Ang Baranggay

Ang Baranggay Opisyal na Pamahayagang Pampaaralan ng Mataas na Paaralang Lakan Dula

Tagapayo: Gng. Iza B. Verzosa
(1)

PASUKAN NA | REYAL OR FAKEH? OH NO, REYAL!Totoo na isang tulog na lang at pasukan na naman. Tapos na ang maikling bakasy...
29/07/2024

PASUKAN NA | REYAL OR FAKEH? OH NO, REYAL!

Totoo na isang tulog na lang at pasukan na naman. Tapos na ang maikling bakasyon. Nakahanda na ba ang uniporme, bolpen, papel, at higit sa lahat ang sarili mo?

May baon ka na rin bang pagpapakilala at kasabihan diyan? Tipong mahuhulog agad sa'yo ang crushie mo, emz. Huwag kakabahan at i-enjoy lang ang unang araw ng pasukan, Lakan Dulans!

Bagong panuruang taon, Bagong kaalaman!
_______________________

Artisanya ni: G. C. Tecson
Dibuho ni: F. Bautista

๐‚๐Ž๐Œ๐Ž ๐„๐’๐“๐€๐‡๐€๐ ๐ŸŽ๐ŸŽ๐Ÿ“ // Ano ang feeling na magkikita na ulit kayo....ng papel at bolpen mo? Malapit na naman ang pasukan. Bu...
26/07/2024

๐‚๐Ž๐Œ๐Ž ๐„๐’๐“๐€๐‡๐€๐ ๐ŸŽ๐ŸŽ๐Ÿ“ // Ano ang feeling na magkikita na ulit kayo....ng papel at bolpen mo?

Malapit na naman ang pasukan. Bulaga! Tatlong tulog na lang.

_______________________

Artisanya ni: P. Templanza
Dibuho ni: F. Bautista

๐€๐๐† ๐  โ€” ๐‘ป๐‘ฐ๐‘ต๐‘ฐ๐‘ฎ ๐‘ป๐‘ฐ๐‘ต๐‘ซ๐‘ฐ๐‘ฎ - HULYO 25 | PAHAYAGANG MAPAGPALAYA      Karangalan ang maging parte ng pahayagang hindi gaano nab...
25/07/2024

๐€๐๐† ๐ โ€” ๐‘ป๐‘ฐ๐‘ต๐‘ฐ๐‘ฎ ๐‘ป๐‘ฐ๐‘ต๐‘ซ๐‘ฐ๐‘ฎ - HULYO 25 | PAHAYAGANG MAPAGPALAYA

Karangalan ang maging parte ng pahayagang hindi gaano nabibigyan ng importansya lalo na kung ito ay pampaaralan. Subalit kung inyong pagtutuunan at bibigyang kahalagahan, ito ay nagpapalaya ng isipan at paniniwalang nakarehas sa maling mga impormasyon at baluktot na paniniwala sa sandamakmak na isyung pangkasalukuyan.

Ayon sa Campus Journalism Act of 1991 o Republic Act no. 7079, marapat na proteksyunan ng estado ang kalayaan ng pamamahayag kahit sa pampaaralang lebel, ngunit ito'y nagagawa nga ba? Malaya ba talaga? Sa panahon ngayon, patuloy pa ring natatapakan ang karapatang ito ng bawat mamamahayag. Marapat na hindi manatiling tulog ang ating diwa, gisingin ang mga natutulog na kamalayan, at bigyang pansin ang batas na ito. Huwag nating basta balewalain ang mga kabataang mamamahayag, sila'y pahalagahan bilang kasapi ng ating lipunang ginagalawan.

Sa kabilang dako, kahit na madalas na kinikitil ang tinig na isinisigaw ng pahayagan, nananatili itong tumitindig para sa katotohanan. Kaya't sa pagdiriwang ng National Campus Press Freedom Day, ito ay isang paalala na sa bawat artikulong naisusulat, at boses na tumatalak โ€” patuloy nitong ipinamamalas ang diwa ng kalayaan na siyang sandigan ng isang makatarungan at makabuluhang lipunan.




_______________________

Pluma nina: L. Romero at F. Bautista
Artisanya ni: J. San Jose
Dibuho ni: F. Bautista

NASA LARAWAN | BRIGADA, ARIBA!  Sama-samang ipinagdiwang ang pagbubukas ng Brigada Eskwela 2024 na may temang "Bayanihan...
23/07/2024

NASA LARAWAN | BRIGADA, ARIBA!

Sama-samang ipinagdiwang ang pagbubukas ng Brigada Eskwela 2024 na may temang "Bayanihan para sa MATATAG na paaralan" kung saan dinaluhan ng mga mag-aaral ng baitang 10, magulang, g**o, at iba't ibang clubs o organisasyon, kahapon, Hulyo 22 ngayong taon.

Sa kabilang banda, kitang-kita ang pagmamahal hindi lang ng mga mag-aaral sa kasalukuyan kung 'di pati na mga estudyanteng naging parte na ng kasaysayan ng Lakan Dula High School, sa tulong nina G. Carlos, Almuni President, at Gng. Simon, Batch 1976, na nakinig sa hiling ng isang organisasyon at nagbigay ng Megaphone na siguradong makatutulong sa mga darating pang panahon.

