Lolo Patay Matapos Mabangga sa Pagtawid ng Kalsada sa Luyang, Bayombong, Nueva Vizcaya
Yumao ang isang lolo matapos ang ilang oras na panggagamot sa kanya matapos itong mabangga sa Maharlika Highway, Barangay Luyang, Bayombong, Nueva Vizcaya.
Kinilala ang biktima na si David Guimbongan, 86 taon at residente ng Brgy. Julongan, Kiangan, Ifugao.
Ayon kay PCapt Marvin Deculing, nagpunta ang biktima sa Bayombong upang dalawin ang kapatid nitong may sakit. Sinabihan naman umano ito ng mga kapamilya na sasamahan sa pagdalaw subalit tila nainip umano ito at bumiyahe ng mag-isa.
Tatawid sana sa daan ang lolo bandang alas nuwebe bente ng gabi noong November 16 nang mabangga ito ng Mitsubishi Montero. Ang nasabing sasakyan ay minaneho ni alyas Goliath, 30 taong gulang, residente ng Purok Rang-ay, Barangay San Fernando, Bambang.
Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon umano ang lolo sa abot kumulang 12 metro at tuluyang namatay ito tatlong oras matapos ang aksidente.
Tingnan: Ang CCTV recording sa pagbaril sa bagong Punong Brgy ng Calitlitan, Aritao na si Rolando Hipolito na nagresulta sa kanyang pagkamatay, kahapon ng gabi, November 17.
Hustisya, Panawagan ng Kapamilya ng Pinatay na Dalagita sa Bayombong, Nueva Vizcaya
Puno ng hinagpis ang mga kapamilya at kaibigan ng labing-isang taong gulang na dalagita na natagpuang bangkay sa Masoc, Bayombong, Nueva Vizcaya noong ika-27 ng Oktubre, 2023.
Kaninang umaga ay inihatid na sa huling hantungan ang dalagita. Matatandaang natagpuang walang saplot pantaas ang bata nang matagpuan ito sa isang liblib na bahagi ng Brgy Masoc, Bayombong na may sugat sa kanyang ulo.
Hustisya ang panawagan ng mga kamag-anak nito at umaasang maresolba ng pulisya kung ano ang tunay na motibo at kung sino ang may kagagawan sa pagpatay sa bata.
Nag-aaral ang biktima sa ika-6 na baitang sa La Torre South, Bayombong. Ayon sa kanyang ina na si Gema Rose Coning, Martes, October 24 nang makausap nito ang guro ng bata na madalas itong hindi maayos ang pagpasok sa paaralan. Pinagsabihan umano nito ang anak at sumagot naman umano ng maayos ang bata. Gayun pa man, hindi na ito nakauwi hanggang sa matagpuan ang kanyang bangkay noong Oct 27.
Tingnan:
Ang drawlots sa pagitan ng kandidato bilang SK Chairperson ng Don Domingo Maddela, Bayombong na sina Krizia Chariz Yango at Frenz Tugab na parehong nagtabla sa 48 votes. Ipinaliwanag ni Atty. Wilma Binbinon ang regulasyon at proseso sa ganitong sitwasyon.
Sa huli, naipanalo ito ni Yango.