Lelgit

Lelgit Hello, im Jonely Soriano PLEASE SUPPORT MY PAGE!
(4)

06/09/2024

VP Sara nakiisa sa mga Dabawenyos sa paggunita ng September 2016 Roxas Night Market bombing.

Maraming salamat sa iyong pagdamay sa aming pag-alala sa mga mahal namin sa buhay.

SAKLOLO SA ANTIPOLOMuling tumugon ang Office of the Vice President (OVP) sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha dulot n...
06/09/2024

SAKLOLO SA ANTIPOLO

Muling tumugon ang Office of the Vice President (OVP) sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha dulot ng bagyong , sa lalawigan ng Rizal.
Sa pagpapatuloy ng relief operations ng OVP, nagtungo ang mga tauhan ng OVP Disaster Operations Center (DOC) sa Antipolo City upang maghatid ng tulong sa mga pamilyang nanunuluyan sa iba't ibang evacuation centers.
Umabot sa 451 Relief Boxes (RBs) ang naipamigay sa mga pamilyang nasa walong evacuation centers na nasasakupan ng Barangay San Isidro at walong evacuation centers din sa nasasakupan naman ng Barangay San Jose sa naturang lungsod.
Inihandog rin natin ang mga canned goods na galing sa ating mga OVP partners.






*Like and Share Office of the Vice President Official Page on Facebook|*
https://www.facebook.com/OfficeOfTheVicePresidentPH/posts/pfbid02t9Zr5H11Wb1rYewSfLJ7SapUZSLnAh5pikPhHvei3fEtoRM74Y3vEHFXocTPa22Ql

OVP Kalusugan Food Truck Nakahanda na papuntang Provincial Hospital ng Morong Rizal ang hot meals para sa mga nasalanta ...
02/09/2024

OVP Kalusugan Food Truck

Nakahanda na papuntang Provincial Hospital ng Morong Rizal ang hot meals para sa mga nasalanta ng Bagyong Enteng

30/08/2024

VP Sara bumisita sa mga kabataan sa Mahaad Norol Yaqeen Litafidil Qur'an sa North Caloocan upang mamahagi ng PagbaBAGo bags kasabay Ng nationwide simultaneous distribution nito.
Maraming salamat po, VP Sara at mahal na mahal mo ang mga kapatid nating Muslim.

VP-elect Sara Duterte, bumili sa 7-Eleven nang naka-gown pero naka-tsinelas!Matapos ang inagurasyon sa kanya bilang pang...
29/08/2024

VP-elect Sara Duterte, bumili sa 7-Eleven nang naka-gown pero naka-tsinelas!
Matapos ang inagurasyon sa kanya bilang pangalawang pangulo ng bansa, nakita ng isang netizen si VP Inday Sara na bumili sa isang tindahan sa San Pedro Square.
Kwento ni Faith Roleen, very cool tingnan ang awra ni Sara dahil naka-tsinelas lamang ito habang suot ang kanyang kulay green na Filipiniana gown.
https://www.facebook.com/share/p/tQ8WSef3mmHg5qyh/

28/08/2024

BOOK READING
“Isang Kaibigan”
Davao City Library
Davao City
Masayang-masaya ako na nakasama ang mga batang Dabawenyo mula sa iba’t ibang child centers sa Lungsod ng Dabaw para sa isang book reading session sa Davao City Library noong nakaraang Linggo.
Sabay-sabay naming binasa ang librong aking sinulat na pinamagatang: “Isang Kaibigan”. Sa naturang book reading event ay binigyan ko sila ng tig-iisang kopya nito. Sinulat ko ito upang mahikayat ang mga bata na magbasa at sumulat ng sarili nilang mga libro o kwento.
Maraming salamat sa lahat ng bumubuo sa Davao City Library at sa mga batang lumahok sa ating book reading session.
Mga kababayan, patuloy po tayong maging MATATAG tungo sa pagtaguyod ng isang Bansang Makabata at mga Batang Makabansa.
Ang lahat ng ginagawa natin ay para sa Diyos, sa Bayan, at sa Pamilyang Pilipino.
Shukran.