_______________________

Pluma nina: E.J. Jiao at L. Romero
Lente nina: F. Bautista at L. Arellano

ANG MENSAHE | HULING PABAON Sa pagtatapos ng isang makabuluhang kabanata, sulitin natin ang pagkakataong ito upang magbi...
23/07/2024

ANG MENSAHE | HULING PABAON

Sa pagtatapos ng isang makabuluhang kabanata, sulitin natin ang pagkakataong ito upang magbigay pugay at pasasalamat sa ating minamahal na punong g**o, Bb. Merle B. Angon.

Batid naming lahat na sa paglipat mo ng panibagong pahina ay patuloy pa rin ang pagningning ng iyong ngiti kasama ng positibong personalidad na mayroon ka saan man ikaw dumako. Nawa'y ang iyong masayang pagretiro ay mapuno rin ng nag-uumapaw na kaligayahan at biyaya!

Mula sa kaibuturan ng aming puso, maraming salamat po Bb. Angon!

_______________________

NASA LARAWAN | LEGASIYANG HINDI MALILIMUTAN KAILANMAN Nagtipon-tipon ang mga alumni, opisyales, g**o at ang punong g**o ...
23/07/2024

NASA LARAWAN | LEGASIYANG HINDI MALILIMUTAN KAILANMAN

Nagtipon-tipon ang mga alumni, opisyales, g**o at ang punong g**o ng Mataas na Paaralang Lakan Dula upang ipagdiwang ang Project Turnover Ceremony ng mga bagong CCTV cameras na ipinakabit ng mga alumni sa nasabing paaralan, naganap ang pagtitipon sa Multipurpose Hall ng LDHS, nitong Hulyo 15.

Sa karagdagan, sa ngalan ng LDHS, labis kaming nagpapasalamat sa proyektong ito sapagkat makakatulong ito sa seguridad at proteksyon ng mga estudyante ng paaralan.

_______________________

Pluma ni: L. Quitaleg
Lente nina: L. Arellano at L. Romero

HULYO NA | BALIK ESKWELA, READY KA NA BA?Sa nalalapit na pagbabalik eskwela, narito ang mga mahahalagang petsa na marapa...
13/07/2024

HULYO NA | BALIK ESKWELA, READY KA NA BA?

Sa nalalapit na pagbabalik eskwela, narito ang mga mahahalagang petsa na marapat ninyong tandaan:

โ€ข Mula Hulyo 15, Lunes hanggang Hulyo 19, Biyernes magaganap ang pagkuha ng larawan para sa I.D ng mga Lakandulans.

โ€ข Sa kabilang Banda, sa Hulyo 22 hanggang Hulyo 26 naman magaganap ang Brigada Eskwela 2024.

Para sa mga paalala, pakisuri na lamang ang mga larawan sa ibaba.

_______________________

Pluma ni: L. Quitaleg
Dibuho ni: F. Bautista

IKA-24 NG HUNYO | ARAW NG MAYNILA Ipinagdiriwang ng mga Manileรฑo ngayong ika-24 ng Hunyo ang ika-453 taong anibersaryo n...
24/06/2024

IKA-24 NG HUNYO | ARAW NG MAYNILA

Ipinagdiriwang ng mga Manileรฑo ngayong ika-24 ng Hunyo ang ika-453 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Lungsod ng Maynila bilang kabisera ng Pilipinas noong 1571.

Bukod dito, ginugunita rin ang makasaysayang nakaraan ng Maynila at mga kultura nitong nagbibigay-buhay sa Lungsod. Ngayong ika-24 ng Hunyo, ating ipagbunyi at pagnilayan ang espesyal na araw ng mga Manileรฑo.

MALIGAYANG ARAW NG MAYNILA!

_______________________

Pluma ni: L. Quitaleg
Dibuho ni: F. Bautista

๐€๐๐† ๐  โ€” ๐‘ป๐‘ฐ๐‘ต๐‘ฐ๐‘ฎ ๐‘ป๐‘ฐ๐‘ต๐‘ซ๐‘ฐ๐‘ฎ | ALON NG SIGALOT           Patuloy ang pambubulabog ng China Coast Guard (CCG) sa West Philippine...
24/06/2024

๐€๐๐† ๐ โ€” ๐‘ป๐‘ฐ๐‘ต๐‘ฐ๐‘ฎ ๐‘ป๐‘ฐ๐‘ต๐‘ซ๐‘ฐ๐‘ฎ | ALON NG SIGALOT


Patuloy ang pambubulabog ng China Coast Guard (CCG) sa West Philippine Sea (WPS) matapos nitong harangin ang mga mangingisdang Pilipino sa Bajo de Masinloc, Zambales. Hindi na katanggap-tanggap ang ginagawang pang-aalipusta ng China sa teritoryo ng mga Pilipino. Dagdag pa, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), hinaharang ng mga miyembro ng China Coast Guard na nakasakay sa rubber boat ang mga mangingisdang kumukuha ng seashells at hinahawakan pa ang bangka ng mga Pilipino upang hindi makaalis. Hindi ito ang unang beses na pinagmalupitan ng Tsina ang mga mangingisda sa Bajo de Masinloc; kamakailan lang, hinarang at itinaboy ng mga Chinese militia ang mga mangingisdang Pinoy.

