Bocaue News Now

Bocaue News Now We at Bocaue News Now promised unbiased reporting and uncompromised message of truth to satisfy the needs of every BocaueΓ±os

Bocaue Rescue Team nirespondehan ang isang aksidente sa motorsiklo sa Barangay Bunducan, Bocaue noong October 21, 1:15 a...
21/10/2022

Bocaue Rescue Team nirespondehan ang isang aksidente sa motorsiklo sa Barangay Bunducan, Bocaue noong October 21, 1:15 am.

Binigyan ang mga nasugatan ng first aid at mabilis na dinala sa ospital.

π—¦π—ž 𝗔𝗧 𝗕𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—¬ π—˜π—Ÿπ—˜π—–π—§π—œπ—’π—‘, π—œπ—£π—œπ—‘π—”π—šπ—£π—”π—Ÿπ—œπ—•π—”π—‘!Pinirmahan na ni President Ferdinand Marcos Jr., ang Republic Act 11935 o ang pag...
12/10/2022

π—¦π—ž 𝗔𝗧 𝗕𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—¬ π—˜π—Ÿπ—˜π—–π—§π—œπ—’π—‘, π—œπ—£π—œπ—‘π—”π—šπ—£π—”π—Ÿπ—œπ—•π—”π—‘!

Pinirmahan na ni President Ferdinand Marcos Jr., ang Republic Act 11935 o ang pagpapaliban ng Sanggunian at Barangay Eleksyon ngayong taon at nakatakdang matuloy ito sa Oktubre 30, 2023.

Ibig sabihin, isang taon pa muli uupo at magseserbisyo ang mga halal na Barangay Kapitan, Barangay Kagawad, SK Chairman at SK Kagawad.

𝗠𝗔𝗬𝗒π—₯ π—₯π—œπ—–π—žπ—¬ π—¦π—œπ—Ÿπ—©π—˜π—¦π—§π—₯π—˜ π—‘π—š 𝗠𝗔π—₯π—œπ—Ÿπ—”π—’, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 π—₯𝗒𝗔𝗗 π—”π—–π—–π—œπ——π—˜π—‘π—§DEAD on the spot nitong Linggo ng hapon (Oct. 9) ang kasalukuyan...
09/10/2022

𝗠𝗔𝗬𝗒π—₯ π—₯π—œπ—–π—žπ—¬ π—¦π—œπ—Ÿπ—©π—˜π—¦π—§π—₯π—˜ π—‘π—š 𝗠𝗔π—₯π—œπ—Ÿπ—”π—’, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 π—₯𝗒𝗔𝗗 π—”π—–π—–π—œπ——π—˜π—‘π—§

DEAD on the spot nitong Linggo ng hapon (Oct. 9) ang kasalukuyang alkalde ng bayan ng Marilao na si Mayor Ricky Silvestre matapos bumunggo sa poste ng kuryente ang sinasakyan nitong SUV sa Clark Freeport Zone.

08/10/2022

π—”π—žπ—¦π—œπ——π—˜π—‘π—§π—˜ 𝗦𝗔 π—•π—’π—–π—”π—¨π—˜ π—‘π—Ÿπ—˜π—«

Isang closed van ang bumaliktad at isang oil tanker ang dumirecho sa palayan ngayong hapon sa may Bocaue NLEX.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang naging sanhi ng aksidente. Kaagad naman naisugod sa pinakamalapit na ospital ang mga nasaktan sa nasabing aksidente.

πŸ“Ή Garcia Diolo

WEATHER ADVISORY as of 12:00 AM Kasalukuyang nasa 11.60 meters ang level ng tubig sa Bocaue river na malapit nang maabot...
06/10/2022

WEATHER ADVISORY as of 12:00 AM

Kasalukuyang nasa 11.60 meters ang level ng tubig sa Bocaue river na malapit nang maabot ang 11.75 meters na itinuturing na critical level.

Typhoon category na lang ang Bagyong Karding ngunit makakaranas pa rin ng malakas na ulan hanggang sa loob ng 12 oras kaya't malaki ang posibilidad ng pagbaha sa mga mababang lugar.

Manatiling alerto at handa sa paglikas kung kinakailangan.

