RoadNews

RoadNews RoadNews aims to deliver news and current events anytime and anywhere in the world.

Petition for bail, no deal sa korte...ALICE GUO, SA PIITAN MAG-PASKOINAASAHANG magpa-Pasko na sa female dormitory ng Pas...
21/12/2024

Petition for bail, no deal sa korte...
ALICE GUO, SA PIITAN MAG-PASKO

INAASAHANG magpa-Pasko na sa female dormitory ng Pasig City Jail si dismissed Bamban Mayor Alice Guo matapos ibasura ng mababang hukuman ang hiling niyang makapagpiyansa sa kinakaharap na kasong qualified human trafficking.

"The petition for Bail.filed by accused Alice Guo, Rita Sapnu Yturralde, Rowena Gonzales Evangelista, Thelma Barrogo, Rachelle Joan Malonzo Carreon, Merlie Joy Manalo Castro, at Jaimielyn Santos Cruz are denied considering that the evidence presented by the prosecution against them during the bail hearing is strong," bahagi ng desisyong inilabas ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 167.
CTTO

Gayunpaman, nabatid na pinaboran ng hukuman na makapagpiyansa.ang dalawang akusado.na sina Jaimielyn Santos Cruz at Maybelline Roquiro Milli, dahil sa mahinang ebidensiya laban sa kanila. (Dindo Operario)

Wala ng bayani...BAGONG POLYMER BILLS NA ILALABAS NG BSPILALABAS na sa Lunes ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mg...
21/12/2024

Wala ng bayani...
BAGONG POLYMER BILLS NA ILALABAS NG BSP

ILALABAS na sa Lunes ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga disenyo para sa kanilang bagong polymer o plastic na mga banknote na nagtatampok ng mga hayop na katutubo sa Pilipinas bilang kapalit ng mga pambansang bayani.

Sinabi ni BSP Governor Eli Remolona na ang mga bagong disenyo para sa 500, 100 at 50-peso bills na iprinisinta noong Huwebes kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasama ang 1000 bill na inilabas noong Abril 2022 ay ang "First Philippine Polymer Banknote Series" na ipinalit sa mga dating desenyo na mga bayani ng bansa.

Ipinaliwanag ni Remolona na magpapataas ng kamalayan ang disenyong naglalarawan ng mga mayamang biodiversity at kultural na pamana ng Pilipinas partikular ang mga "native" at "protected animals", mga halaman at lokal na paghahabi ay nagsisilbing simbolo ng pagkakakilanlan ng Pilipino na maipagmamalaki.

Tampok sa 1000-peso bill ang Philippine eagle at sampaguita flower. Ang 500-peso bill naman ay ang Visayan spotted deer at Acanthephippium mantinianum. Ang 100-peso bill ay may Palawan peacock-pheasant at Caratocentron fesseli, habang ang 50-peso bill ay nagpapakita ng Visayan leopard cat at lanutan ni Vidal.

Sinabi ni Pangulong Marcos na mas tatagal ang polymer banknote ng hanggang pito at kalahating taon kumpara sa papel na napuputol o hanggang kalahating taon, namas makakatipid.dahil.hindi kailangan ang madalas na pagpodyus.(Isagani Masallo)

21/12/2024

May mahihiling pa ba sa buhay ang internationally acclaimed director na si Brillante Ma. Mendoza? Sa kanyang Christmas party kamakailan na dinaos sa kanyang hardin sa Mandaluyonb City, sinabi ng premyadong direktor na para sa mga nangangailangan na mga taga-pelikula ang kanyang piging. Katabi niya ang transgender actress na si OJ Ar Ci na isa sa mga bituin ni Brillante sa kanyang pinakabagong pelikula, ang "Chameleon." Narito ang aming panayam kay Dante mendoza!
Para sa RoadNews , Boy Villasanta, nag-uulat!
Buboi Guiron Patriarca Jr TV5