MENSAHE PARA SA ARAW NG MGA BAYANIAugust 26, 2024Ngayong National Heroes Day, gunitain po natin ang ating mga bayani na ...
26/08/2024

MENSAHE PARA SA ARAW NG MGA BAYANI
August 26, 2024
Ngayong National Heroes Day, gunitain po natin ang ating mga bayani na nag-alay ng kanilang buhay para sa kalayaan ng ating bayan. Sana sa ating pagbabalik-tanaw sa ating kasaysayan ay matutunan natin ang mga aral tulad ng paninindigan, katapangan, pagmamahal sa kapwa at tapat na paglilingkod sa bayan.
Maging inspirasyon din sana natin ang kanilang kadakilaan at gisingin ang mga bayaning nagkukubli sa puso ng bawat Pilipino, lalo na sa ating mga kabataan.
Tunay lamang nating masusundan ang halimbawa ng ating mga bayani sa pamamagitan ng pagiging mabuting mamamayan na nagtataguyod ng mga prinsipyong nagbibigkis sa lahat ng mga Pilipino. Mahalaga rin na tayo'y magsumikap upang tayo ay manatiling malaya, maunlad, at mapayapa bilang isang bansa.
Mabuhay ang Pilipinas!
SARA Z. DUTERTE
Vice President of the Philippines

PAHAYAGAugust 25, 2024Mga kababayan,Hindi ko tinututulan ang implementasyon ng anumang warrant of arrest na naaayon sa b...
26/08/2024

PAHAYAG
August 25, 2024
Mga kababayan,
Hindi ko tinututulan ang implementasyon ng anumang warrant of arrest na naaayon sa batas. Ngunit kailanman ay hindi katanggap-tanggap ang paggamit ng dahas laban sa mga inosenteng mamamayan at mga deboto ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).
I vehemently condemn the gross abuse of police power in the takeover of the KOJC compound earlier today, which led to the harassment of religious worshipers, the abuse of minors, and the unnecessary loss of life.
These acts are not only a blatant violation of Constitutionally-protected rights but a betrayal of the trust that we, Filipinos, place in the very institution sworn to protect and serve us.
Hindi ko rin maiwasang matanong sa sarili kung ang paggamit ba ng di pangkaraniwang pwersa at di makatarungang pang-aabuso sa ordinaryong Pilipino, upang maipatupad ang naturang warrant of arrest, ay dahil sa ang akusado ay isang kilalang Duterte-supporter.
Kaya nais ko ring humingi ng kapatawaran sa lahat ng miyembro, deboto at bumubuo ng Kingdom of Jesus Christ, sa paghikayat at pakiusap ko sa inyong iboto si Bongbong Marcos Jr. noong 2022. Nawa'y mapatawad ninyo ako.
You deserve better.
Filipinos deserve better.
Shukran.
SARA Z. DUTERTE
Vice President of the Philippines

22/08/2024

VP Sara, binisita kamakailan ang City Library ng Davao upang ibahagi ang kaniyang libro na may pamagat na "Isang Kaibigan".

Maraming salamat sa pagbahagi ng iyong kwento aming tunay na kaibigan, VP Sara. 💚💚💚

MESSAGE FOR INTERNATIONAL DAY OF REMEMBRANCE AND TRIBUTE TO VICTIMS OF TERRORISM August 21, 2024Assalamu Alaykum Nananat...
21/08/2024

MESSAGE FOR INTERNATIONAL DAY OF REMEMBRANCE AND TRIBUTE TO VICTIMS OF TERRORISM
August 21, 2024

Assalamu Alaykum

Nananatiling banta sa ating buhay ang terorismo sa kabila ng ating mga pagsusumikap na labanan ito alang-alang sa kapakanan at kinabukasan ng ating mga anak.

Ngayong International Day of Remembrance and Tribute to the Victims of Terrorism, alalahanin natin ang mga biktima ng karahasan na dulot ng terorismo at ipagdangal natin sila sa pamamagitan ng mas matapang at nagkakaisang lakas laban sa mga hadlang sa ating kalayaan, kaunlaran, at buhay na may kapayapaan.

