RMCHS Buwan ng Wika 2024
FILIPINO Wikang Mapagpalaya
๐ค Hannah Faye A. Razon
Sa gitna ng malamig na simoy ng hangin, nawa ay dumaloy sa ating mga puso ang diwa ng Pasko . Ang bawat kislap ng ilaw at tibok ng puso ay maging daan upang magbigay aliw sa atin. Sa harap ng pag-asa at pagmamahalan, naglalakbay ang mga titik ng kantang Pasko, nagdadala ng ligaya at mainit na pagmamahal sa bawat isa. Sa oras na ito ng taon, ang kahulugan ng Pasko ay mas lalong tumitindi sa diwa ng pagbibigayan at pagkakaisa. Maligayang Pasko mga ka-Monsay!
Isinulat ni: Job Andrae G. Suan
Mayor Joy Belmonte, Naghandog Pamasko sa Monsay
Nagbigay ng handog pamasko si Quezon City Mayor Ma. Josefina "Joy" Belmonte sa mga guro at kawani ng Ramon Magsaysay (Cubao) High School nitong Nobyembre 21, 2023 sa Audio-Visual Room ng paaralan.
Sinimulan ang programa ng pambungad na mensahe ni Gng. Gina A. Anama, Puno ng Kagawaran ng English.
Nagpasalamat naman si Dr. Arliana A. Arboleda, Punongguro ng RMCHS, sa lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon para sa kanilang patuloy na serbisyo sa Department of Education (DepEd).
Sinimulan ang opisyal na turnover ng mga pamasko matapos magbigay ng mensahe ni Kap. Alberto C. Flores, Puno ng Opisinang Pandistrito, at Audio-Visual Presentation (AVP) ng mensahe ni Mayor Joy Belmonte para sa mga tatanggap ng pamaskong handog.
Isinulat nina : Knights V. Malacad
Ma. Fatima Q. Bautista
Kuha nina: Andrea Isabel R. Salazar
Luishane A. Dahonog
โจ Nagningning ang mga bituin โจ
Sa bawat kumpas ng musika'y kasabay ang malayang indayog sa mga gabing kay tingkad ng sinag ng bawat tala.
Tunghayan ang pagningning ng mga Ramonian sa RMCHS Seniors' Ball at Juniors' Night.
Hannah Faye A. Razon | Ang Tanglaw
#rmchsseniorsball
#rmchsjuniorsnight
NAGBABALIK TANGLAW!
Mga batang mamamahayag ng Ramon Magsaysay (Cubao) High School, nagkamit ng ikalimang pwesto sa idinaos na Division Secondary Schools Press Conference!
Tunghayan ang resulta ng mainit na patimpalak sa pagbabalita ni Hannah Faye A. Razon.
RMCHS BRIGADA ESKWELA 2022:
ANG TANGLAW COVERAGE
BaliTanglaw 2022
RMCHS BRIGADA ESKWELA 2022:
ANG TANGLAW COVERAGE
BaliTanglaw 2022
Brigada Eskwela 2022
Tema: Tugon sa Hamon ng Ligtas na Balik-Aral. Sama-sama, Tulong-tulong, Responsableng mga Organisasyong Nagkakaisang Gumagawa para sa MONSAY.
Ka-indakan na!!
Shirley Palanquit bilang Zumba Instructor
Agosto 8, 2022
Kasalukuyang ginaganap sa RMCHS Covered Court ang panimulang pag-eehersisyo para sa pagbubukas ng Brigada Eskwela: Tugon sa Hamon ng Ligtas na Balik-Aral. Sama-sama, Tulong-tulong, Responsableng mga Organisasyong Nagkakaisang Gumagawa para sa MONSAY. Halina at makibrigada na!
Bayanihan na, STRONG MONSAY!
Zumba instructor: Shirley Palanquit
Pagbati sa inyo mga ka-Monsay!
Malugod naming binabati ang mga nagsipagtapos at nagkamit ng karangalan sa ating sintang paaralan, Ramon Magsaysay Cubao High School. Hangad naming mabigyan kayo ng parangal dahil sa inyong ipinamalas na angking galing sa larangan ng akademiko ngayong taong panunuran 2021-2022. Ganumpaman, hindi rito natatapos ang lahat, sapagkat alam nating ito'y simula pa lamang ng panibagong kabanata sa ating buhay bilang isang mag-aaral. Kaya naman, inyong ipagpatuloy ang pagsusumikap at pagbibigay dedikasyon sa inyong pag-aaral. Sabay-sabay tayong tumindig at magsumikap tungo sa kinabukasang ating hinahangad. Muli, pagbati sa inyo, mga ka-Monsay!
Sabay-sabay nating ipagdiwang ang pagsapit ng Pasko! Aming inihahandog sa inyo ang isang munting awitin, na sana'y magbigay ligaya at ningning sa inyong kapaskuhan. Mula sa mga bumubuo ng Ang Tanglaw, Maligayang Pasko mga ka-Monsay!