Tribu Balita

Tribu Balita News and commentaries

Looking for a destination this weekends? Visit and discover the 14 waterfalls of Paid! Location: Ablang, Communal, Solan...
09/08/2024

Looking for a destination this weekends? Visit and discover the 14 waterfalls of Paid!

Location: Ablang, Communal, Solano, Nueva Vizcaya
Coordinates: 16.589668118352915, 121.10221109876073


LOOK:The Philippine STAR Police personnel in Banaue, Ifugao help during the Iwang (harvest) festival at Batad rice terra...
04/07/2024

LOOK:
The Philippine STAR

Police personnel in Banaue, Ifugao help during the Iwang (harvest) festival at Batad rice terraces in Banaue town.

RANGET:Kasalukuyan ang sagupaan ng mga Rebeldeng NPA at tropa ng Gobyerno sa Alfonso Castañeda.
20/06/2024

RANGET:

Kasalukuyan ang sagupaan ng mga Rebeldeng NPA at tropa ng Gobyerno sa Alfonso Castañeda.

LOOK:Members of the FCF Minerals Corporation Emergency Response Team (ERT) participate during the emergency response com...
21/11/2023

LOOK:
Members of the FCF Minerals Corporation Emergency Response Team (ERT) participate during the emergency response competition at the Melvin Jones Grandstand in Bagiuo City on Friday.

At least 2,000 participants from different mining groups in the Philippines flock in the country’s summer capital to participate during the 69th Annual Mine Safety and Environment Conference (ANMSEC) last Nov. 13-18.

09/11/2023

50% discount na bayarin sa transfer tax, alok ng PLGU NV!

JOB HIRING!
09/11/2023

JOB HIRING!

09/11/2023

Agtaraken iti baboy tapno adda watwat!

JOB HIRING:Be part of our team Send your applications to 𝐡𝐫@𝐟𝐜𝐟𝐦𝐢𝐧𝐞𝐫𝐚𝐥𝐬.𝐜𝐨𝐦 or visit any of their information centers.RU...
26/04/2023

JOB HIRING:
Be part of our team
Send your applications to 𝐡𝐫@𝐟𝐜𝐟𝐦𝐢𝐧𝐞𝐫𝐚𝐥𝐬.𝐜𝐨𝐦
or visit any of their information centers.

RUNRUNO INFORMATION CENTER
Sitio Dipilipig, Runruno, Quezon, Nueva Vizcaya
AURORA INFORMATION CENTER
Aurora, Quezon, Nueva Vizcaya

KASIBU INFORMATION CENTER
Poblacion, Kasibu, Nueva Vizcaya

DIFFUN INFORMATION CENTER
Purok 3, Andres Bonifacio, Diffun, Quirino

JOB HIRING!send your application to:hr@fcfminerals.com or visitRUNRUNO INFORMATION CENTERSitio Dipilipig, Runruno, Quezo...
26/04/2023

JOB HIRING!

send your application to:
[email protected] or visit
RUNRUNO INFORMATION CENTER
Sitio Dipilipig, Runruno, Quezon, Nueva Vizcaya

AURORA INFORMATION CENTER
Aurora, Quezon, Nueva Vizcaya

KASIBU INFORMATION CENTER
Poblacion, Kasibu, Nueva Vizcaya

DIFFUN INFORMATION CENTER
Purok 3, Andres Bonifacio, Diffun, Quirino

25/04/2023
Look:Mainit na sinalubong ng mga opisyal at residente ng Dupax del Norte si Senator Francis "Tol" Tolentino nang bumisit...
25/04/2023

Look:

Mainit na sinalubong ng mga opisyal at residente ng Dupax del Norte si Senator Francis "Tol" Tolentino nang bumisita at magsilbing panauhing pandangal sa ika 292nd founding anniversary ng nasabing bayan.

Kinilala si Tolentino bilang anak ng Dupax del Norte sa pamamagitan ng isang resolusyon na ipinasa at nilagdaan ng lahat ng mga miyembro ng Sanguniang Bayan.

Pinasalamatan naman ni Mayor Atty Timothy Joseph Cayton si Senator Tolentino sa panahon na inilaan niya para bisitahin ang Dupax del Norte sa kabila ng kanyang pagiging abala sa trabaho.

Naghanda ng halos 80 litsong baboy ang LGU para pagsaluhan ng mga residente at bisita na naki-isa sa araw ng kapistahan.