Ang ating pagsasawalang bahala sa banta ng terorismo ay pagyurak sa alaala ng mga biktima nito.

Magpapakita din ito ng ating kahinaan, takot, at kawalan ng paninindigan para makamit ang hustisya para sa mga biktima ng terorismo.

Huwag nating kalimutan na bilang isang bansa, may responsibilidad tayong manindigan laban sa terorismo.

Sama-sama nating itaguyod ang isang matatag, mapayapa, at isang komunidad na malaya mula sa banta ng terorismo.

Mga kababayan, patuloy po tayong maging MATATAG tungo sa pagtaguyod ng isang Bansang Makabata at mga Batang Makabansa.

Ang lahat ng ginagawa natin ay para sa Diyos, sa Bayan, at sa Pamilyang Pilipino.

Shukran.

SARA Z. DUTERTE
Vice President of the Philippines

*Like and Share this post on Facebook *
https://www.facebook.com/share/p/gufAiBWpHpYperbz/?mibextid=qi2Omg

SAAN UMABOT ANG BUDGET NG OVP? 🤔Narito ang breakdown ng mga Pilipinong naabot ng Office of the Vice President (OVP) sa p...
20/08/2024

SAAN UMABOT ANG BUDGET NG OVP? 🤔
Narito ang breakdown ng mga Pilipinong naabot ng Office of the Vice President (OVP) sa pamamagitan ng iba’t ibang mga programa ng Tanggapan mula January 2023 hanggang June 2024.
Patuloy ang dedikasyon ng OVP na maglingkod sa ating mga kababayan para sa Diyos, Bayan, at Pamilyang Pilipino. 🇵🇭



*Like and Share this post on Facebook|* https://www.facebook.com/share/p/ZXb1pchkdU1nnaKk/?

MORE BENEFICIARIES PARA SA 2025!Layunin ng Office of the Vice President (OVP) na mas mapalakawak pa ang paghatid ng mga ...
20/08/2024

MORE BENEFICIARIES PARA SA 2025!

Layunin ng Office of the Vice President (OVP) na mas mapalakawak pa ang paghatid ng mga serbisyo mula sa iba’t ibang programa ng Tanggapan sa mas marami pang Pilipino.

Para sa Fiscal Year 2025, ang iminumungkahing pagtaas ng budget ay naglalayong makapaglingkod sa mas marami pang beneficiaries sa Luzon, Visayas, at Mindanao.





*Like and Share Office of the Vice President Official Page on Facebook|* https://www.facebook.com/share/p/dTvBodJ51zyVmdei/?

20/08/2024

VP Sara, mainit na sinalubong ng mga panauhin sa ginanap na 2nd National Credit Surety Fund Cooperatives Congress kahapon sa SMX Convention, Lanang, Davao City.

Pinasalamatan rin ni VP Sara ang mga inisyatiba at mga programa ng CSF na naglalayong maiangat ang ekonomiya at tulungang umunlad ang bawat pamilyang Pilipino. 💚💚💚

MAY OVP LIBRENG SAKAY NA MULA PITX TO NAIC, CAVITE! 🚌Simula bukas, August 14, 2024, handa na ang Libreng Sakay Program n...
13/08/2024

MAY OVP LIBRENG SAKAY NA MULA PITX TO NAIC, CAVITE! 🚌

Simula bukas, August 14, 2024, handa na ang Libreng Sakay Program ng Office of the Vice President (OVP) upang magbigay ng libreng transportasyon sa mga pasahero mula PITX hanggang Naic, Cavite!

Layunin ng OVP ang makapagbigay ng ligtas at libreng serbisyo sa ating mga Filipino commuters.




28/07/2024

OVP - BARMM Satellite Office nagpaabot ng tulong sa mga pamilyang lumikas dahil sa nangyaring engkwentro sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Maraming salamat OVP at VP Sara, hindi niyo pinapabayaan ang Mindanao. 💚💚💚

Address

Quezon City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lelgit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Nearby media companies