Dahil sa kasakiman ng Tsina, gutom ang inaabot ng bawat pamilyang apektado nito. Ayon kay Senator Kiko Pangilinan, bumagsak ang kita ng mga mangingisda mula P10,000-P18,000 sa P2,000-P3,500. Sa kabilang banda, sinabi ni Pangulong โ€œBongbongโ€ Marcos na lalaban ang Pilipinas sa Tsina kung patuloy ang pagmamaltrato nito sa karapatan ng bansa sa WPS, ngunit puro salita lamang ito at tila nagbubulag-bulagan na lang.

Dapat nang maalarma ang mga liderato sa palihim na pananakop ng mga Tsino. Pagtibayin ang borders separating sa pagitan ng West Philippine Sea at South China Sea upang hindi na ito tambayan ng Chinese vessels. Bigyan ng sapat na proteksyon ang mga mangingisda upang hindi na muling lapastanganin ang kanilang karapatan na maghanap-buhay. Simulan na rin ang pagtigil sa pagtangkilik ng mga produkto ng Tsina o โ€œBoycottโ€ upang pahinain ang kanilang ekonomiya at pwersa. Tuldukan na ang pang-aalipusta ng Tsina sa Pilipinas. Oras na para lumaban upang ang karapatan ng Pilipinas sa WPS, ay hindi tuluyang malapastangan.





_______________________

Pluma ni: L. Romero
Artisanya nina: P. Templanza at L. Romero
Dibuho ni: F. Bautista

JUST IN | SASAMAHAN KA SA KYUSI AT ISUSULONG ANG KARAPATAN NG LGBTQIA+ COMMUNITY  "Gender is not what people look like t...
22/06/2024

JUST IN | SASAMAHAN KA SA KYUSI AT ISUSULONG ANG KARAPATAN NG LGBTQIA+ COMMUNITY

"Gender is not what people look like to other people; it is what we know ourselves to be. Gender is a person's actual or perceived gender identity, expression, and self-image," ani Alok Vaid Menon.

Nagtipon-tipon ang halos isang libong mga dumalo na parte ng LGBTQIA+ community at allies na gumawa ng makulay na kasaysayan sa Love Laban 2 Everyone Pride PH Festival, isang pride month event ng pamahalaan ng Quezon City na ginanap sa Quezon Memorial Circle ngayong Sabado, Hunyo 22, 2024.

Naghanda rin ng mga pagtatanghal sa naturang pride month celebration, kabilang na rito ang BINI, Cup of Joe, Ben and Ben, si Vice Ganda, at marami pang iba.

Samantala, sabay-sabay na ipinaglaban sa nasabing festival ang karapatan, ekwalidad, at oportunidad para sa bawat kasarian. Isinusulong din nila ang ang pagkakaroon ng respeto at walang sawang pagsuporta sa bawat isa sa komunidad.

_______________________

Pluma ni: E.J. Jiao
Lente ni: E.J. Jiao at A.N. Agustin

IKA-16 NG HUNYO | HALIGI NG TAHANAN Isang araw na karapat-dapat na maanihan ng papuri sa lahat ng pawis, dugo at sakripi...
16/06/2024

IKA-16 NG HUNYO | HALIGI NG TAHANAN

Isang araw na karapat-dapat na maanihan ng papuri sa lahat ng pawis, dugo at sakripisyo na kinarga ng bawat Ama. Hindi mahirap sabihin sa Ama na isa silang biyaya ng sansinukob na ayaw na nating mawala. Sa mga nanay na naging tatay, sa mga kapatid na tumayong haligi at sa nagpapakatatay na patuloy na tumataguyod at sumusubaybay sa pamilya.

๐˜›๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข'๐˜ต ๐˜ฉ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ'๐˜ต ๐˜บ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ด๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ฉ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข'๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ.

"๐‘ท๐’‚, ๐‘บ๐’‚๐’๐’‚๐’Ž๐’‚๐’•." โ€“ ๐˜๐˜ฌ๐˜ข๐˜ธ, ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ, ๐˜ต๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ.

_______________________

Pluma ni: P. K. Vesorio
Dibuho ni: F. Bautista

IKA-12 NG HUNYO | PUNITIN ANG SEDULA! "Ang mamatay nang dahil sa iyo." โ€” Lupang Hinirang Ngayong ika-12 ng Hunyo, sama-s...
12/06/2024

IKA-12 NG HUNYO | PUNITIN ANG SEDULA!

"Ang mamatay nang dahil sa iyo." โ€” Lupang Hinirang

Ngayong ika-12 ng Hunyo, sama-sama nating ipagdiwang ang sakripisyong inialay ng ating mga bayani upang makamit ang inaasam na kalayaan.

Halina't gunitain ang dugo't pawis na isinakripisyo ng mga dakila nating bayani para sa minimithing kasarinlan mula sa mahabang panahon ng pagkakagapos. Panatilihin natin bilang isang mamamayang Pilipino ang nag-aalab na pagmamahal mula sa ating mga puso para sa inang bayang Pilipinas.

Tara na at muling makiisa sa pagtangkilik, pagdiwang, at paggunita para sa kalayaang mayroon tayo ngayon.

