30/11/2023
π£ππ¨π‘ππͺπ: π§π¨π‘πππ’π π¦π π₯ππ¦π¨ππ§π π‘π π¦πͺππ
Ayon sa direktiba ni DSWD Secretary Rex Gatchalian noong Hulyo 19, 2023, isinagawa ang reassessment ng nasa 1,158,249 na household beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na natukoy bilang βnon-poorβ sa ilalim ng Listahanan 3 gamit ang Social Welfare and Development Indicators (SWDI) tool.
Base sa resulta ng SWDI reassessment, natukoy na sa kabuuang bilang na 1,158,249 ay mayroong 4,242 na nasa Level 1 o Survival; 756,898 na nasa Level 2 o Subsistence; at 339,660 na nasa Level 3 o Self-Sufficient.
Kaugnay nito, ang mga kabilang sa Level 1 (Survival) at Level 2 (Subsistence) ay muling maibabalik at magpapatuloy sa Programa at makatatanggap ng cash grants batay sa itinakdang mga kondisyon ng Programa.
Ang pagbabayad sa naantalang health grants kasama ng rice subsidy mula Enero 2023 hanggang Setyembre 2023 ay matatanggap ngayong Nobyembre 30, 2023 hanggang katapusan ng taon. Samantala, ang educational grant mula Enero 2023 hanggang Setyembre 2023 ay matatanggap naman simula sa Pebrero 2024.
Para sa mga katanungan o karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa City/Municipal Link o sumangguni sa pinakamalapit na tanggapan ng DSWD.