π—£π—”π—šπ—¦π—”π—žπ—Ÿπ—’π—Ÿπ—’ π—‘π—š π—•π—’π—–π—”π—¨π—˜ π—₯π—˜π—¦π—–π—¨π—˜ π—§π—˜π—”π— Ayon sa Bocaue Rescue Team galing sila sa Luksang Parangal sa Malolos. Habang sila ay bu...
06/10/2022

π—£π—”π—šπ—¦π—”π—žπ—Ÿπ—’π—Ÿπ—’ π—‘π—š π—•π—’π—–π—”π—¨π—˜ π—₯π—˜π—¦π—–π—¨π—˜ π—§π—˜π—”π— 

Ayon sa Bocaue Rescue Team galing sila sa Luksang Parangal sa Malolos. Habang sila ay bumabiyahe pabalik ng Bocaue ay may pumarang concern citizen para humingi ng tulong para sa isang lalaki na di umano ay inaatake. Agad nila itong tinulungan, inaasses po nila ito at tinulungan itawag sa kamaganak upang ipagbigay alam ang pangyayari. Agaran din pong dinala ang pasyente sa ospital sa Malolos.

π—•π—”π—¦π—”π—š π—žπ—’π—§π—¦π—˜ 𝗔𝗧 π—‘π—”π—žπ—”π—ͺ𝗔𝗑 𝗦𝗔 π—§π—œπ—£π—”π—‘π—”π—‘ 𝗙𝗒𝗒𝗗𝗣𝗔π—₯π—ž! Isang netizen ang nagpost ng insidente kung saan binasag daw ng magnanakaw a...
06/10/2022

π—•π—”π—¦π—”π—š π—žπ—’π—§π—¦π—˜ 𝗔𝗧 π—‘π—”π—žπ—”π—ͺ𝗔𝗑 𝗦𝗔 π—§π—œπ—£π—”π—‘π—”π—‘ 𝗙𝗒𝗒𝗗𝗣𝗔π—₯π—ž!

Isang netizen ang nagpost ng insidente kung saan binasag daw ng magnanakaw ang kanyang kotse upang makuha ang kanyang bag na naglalaman ng ilang mamahaling gamit. Naganap daw ang nakawan kagabi bandang 9:45PM sa Tipanan Foodpark di kalayuan sa Bocaue Crossing.

Ang panawagan ng biktima ay maibalik ang kanyang mga gamit o maisoli ito sakanya ng kung sinomang pagbebentahan ng mga ito.
Paalala din sa lahat na hangga't maaari, huwag na po tayong mag iwan ng bag o mamahaling gamit sa ating mga sasakyan para na rin sa dagdag kaligtasan at seguridad.

HARI AT REYNA NG SINGKABAN 2022 Narito ang mga nagwagi sa Hari at Reyna ng Singkaban 2022 Special Awards! Best in Talent...
11/09/2022

HARI AT REYNA NG SINGKABAN 2022

Narito ang mga nagwagi sa Hari at Reyna ng Singkaban 2022 Special Awards!

Best in Talent:
Hari ng Hagonoy
Reyna ng Sta Maria

Best in Costume:
Hari ng Hagonoy
Reyna ng Sta Maria

SMART Choice Award:
Hari ng Bocaue
Reyna ng Pulilan

Best in Swimwear:
Hari ng Bocaue
Reyna ng Malolos

Best in National Costume (Formal Wear):
Hari ng Bocaue
Reyna ng Malolos

Most Photogenic Award:
Hari ng Bocaue
Reyna ng Bocaue

SINGKABAN FESTIVAL 2022 β€” Nauwi ng Bayan ng Bocaue ang korona kagabi mula sa Hari at Reyna ng Singkaban 2022 na ginanap ...
11/09/2022

SINGKABAN FESTIVAL 2022 β€” Nauwi ng Bayan ng Bocaue ang korona kagabi mula sa Hari at Reyna ng Singkaban 2022 na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium sa Malolos!

Congratulations to the newly crowned Hari at Reyna ng Singkaban 2022 πŸ₯³

Jordan San Juan - Bocaue, ang Hari ng Singkaban 2022 and Zeinah Al-Saaby - Bocaue, ang Reyna ng Singkaban 2022!

