Pagsulyap sa Ulap ng mga Pangarap”.

WELCOME, FRESHIES!Kick-starting the new school year ahead, freshies were welcomed with this year’s UPCN Organization Fai...
19/08/2024

WELCOME, FRESHIES!

Kick-starting the new school year ahead, freshies were welcomed with this year’s UPCN Organization Fair “KaugNayan” which will run from August 19 to 22, 2024 at the UPCN lobby.

College-based organizations participating are as follows: SANDIG, YEARN, MNO, NAC, and SINAG. Visit their respective pages for application details.

Following the freshie orientation, an easter-egg-hunt themed buddy hunting entitled “Eggspecially For You” was organized by the sophomores. The buddy hunting is an annual UPCN event which allows freshies to ask tips and tricks from their "buddy" sophomores who can guide them throughout their UPCN stay.

Caption by: Jersten Aliniah Julian
Photos by: Ashanti Roldan

NGAYON: Pormal na inihalal at nanumpa ang Nursing Student Council (NSC) ng taong panuruan 2024-2025 sa UP College of Nur...
19/08/2024

NGAYON: Pormal na inihalal at nanumpa ang Nursing Student Council (NSC) ng taong panuruan 2024-2025 sa UP College of Nursing Auditorium

CHAIRPERSON: Ayeicza A. Bautista
VICE CHAIRPERSON (INTERNALS): Zuriel Josh A. Velasco
VICE CHAIRPERSON (EXTERNALS): Serafin Marcus C. Bravo
FINANCE OFFICER: Erica Ann M. Palermo
CN REPRESENTATIVE TO THE USC: Bianca Patricia Mae A. Illana
BATCH 2027 REPRESENTATIVE: Niñaflor Angeline D. Corpuz
BATCH 2028 REPRESENTATIVE: Carlene Precious P. Canlas

Kasalukuyang bakante ang mga posisyon ng Secretary-General, Public Information Officer, 2025 Batch Representative, 2026 Batch Representative, at Postgraduate Representative.

PAHAYAG UKOL SA AGRESYON NG KAPULISAN TUNGO SA MGA DELEGADO NG ika-57 UP GASCni Ace of WandsKahapon, ika-16 ng Agosto 20...
17/08/2024

PAHAYAG UKOL SA AGRESYON NG KAPULISAN TUNGO SA MGA DELEGADO NG ika-57 UP GASC
ni Ace of Wands

Kahapon, ika-16 ng Agosto 2024, ay hinarang at pinalibutan ng kapulisan ang mga delegasyon na kalahok sa ika-57 na General Assembly of Student Councils (GASC) sa Tacloban, Leyte pagkatapos ng isang iglap-protesta na isinagawa sa Macdiola, Tacloban noong ika-5 ng hapon. Mahigpit na kinokondena ng Vital Signs ang hindi makatarungang panunupil sa karapatan at pagbabanta sa kapakanan ng ating mga lider-estudyante at estudyanteng mamamahayag.

Naputol ang protesta dahil sa biglaang pagpalibot at pagtangkang pag-aresto ng miyembro ng kapulisan sa mga delegado. May isang inarestong delegado at dinala sa sasakyang pampulis. Ang naging negosasyon ng dalawang panig ay umabot ng dalawang oras bago tuluyang pakawalan ang mga delegado. Ang biglaang agresyon ng kapulisan sa mga mamomrotesta ay isang malinaw na paglabag sa karapatan ng mga estudyante sa mapayapang pagtitipon, at banta sa kapakanan ng sangkaestudyantehan.

Ilan sa kanilang mga naging panawagan ay ang demilitarisasyon ng mga paaralan, abolisyon ng NTF-ELCAC, at ang pasulong laban sa redtagging. Ligtas na ngayon ang mga lider-estudyante at mamamahayag na sangkot sa pangyayari kahapon, ngunit ito ay isang paalala sa patuloy na paglaban para sa malayang pamamahayag at pagtaguyod ng karapatang pantao. Hinihikayat din ang pakikiisa ng lahat ng kolektibo sa UPM upang ipalaganap ang kamalayan patungkol sa insidenteng ito.

Vital Signs, the Official Student Publication of the UP College of Nursing, is now on the hunt for new staffers who will...
16/08/2024

Vital Signs, the Official Student Publication of the UP College of Nursing, is now on the hunt for new staffers who will uphold its duty — the truth.

