Pokus Gitnang Luson Multimedia Network

Pokus Gitnang Luson Multimedia Network Pokus Gitnang Luzon Multimedia is an online alternative media publication that focuses on the issues

23/08/2024

MAALAB NA PAGBATI, PILIPINAS!

Narito ang mga nag-aalab na balita’t pananaw mula sa Altermidya Network:

Presidential pork barrel sa 2025 proposed national budget, bakit nakababahala?

Mga kabataang Lumad sa Bukidnon, nangunguna sa pangangalaga ng kalikasan

Rights Watch: Karapatang magprotesta

Balitang Emoji: Paglipat ng Ninoy Aquino Day, 'historical erasure'?

Sama-sama nating panoorin ang !

16/08/2024

Ano ang mga panganib na dala ng UP-AFP agreement?

'Yan ang tatalakayin natin sa ALAB Analysis kasama si Inday Espina-Varona, Prof. Carl Marc Ramota, at Renee Co.

Panoorin at lumahok sa diskusyon:

TARLAC CITY—Kumakalat sa buong barangay simula bandang 7:20 nang gabi, ngayong August 13, na nakita diumano ng ilang res...
13/08/2024

TARLAC CITY—Kumakalat sa buong barangay simula bandang 7:20 nang gabi, ngayong August 13, na nakita diumano ng ilang residente ang halos 1,000 tao sakay ng mga truck ng tubo na pumasok sa Central Azucarera de Tarlac (CAT) na pag-aari ng mga Lorenzo at Cojuangco.

Ang CAT ang nakasulat sa bitbit na pabatid ng mga naggigiba ng kabahayan, sa ilalim ng Winace Security Agency, kahapon, August 12, na nagpapahintulot ng paggiba ng mga kabahayan sa Barangay Central, Tarlac City, saklaw ng Hacienda Luisita.

Pangamba ng mga residente baka mas pinadaming binayarang goons ito at pangkat na magdedemolish sa 989 household ng nasabing barangay.

Sa social media, laganap ang mga paghingi ng panalangin ng mga residente ng Barangay Central para humingi ng saklolo sa kanilang kinakaharap ngayon.

Nakaalerto naman ang mga mamamayan ngayong gabi, kasama ang buong barangay council, para magbantay, lalo pa at natikman na nila ang pambihirang iligal na demolisyon sa gitna ng himbing ng kanilang tulog, kahapon.

“Walang tulugan,” nakahanda diumano silang ipagtanggol ang kanilang karapatan sa paninirahan.

Gayunman di maiwasan ang pag-aalala at takot ng mga residente kaya marami na ang nagpaplano na ilikas muna ang mga bata at matatanda sa mga malapit na kaanak.

Bagaman daw kasi magdadalawampung taon na ang Masaker sa Hacienda Luisita na nangyari sa bukana ng Barangay Central sa harap mismo ng Gate 1 ng Central Azucarera de Tarlac, sariwa pa sa mga nakaabot nito ang pangyayari.

Ang kanilang hiling huwag naman sanang maulit ang nakaraan, gayong nagpapaulit-ulit pa din ang pangangamkam ng lupa at pagkakait ng karapatan sa paninirahan at kabuhayan. #

Mga Larawan: Mga kuha ng residente ng Barangay Central

ERRATUM: Nagpapaabot ng paumanhin ang Pokus Gitnang Luson Multimedia sa pagkakaroon ng maling interpretasyon sa pahayag ...
13/08/2024

ERRATUM: Nagpapaabot ng paumanhin ang Pokus Gitnang Luson Multimedia sa pagkakaroon ng maling interpretasyon sa pahayag ng aming kinapanayam hinggil sa mga bahay na nagiba sa nangyari diumanong iligal na demolisyon sa Barangay Central, Tarlac City. 6 lamang po ang giba at hindi 8 na naunang naiulat. Ang 2 pang bahay na magkahiwalay sa sityo Lote at sa sityo Obrero ay naabutan na ng mga rumespondeng kapitbahay, tanod, at kagawad kaya napigilan ang nakaamba na sanang paggiba dito.

