13/12/2024
๐ง๐๐ก๐ง๐ ๐ก๐ ๐๐๐ง๐๐๐๐ | Nang Umawit ang Langit
๐๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฎ๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ณ๐ฐ๐ญ๐ช๐ฏ๐จ ๐ต๐ถ๐ธ๐ช๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ด๐ฌ๐ฐ. Ang tuwaโt pananabik ng mga batang nangangatok at umaawit sa harapan ng pinto at tarangkahan ng mga hile-hilerang bahay ay agad na napapawi marinig lamang ang salitang โpasongโ o di kaya namaโy ang paghiyaw ng โWalang tao rito!โ kahit mayroon naman talaga.
Subalit, paano kung langit na mismo ang mangaroling saโyo? Isasara mo pa ba ang iyong pinto? Ngayong araw, tiyak na hindi mo matatanggihan ang pag-awit at pagtugtog ng mga anghel na mistulang ipinadala ng langit upang buhayin ang diwa at ipadama ang simoy ng kapaskuhan.
Bilang buong-pusong paghahandog ng Integrated Basic Education Department (IBED) ng San Beda College Alabang (SBCA) para sa paparating na Pasko, idinaos ang I-BEDan Christmas Concert ngayong ika-13 ng Disyembre na pinamagatang โSounds of the Season,โ kung saan ipinamalas ng mga Bedista ang kanilang namumukod-tanging talento sa musika. Dahil sa kanilang presensiya mula 6:00 N.G. hanggang 7:40 N.G. ay pansamantalang binalutan ng hiraya ang bawat espasyoโt haligi ng Activity Center ng Alabang Town Center (ATC), lungsod ng Muntinlupa.
Matapos ang limang taong paghihintay, muling ibinalik ang konsiyertong ito na huli pang nasaksihan noong taong 2019. Naging malaking bahagi ng programa ang mga tagapangasiwa ng SBCA, kabilang na ang Rector-President ng SBCA na si Rev. Fr. Gerardo Ma. De Villa, OSB, at ang Punongguro ng IBED K-12 na si Gng. Vilma Clerigo. Higit sa lahat, naging bida ang anim na pangkat na binubuo ng mga musikerong Bedista, IBED alumni, at guest performers: ang I-BEDan String and Wind Ensemble, Middle School (MS) at High School (HS) Percussion Ensemble, MS String Ensemble, Angeli Dei Chorus, at HiSVoces Beda. Kasama rin dito ang apat na musikerong konduktor na nagsilbing tanglaw ng bawat grupong sina G. Ralph Randel Balbin, Bb. Julian Veronica Garcia, Bb. Antonette Marie Jingco, at Bb. Maita Lualhati.
Sisikat pa lamang ang buwan, ngunit tila sa loob ng gusali nagningning ang liwanag dahil sa mga mistulang anghel sa pulang kasuotan. Agad na naantig ang madla sa ipinarinig na โSanctusโ ng anim na grupo bilang panimulang panalangin ng programa. Matapos ang kanilang sabayang pagtatanghal ay opisyal na nagsimula ang konsiyerto sa pamamagitan ng pambungad na pananalita ni Dr. Andres Ignacio San Mateo Jr., ang SBCA Vice President for Academic Affairs.
Nang nagsimula ang isa-isang pagtatanghal ay tila pinakanta ng I-BEDan String and Wind Ensemble ang mga tagapakinig sa kanilang pagtugtog ng โSnowmanโ ni Sia at โNight Changesโ ng One Direction, na pinangunahan ni G. Balbin. Hindi naman nagpahuli si Atty. John Jacome, ang Human Resource Manager ng SBCA, sa kaniyang solong pag-awit ng โWhite Christmas.โ
Dumagundong naman hindi lamang ang mga haligi, kundi pati ang puso ng mga tagapakinig sa bawat palo ng MS Percussion Ensemble sa kanilang mga instrumento. Kanilang itinanghal ang mga pampaskong awiting โOye Como Va,โ โA Boomwhacker Christmas,โ at โWhere No One Goesโ sa pagkukumpas ni Bb. Garcia.
