SPIN Media Tarlac Province

SPIN Media Tarlac Province positive news + action

Bagong Sangay ng First Standard Finance Corporation PinasinayaanPinasinayaan kahapon ika-15 ng Hulyo 2022 ang bagong san...
15/07/2022

Bagong Sangay ng First Standard Finance Corporation Pinasinayaan

Pinasinayaan kahapon ika-15 ng Hulyo 2022 ang bagong sangay ng First Standard Finance Corporation na matatagpuan sa Unit 5 & 6 Maxiwood Building, San Rafael, Tarlac City.

Nagsimula ang nasabing aktibidad sa pamamagitan ng isang motorcade na pinangunahan ng Kalayaan Philipippines Inc., Tarlac na sinundan naman ng isang misa ng pagtatagubilin ng tanggapan na pinangasiwaan ni Rev. Fr. Raymond Cruz.

Dinaluhan ito ng iba't-ibang kawani na sina Nepthali Bernardo - Corporate Asset Manager, Eldrin Veloso - Corporate Marketing Team, Bianca Arao - Corporate Marketing Team, Gabriel Marcos, District Manager ng National Capital Region (NCR), Roldan Jimenez - District Head Northern Central Luzon, Ronald Carlos - Assistant Branch Manager ng Dagupan, Roy Purificacion - Brand Manager ng Laoag, Gel Aquino - Branch Manager ng Isabela, Noel Garcia - Branch Manager ng Pampanga, Dennis Fernandez - Branch Manager ng Quezon City, Wilson Baun - Branch Manager ng Tarlac City, at ng mga kawani ng nasabing tanggapan. Naroon din ang ilang kawani ng Barangay San Rafael sa pangunguna ng kasalukuyang Barangay Captain Cernan Cruz.

Nagtapos ang pagpapasinaya sa isang pananghalian na pinagsalu-saluhan ng mga nagsidalo.

Ni: Michael G. Santos
Chief News Correspondent

Oath-taking Of The Newly Elected Municipal Officials of Victoria, TarlacIdinaos ngayong araw ng Huwebes ganap na ika 8:0...
24/06/2022

Oath-taking Of The Newly Elected Municipal Officials of Victoria, Tarlac

Idinaos ngayong araw ng Huwebes ganap na ika 8:00 ng umaga, Hunyo 24, 2022 ang oath-taking ng mga bagong halal na opisyales ng bayan ng Victoria.

Pinangunahan ni Hon. Janet T. Yap - Evangelista, MTC Judge. 2nd MCTC Victoria and Lapaz, Tarlac, ang oath-taking ng mga bagong halal na opisyales ng Bayan ng Victoria.

Dinaluhan at sinaksihan naman ito ng mga myiembro ng pamilya ng mga bagong halal na opisyales at ng ibat-ibang sektor ng bayan ng Victoria.

Ang mga sumusunod ay ang mga bagong halal na opisyales ng Bayan ng Victoria.
1. Hon. Rex C. Villa Agustin, Mayor Elect
2. Hon. Tristan Reevo P. Guiam, Vice Mayor-Elect
3. Hon. Mary Jaefredeen Rigor - Viernes, SB Member-Elect
4. Hon. Jean Paul R. Lim , SB Member-Elect
5. Hon. Artemio I. Roque , SB Member-Elect
6. Hon. Loida C. Sarmiento , SB Member-Elect
7. Hon. Edwina I. Santiago , SB Member-Elect
8. Hon. Ramil S. Villa Agustin , SB Member-Elect
9. Hon. Eulalio G. Gacula, SB Member-Elect and
10. Hon. Arnel J. Gacusan , SB Member-Elect

Matagumapay at mapayapang naidaos ang oath-taking ng mga nabanggit na mga bagong halal na opisyales ng Bayan ng Victoria.

Pastor Aziel S. Saad
SPIN Media Correspondents.

Matagumpay na naidaos ang pagsasagawa ng SPIN Media Orientation para sa mga naglalayong maging miyembro nito. Isinagawa ...
21/06/2022

Matagumpay na naidaos ang pagsasagawa ng SPIN Media Orientation para sa mga naglalayong maging miyembro nito. Isinagawa ang nasabing gampanin sa Divine Name of Jesus Christ Church sa Dapdap, Bamban, Tarlac nitong ika-20 ng Hunyo 2022. Ito ay dinaluhan ng mga Pastor mula sa iba't-ibang Evangelical Churches. Kasabay ng Orientation ay ang buwanang pagpupulong ng Association of Bamban Evangelical Church (ABEC). Sa Dios lamang ang papuri!

21/04/2022

Sa darating na ika-29 ng Abril ay magaganap ang Covenant of Partnership Signing with the 8 Senators.

05/04/2022
Spin Media Conducted MBK Bible Seminar to our Policemen in P*P Camiling Tarlac... Cover by Spin Media News Corespondent ...
31/03/2022

Spin Media Conducted MBK Bible Seminar to our Policemen in P*P Camiling Tarlac... Cover by Spin Media News Corespondent Ptr. Braulio Phong Tolentino Jr. and Camera Man Ptr. Francis Agustin.