TARLAC CITY— Giba ang 8 na bahay sa Barangay Central, Tarlac City, sakop ng Hacienda Luisita sa demolisyong pinamunuan n...
12/08/2024

TARLAC CITY— Giba ang 8 na bahay sa Barangay Central, Tarlac City, sakop ng Hacienda Luisita sa demolisyong pinamunuan ng Winace Security Agency sa utos ng pamilyang Lorenzo at Cojuangco ng Central Azucarera de Tarlac (CAT) ngayong August 12, 2024 para bigyang daan ang diumanong 18-bilyong pisong investment ng Ayala Land Inc. (ALI) para sa proyektong Cresendo, isang mixed-use estate na itatayo sa 290 ektaryang lupa na kabilang ang saklaw ng Barangay Central, Tarlac City, sakop ng Hacienda Luisita.

Nanganganib na tuluyang mapalayas dito ang humigit kumulang 989 pamilya at residente ng nasabing barangay.

Mahigit 100 tauhan ng Winace sakay ng mga bus ang nagsidatingan bandang 4:00 nang madaling araw sa Sitio Obrero, Sitio Zit, at Sitio Lote. Habang mahimbing ang tulog ng mga residente, marahas na nangwasak ng mga kabahayan ang mga bayarang goons ng CAT, nang walang dala-dalang court order liban sa maliit na papel na may pabatid mula sa CAT.

Pansamantalang napahinto lamang ang demolisyon nang magising ang mga residente, at katuwang ang mga opisyal ng barangay ay matagumpay na itinaboy ang mga naggigiba sa bahay kabilang ang mga bayarang goons ng CAT mula sa Winace.

Nagsimula diumano ang mga banta ng palayasan sa mga mamamayan ng Barangay Central noon pang 2019 nang ibenta diumano ng CAT ang lupa ng Barangay Central sa mga Ayala, at isa-isang nakatanggap ng mga “Notice to Vacate” ang mga pamilyang residente ng nasabing barangay.

Ilang buwan bago ang pandemya at sa kasagsagan ng pandemya isa-isa at hiwa-hiwalay na kinasuhan ang humigit kumulang 276 mamamayan ng kasong “Unlawful Detainer” dahil diumano tenant lamang ng CAT ang mga residente at ito ang may-ari ng lupa at may karapatang palayasin sila.

Samantalang, tugon ng mga mamamayan ng Barangay Central, wala pa ang mga Cojuangco-Aquino at mga Lorenzo sa Hacienda Luisita, ay nakatira na ang maraming residenteng pinalalayas sa nasabing barangay.

Mula June 15, nagtayo diumano ng mga tent ang Winace sa utos ng CAT sa mga pasukan at labasan ng Barangay Central, kabilang ang kalsada mula Barangay Lourdes, ang daanan mula sa Asukarer, at ang daanan sa pagitan ng Barangay Central at Barangay Mapalacsiao.

Bukod sa mga checkpoints ng Winace, nasa pagitan ng Barangay Lourdes at Barangay Central din ang isang detachment ng CAFGU, at nasa kalapit lang din ang kampo ng 31st Company ng 3rd Mechanized Infantry Battalion, Philippine Army.

Ipinagbabawal diumano ng mga checkpoints ang pagpapapasok ng mga construction materials na kailangan ng mamamayan pag tag-ulan para patibayin ang kanilang bahay. Hindi nga din pinayagan kahit ang mga opisyal ng barangay para sa mga opisyal na proyekto ng mga ito.

Bago din ang demolisyon, hindi na tumatanggap ng bagong aplikasyon sa pagpapakabit ng linya ng tubig ang Balibago Waterworks, na ang idinadahilan na diumano ay dahil walang mga titulo sa lupa ang mga naisumiteng aplikasyon.