πŠπ€π”ππ€-𝐔𝐍𝐀𝐇𝐀𝐍𝐆 πŒπ€π‹π‹ 𝐀𝐓 π’πˆππ„π‡π€π 𝐒𝐀 ππŽπ‚π€π”π„, ππ”πŠπ€π’ 𝐍𝐀!Pinangunahan ni Bocaue Mayor Jonjon "JJV" Villanueva at CIBAC Party-Li...
08/09/2022

πŠπ€π”ππ€-𝐔𝐍𝐀𝐇𝐀𝐍𝐆 πŒπ€π‹π‹ 𝐀𝐓 π’πˆππ„π‡π€π 𝐒𝐀 ππŽπ‚π€π”π„, ππ”πŠπ€π’ 𝐍𝐀!

Pinangunahan ni Bocaue Mayor Jonjon "JJV" Villanueva at CIBAC Party-List Representative Bro. Eddie Villanueva ang pagbubukas ng kauna-unahang mall sa ating bayan ang Bocaue Citymall.

Sinimulan umano ang pagtatayo ng Citymall sa panahon ng panunungkulan ni dating si Mayor Joni Villanueva-Tugna. Isa ito sa katuparan ng mga pangarap at planong paunlarin ang Bocaue.

πŽπ•π„π‘π‹πŽπ€πƒπ„πƒ π“π‘π”π‚πŠπ’ 𝐁𝐀𝐖𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐒𝐀 πŒπ‚ 𝐀𝐑𝐓𝐇𝐔𝐑 π‡πˆπ†π‡π–π€π˜Isa sa mga natukoy na dahilan ng pagkasira ng mga daan sa Bocaue ay ang m...
08/09/2022

πŽπ•π„π‘π‹πŽπ€πƒπ„πƒ π“π‘π”π‚πŠπ’ 𝐁𝐀𝐖𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐒𝐀 πŒπ‚ 𝐀𝐑𝐓𝐇𝐔𝐑 π‡πˆπ†π‡π–π€π˜

Isa sa mga natukoy na dahilan ng pagkasira ng mga daan sa Bocaue ay ang mga overloaded trucks na bumabaybay sa Mc Arthur Highway at sa iba pang kalsada sa bayan.

Sa pagpupulong na ginawa nila Mayor Jonjon JJV Villanueva, Vice Mayor Sherwin Tugna, Konsehal Aries Nieto, Mira Bautista, Noriel German, dating Vice Mayor Coro Juan, hepe ng Bocaue Traffic Management Office at kinatawan ng NLEX Corporation na si Mr. Kiko Dagohoy. Kanilang tinalakay ang solusyon sa masikip na daloy ng trapiko at pagkasira ng mga daan sa Bocaue.

Isa sa mga tinitignang solusyon ay ang paglalagay ng timbangan ng mga truck sa NLEX para malaman agad kung ito ay overloaded, na maaaring hulihin dahil ito ay pinagbabawal at hindi rin sila papayagang makapasok ng Bocaue.

Source: Mayor Jonjon JJV Villanueva official page

PAALALA MAG DOUBLE INGAT!Pinaaalalahanan ng mga opisyal ng Barangay Taal ang lahat ng dumaraan sa NIA Road to Balagtas-T...
06/09/2022

PAALALA MAG DOUBLE INGAT!

Pinaaalalahanan ng mga opisyal ng Barangay Taal ang lahat ng dumaraan sa NIA Road to Balagtas-Taal Bocaue lalo na po sa gabi na palagi pong mag-ingat at maging alerto bawat oras sapagkat nakatanggap po tayo ng report na mayroon pong muntik ng maagawan ng kanyang minamanehong motor sa pagitan ng oras na 10:00-10:30 pm kagabi.

Mabuti na lamang po at nasipa nya ang nagbabalak umagaw sa kanyang motor.Ayon po sa report ay dalawa di umano ang lalaki na kapwa nakamotor din na nag aabang sa nasabing lugar.

Kaagad naman nakipag-ugnayan ang mga opisyal ng Barangay Taal sa mga kapulisan upang mas mapalawig pa ang police visibility sa nasabing lugar.