The publication is in search of:

News Writers
Feature Writers
Opinion Writers
Graphics/Layout Artists
Cartoonists
Photojournalists

Any bonafide UPCN student is eligible to apply. Previous experiences or expertise are NOT REQUIRED to join. The publication highly appreciates anyone who is willing to learn and develop their skills. We thank you in advance for showing your interest in joining the publication and in choosing to utilize your skills and talent for the service of people!

You may access the forms through the link below:

https://bit.ly/VS_2425
https://bit.ly/VS_2425
https://bit.ly/VS_2425

Application Period is open from August 16 to September 16, 2024.

Publication Material by Mel Manapol

ODISEYA: Wakas ng Isa, Tungo sa Pag-unladBinigyang pagkilala ang 56 na mag-aaral mula sa UP College of Nursing (UPCN) Cl...
23/07/2024

ODISEYA: Wakas ng Isa, Tungo sa Pag-unlad

Binigyang pagkilala ang 56 na mag-aaral mula sa UP College of Nursing (UPCN) Class of 2024 kahapon, Hulyo 22, sa College of Nursing Auditorium.

Matapos ang talumpati sa Pagbabalik-Tanaw ng Klase ng 2024 ng kanilang kinatawan na si Mary Adrinne Abejo, nagkasa ng iglap-protesta ang Class of 2024 bitbit ang mga panawagan para sa kalidad at aksesibleng serbisyong pangkalusugan sa bawat Pilipino. Inilahad din nila ang ilang mga suliraning pumapalibot sa pangkalusugan kabilang na ang kakulangan sa healthcare workers sa bansa dahil sa mababa at hindi makatarungang sweldo, unsafe working conditions, at mataas na nurse-to-patient ratio.

Nakatanggap ng natatanging parangal ang mga sumusunod:

ANGELIE MAE MANCENIDO (Class Valedictorian, Magna Cum Laude; Unang Parangal: Bienvenido Gonzales)

RHADRIAN RAPHAEL RESUELLO (Leadership Award)

TREVOR PHOENIX LOMOTOS (Community Involvement Award)

FRANCES REI REYES (Best in Clinical Performance)

Pagpupugay sa UPCN Class of 2024!

Caption by: Ashanti Roldan
Photos by: Jersten Julian



HAPPENING NOW: UPCN Class of 2024 is having their College Recognition Ceremony today, July 22, at the UPCN Auditorium.  ...
21/07/2024

HAPPENING NOW: UPCN Class of 2024 is having their College Recognition Ceremony today, July 22, at the UPCN Auditorium.



Noong Huwebes, Hulyo 11, sa UPCN HANAY Miting De Avance 2024, ipinresenta ng mga kandidato ng UP Nursing Student Council...
15/07/2024

Noong Huwebes, Hulyo 11, sa UPCN HANAY Miting De Avance 2024, ipinresenta ng mga kandidato ng UP Nursing Student Council (NSC) ang kanilang mga plataporma para sa taong panuruan 2024-2025.

Anim na kandidato mula sa SANDIG ang naghahangad na maglingkod sa UP NSC. Tumatakbo sina Ayeicza Bautista bilang Chairperson, Zuriel Velasco bilang Vice-Chairperson for Internals, Serafin Bravo bilang Vice-Chairperson for Externals, Erica Palermo bilang Finance Officer, Bianca Illana bilang CN Representative to the USC, at Niñaflor Corpuz bilang 2027 Batch Representative.

Bigyang pansin ang kanilang naging mga sagot sa mga tanong ng sangkaestudyantehan, upang lubusang makilala at matuklasan ang plataporma at mga proyektong nais ihain ng mga kandidatong ito para sa nararating na taong panuruan. Bumoto para sa maaasahang lider-estudyante!

Caption by: Jed Santiago & Jersten Julian
Layout Design by: Mel Manapol

Sa UPCN HANAY Miting De Avance 2024 nitong Huwebes, Hulyo 11, inilahad ng tatlong kandidato ng UPM University Student Co...
13/07/2024

Sa UPCN HANAY Miting De Avance 2024 nitong Huwebes, Hulyo 11, inilahad ng tatlong kandidato ng UPM University Student Council (USC) ang kani-kanilang plataporma para sa taong panuruan 2024-2025.

Dumalo ang tatlong natatanging kandidato na naghahangad maglingkod sa UPM USC na sina Alec Xavier Miranda para sa USC Chairperson, Maria Ysabelle Briones para sa USC Vice Chairperson, at Nuraini Nordin para sa USC Councilor for People’s Struggles.