_______________________

Pluma ni: M.J. Ong
Dibuho ni: F. Bautista

HUNYO NA! | IWAGAYWAY ANG BAHAGHARI ๐Ÿณ๏ธโ€๐ŸŒˆ  Tuwing buwan ng Hunyo ang selebrasyon ng PRIDE MONTH upang ipagdiwang ang pagk...
01/06/2024

HUNYO NA! | IWAGAYWAY ANG BAHAGHARI ๐Ÿณ๏ธโ€๐ŸŒˆ

Tuwing buwan ng Hunyo ang selebrasyon ng PRIDE MONTH upang ipagdiwang ang pagkilala ng lipunan sa iba't ibang sekswalidad o kasarian, kaya naman halina't ating ipagsigawan at ipagmalaki sa buong mundo na proud ako kung sino ako.

Sabay-sabay nating ipaglaban ang karapatan, ekwalidad, at oportunidad para sa bawat kasarian. Ang respeto at pagtanggap sa lahat ay solusyon tungo sa matagumpay at malayang hinaharap.

_______________________

Pluma ni: L. Arellano
Dibuho ni: J.A. Lucina

NASA LARAWAN | PAGHAKBANG SA PANIBAGONG PAGLALAYAG  "Ikaw, ako, tayo ang Makabagong Kabataang Pilipino ang tugon sa hamo...
01/06/2024

NASA LARAWAN | PAGHAKBANG SA PANIBAGONG PAGLALAYAG

"Ikaw, ako, tayo ang Makabagong Kabataang Pilipino ang tugon sa hamon ng Edukasyon para sa mas Matatag na Kinabukasan ng Bagong Pilipinas," ani Princess Junice Obreque.

Binigyang parangal at pagkilala ang halos 1,077 High School Completers sa kanilang Moving-Up Ceremony na may temang "Kabataang Pilipino Para sa Matatag na Kinabukasan ng Bagong Pilipinas" na dinaos sa Mataas na Paaralang Florentino Torres, nitong Huwebes, ika-30 ng Mayo, ika-5 ng umaga.

Nagkamit ng mataas na karangalan ang karamihan sa outgoing staffers ng Ang Baranggay. Habang ang ilan ay nagkamit ng may karangalan at completer.

Sa kabilang dako, malugod naming binabati ang lahat ng mga nagsipagtapos na Lakandulans na walang sawang nagsikap at humakbang patungo sa panibagong yugto ng buhay. Ang inyong mga bunga ng pagsisikap at pagtitiyaga ay inyo nang aanihin. Hinihiling namin ang inyong pag-unlad at tagumpay para sa inyong edukasyon at pagtupad sa pangarap.

PADAYONNN!

_______________________

Pluma ni: E.J. Jiao at F. Bautista
Lente ni: F. Bautista at A.Nepomuceno

KUHA MO! | ISANG PAGTATAPOS...  Sa bawat pagbagsak ng Araw, may mga mag-aaral na nagniningning sa madilim na kalawakan.....
01/06/2024

KUHA MO! | ISANG PAGTATAPOS...

Sa bawat pagbagsak ng Araw, may mga mag-aaral na nagniningning sa madilim na kalawakan..

Isinagawa ang Araw ng Pagkilala para sa mga mag-aaral ng panuruang taong 2023-2024 na nagkamit ng iba't ibang parangal sa larangan isports at akademiks nitong ika-28 ng Mayo.

Naging mabilis at organisado ang programa sa kabila ng pabago-bagong petsa. Sa kabilang banda, nagbigay gantimpala rin si Congressman Rolan Valeriano sa mga estudyanteng nagkamit ng mataas na karangalan sa pamamagitan nang pagbibigay ng gintong medalya.

Ang pangyayaring ito ay isang sagisag ng matagumpay na pagtatapos, na nagpapahiwatig sa paparating na panibagong Simula. Sa susunod na taon ng pag-aaral, nawa'y sumiklab ang iyong tagumpay tulad ng liwanag ng araw sa umaga.

_______________________

Pluma ni: L. Romero
Lente ni: F. Bautista at L. Arellano

NASA LARAWAN | PAGKAKATIWALA NG MGA SIMBOLO  Nagtipon-tipon ang mga outgoing at incoming officers ng iba't ibang clubs a...
01/06/2024

NASA LARAWAN | PAGKAKATIWALA NG MGA SIMBOLO

Nagtipon-tipon ang mga outgoing at incoming officers ng iba't ibang clubs at organizations sa Quadrangle One ng Mataas na Paaralang Lakan Dula upang sila'y bigyang-parangal sa ginanap na GAWAD MATATAG na may temang "Leading...Passing... Uplifting...Continuing the Spirit of Service and Excellence" nitong Mayo 27.

Kaugnay nito, bawat officers ay may sinumpaang pangako at tumanggap ng tungkulin na kanilang dapat gampanan bilang isang lider ng kani-kanilang clubs at organizations.

Samantala, nauna nang nagsagawa ng oathtaking at turnover ceremony ang Ang Baranggay nitong Mayo 20 kung saan pinarangalan at pinasalamatan ng g**ong tagapayo na si Gng. Iza Versoza ang mga staffers ng batch 2023-2024 sa kanilang ipinakitang kahusayan at dedikasyon sa pahayagang Ang Baranggay.

Dagdag pa rito, labis na nagpapasalamat ang mga mamamahayag ng batch 2024-2025 sa iniwan na kagamitan ng outgoing staffers. Lubos itong makatutulong sa amin kaya't iingatan at amin itong pahahalagahan upang magamit sa mga susunod pa na panuruang taon.