21/12/2024

Nagsagawa ng Black Friday protest ang mga magsasaka, consumer, at food advocates sa Pilipinas laban sa gobyernong Marcos dahil sa pagtatago ng mga kabiguan ng Rice Liberalization Law at Executive Order No. 62, na dapat tiyakin ang abot-kayang presyo ng bigas. Ikinatwiran ng grupo na binaha ng Rice Liberalization Law at Executive Order No. 62 ang merkado ng imported na bigas, dahilan upang bumaba ang presyo ng palay at sinira ang kabuhayan ng mga Pilipinong magsasaka. Ang Pilipinas ay nanatiling numero unong importer ng bigas sa buong mundo, kung saan ang pag-import ng bigas ay umabot sa pinakamataas na talaan na 4.25 milyong metriko tonelada sa pagtatapos ng Nobyembre. Ang grupo ay nananawagan para sa pagpapawalang-bisa sa Rice Liberalization Law at pagpapanumbalik ng mga kapangyarihan ng regulasyon ng National Food Authority upang makabili ng lokal na palay sa patas na presyo at maibenta ito nang abot-kaya sa mga pamilihan. Hinihimok nila ang pagpapaunlad ng lokal na produksyon kaysa sa pag-import upang matiyak ang seguridad sa pagkain at makamit ang rice self-sufficiency

20/12/2024

Ano ang future ng rap music sa panahon ng mga pagsintang pururot? Ano ang kahihinatnan ng hip hop sa gitna ng pamamayagpag ng TikTok? At may puwang ba ang flip top, ang moderno o binastardong Balagtasan ng mga rapper na kadalasan ay bulgar, mapangahas, bastos, tahasan o nakakabigla ang palitan ng mga katwiran kaugnay sa paksang pinagtatalunan sa tunog panulaan kung saan may Lakandiwa na namamagitan!? Ano ang panig ng National Artist for Literature nominee na si Epitacio Tingohan, kilala rin sa tawag na Doc PenPen at may sagisag-panulat na Bugtong Takipsilim o B. Takipsilim! Narito ang isang rap performance sa palatuntunang "The Secret Party" sa Black Lameza sa Pasig City kung saan sinuportahan ng Pentasi B ni Doc PenPen ang konsiyerto! May panayam din tayo kay Doc PenPen!
Para sa RoadNews Boy Villasanta, nag-uulat!

19/12/2024

Ano ang tsansa ng mga transgender actress na magkaroon ng puwang sa international movie scene! Kasalukuyang gumagawa ang internationally acclaimed director na si Brillante Ma. Mendoza ng isang obra maestra tungkol sa mga transgender na nagtatrabaho sa Japan! Isa si OJ Ar Ci sa mga bituin ng pelikula at panahon na nga ba para mamayagpag ang mga Filipino transgender actress sa daigdig? Narito ang ating panayam kay OJ Ar Ci. Para sa RoadNews , Boy Villasanta, nag-uulat!
TRANSGENDER PHILIPPINES TV5

18/12/2024

TODA OPERATOR AND DRIVER NANAWAGAN NA SA PRESIDENTE

Nananawagan ang mga tricycle operator at driver sa Pilipinas kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Department of Transportation (DOTr), at LTFRB na itigil ang pagpapalawak ng mga motorcycle taxi (MC Taxis) nang walang tamang konsultasyon. Ang National Confederation of Tricycle Operators and Drivers Association of the Philippines (NACTODAP) at ang National Public Transport Coalition (NPTC) ay nangangatuwiran na ang pagpapalawak ay nagbabanta sa kanilang kabuhayan at sa gulugod ng lokal na transportasyon, partikular sa mga lugar na kulang sa serbisyo.
Nananawagan sila para sa pagiging patas, pagsasama, at tamang konsultasyon upang matiyak na ang mga pagbabago sa patakaran ay hindi makakaapekto sa kanilang mga kabuhayan.
RoadNews TV5 Buboi Guiron Patriarca Jr Land Transportation Franchising and Regulatory Board - LTFRB Quezon City Government