ππŽπ‚π€π”π„ 𝐋𝐆𝐔 π†πˆππ€π–π€π‘π€π 𝐍𝐆 𝐄𝐗𝐂𝐄𝐋𝐋𝐄𝐍𝐂𝐄 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐃 𝐍𝐆 πƒπ„ππ€π‘π“πŒπ„ππ“ πŽπ… π€π†π‘πˆπ‚π”π‹π“π”π‘π„Nakatanggap ng Excellence Award mula sa Rice Compet...
05/09/2022

ππŽπ‚π€π”π„ 𝐋𝐆𝐔 π†πˆππ€π–π€π‘π€π 𝐍𝐆 𝐄𝐗𝐂𝐄𝐋𝐋𝐄𝐍𝐂𝐄 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐃 𝐍𝐆 πƒπ„ππ€π‘π“πŒπ„ππ“ πŽπ… π€π†π‘πˆπ‚π”π‹π“π”π‘π„

Nakatanggap ng Excellence Award mula sa Rice Competitivenes Enhancement Fund ang Pamahalaang Bayan ng Bocaue sa pangunguna ni Mayor Jonjon "JJV" Villanueva at Municipal Agriculture Office mula sa Department of Agriculture dahil sa kapuri-puring implementasyon ng "Rice Competitiveness Enhancement Fund - Seed and Extension Programs for 2022 Wet Season under Small Scale Category."

Sa buong lalawigan ng Bulacan at Central Luzon, tanging ang Pamahalaang Bayan ng Bocaue lamang ang nabigyan ng prestihiyosong parangal mula sa Department of Agriculture. Patunay din umano ang parangal na ito na buong puso ang suporta ng Pamahalaang Bayan ng Bocaue at ni Mayor Jonjon "JJV" Villanueva sa mga kababayan nating magsasaka.

πŽπ•π„π‘πŒπˆππˆππ† 𝐀𝐓 πŽπ•π„π‘π‹πŽπ€πƒπˆππ† π•π„π‡πˆπ‚π‹π„π’ 𝐒𝐀 𝐁𝐔𝐋𝐀𝐂𝐀𝐍, πˆππ€π†ππ€ππ€π–π€π‹ 𝐍𝐀Nitong Agosto 24, sinabi ni Gob. Daniel Fernando na nais ni...
30/08/2022

πŽπ•π„π‘πŒπˆππˆππ† 𝐀𝐓 πŽπ•π„π‘π‹πŽπ€πƒπˆππ† π•π„π‡πˆπ‚π‹π„π’ 𝐒𝐀 𝐁𝐔𝐋𝐀𝐂𝐀𝐍, πˆππ€π†ππ€ππ€π–π€π‹ 𝐍𝐀

Nitong Agosto 24, sinabi ni Gob. Daniel Fernando na nais nitong wakasan ang overmining sa Bulacan matapos makausap ang 300 mining stakeholders at iba pang apektadong sektor.

Inanunsyo ni Fernando ang plano nitong wakasan ang overmining sa Bulacan, upang mangyari ito, nag-isyu ng pinaigting na implementasyon ng Executive Order 21.

Bukod sa pagwakas ng overmining, ang executive order 21 ay para din sa pagbawal ng mga overloading vehicles na pumapasok sa Bulacan na sanhi ng pagkasira ng mga daanan dito.

Suportado ang panayam ng gobernador ng Bulacan Environmental and Natural Resources Office (BENRO).

Dumalo sa opisyal na pag anunsyo ni Fernando ang ilang kinatawan mula sa Bulacan Police Provincial Office, Department of Public Works and Highways, Provincial Mining Regulatory Board, at LTO.

πˆπŠπ€-πŸπŸ•πŸ π“π€πŽππ† πŠπ€ππ€ππ†π€ππ€πŠπ€π 𝐍𝐆 πƒπ€πŠπˆπ‹π€ππ† ππ‘πŽππ€π†π€ππƒπˆπ’π“π€Nakiisa ang buong lalawigan ng Bulacan sa ika-172 anibersaryo ng kap...
30/08/2022

πˆπŠπ€-πŸπŸ•πŸ π“π€πŽππ† πŠπ€ππ€ππ†π€ππ€πŠπ€π 𝐍𝐆 πƒπ€πŠπˆπ‹π€ππ† ππ‘πŽππ€π†π€ππƒπˆπ’π“π€

Nakiisa ang buong lalawigan ng Bulacan sa ika-172 anibersaryo ng kapanganakan ni G*t Marcelo H. Del Pilar, ngayong araw.

Kinikilala si Del Pilar na Panlalawigang Bayani ng Bulacan at Ama ng Pamamahayag ng Filipinas, Ama ng Masoneriyang Filipino, at tinawag siyang Dakilang Propagandista.