_______________________

Pluma ni: L. Quitaleg
Lente ni: R. Fernandez at L. Arellano

๐€๐๐† ๐ | ๐‘ท๐‘จ๐‘ฎ๐‘บ๐‘ฐ๐‘ต๐‘จ๐‘ฎ ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ป๐‘จ๐‘ณ๐‘จSa matagumpay na paglayag ng ating mga manlalayag, ito'y nagsisilbing simbolo ng panibagong yugt...
31/05/2024

๐€๐๐† ๐ | ๐‘ท๐‘จ๐‘ฎ๐‘บ๐‘ฐ๐‘ต๐‘จ๐‘ฎ ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ป๐‘จ๐‘ณ๐‘จ

Sa matagumpay na paglayag ng ating mga manlalayag, ito'y nagsisilbing simbolo ng panibagong yugto sa pamamahayag. Sa dulo ng mga paghihirap na kinaharap sa kanilang paglalayag, sisinag ang mga tala upang ipagpatuloy ang pagbibigay liwanag. Sa paglitaw ng panibagong panuruang taon, patuloy pa ring ๐‘ ๐‘ข๐‘ ๐‘ข๐‘™๐‘Ž๐‘ก ๐‘ข๐‘๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘š๐‘Ž๐‘›๐‘–๐‘›๐‘‘๐‘–๐‘”๐‘Ž๐‘› ๐‘Ž๐‘ก ๐‘š๐‘Ž๐‘”๐‘๐‘–๐‘”๐‘Ž๐‘ฆ ๐‘˜๐‘Ž๐‘ก๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘ข๐‘›๐‘”๐‘Ž๐‘›.

โ€ข ๐€๐๐† ๐๐€๐‘๐€๐๐†๐†๐€๐˜ ๐’๐“๐€๐…๐…๐„๐‘๐’ ๐’.๐˜. ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’-๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ โ€ข

Punong-g**o: Ms. Merle B. Angon
Tagapayo: Gng. Iza B. Verzosa

Punong Patnugot: Felcia A. Bautista
Pangalawang Patnugot: Lea A. Quitaleg
Tagapamahalang Patnugot: Lorreine C. Romero
Tagapangasiwang Patnugot: Latoya Marie C. Arellano
Patnugot ng Balita: Ellyssa Jhen Jiao
Patnugot ng Editoryal/Kolum: John Arc T. Lucina
Patnugot ng Lathalain: Matthew Justine Ong
Patnugot ng Agham at Teknolohiya: Alliyah Joy Abarrientos
Patnugot ng Isports: Patricia Kassandra S. Vesorio
Kartunista: Gabrielle Chloe Tecson, Jastine Marie San Jose
Tagawasto: Penelopee T. Templanza
Tagakuha ng Larawan: Kate Martina Dalanon, Almhira Natasha Nepomuceno
Taga-anyo: Jullian Carl R. Feliciano, Daisuki M. San Pedro
Taga-ulat: Jasper Agosto, Jared Agosto, Francis Elmo Bungay, Reign James Burgos, Stelle Ianica Gregorio, Criszalyn Poblacion, Akisha Mae Hipolito

๐Œ๐๐‹๐ƒ โ€” ๐€๐๐† ๐๐€๐‘๐€๐๐†๐†๐€๐˜ | ๐“ข๐“ช ๐“น๐“ช๐“ฐ๐“ฒ๐“ฝ๐“ช๐“ท ๐“ท๐“ฐ ๐“ถ๐“ฐ๐“ช ๐“ช๐“ต๐“ช๐“น๐“ช๐“ช๐“น ๐“ช๐”‚ ๐“ช๐“ท๐“ฐ ๐“ถ๐“ฐ๐“ช ๐“ฝ๐“ช๐“ต๐“ช๐“ท๐“ฐ ๐“ผ๐“พ๐“ถ๐“ช๐“ผ๐“ช๐“ฐ๐“ฒ๐“ผ๐“ช๐“ฐ ๐“ผ๐“ช ๐“น๐“ช๐“ฝ๐“พ๐“ต๐“ธ๐”‚ ๐“ท๐“ช ๐“น๐“ช๐“ฐ๐“ญ๐“ช๐“ญ๐“ช๐“ต๐“ช ๐“ท๐“ฐ ๐“ท๐“ฒ๐“ท๐“ฐ๐“ท๐“ฒ๐“ท๐“ฐ ๐“ช๐“ฝ ๐“น๐“ช๐“ฐ-๐“ช๐“ผ๐“ช ๐“ฝ๐“พ๐“ท๐“ฐ๐“ธ ๐“ผ๐“ช ๐“ถ๐“ช๐“ต๐“ช๐”‚๐“ช๐“ท๐“ฐ ๐“ซ๐“ช๐“ฐ๐“ธ๐“ท๐“ฐ ๐“พ๐“ถ๐“ช๐“ฐ๐“ช.

JUST IN | ARARO TUNGO PANALO!Umariba ang Lakan Dulans gamit ang nagkukumahog na kumpiyansa at talas ng isip sa TamQuest ...
06/04/2024

JUST IN | ARARO TUNGO PANALO!

Umariba ang Lakan Dulans gamit ang nagkukumahog na kumpiyansa at talas ng isip sa TamQuest 2024, isang interschool competition para sa akademya at isports, na ginanap sa Far Eastern University (FEU) High School Manila, ngayong araw.

