Lumad rights supporters, bakit hinatulang guilty? | ALAB Analysis (Agosto 2, 2024)
Inapila ng tinatawag na Talaingod 13 ang desisyon ng korte na guilty daw sila sa kasong child abuse diumano sa mga estudyanteng Lumad.
Ilan sa mga kinasuhan ay sina ACT Teachers Partylist Representative France Castro at former Bayan Muna Representative Satur Ocampo.
Ano ang totoo sa kaso laban sa Talaingod 13 at sino nga ba ang dapat managot dito? 'Yan ang tatalakayin sa episode na ito ng ALAB Analysis!
Hindi matanggap ng mga taga-Baseco sa Maynila na mamamayan pa ang sinisi ni Pangulong Marcos Jr. sa pagbaha. Para sa kanila, ang pagpayag ng gobyerno sa mga proyektong reklamasyon ang nagdulot ng matinding pagbaha sa kanilang komunidad. Nasalanta na ng habagat at Bagyong Carina, nangangamba pa sila ngayon sa magiging epekto ng oil spill sa Manila Bay sa kanilang kalulsugan at kabuhayan.
Sumama ang mga kababaihan, children's rights advocates, at LGBTQ+ sa People’s SONA noong Hulyo 22. Inilantad nila na nanatiling bingi at bulag ang administrasyon sa totoong kalagayan ng mamamayan. Nangako naman ang mga grupong Gabriela, Bahaghari, at Salinlahi, na patuloy na maninindigan para sa makatarungan at inklusibong lipunan.
Flood control projects, bakit hindi sapat? | ALAB Alternatibong Balita (Hulyo 26, 2024)
MAALAB NA PAGBATI, PILIPINAS!
Narito ang mga nag-aalab na balita’t pananaw mula sa Altermidya Network:
️🔥 Flood control projects, bakit hindi sapat?
️🔥 Jeepney drivers at operators sa Iloilo, nangangambang ma-phaseout
️🔥 Rights Watch: Totoo bang ‘bloodless’ ang war on drugs ni Pang. Marcos Jr.?
️🔥 Balitang Emoji: Bayanihan sa mga komunidad pagkatapos ng bagyo
Sama-sama nating panoorin ang #ALAB!
SONA LABOR
Lumahok ang mga manggagawa sa People's SONA 2024 sa Commonwealth Avenue noong Hulyo 22 para ilantad ang tunay na kalagayan ng sektor ng paggawa at igiit ang mga panawagan para sa pagtaas ng sahod, regularisasyon, at karapatan sa pag-uunyon.
Sumama sa People’s SONA 2024 nitong Hulyo 22 ang mga siyentista’t makakalikasan sa pangunguna ng grupong Agham, CPU, Kalikasan at Yacap, at mga katutubo sa pangunguna ng Katribu. Panawagan nila, bigyan ng halaga ang kalikasan, protektahan ang karapatan ng mga katutubo, at tiyakin ang malinis na halalan.
SONA 2024 Altermidya's Special Coverage
SONA 2024 Altermidya's Special Coverage
Sectoral Address
Sa nagdaang linggo bago ang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nagsagawa ng kani-kanilang SONA ang iba't ibang organisasyon para ilahad ang tunay na sumasahol na kalagayan ng kanilang sektor sa ilalim ni Marcos Jr.
"Lahat kayo, Despotiko!" 🎤🎼 Panoorin ang creative protest ng Concerned Artists of the Philippines sa University Hotel, UP Diliman na nagpakita ng estado ng bansa sa pamamagitan ng musika at pageant parody tampok ang mga politikong “despotiko”.
Bagbag
Panoorin ang sitwasyon at ang patuloy na panawagan ng mga residente ng Bagbag sa Novaliches, Quezon City laban sa demolisyon. Anila, ang bahay ay kanilang buhay na hindi mapapalitan ng panandaliang salapi.
ALAB SONA SPECIAL: Pagtatasa sa ikalawang taon ni Marcos Jr
Kung mga pahayag at TikTok videos ni Ferdinand Marcos Jr. ang pagbabatayan, mukhang bumuti daw ang lagay ng Pilipinas sa dalawang taon niya sa pwesto. Pero ano ang totoo?
Nagsama-sama ang alternative media outfits para ihatid sa inyo ang
'ALAB #SONA Special Report: Pagtatasa sa ikalawang taon ni Marcos Jr.'
Sama-sama nating panoorin!🔥
Nagtipon ang mga manggagawa mula sa Timog Katagalugan sa entrada ng LISP 1 sa Laguna upang ilahad ang kanilang kalagayan. Kasama rito ang unyon sa Nexperia na nananawagang itigil ang paglabag sa CBA at mga atake sa kanilang unyon. Kanina, nakatakda ang kanilang strike voting pero hindi ito natuloy dahil sa panghaharas at pananabotahe ng pamunuan sa pamamagitan ng kunwariang pagpapagamit ng pasilidad para sa botohan.
Slices of Time
Sa huling araw ng 'Slices of Time: A Photography Exhibition' kanina, ibinahagi ng batikang photographer na si Efren Ricalde ang istorya sa likod ng ilan sa kanyang mga kuhang litrato.
MAKABAYAN Press Conference
LIVE: Progressive groups hold press conference announcing Makabayan senatorial run for 2025 elections
Martsa ng magsasaka
Nagprotesta ang mga magsasaka sa Mendiola para ipanawagan ang pagbasura sa Rice Tarrification Law (RTL), importasyon ng mga produkto, at ang pagpapatupad ng agraryong reporma sa bansa, noong Hulyo 1, simula ng ikatlong taon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa puwesto.
Panoorin: Pagbigkas ni Joy Barrios sa kanyang tulang “Sa Araw ng Pagkakaisang-Dibdib.” Nilunsad kahapon sa Gimenez Gallery sa UP Diliman ang tatlong nobeletang romansa at mga piling tula ng pag-ibig ni Barrios.
Kasama si Mrs. Jawo, tinanong ng Pinoy Weekly ang environmentalists, advocacy groups, at iba pang mga miyembro at ally ng LGBTQ+ community kung sino ang kanilang mahal at kung ano ang kanilang dalang panawagan sa Pride March sa Quezon City nitong Hun. 22. #pridemonth #pridemarch
Aklas, Vakla!
"Aklas, Vakla!" ang naging tema ng ginanap na Pride March sa UP Los Banos nitong Hunyo 23. Panawagan ng mga nakilahok ang agarang pagsasabatas ng SOGIESC Equality Bill at isulong ang pagprotekta sa iba pang karapatang pantao.
Guilty
Para kay Mary Ann Domingo, paunang tagumpay sa paghahanap ng katarungan ang hatol na guilty sa kasong homicide ng Caloocan Regional Trial Court nitong Hunyo 19 sa apat na pulis na pumatay sa asawa’t anak niyang sina Luis at Gabriel Bonifacio noong 2016. Patuloy siyang lalaban para sa ganap na katarungan para sa kanyang mag-ama at sa lahat ng mga biktima ng giyera kontra-droga ng nakaraang administrasyong Duterte.