Mula sa mga nagtataasang bilihin, kakulangan sa badyet sa sektor ng edukasyon, at patung-patong na krisis panlipunan, ano nga bang kahilingan ang nais maisakatuparan ng bawat estudyante at manggagawa sa loob ng pamantasan?
Panoorin ang aming inihanda at alamin ang mga kahilingan ng komunidad ng PUP.
| Inihanda nina Pauleen Solomon, Candace Baricuatro, Richie Mahinay, Paulene Monterde, Lia Rivera at Leslie Canon
Sa isinagawang kilos-protesta bilang paggunita sa Araw ng Karapatang Pantao, nagkaisa ang iba't ibang sektor at nagmartsa mula Liwasang Bonifacio patungong Mendiola upang ipatampok ang panawagan para sa malayang pamamahayag, paglaya ng political prisoners, makataong sweldo ng mga manggagawa, hustisya sa paglabag sa mga karapatang-pantao, gayundin ang paniningil sa pamilyang Marcos, at pagpapatalsik sa pwesto kay Bise Presidente Sara Duterte.
Ang araw na ito ay isang paalala na ang karapatang pantao ay para sa lahat at hindi lang sa iilan.
✍️: Lia Rivera
🎥 Leslie Canon, Arliz Torre, at Richie Mahinay
Sa ika-161 na kaarawan ni Gat Andres Bonifacio, nagtipon ang iba’t ibang progresibong grupo upang magkaisa sa diwa ng pakikibaka para sa tunay na kalayaan at katarungan. Kahapon, Nobyembre 30, 2024, nagmartsa ang malawak na hanay ng masa mula Liwasang Bonifacio patungong Mendiola, bitbit ang mga panawagan para sa karapatan at kapakanan ng sambayanang Pilipino.
Ang araw na ito ay paalala na hindi natatapos ang laban sa kasaysayan lamang. Ang diwa ni Bonifacio ay nananatili sa bawat hakbang ng mamamayang Pilipino para sa pagbabago. Mabuhay ang rebolusyonaryong diwa ng pakikibaka!
✍️: Camille Vergara
🎥: Leslie Canon, Arliz Torre, Lia Rivera, at Richie Mahinay
Sa nalalapit na paggunita ng International Students' Day, patuloy na ipinapahayag ng mga estudyante ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) ang kanilang mga hinaing kaugnay ng mga karapatang nararapat nilang matamasa bilang mag-aaral.
Kasabay ng pagsalubong sa pandaigdigang araw ng mga estudyante ang patuloy na pakikipaglaban para sa tunay na akademikong kalayaan, pagtutol sa Mandatory ROTC, pagkondena sa sunod-sunod na tapyas-pondo, at panawagan para sa makamasa, dekalidad, at aksesableng edukasyong paglilingkuran ang sambayanan.
Ano nga ba ang mga karapatan na dapat natatamasa ng bawat estudyante? Dagdag dito, bilang mga Iskolar ng Bayan, ano nga ba ang dapat nating gawin para maipaglaban pa ito?
Tara't samahan niyo kaming alamin ang kanilang #PanawaganNgPupians!
Inihanda nina Richie Mahinay, Jeph Arquero, Leslie Canon, Lia Rivera , France Razon, Kristine Llamera, Arliz Torre, Rhyzza Gayle Tamayo, at Joel Vinluan.
PANOORIN | Sa pagpapatuloy ng programa, nag-alay ng mga kultural na pagtatanghal ang mga kaanak ng biktima ng enforced disappearances bilang handog at tanda ng pagluluksa sa mga "walang puntod".
PANOORIN | Bago matapos ang programa, nagbahagi si Ka Danilo "Daning" Ramos ng tulang isinulat niya upang magsilbing paalala sa patuloy na pagsulong sa karapatan ng mga magsasaka sa kabila ng militarisasyon, matinding paghihirap, at kawalan ng tunay na reporma sa lupa.
Sa datos ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), pito sa 10 magsasaka ang nananatiling walang sariling lupa.
PANOORIN | Militanteng sinalubong ng mga artista ng bayan at alagad ng midya ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) ang kanilang araw ng pagtatapos bitbit ang panawagan sa kakulangan ng pondo hanggang sa patuloy na panghihimasok ng militar sa pamantasan, ngayong araw, October 3 sa Philippine International Convention Center (PICC).
Ang isinagawang iglap-protesta sa huling parte ng commencement exercise ng College of Arts and Letters (CAL) at College of Communication (COC) ay marka ng kanilang apat na taon bilang Iskolar ng Bayan. Turol rin ng mga magsisipagtapos ang patuloy na pagbitbit ng kanilang mga kaalaman mula sa pamantasan at walang pagod na paglingkuran ang sambayanan.
PANOORIN | Militanteng sinalubong ng mga atleta ng bayan, guro ng bayan at teknolohista ng bayan ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) ang kanilang araw ng pagtatapos bitbit ang panawagan sa sumisidhing kalagayan ng sistemang pangedukasyon at represyong kinakaharap ng mga iskolar ng bayan, ngayong araw, October 3 sa Philippine International Convention Center (PICC).
Ang isinagawang iglap-protesta sa huling parte ng commencement exercise ng College of Human Kinetics (CHK), College of Computer and Information Sciences (CCIS) at College of Education (COED) ay marka ng kanilang apat na taon sa pamantasan. Turol rin ng mga magsisipagtapos ang pagpapatuloy ng militanteng tradisyon at pagpaparangal sa mga PUPian na namartyr.