18/12/2024

Ang kauna-unahang Christmas display sa Novaliches Quezon City...
Quezon City Government RoadNews Buboi Guiron Patriarca Jr TV5

17/12/2024

15 PRINTER TURN OVER SA DSWD DONATED BY PINOY AKO ORGANIZATION

Buboi Guiron Patriarca Jr Pinoy Ako Partylist DSWD NCR RoadNews

17/12/2024

TULFO BROTHER NANATILING TOP SA SENATORIAL SURVEY

Ang magkapatid na Tulfo na sina Erwin at Ben Tulfo, ay nananatiling nangungunang contenders sa 24 na senatorial candidates sa May 2025 national polls. Ang survey, na isinagawa ni Tangere, ay nagsiwalat na 12% ng mga respondent ay nagmula sa Metro Manila, habang 43% ay mula sa Visayas at Mindanao. Karamihan sa mga Pilipino ay kumikita ng hindi bababa sa P25,000. Ang pinakahuling survey ay isinagawa noong Oktubre 2024, at 10% lamang ng mga respondent ang pumili ng 12 kandidato mula sa 24.
Si Erwin Tulfo ang nanguna sa overall ranking na may 63.13% noong Disyembre 2024, sinundan ni Ben Tulfo na may 51% at Vincent "Tito" Sotto III na may 50.5%. Kasama sa iba pang mga kandidato sina Sen. Bam Aquino at Kiko Pangilinan, SAGIP Party-List Rep. Rodante Marcoleta, dating Ilocos Sur Gov. Luis "Chavit" Crisologo Singson, at dating Senador Gregorio "Gr**go" Honasan. Kabilang sa mga nangungunang isyu na nakakaapekto sa mga kandidato ang edukasyon, suweldo, trabaho, at takot sa Diyos.
Ang mga pinagmumulan ng mainstream media, tulad ng telebisyon, Facebook, at radyo, ay dumami habang ang Facebook ay bumaba. Ang mataas na boto ng magkakapatid na Tulfo ay dahil sa kanilang integridad at pangako sa pakikipaglaban para sa karapatan ng mga tao.

RoadNews Buboi Guiron Patriarca Jr TV5

16/12/2024

Pagkatapos ng kanyang maningning at makasaysayang pagganap sa "Batang Quiapo" ng ABS-CBN bilang kaaway in Trending na ginagampanan ni Charo Santos, ano na ang pinagkakaabalahan ng mahusay na aktres at manunulat na si Raquel Villa Vicencio. Huli naming nakausap si Raquel, kilala rin sa tawag na Kelly, sa paglulunsad ng transgender actress na si Cataleya Surio ng bird watching, forest walking at sightseeing sa Las Pinas-Paranaque Wetland Park kamakailan. Bukod sa ganitong adbokasiya, ano pa ang mga gawain ni Raquel Villavicencio. Narito ang ating panayam kay Raquel Villavicencio. Para sa RoadNews , Boy Villasanta nag'uulat!
TV5

HISTORY IN THE MAKING!!!WALANG imposible sa isang pangarap ang hindi matutupad kung ito'y lalakipan ng pagtitiyaga, disi...
16/12/2024

HISTORY IN THE MAKING!!!

WALANG imposible sa isang pangarap ang hindi matutupad kung ito'y lalakipan ng pagtitiyaga, disiplina, sakripisyo at determinasyon.

Ito ang naging sangkap kung bakit nakamit ni Gladys Tapalla William-Baleña, RN, ang Top 10 ranking (90.60%) sa katatapos na Nurses Licensure Examinations na ginanap noong Nobyembre 9 at 10, 2024, at inilabas ang resulta ng pagsusulit ng Professional Regulatory Commission (PRC) Nobyembre 29.

Sa 34,000 examinees para sa taong 2024, 29,000 ang pumasa na nagtala ng 85% passers.