Nitong July 20, naglabas ang Sangguniang Panglunsod ng Lungsod ng Tarlac ng Resolution No. IX-27-308, Series of 2024, para sana kagyat na alisin ang mga checkpoints na iniutos ng CAT sa Winace, subalit hanggang ngayong hapon August 12, nananatili ang mga nasabing checkpoints sa Barangay Central.

Sa pahayag ng mga Ayala hinggil sa kanilang proyektong Cresendo, maisusulong diumano nito ang pag-unlad ng kabuhayan, trabaho, edukasyon, negosyo, at balanseng pamamaraan ng buhay, subalit sa mamamayan ng Hacienda Luisita, itatayo ang mga gusaling aliwan, pribadong paaralan, pribadong negosyo, at mamamahaling mga bahay sa ibabaw ng mga tahanan at kabuhayan ng libo-libong mamamayan ng Barangay Central.

Mahigpit namang kinokondena ng mga manggagawang bukid sa ilalim ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura sa kanilang pahayag ang panibago na namang mga atake sa mamamayan ng Luisita mula sa anila ay ‘Luisita Warlord Trio’ ng mga Ayala, Lorenzo, at Cojuangco. #

09/08/2024

MAALAB NA PAGBATI, PILIPINAS!

Narito ang mga balita’t pananaw ngayong linggo mula sa Altermidya Network:

🔥 Mga kaltas sa 2025 national budget, kinundena

🔥 Oil spill sa Manila Bay, sino ang dapat managot?

🔥 Rights Watch: Karapatan sa pabahay iginiit sa gitna ng demolisyon

🔥 Balitang Emoji: Lipat-pondo ng PhilHealth, makatwiran ba?

Sama-sama nating panoorin ang Alternatibong Newscast!

08/08/2024

11th Year of the International Day of Action Against Golden Rice Press Conferece

02/08/2024

Inapila ng tinatawag na Talaingod 13 ang desisyon ng korte na guilty daw sila sa kasong child abuse diumano sa mga estudyanteng Lumad.

Ilan sa mga kinasuhan ay sina ACT Teachers Partylist Representative France Castro at former Bayan Muna Representative Satur Ocampo.

Ano ang totoo sa kaso laban sa Talaingod 13 at sino nga ba ang dapat managot dito? 'Yan ang tatalakayin sa episode na ito ng ALAB Analysis!

26/07/2024

MAALAB NA PAGBATI, PILIPINAS!

Narito ang mga nag-aalab na balita’t pananaw mula sa Altermidya Network:

️‍🔥 Flood control projects, bakit hindi sapat?

️‍🔥 Jeepney drivers at operators sa Iloilo, nangangambang ma-phaseout

️‍🔥 Rights Watch: Totoo bang ‘bloodless’ ang war on drugs ni Pang. Marcos Jr.?

️‍🔥 Balitang Emoji: Bayanihan sa mga komunidad pagkatapos ng bagyo

Sama-sama nating panoorin ang !

22/07/2024

SONA 2024 Altermidya's Special Coverage

19/07/2024

Kung mga pahayag at TikTok videos ni Ferdinand Marcos Jr. ang pagbabatayan, mukhang bumuti daw ang lagay ng Pilipinas sa dalawang taon niya sa pwesto. Pero ano ang totoo?

Nagsama-sama ang alternative media outfits para ihatid sa inyo ang
'ALAB Special Report: Pagtatasa sa ikalawang taon ni Marcos Jr.'

Sama-sama nating panoorin!🔥

11/07/2024

LIVE: Progressive groups hold press conference announcing Makabayan senatorial run for 2025 elections

DIPACULAO, Aurora—Dahil sa walang habas na pagpapaputok ng 91st Infantry Battalion ng Philippine Army (PA) habang tinutu...
20/05/2024

DIPACULAO, Aurora—Dahil sa walang habas na pagpapaputok ng 91st Infantry Battalion ng Philippine Army (PA) habang tinutugis ang mga hinihinalang kasapi ng New People's Army (NPA), may mga nadamay diumano na mga residente sa pag-atake ng militar sa Dipaculao, Aurora, kaninang umaga, May 20, 2024.