Earthquake Drill Orientation sa ating mga Pre-schoolersKahapon ng umaga, Marso 28, 2022, ganap na ika-8 ng umaga, nabigy...
28/03/2022

Earthquake Drill Orientation sa ating mga Pre-schoolers

Kahapon ng umaga, Marso 28, 2022, ganap na ika-8 ng umaga, nabigyan ng pagkakataon na maging tagapagsalita si Pastor Aziel Saad sa ginawang Earthquake Drill Orientation Seminar na ginanap sa Bued Child Development Center ng Binalonan, Pangasinan. Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng mga magulang at ng kanilang mga anak.

Ang programang ito ay bahagi ng Child Development program ng DSWD. Dito ay tinuraan ng inyong lingkod ang mga magulang kasama ng kanilang mga anak kung ano ang dapat gawin kapag lumindol at pagkatapos lumindol.

Tinapos ang orientaion seminar sa pamamagitan ng maikling pagsasanay o drill sa mga maliliit na bata upang sa kanilang murang isipan ay maitanim na ang isang kasanayan sa pagliligtas ng kanilang sarili kung sakaling dumating ang ganitong sakuna-lindol.

Aziel S. Saad
SPIN Media News Correspondents.

28/03/2022

Pagtatalaga sa Dios ng Paaralan ng mga kapatid nating katutubo na kabilang sa tribu ng Abelling sa Socorro, San Jose, Tarlac na pinangasiwaan ni Ptr. Joel Grande News Correspondent ng SPIN Media San Jose.

27/03/2022

Panayam ni Joel Grande News Correspondent ng SPIN Media mula sa bayan ng San Jose, Tarlac kay G. Alejandro Dela Cruz nang Sitio Baag, San Jose, Tarlac.

27/03/2022

Panayam ni Noe T. Anquillo News Correspondent ng SPIN Media kay Pastor Mario Abrazado na tumatakbong Kagawad ng Mayantoc.

26/03/2022

Panayam ni Braulio Tolentino, Jr. News Correspondent ng SPIN Media kay Francis Mamerga na tumatakbong Punong Bayan ng Mayantoc, Tarlac.

21/03/2022

Panayam ni Braulio Tolentino, Jr. News Correspondent ng SPIN Media kay Rev. Elmer Hernando Pangulo ng Pastors Association of Mayantoc kaugnay ng naganap na Christian Night nitong ika-20 ng Marso 2022.

Christian NightMatagumpay na naidaos ang ika-7 taong pagdiriwang Christian Night sa Tarlac Agricultural University Gymna...
21/03/2022

Christian Night

Matagumpay na naidaos ang ika-7 taong pagdiriwang Christian Night sa Tarlac Agricultural University Gymnasium sa Camiling Tarlac nitong ika-20 ng Marso 2022 ganap na ika-4 ng hapon. Ang naging tagapag-organisa ng nasabing pagtitipon ay ang Pastors Association of Mayantoc sa pangunguna ng kasalukuyang pangulo ng samahan na si Rev. Elmer Hernando sa pakikipagtulungan ng Association of Christian Youth na pinamumunuan naman ni Ptr. Redeemer Victoriano.

Ang nasabing pagdiriwang ay may temang "It's all bout Jesus" na dinaluhan ng iba't-ibang Cristianong simbahan sa Mayantoc, Tarlac. Mula pa lamang sa mga awiting papuri at pagsamba ay nakasentro ang mga liriko nito kay Jesus. Gayundin sa mensaheng inihatid ni Bishop Dr. Soriano na may acronym na CROSS na nirerepresenta ang Commitment, Responsibility, Obedience, Sanctification, at Service ay maliwanag na naipahatid sa lahat na ang pinakasentro ay walang iba kundi si Jesus.

Sa panayam kay Rev. Hernando ay kanyang sinabi na ang gawain ay ginagawa isang araw bago ang pagdiriwang ng kapistahan sa bayan ng Mayantoc.

Ang pagdiriwang ay masaya at mapayaapang naidaos sa tulong at gabay ng Panginoong Dios. Masasabi rin natin na ang gawaing naganap ay isang matibay na patotoo na kapag ang mga Cristiano ay nagkaisa para kay Jesus ay malaki ang magiging epekto nito sa buhay ng bawat indibiduwal. Nabigyan din ng na ang Pilipinas ay para kay Jesus, ang Tarlac ay para kay Jesus, ang Mayantoc ay para kay Jesus.

ni: Michael G. Santos

21/03/2022

Magandang mga kaSPIN! Ito na po ang ating official page.

20/03/2022
20/03/2022
20/03/2022
20/03/2022

Address

Tarlac
2300

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SPIN Media Tarlac Province posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to SPIN Media Tarlac Province:

Videos

Share