11/04/2020
Update from Navotas City
Confirmed Cases - 13
https://m.facebook.com/home.php #!/TiangcoToby/photos/a.193672054056552/2897294437027620/?type=3&source=48
May confirmed cases na naman po sa Brgy. San Jose at sa Brgy. Sipac Almacen. Ang pasyente po sa Brgy. San Jose ay na-admit sa Navotas City Hospital (NCH) noong April 6 dahil sa ubo at sipon. Senior citizen na po siya at meron ding ibang karamdaman tulad ng Community Acquired Pneumonia, diabetes, hypertension at sakit sa bato.
Puno na po ang COVID-19 ward ng NCH at hindi na nito kaya pang humawak ng karagdagang kaso. Kaya kailangan pong ilipat ang pasyente sa ibang ospital.
Ang pasyente naman sa Brgy. Sipac ay isang nurse sa NCH na nangalaga sa ating mga kababayang may COVID-19. Bagaman maingat sa katawan at may suot na personal protective equipment (PPE), nagkaroon pa rin siya ng ubo at sipon simula noong April 1. Kalaunan, pinayuhan na po siyang mag-home quarantine dahil hindi naman grabe ang kanyang sintomas.
Ang dalawang pasyente sa Brgy. San Jose pati na sa Brgy. NBBN ay pawang magkakalapit ang bahay. Pinapatunayan lamang nito na madaling maipasa at makahawa ang COVID-19 virus.
Sa mga barangay na may dalawa o higit pang positibong kaso, kailangan magpatupad ng extreme enhanced community quarantine. Ibig sabihin, lahat ng mga naninirahan sa loob ng 100-150 meter radius mula sa bahay ng COVID-19 positive patient ay hindi na basta-bastang makalalabas sa kanilang lugar. May itatalagang mga pulis o tanod para mabantayan ang lahat ng mga lagusan nito. Kailangan itong gawin para maiwasan ang pagkalat ng virus.
Ang quarantine po ay para sa kabutihan nating lahat kaya sana ay sumunod po tayo rito.
Kapag mas maaga nating mapababa ang bilang ng positive cases, mas maagang maaalis ang enhanced community quarantine at mas mabilis tayong makabalik sa normal na buhay. Nasa atin po ang solusyon. Sana makiisa tayo dito.