Sa opisyal na pahayag ng 703rd Agila Brigade ng 7th infantry division ng Philippine Army, nakatanggap diumano sila ng ‘tip' sa mga residente ng lugar kaya sila nagtungo sa Dipaculao, at naenkuwentro nga nila diumano ang mga tropa ng NPA bandang 6:40 nang umaga.

Hapon na nang pinababakwit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at lokal na pamahalaan ng Dipaculao ang mga residente mula sa mga barangay ng Puangi, Sapang Kawayan, Diamanen, Toytoyan, Mijares, Dimabuno, Gupa, Ditale, at Dibutunan.

Diumano, sinara na din diumano ng AFP at lokal na pamahalaan ang lahat ng mga daan mula sa papuntang Quirino hanggang sa highway papuntang Pantabangan.

Ayon pa sa Philippine Army, dalawa na ang sugatan sa tropa ng mga sundalo, at isa naman dito ay ‘stable’ na, habang sa panig ng NPA may iilang fake news na ng mga nasawi ang nagsilabasan sa social media.

Babala naman ng Dipaculao Municipal Police Station sa ilalim ng Aurora Police Provincial Office, sa mga mamamayan, iwasan diumano ang pagpapakalat ng mga pekeng larawan at maling impormasyon na magdudulot lamang ng labis na takot at pagaalaala sa mamamayan.

Panawagan naman ng mga humanitarian organizations at human rights group sa Gitnang Luson na sundin ang nasasaad sa International Humanitarian Law (IHL) at panatilihin ang pangangalaga sa karapatan pantao ng lahat lalo na ng mga sibilyan, kahit pa sa gitna ng enkuwentro.

(Developing Story) #

17/05/2024

Gumugulong ang balita tungkol sa imbestigasyon ng International Criminal Court o ICC sa “War on Drugs” ni dating Pang. Rodrigo Duterte. Bakit nga ba mahalagang tutukan ang imbestigasyong ito? ‘Yan ang laman ng diskusyon kasama si si Atty. Krissy Conti, abogado ng drug war victims, sa ALAB Analysis!

Sama-sama nating panoorin ang !

10/05/2024

MAALAB NA PAGBATI, PILIPINAS!

Narito ang mga balita’t pananaw ngayong linggo mula sa Altermidya Network:

🔥 Red-tagging: banta sa buhay at kalayaan

🔥 Tagumpay ng mga magsasaka sa Hacienda Tinang

🔥 Demolisyon ng tahungan sa Navotas, ano ang dahilan?

🔥 Rights Watch: Pagpoprotesta sa US embassy, bawal ba?

🔥 Balitang Emoji: Special human rights committee?

Sama-sama nating panoorin ang Alternatibong Balita!

03/05/2024

Ngayong , sama-sama nating talakayin kung ano ang papel ng mga mamamahayag sa gitna ng environmental crisis.

Panoorin ang

26/04/2024

MAALAB NA PAGBATI, PILIPINAS!

Narito ang mga balita’t pananaw ngayong linggo mula sa Altermidya Network:

🔥 Sahod, dapat nang itaas ayon sa labor groups
🔥 Paglaban sa dam projects, tampok sa Cordillera Day
🔥 Dinukot na environmentalist, inilahad ang naranasang tortyur
🔥 Balitang Emoji: Power shortage sa gitna ng init

Sama-sama nating panoorin ang Alternatibong Newscast!

19/04/2024

MAALAB NA PAGBATI, PILIPINAS!

Ano ba ang totoo sa tumitinding tensyon sa Middle East? May epekto nga ba ito sa mga Pilipino?

