Juan Tarlac

Juan Tarlac AN ONLINE NEWS OUTFIT THAT SERVES TRENDING NEWS, TOURIST SPOTS, ACTIVITIES AND DELICIOUS FOODS.

JUAN TARLAC IS AN ONLINE NEWS OUTFIT THAT (PRIMARILY?) SERVES HOT-OFF-THE-PRESS NEWS AND TRENDS; AND SHOWCASES THE BEST TOURIST SPOTS, HOTTEST ACTIVITIES, DELICIOUS FOODS ALL AROUND TARLAC. FOLLOW, SHARE AND LIKE OUR PAGE,

FOR WHENEVER AND WHEREVER YOU ARE IN TARLAC, THERE IS JUAN IN ALL OF US!

18/11/2022

Nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap sina Pangulong Bongbong Marcos at President Xi Jinping ng China sa isang bilateral meeting kagabi sa Bangkok, Thailand.

Kabilang sa mga natalakay ay ang pagpapalakas ng relasyon ng dalawang bansa, partikular sa usaping agrikultura, enerhiya, imprastraktura at people-to-people connections.

Nasa Bangkok ang mga lider ng iba't ibang mga bansa para sa nagaganap na Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit

11/11/2022
11/11/2022

Maligayang kaarawan, dating Bise Presidente Jojo Binay! Salamat po sa maraming taon ng paglilingkod sa ating bansa. Hangad po namin sa iyo ang mabuting kalusugan at tagumpay sa hinaharap.

10/11/2022

11.11 nanaman, mga Ka-Juan! Naka add-to-cart na ba ang lahat? πŸ’ΈπŸ›’

Saang online shopping app mo balak sulitin ang 11.11 deals bukas? I-comment mo na yan!

10/11/2022

Sinabi ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. nitong Martes, Oktubre 8, na nais niyang ilipat ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC ) sa ilalim ng pamamahala ng Office of the President upang ayusin ang pagtugon sa kalamidad.

Ihinayag ito ng Pangulo sa kanyang pagbisita sa Tacloban City para sa 9th anniversary commemoration ng Super Typhoon Yolanda. Binigyang-diin din niya ang pangangailangang pahusayin ang disaster response measures at rehabilitation projects kasunod ng pinsalang dala ng mga nagdaang bagyo.

10/11/2022

Nilagdaan na ng Pilipinas at Kingdom of Saudi Arabia ang kasunduang nagbabawi sa deployment ban ng mga manggagawang Pilipino sa Saudi, simula noong Lunes, Nobyembre 7.

Sa isang virtual press briefing noong Martes ng gabi, sinabi ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople na nilagdaan niya ang isang Memorandum of Agreement kasama ang Ministro ng Human Resources at Social Development ng Saudi Arabia na si Ahmad Bin Sulaiman Al-Rajhi pagkatapos ng bilateral na talakayan.

10/11/2022

Noong Nobyembre 10, 1953, si Ramon Magsaysay ay nahalal bilang Pangulo ng Pilipinas. Siya ay nakakuha ng 2,912,99 na boto laban sa 1,313,991 na mga boto ng nakaupo na si Pangulong Elpidio Quirino.

10/11/2022

Maligayang kaarawan, Governor Art Yap! Nawa'y ma-enjoy mo ang iyong espesyal na araw, at nawa'y mapuno ng mabuting kalusugan, lakas, at kaligayahan ang iyong mga darating na taon!

10/11/2022

Pinag-aaralan ngayon ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) kung kinakailangan ba muling magkaroon ng dagdag sahod para sa mga manggagawa dahil sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing pangangailangan dahil sa patuloy na pagtaas ng inflation sa bansa.

Nauna nang nanawagan ang Partido Manggagawa sa gobyerno na magpatupad ng P100 na pagtaas sa minimum wage sa buong bansa nang pumalo ang antas ng inflation sa 7.7% noong Oktubre mula sa 6.9% noong Setyembre.