Ating kilatasin at kilalanin ang mga kandidatong ito sapagka’t bilang mga estudyante at mamboboto, mahalagang ating ilagay sa posisyon ang mga taong kayang pamunuan ang pag-unlad ng ating minamahal na institusyon.

Caption by: Jersten Julian
Layout Design by: Mel Manapol

TINGNAN: Inilabas ng UP Office of the Student Regent ang inisyal na listahan ng mga kandidato para sa ika-41 na UP Stude...
03/07/2024

TINGNAN: Inilabas ng UP Office of the Student Regent ang inisyal na listahan ng mga kandidato para sa ika-41 na UP Student Regent.

Ang Student Regent ay ang natatanging kinatawan ng mga mag-aaral sa buong UP System sa UP Board of Regents (BOR), ang pinakamataas na lupon sa pamantasan.

: INITIAL LIST OF NOMINEES FOR THE 41ST UP STUDENT REGENT

The UP Office of the Student Regent received the nominations of the following students from the indicated colleges:

AC-AC, Carla
UPLB College of Forestry and Natural Resources Nominee

BALINGIT, Geraldine
UPLB College of Agriculture and Food Sciences Nominee

DURAN, Francesca Mariae
UPD College of Social Sciences and Philosophy Nominee
UP Mindanao College of Humanities and Social Sciences Nominee

LACHICA, Paul
UP Tacloban College - Division of Social Sciences Nominee

REYES, Mary Sunshine
UPD National College of Public Administration and Governance
UPD College of Fine Arts Nominee
UPM College of Pharmacy Nominee
UPM School of Health Sciences - Tarlac Nominee

VELEZ, Rachel
UPLB College of Veterinary Medicine Nominee

The search process for the UP Student Regent has three stages: the college-wide deliberations, university-wide deliberations, and the systemwide deliberations. In all these processes, the respective nominees will undergo careful deliberations with the respective college and/or university search committees.

After these deliberations, only the nominees endorsed by the UP unit will proceed to the final stage of selection at the convention of the General Assembly of Student Councils, where the final order of nominees will be determined.

The SR is the lone student representative in the UP Board of Regents (BOR). They are mandated to consult with students, spearhead campaigns, and ultimately defend the students’ rights and welfare.

The UP OSR calls on all students, councils, publications, formations to actively take part in the search. The official memorandum and Codified Rules for Student Regent Selection can be accessed and read in the previous posts.

In celebration of Pride month, this literary piece is dedicated to all members of the LGBTQIA+ community. Whether you ar...
30/06/2024

In celebration of Pride month, this literary piece is dedicated to all members of the LGBTQIA+ community. Whether you are out or closeted, know that you are loved, seen, heard, and validated everyday and always.

With love and for love, Vital Signs stands in solidarity with the LGBTQIA+ community. Let us all work together towards an inclusive and understanding society—a safe place for everyone in all colors of the spectrum.

Pride Month may come to a close, but may the fight for equality and the right to love continue to burn bright.

🏳️‍🌈

Literary by mdm
Caption by JC Padua & Apollo Tumaliuan

SEE: https://medium.com/.vitalsigns/nychthemeron-a88b31cb796e

TINGNAN: Inilatag ng UPM University Electoral Board ang mga kandidatong tatakbo para sa UPM University Student Council (...
29/06/2024

TINGNAN: Inilatag ng UPM University Electoral Board ang mga kandidatong tatakbo para sa UPM University Student Council (USC) 2024–2025

VITAL SIGNS TURNOVER CEREMONY 2024Binigyang-pugay ang bagong mga miyembro ng Editorial Board para sa taong panuruan 2024...
29/06/2024

VITAL SIGNS TURNOVER CEREMONY 2024

Binigyang-pugay ang bagong mga miyembro ng Editorial Board para sa taong panuruan 2024-2025, kasabay ang pagkilala sa bagong adviser ng publikasyon, sa naganap na Turnover Ceremony kahapon, Hunyo 28.

Sa pagwakas ng panunungkulan ng dating Editorial Board, kanilang inilatag ang ilang mga mungkahi at hangarin para sa hinaharap ng Vital Signs.

Nagpapasalamat din ang Vital Signs sa pagdalo ng UP Nursing Student Council at UP Solidaridad sa seremonya.

Lagi't lagi, para sa bayan!

Address

Julita V. Sotejo Hall, UP Manila, Pedro Gil Street
Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Vital Signs posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Vital Signs:

Videos

Share

Nearby media companies


Other Media/News Companies in Manila

Show All