Alamin 'yan sa latest episode ng ALAB Analysis. Sumali sa diskusyon kasama si Prof. Carl Marc Ramota ng University of the Philippines hosted by veteran journalist Inday Espina-Varona.

12/04/2024

MAALAB NA PAGBATI, PILIPINAS!

Narito ang mga balita’t pananaw ngayong linggo mula sa Altermidya Network:

🔥Airstrikes, kinundena

🔥Nexperia workers, humaharap sa panibagong tanggalan

🔥Land-grabbing sa Brgy. Tartaria sa Silang, Cavite, isiniwalat ng mga residente

🔥Balitang Emoji: Init ulo sa taas-presyo 😤

Sama-sama nating panoorin ang !

05/04/2024

MAALAB NA PAGBATI, PILIPINAS!

Narito ang mga balita’t pananaw ngayong linggo mula sa Altermidya Network:
🔥 West Philippine Sea: Pag-udyok ng gera?
🔥Epekto ng El Niño sa mga magsasaka
🔥 Rights Watch: ‘Drug war’ revival sa Davao, anong nilalabag?
🔥 Balitang Emoji: ‘Gentleman’s Agreement?’

DAR Tarlac, urong-sulong sa paggawad ng lupa sa mga orihinal, lehitimo, at nakibakang mga ARBs ng Tinang!—MAKISAMA-Tinan...
05/04/2024

DAR Tarlac, urong-sulong sa paggawad ng lupa sa mga orihinal, lehitimo, at nakibakang mga ARBs ng Tinang!—MAKISAMA-Tinang

Galit na galit ang mga magsasaka ng Malayang Kilusang Samahan ng mga Magsasaka sa Tinang (MAKISAMA-Tinang) sa panibagong sulat na natanggap nila ngayong umaga mula sa opisina muli ng DAR Provincial Office (DARPO) Tarlac, April 5.

Nakasaad sa sulat na hindi raw muna tuloy ang installation sa lupa ng 90 agrarian reform beneficiaries ng Tinang.

Ito ay matapos magbigay ng naunang abiso ang DARPO Tarlac na gaganapin ang installation sa April 11, 2024.

Dahil dito, nagtungo ang mga ARBs ng MAKISAMA-Tinang sa opisina ng DARPO Tarlac para ungkatin ang dahilan ng muling pag-kaantala.

Ayon sa DARPO Tarlac, may ibang listahan sila ng 90 na mabibiyayaan sa lupa sa listahan ng MAKISAMA-Tinang kaya may mga kailangan pa raw pag-aayos at pagpipinal ng listahan ng magiging benepisaryo.

Paglilinaw ng MAKISAMA-Tinang, 236 naman talaga ang lehitimong benepisaryo para sa 200 ektaryang lupa na nasa ilalim ng CLOA Title na iginawad noong 1995.

Pero sa 236, 90 rito ang kasapi ng MAKISAMA-Tinang na naggigiit ng kanilang karapatan sa lupa. “Ang iba natatakot tumindig dahil sino bang totoong nasa likod ng koop? Kapitan ng barangay, board member, at higit pa—mayor! Kaya nga kahit para muna sa 90 na benepisyaryo ay maipamahagi na sana ang lupa”, diin ni Alvin Dimarucut, tagapangulo ng MAKISAMA-Tinang.

"Napagusapan na ito sa napakaraming dialogue, paulit-ulit, ginagawa na lang talaga kaming tanga at bobo ng DARPO Tarlac. Kami naman ang nakibaka para sa lupa, tapos kami ang hindi bibigyan. Pumayag na nga kaming yun lamang nakibaka, pero karapatan talaga ito ng buong 236 na benepisyaryo, tapos ngayon kami na naman ang walang lupa?," himutok ni Abegail Bucad, sekretarya ng MAKISAMA-Tinang.

Daing ng mga magsasaka na parang gusto lang patagalin ng DARPO ang kanilang laban para tumigil sila at mapasakamay na ng tuluyan ng kooperatibang nasa pamamahala ng Mayor ang lupa.