09/11/2022

Maligayang Kaarawan, Congressman Lord Allan Jay Velasco! Kami ay nagpapasalamat sa iyo at nagdarasal na sa pagdiriwang mo ng iyong kaarawan, biyayaan ka ng marami pang taon na puno ng magandang kalusugan at kagalakan.

08/11/2022

Maaaring mayroon pang mas makapangyarihang mastermind sa likod ng pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid, bukod kay hinihinalang nag-utos nito na si BuCor Chief Gerald Bantag, ayon sa National Bureau of Investigation nitong Martes.

Ani ni NBI Supervising Agent, Atty. Eugene Javier, nakatatanggap pa sila ng intelligence reports patungkol umano sa isa pang mastermind sa pagpatay, subalit hindi pa ito maibubunyag ng ahensya bago pa nila maberipika ang naturang impormasyon.

08/11/2022

Mag-aadjust ng operating hours ang mga malls sa Metro Manila sa susunod na linggo bilang paghahanda sa papalapit na Christmas Holidays. Ito ay ayon s Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Epektibo simula sa Lunes, 14 Nobyembre 2022, magiging bukas na ang mga malls na ito mula alas-11 ng umaga hanggang alas-11 ng gabi.

08/11/2022

Naluklok sa pagkapangulo si Elpidio Quirino noong Abril 17, 1948, kasunod ng pagkamatay ni Pangulong Manuel A. Roxas noong Abril 15 ng parehong taon. Ngunit sa 1949 Presidential at Vice presidential elections ng Pilipinas na ginanap noong Nobyembre 8, 1949, nanalo si Elpidio Quirino ng buong termino bilang Presidente ng Pilipinas habang ang kanyang running mate na si Senador Fernando Lopez ay nanalo bilang Bise Presidente.

08/11/2022

Ang Pilipinas ay kabilang sa mga pinaka-delikadong bansa sa mundo ayon sa iba't ibang media watchdogs. Ang ranggo ng kalayaan sa pamamahayag ng Pilipinas ay lalong bumaba ngayong 2022, sa gitna ng patuloy na cyber attacks sa mga website ng balita at harassment sa mga mamamahayag.

Ngayong taon, bumagsak ang bansa sa ika-147 na pwesto sa World Press Freedom Index ng Reporters Without Borders (RSF) na nakabase sa Paris. Matatandaan din na pinatay kamakailan lamang ang beteranong mamamahayag na si Percy Lapid. Siya ang pangatlong mamamahayag sa Pilipinas na pinatay ngayong 2022, ayon sa datos mula sa UNESCO.

NANINIWALA KA BA NA MAYROON PA TAYONG PRESS FREEDOM SA BANSA?

08/11/2022

Naghain na ng reklamong pagpatay ngayong Lunes ang Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) laban sa suspendidong Bureau of Corrections (BuCor) Ex-Chief Gerald Bantag at iba pang mga kaugnay sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

Matatandaang sinuspinde si Bantag noong Oktubre matapos ang pagkamatay ng sinasabing middleman sa pagpatay kay Lapid na si Jun Villamor, habang nakakulong ito sa New Bilibid Prison. Kabilang din si Bantag sa 160 personalidad na tinuturing na persons of interest ng pulisya sa pagpatay kay Lapid.

Samantala, naunang sinabi ni Joel Escorial, ang umamin na gunman sa pagpatay kay Lapid, na may isang "Bantag" ang nag-utos ng pagpatay kay Lapid.

07/11/2022

Tinatayang umabot na ng P4.5 bilyon ang naging pinasala sa imprastraktura dulot ng Bagyong Paeng, ayon sa National Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nitong Lunes.

Ayon sa kanila, CALABARZON ang nagtala ng pinakamalaking pinsala sa lahat ng rehiyong naapektuhan ng bagyo, na umabot sa P1.2 bilyon.