Sa paglalim ng gabi, kumalma at naging banayad ang paligid sa presensya ng Angeli Dei Chorus nang kanilang kinanta ang โHere We Come A-Caroling,โ โPayapang Daigdig,โ at โSomewhere in My Memory.โ Sa pangunguna nina Bb. Lualhati bilang konduktor at G. Dom Eugenio Labrague, OSB bilang assisting artist ng grupo ay nahumaling ang mga madla sa harmonisasyon ng kanilang nakatitindig-balahibong boses.
Maya-maya paโy payapang gabi muli ang ihinatid ng MS String Ensemble dahil sa kanilang pagtipa ng โSilent Night,โ na pinangunahan ni Bb. Jingco. Patuloy nilang pinahimbing ang diwa ng mga manonood at tagapakinig sa kanilang pagtatanghal ng โHark the Herald.โ
Ngunit, sa pag-akyat ng HS Percussion Ensemble sa entablado ay agarang napalitan ng sigla ang kapayapaan. Sadyang napapadyak ang paa ng madla sa kanilang bersiyon ng โSleigh Rideโ at โTrinidad Tidingsโ sa gabay ni Bb. Garcia.
Patuloy namang nanatiling gising ang diwa ng madla sa nakahuhumaling na harmonisasyon ng HiSVocesBeda dahil sa kanilang โJingle Bells Calypsoโ sa pangunguna muli ni Bb. Lualhati. Hindi rin sila tinulugan ng madla sa kanilang โIlang Tulog Pa Ba,โ na naipadama sa bawat isa ang simoy ng papalapit na kapaskuhan.
Hindi naglaho ang pagkislap ng mga talento ng I-BEDan String and Wind Ensemble sa kanilang pagbabalik sa entablado at pagtugtog ng Christmas Medley na binubuo ng mga pampaskong kanta tulad ng โRudolf the Red-nosed Reindeerโ at โAll I Want for Christmas is You.โ Bago magtapos, nagsikantahan at nakisabay ang madla sa kanilang bersiyon ng patok na patok na awiting โAPTโ nina Rosรจ at Bruno Mars.
Kung sa unaโy magkakasama ang bawat grupo, sa duloโy muli silang nagtipon-tipon sa entablado. Ipinarinig nila ang mga kantang kinasasabikan at kabisadong-kabisado ng lahat: ang โJoy to the Worldโ at โAng Pasko ay Sumapit.โ Sa kanilang presensya, mistulang pag-awit ng langit ang nasaksihan at nadama ng bawat isa.
๐๐ฐ, ๐ต๐ถ๐ฏ๐ข๐บ ๐ฏ๐ข ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฎ๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ณ๐ฐ๐ญ๐ช๐ฏ๐จ ๐ต๐ถ๐ธ๐ช๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ด๐ฌ๐ฐ. Ang karamihaโy hilig ang tumanggi, ngunit kung hahayaan nating dumaloy ang musika sa ating mga tainga hanggang sa kaibuturan ng ating kaluluwa, magiging madali na lamang itong yakapin nang higit pa sa anumang bagay sa mundo. Mahirap magbigay, ngunit mahirap ding tanggihan ang mga batang musikerong patuloy na minamahal ang kanilang talento.
Paparating na ang Pasko, at langit na mismo ang umaawit para saโyo. Kumakatok-katok na ito sa iyong puso. ๐๐ข๐ฏ๐ฅ๐ข ๐ฌ๐ข ๐ฏ๐ข ๐ฃ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ถ๐ฌ๐ด๐ข๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ต๐ฐ?
Isinulat ni:
Alexa E. Borge (H12-A)
Mga kuha nina:
Kzee Aymil M. Delos Santos (H12-A)
Gheloo Isaac C. Priagola (A12-B)