Halos 80 mga litson ang pinagsalu-saluhan ng mga residente at bisita sa Lechonan ng Bayan bilang bahagi ng paggunita sa ...
24/04/2023

Halos 80 mga litson ang pinagsalu-saluhan ng mga residente at bisita sa Lechonan ng Bayan bilang bahagi ng paggunita sa ika 292 founding anniversary ng Dupax del Norte nitong Sabado.

Ayon kay Mayor Timothy Joseph Cayton, ang selebrasyon sa kapistahan ng Dupax del Norte ngayong taon ay bilang pasasalamat na rin sa masaganang ani at mga biyaya na natamo ng bawat isa sa kabila ng matinding pagsubok na dulot ng pandemya.

Naging pangunahing bisita si Senator Francis Tolentino, kauna-unahang Senador na bumisita sa nabanggit na bayan.

22/04/2023
LOOK: Bayan ng Ambaguio inulan ng malalaking tipak ng ice kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan Biyernes (4/21/23) ng h...
21/04/2023

LOOK:
Bayan ng Ambaguio inulan ng malalaking tipak ng ice kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan Biyernes (4/21/23) ng hapon.

Go na go si Sen. Go
04/04/2023

Go na go si Sen. Go

Sen. B**g Go, ‘adopted son’ na ng tribung Tuwali sa Nueva VIzcayaBAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Hinirang bilang...
04/04/2023

Sen. B**g Go, ‘adopted son’ na ng tribung Tuwali sa Nueva VIzcaya

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Hinirang bilang anak ng tribung Tuwali ng mga katutubong Ifugao sa lalawigang ito si Senator Christopher Lawrence “B**g” Go sa isang sere­monya na isinagawa sa Brgy. Busilac sa ba­yan na ito noong Sabado.

Batay sa bisa ng isang resolusyon ay binigyan ng pangalan na Aliguyon si Go na ang ibig sabihin ay isang magiting na mandirigma na hindi pa natatalo sa pakikipaglaban at kilala sa kanyang bilis kahit hindi kumakain, walang tulog at pahinga.

Ang pormal na adoption ni Go ay kasabay ng ika-32 Annual General Assembly ng Tam-an Banaue Multipurpose Cooperatives (TBMC) kung saan nagsilbi siyang panauhing pandangal.

Ayon kay founder at chief executive officer Jose Tomas Sr., ng TBMC, nararapat lamang na tawagin si Go bilang si Aliguyon, isang kinikilalang mandirigma ng mga Tuwali, dahil sa kanyang mabilis at tila walang kapaguran na pagseserbisyo sa mga Pilipino na tila hindi natutulog o nagpapahinga.

Kasama ng TBMC, nagkaisa ang mga mi­yembro ng Ifugao Tuwali Indigenous Cultural Community (ICC) sa Nueva Vizcaya kabilang na ang Ifugao Badbaddang Organization, para kilalanin at hirangin si Go bilang anak ng Tuwali tribe.

Nagpasalamat naman si Go sa pagtanggap sa kanya bilang anak ng tribu at nangako itong mas paghuhusayan pa niya ang trabaho lalo na sa pagbibigay tulong sa mga mamamayang Pilipino.

Binista rin ni Go ang Malasakit Center sa Region 2 Trauma and Medical Center na nakabase sa bayang ito.

28/03/2023

223 kababaihan, kinilala sa isang minahan sa Nueva Vizcaya

By VICTOR MARTIN

QUEZON, Nueva Vizcaya- Bilang bahagi ng women’s month celebration ngayong buwan ng Marso ay kinilala ang kakayahan ng 223 mga minerong kababaihan dahil sa kanilang kakayahan na magtrabaho sa mundo ng minahan na kadalasan ay gawain ng mga kalalakihan.

Ayon sa pamunuan ng FCF Minerals Corporation, na nakabase sa Barangay Runruno sa bayan na ito, umabot sa 29% sa kabuuang bilang ng mga manggagawa sa loob ng minahan ay binubuo ng mga kababaihan na naitalaga sa ibat-ibang departamento.

Ayon kay Rodalyn Arcebal ng FCF Minerals Community Relations, sa kabuuan na 69 mga pangunahing posisyon sa minahan na hawak ng mga kalalakihan ay umabot na sa 26 na posisyon ang pinangungunahan ngayon ng mga babae.

Ito ay kinabibilangan ng Corporation Community Relations, ang top management position ng FCF Minerals na pinangungunahan ni Agnes Binueza Rosales bilang manager sa nasabing departamento.

