28/05/2023
‘Killer’ ni Gov Adiong nadakip sa check point (head)
Nadakip ang principal suspek sa pag-ambush sa convoy nj Lanao ddl Sur Gov Manmintal Adion Jr., na ikinasawi ng 3 pulis es**rt at driver noong Pebrero ng taon kasalukuyang sa isang checkpoint sa Surallah, South Cotabato nitong Huwebes ng hapon.
Kinilala ang naaresto na si Lomala Baratumo, alyas Commander Lomala, 42 anyos, ng Brgy Bato-Bato, Maguing, Lanao del Sur,
Ayon kay Colonel Andre Santos, 1st Mechanized Infantry Brigade Commander, 3:00 ng hapon ng madakip ng mga elemento ng PNP at AFP ang suspek sa isang checkpoint sa Sitio Morales, Barangay Centrala, Surallah, South Cotabato.
Inaresto Si Baratumo sa bisa ng warrant sf arrest sa kasong murder at walang inirekomendang piyansa na ipinalabas ng 2th Judicial Region, Branch 8, Marawi City.
Nagtago si Baratumo sa Surallah base sa mga nakalap na impormasyon ng mga otoridad nang maganap ang pananambang sa convoy ni Gov Adiong.
Miyembro si Baratumo ng Gandawali Private Armed Group na nakabase sa Lanao del Sur.
Nasa kustodiya ng South Cotabato Police si Baratumo at nakatakdan ito iturn over sa Lanao del Sur.
Magugunita na tinambang ng mga armadong grupo ang convoy ni Gov Adion na malubhang ikimasugat nito at pagkakasawi ng 3 pulis at driver sa Maguing, Lanao del Sur noong Feb 17, 2023.
Napatay naman ng mga ototidad ang ‘di umano mastermind na si Oscar Tacmar Camal Gandawali na lider ng Gandawali Group na ssngkot sa iligal drug, gun for hire, gunrunning at robery sa isinagawang operstion sa Brgy Pillmoknan, Maguing, Lanaa Del Sur.