Sa kasaysayan ng Nursing Program ng Eastern Samar State University (ESSU) Main Campus, Borongan City, kung saan nagtapos ng kanyang nursing course si Gladys bilang Cum Laude 2023, sa kabila ng kanyang pagiging nanay, asawa at estudyante, itinuturing ng ESSU na lumikha ng kasaysayan si Baleña para sa nasabing institusyon.

Si Gladys Tapalla William-Baleña ay nagtapos ng Practical Nursing sa AMA College. Sa edad 19 at siya'y naging breadwinner sa kanyang pamilya sa loob ng mahigit isang dekada.

Nagsimulang magtrabaho bilang Nursing Assistant sa bagong bukas na St. Lukes Global City, at pagkatapos ng anim na taon siya'y nagtrabaho, isa sa mga pioneer Nursing Assistant sa Cleveland Clinic, Abhu Dabi, at doon siya nakapangasawa kay Civil Engineer Conrado Valles Baleña ng Dolores, Eastern Samar, meron na silang isang 4-taong anak, si Ma. Thelma Ann William Baleña.

Sinusulat ito, nasa Plenary Hall ng Philippine International Convention Center (PICC) si Gladys W. Baleña para sa kanilang panunumpa bilang rehistradong nurse.

Tinanggap niya rin ang kanyang medalya at plake ng pagkilala bilang isa sa Sampung Topnotchers.

"Para sa mga nangangarap na maabot ang kanilang mga pangarap, hindi pa huli ang kahat. Lalo na sa mga naging breadwinner na inuna ang kanilang pamilya, panahon na para naman tulungan natin ang ating sarili. Hindi naman dapat na tayo'y maging breadwinner habang buhay.

"Nasa ating mga kamay at determinasyon para maabot.natin ang pangarap na yun. Disiplina, tiyaga, sakripisyo at pagtitiwala sa sarili, at tiyak na maaabot natin ang pangarap na 'yun," mahabang paalala ni Gladys sa kapwa niya mga breadwinner.

Nagpapasalamat si Gladys sa lahat ng kanyang mga naging g**o sa Hilabaan Elementary School, Hilabaan National High School at sa buong faculty ng College of Nursing and Allied Sciences ng ESSU.(ART TAPALLA)

Eastern Samar State University Hilabaan National High School Faculty, Staff and Students Art Tapalla

16/12/2024

Sa hanay ng mga child stars, isa si Noel Comia, Jr. sa mga nagpapakita ng kahusayan at kasikatan! Matatandaan na umingay at nanguna sa ratings sa TV ang seryeng "Nino, Nina" ng TV5 sa panahon ng pandemya! Ngayon ay malayo na ang nararating ni Noel at nagiging guwapitong bagets na! Narito ang aming panayam kay Noel Comia, Jr. Para sa RoadNews , Boy Villasanta, nag-uulat!

TV5 TV5 KAPATID NETWORK

15/12/2024

WE SAVE LIVES
YAN ANG MGA BINIBITIWAN NA SALITA NG MGA MIYEMBRO NG SALVEO WELL

Isa na naman pagpapatunay na ang online e-commerce, na ang isang multilevel marketing, na ang isang direct selling ay madami ang nababago ang buhay, nakuha ang pansin natin kahapon ng mapadaan tayo sa 1 mindanao ave COR north Ave, ang mga naggagandahan na mga sasakyan at mga taong masasayang nguusap at nagkwekwentuhan mga nagpapasalamat at iba naman pawang mga nakikiusyuso lamang.
Mga taong kumita at mga taong gumaling ang karamdaman, mga taong gusto lamang ay extra income pero ngayon ung extra income ay sampung doble na sa kanilng dating sinasahod, mga nangangarap ng sasakyan ng bahay sabi nga nila dito, natupad na pangarap. At makikita mo din ang pkikisalamuha ng mga mayari sa kanilang mga miyembro, sa SALVEO WELL pamilya ang turing sayo.
Para sa Roadnews nagbabalita Buboi Guiron Patriarca Jr