PANOORIN | Nakalaya na ang #PUP3 matapos ang higit 4 na araw na illegal detainment sa walang batayang mga kaso ng Vandalism, Malicious Mischief, at Disobedience to authority ngayong hapon, September 23.
Sa kabila nito, patuloy ang panawagan ng komunidad laban sa patuloy na panunupil ng administrasyon sa mga progresibong kabataan.
#ReleasePUP3
Militanteng sinalubong ng mahigit 400 iskolar ng bayan ang unang araw ng pasukan o First Day Fight dala ang panawagan para sa higher education budget at aksesableng batayang serbisyo kahapon, September 9, sa PUP Sta. Mesa Campus.
Sa pagpasok ng ikaapat na taon ng Sintang Paaralan mula noong COVID-19 pandemic, nananatiling hybrid mode of learning pa rin ang natatamasa ng mga mag-aaral na manipestasyon ng pagkabigo ni Marcos Jr. na tugunan ang pangako para sa sektor ng edukasyon, gayundin ang sentimento nitong nakaahon na ang Pilipinas sa epekto ng pandemya.
Sa PUP, nariyan ang kakulangan pa rin sa pasilidad at klasrums sa Main building dahil hindi pa rin tapos ang renobasyon ng gusali, kakulangan sa learning materials, mababang pasahod sa mga guro at kawani, at pagkakait sa mga mag-aaral ng karapatan sa inklusibong edukasyon sa porma ng mga anti-estudyante't represibong kaso at polisiya sa ilang mga kolehiyo.
Habang barat na barat ang budget sa edukasyon, kalusugan, trabaho, at pabahay, lumolobo ang budget para sa pamamasismo ng militar, infrastructure, at mga unprogrammed funds na magbibigay daan sa korapsyon.
Bunsod nito, nagpatuloy ang mapanlabang tradisyong First Day Fight ng mga iskolar ng bayan na dinaluhan ng iba't-ibang organisasyon, konseho, at sektor sa gitna ng tumitinding panggigipit ng administrasyong Marcos Jr. sa sektor ng edukasyon at patong-patong na krisis pambansa.
Kasabay ng paparating na Student Council Elections 2024, naninindigan ang mga kabataang iskolar ng bayan na panagutin ang administrasyong Marcos Jr. sa kapabayaan nito sa sektor ng kabataan at pagkakait sa mga basikong karapatan ng mamamayan.
🎥: Gayle Tamayo, Arliz Torre, & Leslie Canon
ISKOLAR NG BAYAN, DUGONG MAKABAYAN, DIWANG PALABAN!
Mula Sta. Mesa hanggang Commonwealth Avenue, laksa-laksang tumungo ang komunidad ng PUP sa SONA ng Bayan upang dalhin ang panawagan para sa pagpapataas ng pondo sa pamantasan, karapatan sa edukasyon, at pambansang soberanya.
Giit ng nagkakaisang mga iskolar, kaguruan, at Samahan ng mga Janitorial ng PUP na manananatiling purong kasinungalingan lamang ang one-hour State of the Nation Address ni Marcos Jr. hanggang hindi nito kinikilala ang lumulubha pang krisis pambansa mula sa sektor ng mga magsasaka, manggagawa, at kabataan.
Sa kasalukuyang kalagayan ng pamantasan, nariyan ang krisis sa komersyalisadong edukasyon, student repression cases, campus press freedom violations, mga namamataang police/military presence sa mga branches and campuses, mababang pasahod sa teaching and non-teaching personnel, kakulangan sa pasilidad, mababang pondo, at iba pa na labis na nagpapahirap sa komunidad upang matamasa ang aksesable at dekalidad na edukasyon.
Kasabay ng mga ito, patuloy na naiipit sa tensyon ang bansang Pilipinas sa pagitan ng US at China para dominahin ang West Philippine Sea. Nagsisilbi itong dahilan para malayang makapagpapasok ang administrasyong Marcos Jr. ng mga dayuhang tropang militar para tuwirang makapagtayo ng base sa bansa na magagamit lamang upang lalong mangtapak ng karapatang pantao, gayundin ay lumpuhin ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng Charter Change at iba pang mga di-pantay na tratado sa US sa tabing na sila ay ating kaibigang bayan.
Kaya naman ang panawagan ng komunidad ng PUP: PUP Budget, Itaas! Marcos ChaCha, Biguin! US-China, palayasin!
🎥: Arliz Torre, Leslie Canon, Gayle Tamayo, Kylie Abogado
Ilang dekada na ang paglaban ng komunidad ng sangkabaklaan laban sa diskriminasyon at para sa pantay na karapatan sa loob ng macho-pyudal na lipunan. Kaya naman ang pagdiriwang ng Pride tuwing buwan ng Hunyo ay nagsisilbing ligtas na espasyo upang malayang ipahayag ang kanilang mga sarili at lalo pang ipatambol ang panawagan ng komunidad sa karapatan, edukasyon, at trabaho.
Kaya naman nakiisa ang PUP The Catalyst sa Quezon City Circle nitong Hunyo 22 upang ipagdiwang ang Pride kasama ng komunidad at upang alamin kung gaano nga ba kahalaga ang Pride Month para sa kanila. Panoorin mula rito:
Producers:
Katherine Lagunda
Marc David Golisao
#PrideMonth2024