Sinungkit ng pulidong argumento nina James Agosto, Shajeena Mastura at Camille Aquino ang kampeonato sa tagisan ng Asian Parliamentary Debate; habang ipinamalas naman ni Johnniel Gray San Diego ang mahusay na pagtudla sa raketa matapos manguna sa Men's Solo Table Tennis.

Itinanghal naman na 2nd Runner Up sina Xylene Resha Terminio, Princess Junice Obreque, Leuise Orsino, at Ashlly Rivamonte sa Quiz Bee; habang pumwesto rin sa parehong ranggo si Jian Cedrick Bautista sa Men's Chess.

__________________

Pluma ni: C. Aquino

JUST IN | MPLD, muling humataw sa DSPCHumakot ng patong-patong na parangal ang Mataas na Paaralang Lakan Dula sa Manila ...
09/03/2024

JUST IN | MPLD, muling humataw sa DSPC

Humakot ng patong-patong na parangal ang Mataas na Paaralang Lakan Dula sa Manila Division School's Press Conference 2024 na ginanap sa Mataas na Paaralang Pang-agham at Teknolohiya ng Raja Soliman, ngayong araw.

Tinanghal na kwalipikado ang tatlong mamamahayag na umarangkada patungong Regional School's Press Conference 2024; sina Jhared Carlo Cornes, gold medal sa Pagsulat ng Artikulong Pang-agham; Shajeena Mastura, silver medal sa Pagsulat ng Editoryal; at Mark Jacob Mendoza, bronze medal naman sa Copyreading and Headline Writing.

Sa kabila nito, nagsungkit din ng parangal ang mga sumusunod na mamamahayag:

4th Place - John Cedrick Absulio, Pagguhit ng Kartung Pang-editoryal
6th Place - Cassandra Mei Ramos, Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita
8th Place - Roselyn Mae Pasaforte, Pagsulat ng Balita
8th Place - Charles James Salatambos, Editorial Cartooning

Samantala, hinihintay pa ang anunsyo ng mga kategoryang Photojournalism/Pagkuha ng Larawan, Sports Writing/Pagsulat ng Balitang Isports, Collaborative Desktop Publishing, Radiobroadcasting, at iba pa sa Marso 23, 2024.

ANG PULSO | NEXT LEVEL, IKALAWANG YUGTO!๐—ช๐—˜'๐—ฅ๐—˜ ๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—”๐—ก ๐——๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—ฆ, ๐—ข๐—™ ๐—–๐—ข๐—จ๐—ฅ๐—ฆ๐—˜ ๐—ช๐—˜'๐—ฅ๐—˜ ๐—ฃ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก        Sinong mag-aakalang magkakala...
16/02/2024

ANG PULSO | NEXT LEVEL, IKALAWANG YUGTO!

๐—ช๐—˜'๐—ฅ๐—˜ ๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—”๐—ก ๐——๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—ฆ, ๐—ข๐—™ ๐—–๐—ข๐—จ๐—ฅ๐—ฆ๐—˜ ๐—ช๐—˜'๐—ฅ๐—˜ ๐—ฃ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก

Sinong mag-aakalang magkakalahati na pala ang taon bago matapos ang school year na ito. Ayun na yun? Wait, ano 'tong tumutulo? Hahah, mga luha ko pala dahil sa dami ng pending activities.

Ngunit dahil taga-Lakan tayo, yakang-yaka 'yan. Madami mang ganap at aktibidad sa mga dumaang linggo sa paaralan ay hindi dapat tayo magpahuli! Multi-tasker kaya tayo, kaya nga natin pagsabayin mag breakdown habang nagrereview sa quiz eh, joke! Sa kabila ng lahat, bigyan natin ng ilang tapik ang ating mga sarili sa mga bagay na atin nang nalampasan, maliit man o malaki. Sabi nga ni Taylor Swift "If we never bleed, we will never grow", sa madaling salita, hayaan nating hubugin ng bawat baku-bakong karanasan ang ating pagkatao. Kayo, anong kuwentong Lakan Dulan, first half of the year version ninyo?

________________

Pluma ni: C.G Jimeno
Dibuho ni: S. Mastura

BBBBBINGO! | GUSTO KITA WITH ALL MY HYPOTHALAMUS!Hindi talaga papatalo ang mga Lakan Dulans pagdating sa iba't ibang pak...
14/02/2024

BBBBBINGO! | GUSTO KITA WITH ALL MY HYPOTHALAMUS!

Hindi talaga papatalo ang mga Lakan Dulans pagdating sa iba't ibang pakulo para sa minamahal nila. May crochet flower, may chocolate, long sweet message at iba pang regalo.

Pero ikaw, ano nga bang ganap mo ngayong araw? Isa ka ba sa mga nabigyan ng bulaklak o admiring from afar? Umamin ka na ba kay crush o nahihiya ka pa ring mag-first move? Kung hanggang ngayo'y 'di mo pa nagagalaw ang baso, okay lang yan, love takes time! Unahin ang sarili bago ang iba, self-love muna.

Maligayang Araw ng mga Puso, Lakandulans!

__________

Pluma ni: A. Orpilla
Dibuho ni: A.G De Leon at K.A Gonzales

๐—–๐—ข๐— ๐—ข ๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—”๐—›๐—”๐—ก ๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฐ // IT'S CRAMMING TIMEEE!Feel ko, ito lang yung "Finally, finally" na mahirap ikatuwa. Kimi! Ready na ba...
02/01/2024

๐—–๐—ข๐— ๐—ข ๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—”๐—›๐—”๐—ก ๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฐ // IT'S CRAMMING TIMEEE!

