ON THE SPOT NEWS
Masigasig na suporta ng residente sa Kandidatong Kapitan ng Brgy. Botocan tinutukan.
Sorpresang nagmasid ang mga media groups sa ginanap na CANDIDATES FORUM mula sa sponsor na PPCRV- (Parish Pastoral Council for Responsible Voting) at PLDM- (Parish of the Lord of Divine Mercy) sa covered court ng nasabing barangay.
Dumagsa ang maraming tao para ipahayag ang kanilang mainit na suporta sa kasalukuyang Kapitan ROSALYN BALLAD sa kanyang kandidatura at ganun din sa iba pang kandidato ng naghahangad sa posisyon.
Isa itong popularity validation, o pagsukat muli kung paano nya namantini ang kasikatan mula pandemic period 2020 kung saan kinilala ang kasalukuyang namumuno sa kanyang serbisyo at tract record na humigit pa sa level na inaasahan ayon sa mandato ng DILG.
Dumating din ang ibang kandidato para sa Sangguniang Kabataan na nagpamalas ng kanilang galing sa pagkumbinsi mula sa kanilang student record bilang mga iskolar ng ibat ibang kolehiyo kaakibat ng kanilang plataporma at prayoridad. Ganun din sa iba pang kandidato sa pagka Kapitan mula sa nabibilang na supporters nila KAGAWAD TOOTS GARCIA, dating KAPITAN BEN EREDIANO at Isang independent candidate.
Napansin din natin ang presensya ng Kapulisan mula CAMP CARINGAL at Stn 9 PNP QCPD para panatilihin ang kaayusan kasama ang mga BPSO.
Ang balitang ito ay isinagawa para pulsuhan ang mga 'Leading Candidates' sa mga piling barangay bilang parte ng umiiral na PEOPLES SURVEY sa darating na eleksyon 2023.