20/12/2024
| ๐ช๐ต๐ฒ๐ป ๐ ๐ด๐ฟ๐ผ๐ ๐๐ฝ...
Tuwing may moving-up ceremony, isang tanong ang palaging bumabalik-balik sa bawat pagtataposโ"What do you want to be when you grow up?" Tanong ito ng mga magulang sa kanilang anak, minsan may halong saya, minsan may halong pangarap. Sa unang dinig, tila napakasimple. Bata pa kasi; ano nga ba ang mahirap sa tanong na iyon? Ngunit habang patuloy tayong tumatanda, lumalalim ang bawat salita sa tanong na iyonโat nagiging masalimuot ang paghahanap ng sagot.
"When I grow up, I want to be a supermodel," sabi ko noong akoโy anim na taong gulang lamang. Pagkaraang tanghaling reyna sa Santa Cruzan ng aming barangay, tuwang-tuwa ako sa bawat palakpak at tingin ng paghanga sa aking suot na damit at korona. Noon, ang pangarap ay tila madaliโmaganda, makulay, at puno ng saya, hindi ko kailanman naisip na magbabago ito. Ngunit ang mga pangarap ng isang bata ay tila mga bula sa tubigโsumisikat ngunit madaling lumilipad, nagbabago ng anyo sa bawat haplos ng hangin.
"When I grow up, I want to be an accountant," sabi ko noong akoโy siyam na taong gulang. Suhestiyon ito ng aking mga magulang; nakita kasi nila ang talento ko sa matematika at paghahati ng mga numero. Wala pa akong masyadong alam tungkol sa trabaho, ngunit ang pagkakaroon ng propesyon ay tila isang mahalagang pangarap, kaya't ginusto ko ring magustuhan ito. Ang mga numero ay tila naging kaibigan ko sa mga klase at sa aking murang isip, sapat na iyon upang sundan ang nais ng mga magulang ko.
"When I grow up, I want to be an artist." Labing dalawang taong gulang ako nang matuklasan ko ang bagong anyo ng paglikha, hindi sa numero kundi sa mga guhit at kulay. Isang araw, napansin kong kaya ko palang gumuhitโat may kasiyahan sa paggawa nito. Para bang sa bawat stroke ng lapis ay may kalayaang hindi ko maramdaman sa ibang aspeto ng aking buhay.
Nag-iba ang aking daan, mas magulo, mas masining, ngunit mas personal. Kung noon ay ako ang sinusundan ng pangarap, ngayon ay ako na ang humahawak dito, gumagawa ng mga linyang hindi diretso, ngunit puno ng damdamin.
"When I grow up, I want to be an architect." Isang bagong paglipat, ngunit may koneksyon pa rin sa nauna. Ang pagiging arkitekto ay tila pagsasanib ng mga bagay na gusto koโpaglalaro ng hugis, paggamit ng mga guhit, at paglikha ng isang bagay na matibay, praktikal, at maganda. Sa tuwing titingin ako sa mga gusali, iniisip kong balang araw ay ako rin ang may gawa ng mga ito. Tila nanumbalik ang panaginip ng batang gustong maging supermodel, ngunit ngayon, hindi na ang sarili ang nasa entablado, kundi ang mga gusaling gawa ng aking imahinasyon.
"When I grow up, I want to be an engineer." Sabi ko noong akoโy labing anim na taong gulang, sa edad kung saan pakiramdam koโy kinakailangang bigyang pansin ang mga hangarin ng nakararami para sa akin. Marahil, iyon ang pagkamulat ko sa reyalidad na minsan ay hindi lamang ikaw ang gumagawa ng pangarap mo. Ngunit habang nag-aaral at sinusubukang tanggapin ang posibilidad, hindi ko magawang maramdaman ang kaligayahan na minsan kong natagpuan sa ibang pangarap. Ang tanong sa moving-up ay tila bumabalik, mas mahirap
sagutin kaysa dati.
"When I grow up, what do I really want to be?" Ngunit sa pagkakataong ito, ang tanong ay hindi na buhat sa aking mga magulang, kundi sa aking sarili. Ano nga ba talaga ang nais kong gawin sa buhay na ito? Bakit tila paulit-ulit ang paglipat at pag-aalinlangan? At sa ganitong edad, huli na ba para sa akin na mangarap pa? Bawat sagot sa tanong na iyon ay parang paglipat ng pahina ng isang librong isinusulat ko, ngunit bakit tila hindi ko mahuli ang kabuuan ng kwento?
Siguro, ang tunay kong pangarap ay hindi sa propesyon, titulo, o posisyon. Sa bawat sagot ng "When I grow up..." ay ang hinahanap kong kasagutan na hindi tungkol sa kung ano ang gusto kong gawin kundi kung ano ang nais kong maramdaman. At siguro, sa huli, ang sagot sa tanong ng moving-up ay: "When I grow up, I want to be happy.โ
โ
Isinulat ni Claire Lavigne Ibaรฑez (CE I)
Iginuhit ni Meegel Hernandes (IE II)