Feel ko, ito lang yung "Finally, finally" na mahirap ikatuwa. Kimi! Ready na ba kayo, este ang pending activities niyo para bukas, Lakan Dulans?

_______________

Dibuho ni: S. Mastura

๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฏ(๐Ÿฐ?) | ๐—ฆ๐—ง๐—ข๐—ฃ ๐—•๐—ฌ, ๐—•๐—จ๐—›๐—”๐—ฌ๐˜–๐˜ฉ, ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ฐ ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ข.Sa pagsapit ng isang bagong panahonโ€”isang taon kung saan naideklara tayong tuluy...
31/12/2023

๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฏ(๐Ÿฐ?) | ๐—ฆ๐—ง๐—ข๐—ฃ ๐—•๐—ฌ, ๐—•๐—จ๐—›๐—”๐—ฌ

๐˜–๐˜ฉ, ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ฐ ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ข.

Sa pagsapit ng isang bagong panahonโ€”isang taon kung saan naideklara tayong tuluyan nang malaya sa bangungot na dinala ng pandemya, hindi maikakailang gumapang tayo sa iba't-ibang uri ng makabuluhang anomalya. Nakagugulat isipin na pagkatapos ng isang iglap, isang pikit, at isang pagdilat, ay kaharap na nating muli ang mga nagsisiliparang liwanag; Mga alipatong tumatanglaw sa mga alaala ng nagdaang taon.

Matapos ang ating matagumpay na paglalayag sa taong dalawang libo't dalawampu't tatlo, huwag nating kalimutan na batiin ang ating mga sarili. May mga araw man na natalo tayo, isang malaking kampeonato na ang pag-abot natin sa dulo. Kaya naman para sa pagtatapos ng dalawang beses na isa, dalawa, at tatlo:

๐— ๐—”๐—ก๐—œ๐—š๐—ข๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—š๐—ข๐—ก๐—š ๐—ง๐—”๐—ข๐—ก, ๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—”๐—ก ๐——๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—ฆ!

___________________

Pluma at Dibuho ni: S. Mastura

NASA LARAWAN | BUSINA KONTRA PANG-AALIPUSTA"Kahit na tanggalan kami ng prangkisa, ilalaban namin 'to. Ilalaban namin 'to...
24/12/2023

NASA LARAWAN | BUSINA KONTRA PANG-AALIPUSTA

"Kahit na tanggalan kami ng prangkisa, ilalaban namin 'to. Ilalaban namin 'to hangga't kaya namin sumigaw dito sa kalye, at kaya namin magsampa ng mga legal na paraan para makakuha tayo ng hustisya sa Korte Suprema." - Mar Valbuena, Pangulo ng Samahang Manibela Mananakay at Nagkaisang Terminal ng Transportasyon (SMMITT)

Nagtipon-tipon sa Monumento Circle, Caloocan City ang humigit-kumulang 2000 tsuper, aktibista, at mga sumusuporta sa 'joint tigil-pasada' na pinangunahan ng transport groups na Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) at SMMITT kontra sa Public Utility Vehicles Modernization Program (PUVMP) na tuluyang ikakasa sa katapusan ng taon, nitong Disyembre 22-23, 2023.

_______________

Pluma ni: S. Mastura
Kortesiya ni: A. Orpilla
Lente ni: R. Fernandez

JUST IN | BONAKIDZ, MULING NAMUTAWIBumandera ang ngiti ng tagumpay sa mga kasapi ng patnugutang MPLD - Ang Baranggay mat...
23/12/2023

JUST IN | BONAKIDZ, MULING NAMUTAWI

Bumandera ang ngiti ng tagumpay sa mga kasapi ng patnugutang MPLD - Ang Baranggay matapos humakot ng parangal sa The Hiraya - National Literary and Journalism Conference 2023, ika-23 ng Disyembre 2023.

SHAJEENA MASTURA
> Pagsulat ng Sanaysay - Attention-Grabbing Title
> Pagsulat ng Sanaysay - Most Vivid Piece
> Pagsulat ng Sanaysay - Best in Narrative Presentation
> Pagsulat ng Sanaysay - Best in Introduction
> Pagsulat ng Sanaysay - Best in Body
> Pagsulat ng Sanaysay - Judge's Choice Award
> Pagsulat ng Sanaysay - 1st Place Overall
> Pagsulat ng Pang-ulong Tudling - Best in Title
> Pagsulat ng Pang-ulong Tudling - Best in Content
> Pagsulat ng Pang-ulong Tudling - Best in Lead
> Pagsulat ng Pang-ulong Tudling - Judge's Choice Award
> Pagsulat ng Pang-ulong Tudling - 2nd Place Overall

CAMILLE ROSE AQUINO
> Pagsulat ng Pang-ulong Tudling - Best in Title
> Pagsulat ng Pang-ulong Tudling - Best in Technicalities
> Pagsulat ng Pang-ulong Tudling - 3rd Place Overall
> Pagsulat ng Kolum - Best in Argument
> Pagsulat ng Kolum - Best in Content
> Pagsulat ng Kolum - Best in Technicalities
> Pagsulat ng Kolum - Judge's Choice Award
> Pagsulat ng Kolum - 4th Place Overall