Limang iba pang mga kababaihan ang naitalagang manager sa iba pang departamento habang ang Community-Based Organizations sa lugar ay pinangunahan din ng isang babae.

Bukod sa mga kababaihang engineers, metallurgies, at office workers, ang iba pang mga gawain na panlalaki na ginagawa ng mga babae sa minahan ay kinabibilangan ng mga heavy equipment drivers, welder, gold room workers at marami pang iba.

Ang FCF Minerals ay may kasalukuyang financial and technical assistance agreements (FTAA) sa pamahalaan para sa operasyon ng Runruno Gold-Molybdenum Project na matatagpuan sa Barangay Runruno.

Ang proyekto ay inindorso ng mga lokal na opisyal ng probinsya, municipal council at ang barangay council noong 2011 bago nagsimula para sa kanilang commercial operation noong 2017 matapos ang mahigit 10-taon na exploration at construction.

Naglagay na ng plastic road barrier ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa magkabilaan na bahagi ng ByPas...
22/03/2023

Naglagay na ng plastic road barrier ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa magkabilaan na bahagi ng ByPass road sa nasasakupan ng Barangay Bagahabag, Solano, Nueva Vizcaya nitong Martes.

Ito ay matapos magpalabas ng isang resolusyon ang Sanguniang Bayan ng Solano na humihiling sa pansamantalang pagpapasara sa Bayombong-Solano ByPass road dahil sa magkakasunod na aksidente sa nasabing lugar.

Tumanggap ng ayuda ang halos 800 mga magsasaka sa bayan ng Dupax del Norte mula sa pamahalaang lokal ng Dupax del Norte....
17/03/2023

Tumanggap ng ayuda ang halos 800 mga magsasaka sa bayan ng Dupax del Norte mula sa pamahalaang lokal ng Dupax del Norte.

Pinangunahan mismo ni Mayor Atty. Timothy Joseph Cayton kabilang ang mga miyembro ng Sanguniang Bayan at iba pang mga opisyal ang pamamahagi ng tulong pinansyal mula P3,000 – P9,000 para sa mga benepisyaryo na ang sinasaka ay nasa 1-3 ektarya lamang.

Ang ayuda para sa mga magsasaka ay pinagtibay sa pamamagitan ng ordinansa 'Magsasaka Haligi ng Bayan' na ipinasa ng SB para maging tuluy-tuloy ang pagbibigay ng ayuda at tulong sa mga nagtatanim ng palay.

Inihayag ni Dupax del Norte Vice Mayor Victorino Prado na ang magandang pagkakaisa ng SB members at ang opisina ni Mayor Tim Cayton ang susi para maisabatas ang mga ayudang hindi lamang para sa mga magsasaka kundi maging ang iba pang sektor.

Photos:PIA-NV

Bangkay ng napaslang na NPA sa Kalinga, inuwi  ng pamilyaNai-uwi na ng mga kamag-anak ang namatay na miyembro ng Komunis...
13/03/2023

Bangkay ng napaslang na NPA sa Kalinga, inuwi ng pamilya

Nai-uwi na ng mga kamag-anak ang namatay na miyembro ng Komunistang Teroristang Grupo matapos ang sagupaan sa pagitan ng mga tropa ng 50th Infantry Battalion at mga rebelde sa Sitio Babacong, Barangay Gawaan, Balbalan, Kalinga noong Marso 9 taong kasalukuyan.

Ayon kay Army Captain Ringor Pamittan, Information Chief ng 5th Infantry Division, Philippine Army na nakabase sa Gamu, Isabela, nakilala ang nasawing NPA na si Onal Osias Balao-ing alyas Beran, Commanding Officer ng Rehiyon Yunit Sentro ng Ilocos-Cordillera Regional Committee.

Narekober ng mga sundalo sa pinangyarihan ng labanan ang bangkay ni alyas Beran at positibo itong kinilala ng mga kamag-anak.

Nakuha rin ang dalawang mataas na uri ng baril at mga subersibong dokumento ng mga nakalabang rebelde matapos ang sagupaan.

Wala namang nasugatan o nasawi sa panig ng gobyerno.

Photos:5ID

12/03/2023

BE A PDEA AGENT! ! !
PDEA is now accepting applicants for Intelligence Officer 1.
Please see attached photo for more details. Thank you
For Inquiries/ Clarifications/Updates, Please feel free to contact PDEA Academy at:
 0948-506-7904 (TNT)
 0977-364-1274 (Globe)

Address

Bayombong
3700

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tribu Balita posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Tribu Balita:

Videos

Share