"Nagagalit sila sa aktibista, sa nangiingay sa kalsada, pero paano kami hindi mag-iingay kung bigay bawi sa aming karapatan?", dagdag pa ni Alvin Dimarucut.

Nakatakdang sumugod ngayong araw na ito ang grupong MAKISAMA-Tinang sa pambansang opisina ng DAR sa Elliptical Road, Quezon City para idulog sa mas nakatataas na opisyal ang sa tingin nila ay panibago na namang maniobra para pigilan silang ganap na makamtan ang karapatan sa lupa at karapatang magbungkal. #

Tinang Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs), pormal nang gagawaran ng lupa—DAR Provincial Office TarlacNatanggap kaninan...
03/04/2024

Tinang Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs), pormal nang gagawaran ng lupa—DAR Provincial Office Tarlac

Natanggap kaninang umaga, April 3, 2024, ng grupong Malayang Kilusang Samahan ng mga Magsasaka ng Tinang (MAKISAMA-Tinang) ang pormal na direktiba ng DAR Provincial Office ng Tarlac na may petsang March 26, na naglalaman ng anunsyo na gaganapin ang pormal na installation sa 90 ARBs ng MAKISAMA-Tinang sa darating na April 11.

Bago ang tagumpay ng mga beneficiares, dumanas diumano ng kagutuman at kahirapan ang mga ARBs at pamilya nito na nagtulak sa kanilang bawiin ang lupang malaon na palang naigawad dapat sa kanila tatlong dekada na ang nakalipas.

Sa proseso ng pagbawi, sinampahan pa ang mga magsasaka at mga taga-suporta nito ng gawa-gawang kaso at napabilang sa pamosong Tinang 83, na mga naging biktima ng pinakamalaking mass arrest sa ilalim ng gobyerno ni Pangulong Marcos Jr.

"Nagtagumpay po kami dahil sa aming sama-samang pagkilos na abutin ang aming karapatan at katarungan. Kung hindi naman po kami nagkaisa at nanindigan kahit pala po nasa panig namin ang tama, hindi talaga ibinibigay ng kusa ang karapatan, kailangan po talaga itong ipaglaban," diin ni Alvin Dimarucut, tagapangulo ng MAKISAMA-Tinang.

Dagdag pa niya, alay nila ang tagumpay na ito sa namayapa nilang tagapangulo na si Felino Cunanan Jr., at sa lahat ng mga nakibakang ARBs subalit pumanaw na at sa lahat ng nakikibakang magsasaka sa buong bansa.

Labis-labis din ang pasasalamat ng MAKISAMA-Tinang sa mga nakasama nilang mga taga-suporta sa kanilang pakikibaka para sa karapatan sa lupa at karapatang magbungkal. #

22/03/2024

MAALAB NA PAGBATI, PILIPINAS!

Narito ang mga balita’t pananaw ngayong linggo mula sa Altermidya Network:

🔥 Pagratsada sa Cha-cha, ano ang agenda?

🔥 Pagbisita ng US secretary of state sa Pilipinas, sinalubong ng protesta

Sama-sama nating panoorin ang Alternatibong Balita!

15/03/2024

Kamakailan lang, inaunsyo ng pamahalaan ang unti-unting pagbabalik ng dating academic calendar sa basic education. Ano ang sinasalamin ng pabago-bagong academic calendar sa pamamalakad ng education system sa bansa?

Pag-usapan natin 'yan sa ALAB Analysis, kasama sina Vladimer Quetua at Ruby Bernardo ng Alliance of Concerned Teachers.

Panoorin, live:

14/03/2024

Public forum on Cha-cha organized by the Center for People Empowerment in Governance.