06/11/2022

Happy Sunday, mga ka-Juan! πŸ™

03/11/2022

Sa Nobyembre 8, maoobserbahan sa Pilipinas ang isang total lunar eclipse ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Dost_pagasa).

Inaasahang magsisimula ang nasabing astronomical phenomenon sa ganap na 5:19 p.m. at magtatapos ng 9:58 p.m. sa Martes.

03/11/2022

San Martin de Porres, ipanalangin mo kami! πŸ™

Ngayon ay ang kapistahan ni San Martin de Porres, ang patron ng mga magkakahalong lahi, mga barbero, mga innkeeper, at mga pampublikong manggagawa sa kalusugan. Nakilala siya sa kanyang trabaho sa pagtulong sa mahihirap, pagtatatag ng isang bahay-ampunan at isang ospital para sa mga bata.

Siya ay na-canonize ni Pope John XXIII noong Mayo 5, 1962.

03/11/2022

Maligayang Kaarawan, Congresswoman Rachel Marguerite "Cutie " Del Mar! Hangad namin sa iyo ang marami pang taon ng mapayapang paglilingkod, mabuting kalusugan, kaligayahan, at kagalingan.

03/11/2022

Maligayang Kaarawan, Vilma Santos-Recto! Dalangin namin na magdala ang araw na ito sa iyo ng lakas ng Diyos gayundin ng kaluwalhatian, karangalan, at kapayapaan!

Anong kwentong Vilmanian ang hindi niyo malilimutan?

02/11/2022

Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC ) ngayong Miyerkules, Nobyembre 2, 121 na ang mga naiulat na nasawi sa bagyong habang 36 naman ang nawawala.

Kalahati sa mga nasawi ay nagmula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), habang isang-kapat ng mga nasawi ay mula sa Kanlurang Visayas.

Hanggang ngayon ay patuloy na hinahanap ng mga awtoridad ang 36 na nawawalang indibidwal na biktima ng bagyo.

Photo credit: Global News

02/11/2022

Ngayon ay All Souls Day, ipagdasal at alalahanin natin ang ating mga yumaong mahal sa buhay.

30/10/2022
27/10/2022

Kinumpirma noong Linggo, Oktubre 23 ng Department of Health (DOH) ang pagtatalaga kay dating PNP Chief Camilo Cascolan bilang isa sa mga undersecretary ng nasabing departamento.

Sa isang pahayag, tinuligsa ng Alliance of Health Workers (AHW) ang pagtatalaga kay Cascolan at sinabing makikita dito ang kawalan ng pakialam ng Pangulo sa buhay, kalusugan, kaligtasan, at kapakanan ng mga manggagawang pangkalusugan at mga Pilipino sa pangkalahatan.

Agad namang dinepensahan ng Pangulo ang pagtatalaga kay Cascolan at sinabing hindi naman daw mga isyu sa kalusugan ang lulutasin niya, kundi ang mga istratehiya kung ano ang mga pagbabagong dapat gawin sa istraktura ng departamento.

PABOR KA BA SA PAGTATALAGA KAY EX-PNP CHIEF CASCOLAN BILANG DOH UNDERSECRETARY?

25/10/2022

BREAKING:

PAGASA Heavy Rainfall Warning No. 1 NCR_PRSD
Weather System: SHEAR LINE
Issued at: 1:30 PM, 25 October 2022

Itinaas ang Yellow Heavy Rainfall Warning sa buong lalawigan ng Rizal, at ilang bahagi ng Quezon.

Sa Metro Manila at ang malaking bahagi ng Central Luzon at ilang bahagi ng Calabarzon naman ay makakaranas ng mahina hanggang katamtamang lakas ng pagulan na minsanang may malakas na pag- ulan. Maaari itong magtagal ng 2-3 oras.

Mag-handa. Mag-ingat. Mag-tulungan.

Address

Tarlac

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Juan Tarlac posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share