๐ฃ๐๐ก๐ข๐ข๐ฅ๐๐ก: ๐๐ข๐ฉ๐๐ฅ๐ก๐ข๐ฅ ๐๐๐ก๐๐๐ ๐๐๐ฅ๐ก๐๐ก๐๐ข, ๐๐ก๐๐ง๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐จ๐ฆ๐ข
Usap-usapan ngayon sa social media ang kumakalat na video ni Governor Daniel Fernando na tila nahirapan magsalita sa isang pagdiriwang sa Kapitolyo nitong nakaraang araw.
Ayon sa nagpost, kaagad sinugod sa ospital si Governor Daniel Fernando nang makaramdam ito ng hirap sa paghinga.
Inaalam pa sa ngayon ang kalagayan ng ating Mahal na Governor Daniel Fernando.
Wala pa ring anunsyo ang Kapitolyo sa kalagayan nito.
Pabahay ni JJS binatikos ng mga Bocaueรฑo. Political gimmick lang daw ito para makakuha ng boto.
Hindi raw ito totoo dahil sa mga sumusunod:
1. Wala sa pangalan ng munisipyo ang titulo. Nakapangalan pa rin ito sa private owner.
2. Agricultural ang lupa at hindi residential kaya hindi pwedeng patayuan ng pabahay.
3. Dadaan sa Sangguniang Bayan ang reclassification at matagal na proseso ito.
4. Kaya hindi totoong maipapamigay na ito agad agad katulad ng pinapalabas ni JJS.
5. Hindi ito para sa lahat. Pili lang ang mabibigyan.
6. Ayon sa mga eksperto, aabutin ng mahigit tatlong taon bago matapos ang construction nito.
Makikita sa video ang basehan kung bakit isa lang panloloko ang pabahay.
(c) Video courtesy of Ronda Balita
BOCAUE: GINAGAWANG BASURAHAN NG TAGA-IBANG BAYAN, HULI SA AKTO
Umiikot ngayon sa Facebook ang video na ito. Huling huli sa akto na nagtatapon ng kanilang basura ang ibang bayan sa dumpsite ng Bocaue. Ipinagbabawal ito ng batas. Hindi ito mangyayari kung walang basbas ng mayor.
Makikita sa mga komento na hindi nagustuhan ng mga Bocaueรฑo ang iligal na gawain.
"Pati basura ginawang negosyo ni JJS. Milyon ang binabayad ng ibang bayan para makapagtapon sila dyan. May kumita."
"Wag nyo gawin tapunan ang Bocaue! Dami na langaw sa min. Ngkasakit na mga anak ko!
"Bawal ito eh. ngayon lang nngyari sa panahon ni jjs ang ganito kagarapal na korapsyon sa Bocaue."
Ayon sa mga sources, may mga nakasuhan sa pangyayaring ito. Inaalam namin kung ano ang status ng kaso.