Anunas, ANGELES CITY — Kulang-kulang 500  pinagsamang puwersa ng PNP, SWAT, at diumanong bayarang goons ng Clarkhills Pr...
12/03/2024

Anunas, ANGELES CITY — Kulang-kulang 500 pinagsamang puwersa ng PNP, SWAT, at diumanong bayarang goons ng Clarkhills Properties Corporations ang diumano'y nagpaulan ng bala, ngayong umaga, March 12, sa mga mamamayang nagtatanggol lamang ng kanilang karapatan sa lupa at paninirahan sa Sitio Balubad, Barangay Anunas, Angeles City.

Ayon sa mga saksi, 5 minuto nagpaputok ang pangkat ng demolisyon para makalapit ang mga trak pangwasak sa barikada.

7 na ang naitalang naitakbo sa ospital sa hanay ng mga residente, habang lumilikas na sa ngayon ang iba pa sa covered court ng Purok 2.

Ayon sa mga residente, mula nang pangunahan ng command ni Sheriff III Elizabeth Marasigan ng Department of Agrarian Reform Adjudication Board (DARAB) ang implementasyon ng demolisyon sa Sitio Balubad, Barangay Anunas, Angeles City noong October 16, 2023 hindi na natapos ang paulit-ulit na marahas na pagtatangka ng palayasan.

Tinatayang di bababa sa 2000 indibidwal mula sa 600 pamilya na naninirahan at nagsasaka ang apektado sa diumanong 72 ektaryang lupa na inaangkin ng Clarkhills Properties Corporations.

Mapapanood sa Facebook Live ng 'Balubad Barangay Anunas' ngayong umaga ang pamamaril at pagwasak sa barikada ng pangkat ng pinagsamang PNP, SWAT, at bayarang goons ng korporasyon.

Hanggang sa mga oras na ito wala pang tugon ang lokal na pamahalaan para mamagitan at itigil ang marahas na demolisyon sa kabila ng mga naunan nitong kondemnasyon sa mga naunang tangka ng marahas na demolisyon.

Nagpahayag ng pakikiisa at mariing kondemnasyon ang iba't ibang organisasyon kabilang ang Alyansa ng mga Magbubukid sa Gitnang Luson (AMGL).

Ayon sa AMGL, “di makatarungan at overkill ang implementasyon ng demolisyon.”

Dagdag pa nila na di ginagampanan (ng PNP at SWAT) ang pagpapanatili ng peace and order, at sa halip ay pagtatanggol sa mayayamang nangangamkam ng lupa ang nagiging papel.

May hawak na mga certificate of land ownership award (CLOA) at resibo ng full payment sa Landbank of the Philippines ang mga nasabing apektadong pamilya. #

08/03/2024

MAALAB NA PAGBATI, PILIPINAS!

Narito ang mga balita’t pananaw ngayong linggo mula sa Altermidya Network:

🔥 Sigaw ng kababaihan ngayong International Women’s Day: Dagdag-sahod, hindi Cha-cha

🔥 Rights Watch: Operasyon vs. ‘Bilar 5,’ posibleng labag sa International Humanitarian Law
🔥 Balitang Emoji: Ill-gotten wealth, propaganda?

Sama-sama nating panoorin ang Alternatibong Balita!

01/03/2024

Ngayong linggo, lumantad na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na pabor siya sa Charter change o Cha-cha na itinutulak ngayon sa Senado at Kongreso.

Ano nga ba itong layunin ng Cha-cha at bakit ito niraratsada?

Pag-uusapan natin 'yan sa kasama si Mo. Mary John Mananzan at Gabriela Women's Party Rep. Arlene Brosas.

Panoorin at sumali sa diskusyon!

27/02/2024

Panukalang P100-minimum wage increase, masama ba sa ekonomiya?

Makakasama natin si Rosario Guzman ng IBON Foundation para sagutin ang epekto ng umento sa sahod sa ekonomiya.

Tara at panoorin ang Break It Down!

Address

Espinosa Street , Poblacion
Tarlac

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pokus Gitnang Luson Multimedia Network posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Pokus Gitnang Luson Multimedia Network:

Videos

Share

Nearby media companies



You may also like