RoadNews Salveo Organic Barley Grass Salveo Organics Barley Grass I Salveo Organic Barley Grass Salveo Barley Grass Official Salveo Barley Grass Philippines SWAPP Dropshipping

UP LAW GRAD TOP ONE SA BAR EXAMSBUMANDERA ang law graduate ng University of the Philippines (UP) sa katatapos na 2024 Ba...
14/12/2024

UP LAW GRAD TOP ONE SA BAR EXAMS

BUMANDERA ang law graduate ng University of the Philippines (UP) sa katatapos na 2024 Bar examinations.

Ayon sa Korte Suprema, nakakuha ng 85.77% overall rating si Kyle Christian Tutor ng UP College of Law, para mag-top 1 sa pagsusulit.

Inanunsiyo rin ng Korte na kabuuang 3,962 ang examinees na nakapasa ngayong taon. Mas mataas ito sa 3,812 noong 2023.

Bukod kay Tutor, kasama rin sa Bar topnotchers sina: Top 2- Maria Cristina Aniceto (Ateneo); Top 3-Gerald Roxas (Angeles University Foundation); Top 4-John Philippe Chua(UP Law); Top 5- Jet Nicolas (UP Law); Top 6 - Maria Jovelyn Joyce Quebrar (UP Law); Top 7 - KylebIsaguirre (Ateneo); Top 8 - Jojie Macadine (University of Mindanao); Top 9 -Gregorio Torres (Western Mindanao State University); Top 10 - Raya Villacorta (San.Beda).

Mahigit 12,000 examinees ang nagparehistro sa Bar exams ngayong taon, pero mahigit 10,000.sa kanila ang nakakumpleto ng pagsusulit.

Ang passing rate ngayong taon ay nasa 37.84%. (Dindo Operario)

AFP GAGAWING MODERNO, 'WORLD CLASS'-PBBMPinandigan ni Pangulong Ferdidand Marcos Jr. ang modernisasyon at gawing 'world ...
14/12/2024

AFP GAGAWING MODERNO, 'WORLD CLASS'-PBBM

Pinandigan ni Pangulong Ferdidand Marcos Jr. ang modernisasyon at gawing 'world class' ang Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa graduation ceremony ng Major Services Officer Candidate Course (MS OCC), ipinahayag ng Pangulo na ang kanyang administrasyon ay nanatiling tapat sa pagtutok sa pagbabago ng AFP para maging world class na puwersa na maaaring ipagmalaki.

Ang MS OCC ay isang programang tumatagal ng isang taon para maging opisyal sa Philippine Army (PA) at para maging mga opisyal sa Philippine Air Force bilang mga Second Lieutenant, kabilang dito ang Philippine Navy (PN) bilang Ensign sa regular na pwersa ng AFP.

"We will modernize your equipment, enhance your training programs, ensure that you are equipped to face challenges not just of today,.but of the future. Because together, we will build an AFP that will stand as a beacon of strength, of alliance, resillience, and technological excellence," ani Marcos. (Isagani Masallo)

14/12/2024

ISANG PATUNAY NA NAMAN NA ANG (NKTI) NATIONAL KIDNEY INSTITUTE AY NAKAKATULONG AT NAKAKADUGTONG NG BUHAY, ISANG SUCCESSFULL NA OPERASYON ANG MASAYANG NAGKWENTO KUNG PAANONG ANG WALA NG PAG ASA NOON AY NABIGYAN NG BAGONG BUHAY NGAYON
National Kidney and Transplant Institute RoadNews Buboi Guiron Patriarca Jr Pinoy Ako Partylist IBP Isang Bansa Pilipino

13/12/2024

Look Buboi Guiron Patriarca Jr acknowledge by the BCS Malacañang

Thank you for your hardwork

Address

Quezon City
1100

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RoadNews posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to RoadNews:

Videos

Share