Kinilala rin siya bilang isang manunulat, makata, peryodista, repormista, makabayan at abogado sa pangalang β€˜Plaridel’ at naging patnugot ng La Solidaridad.

Sa pag-alala sa kapanganakan ni Del Pilar, idineklara ang 30 Agosto bilang National Heroes Day sa bansa na ipinagdiriwang din ng lalawigan ng Bulacan taon-taon.

Ipinagdiriwang tuwing Huling Lunes ng Agosto ang Pambansang Araw ng mga Bayani. Nauna itong ipagdiwang tuwing Huling Lun...
30/08/2022

Ipinagdiriwang tuwing Huling Lunes ng Agosto ang Pambansang Araw ng mga Bayani. Nauna itong ipagdiwang tuwing Huling Lunes ng Agosto bago inilipat sa kasalukuyan nitong petsa sa bisa ng Republic Act No. 9492. Ginugunita ng pista opisyal na ito ang lahat ng mga bayaning Pilipino na nagbuwis ng buhay para sa bayan.

Mabuhay ang lahat ng Bayaning Pilipino!

ππŽπ‚π€π”π„ 𝐏𝐍𝐏, π†πˆππ€π–π€π‘π€π 𝐍𝐆 πŒπ„πƒπ€π‹π˜π€Lubos na ikinagalak ni PLTCOL Ronie R. Pascua, Acting Chief of Police ng Bocaue Municipa...
30/08/2022

ππŽπ‚π€π”π„ 𝐏𝐍𝐏, π†πˆππ€π–π€π‘π€π 𝐍𝐆 πŒπ„πƒπ€π‹π˜π€

Lubos na ikinagalak ni PLTCOL Ronie R. Pascua, Acting Chief of Police ng Bocaue Municipal Police Station ang Medalya ng Kagalingan na iginawad sa kanya dahil sa matagumpay na operasyon ng Anti Illegal Drugs na nagbunga sa pagkakaaresto kay George Orquiola Jr na nakatira sa Barangay Caingin.

Ang Medalya ng Kagalingan ay iginawad ni PBGEN Ceasar Delos Reyes Pasiwen, Acting Regional Director ng PRO3 sa Camp General Alejo S. Santos, Malolos City, Bulacan.

ππ€πŒπ€πŒπ€π‡π€π†πˆ 𝐍𝐆 π„πƒπ”π‚π€π“πˆπŽππ€π‹ π€π’π’πˆπ’π“π€ππ‚π„, πƒπˆππ€π†π’π€!Dinagsa ang Bulacan Capitol Gymnasium ng mga mag-aaral at mga magulang par...
21/08/2022

ππ€πŒπ€πŒπ€π‡π€π†πˆ 𝐍𝐆 π„πƒπ”π‚π€π“πˆπŽππ€π‹ π€π’π’πˆπ’π“π€ππ‚π„, πƒπˆππ€π†π’π€!

Dinagsa ang Bulacan Capitol Gymnasium ng mga mag-aaral at mga magulang para sa programang Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS sa ngayong araw, Agosto 20, 2022.

Ang AICS ay programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pangunguna ni Secretary Erwin Tulfo upang matulungan ang mga mag-aaral sa kanilang mga pangangailangan sa pag-aaral tulad ng mga school fees, school supplies, projects, allowance at iba pang bayarin sa paaralan.

Ayon kay DSWD Region III, OIC Regional Director Venus Rebuldela, nakipagtulungan na sila sa Pamahalaang Lalawigan ng Bulacan at sa loob ng limang (5) magkakasunod na Sabado ay mamamahagi sila ng AICS.

Nilinaw naman ng DSWD Region III, na ang programang AICS ay programa ng Pamahalaang Nasyonal at hindi ng lokal na pamahalaan. Wala rin umano silang ibinababang pondo sa mga munisipyo o pamahalaang lungsod para dito. Nakikipag-ugnayan pa lamang sila umano sa mga lokal na MSWD o CSWD para sa mas mapabilis na pamamahagi ng programa.

Photos (c) Jhay Villavicencio

Address

Barangay Lolomboy
Bocaue
3018

Telephone

+639168855528

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bocaue News Now posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Bocaue News Now:

Videos

Share


Other Media/News Companies in Bocaue

Show All