ASHLEY SOPHIA JOY ORPILLA
> Pagsulat ng Sanaysay - 21st Place Overall
> Pagsulat ng Lathalain - 10th Place Overall

SHANIA KIM SALES
> Pagsulat ng Sanaysay - 9th Place Overall

MARY KATE FRANCINE ENTIA
> Pagsulat ng Pang-ulong Tudling - 9th Place Overall

LORREINE ROMERO
> Pagsulat ng Pang-ulong Tudling - 8th Place Overall

STELLE IANICA GREGORIO
> Pagsulat ng Pang-ulong Tudling - 7th Place Overall

PRINCESS CEASE
> Pagsulat ng Lathalain - 7th Place Overall

JHARED CARLO CORNES
> Pagsulat ng Lathalain - 6th Place Overall

____________________

Sa ngalan ng pamamahayag, kami'y titindig at magwawagi, mag-uulat at mananatiling tagapagmulat.

NASA LARAWAN | FRESH 4 LAKAN!Matagumpay na nakiisa ang Mataas na Paaralang Lakan Dula sa "DepEd's 236,000 Trees - A Chri...
17/12/2023

NASA LARAWAN | FRESH 4 LAKAN!

Matagumpay na nakiisa ang Mataas na Paaralang Lakan Dula sa "DepEd's 236,000 Trees - A Christmas Gift for the Children", na pinangunahan ng Youth for Environment in Schools Organization (LDHS YES-O), noong Disyembre 6.

Masaganang naisagawa ang aktibidad ng pagtatanim ng binhi ng puno sa bakanteng lupa ng Gusali 4, sa tulong ng mga piling g**o, department heads, SSLG at YES-O officers.

Alinsunod sa DepEd memo no. 69, s. 2023, layunin ng Tree-Planting Activity sa mga pampublikong paaralan sa bansa na imulat ang mag-aaral sa importansya ng pangangalaga sa kalikasan at pagtataguyod sa "clean and green environment" para sa kabataang Pilipino at susunod na henerasyon.

_________________

Pluma ni: C. Aquino
Lente ni: S. Mastura

NASA LARAWAN | SI ATE KO, 'DI PAPATALO!Sa pagdiriwang ng 61st Founding Anniversary ng Mataas na Paaralang Lakan Dula ay ...
16/12/2023

NASA LARAWAN | SI ATE KO, 'DI PAPATALO!

Sa pagdiriwang ng 61st Founding Anniversary ng Mataas na Paaralang Lakan Dula ay matagumpay na isinagawa ang Teacher's Got Talent upang maipakita ang samu't saring talento ng mga g**o, ika-anim at ikapito ng Disyembre sa Quadrangle 1.

Nagpamalas ng iba't ibang pakulo ang bawat departamento sa kanilang mga pagtatanghal. Nasungkit ng Araling Panlipunan department ang ikatlong pwesto matapos ang kanilang handog na awitin at makukulay na sayawan. Samantala, dahil naman sa nakamamanghang pagtugtog at makapigil-hiningang sayaw ng MAPEH Department ay naiuwi nila ang ikalawang gantimpala.

Sa kabilang banda, pumatok naman sa madla at mga hurado ang ginawang pag-arte ng mga g**o sa Filipino na nagpapakita ng mga kaganapan sa loob ng klase, dahilan upang makuha nila ang karangalan bilang kampeonato.

______________

Pluma ni: A. Orpilla
Kuha nina: J.C Absulio, K. Ampeloquio, at R. Fernandez

NASA LARAWAN | PULANG BITUIN๐‹๐ƒ๐‡๐’ ๐•๐จ๐ฅ๐ฅ๐ž๐ฒ๐›๐š๐ฅ๐ฅ-๐’๐ž๐ฉ๐š๐ค ๐“๐ž๐š๐ฆ, ๐๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ ๐ก๐š๐ฐ ๐ฌ๐š ๐“๐ซ๐จ๐ง๐จTUMIKWAS ng naglalagablab na tagumpay ang LDHS ...
12/12/2023

NASA LARAWAN | PULANG BITUIN

๐‹๐ƒ๐‡๐’ ๐•๐จ๐ฅ๐ฅ๐ž๐ฒ๐›๐š๐ฅ๐ฅ-๐’๐ž๐ฉ๐š๐ค ๐“๐ž๐š๐ฆ, ๐๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ ๐ก๐š๐ฐ ๐ฌ๐š ๐“๐ซ๐จ๐ง๐จ

TUMIKWAS ng naglalagablab na tagumpay ang LDHS ๐— ๐—ฒ๐—ป'๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ช๐—ผ๐—บ๐—ฒ๐—ป'๐˜€ sa larangan ng Volleyball kontra sa Mataas na Paaralang Jose P. Laurel, 2-0 at sa umaapoy na depensa ng Manuel L. Quezon, 2-0, Nobyembre 26, 2023, sa Florentino Torres H.S.

LUMITAW bilang si Alyssa Valdez si Allaine Batol sa pagbato ng mapamintas na deception down-the-line hits sabay sa net tips and bumps ni Aissle Marcos laban sa nanlulupaypay na depensa ng koponan, 2-0.

Gayunpaman, namayani kay John Kurl Batol si Tots Carlos matapos sumupalpal ng back-row attacks habang kumambal naman ng sharp-spikes si Carl Roxas na pasaporte tungo sa tagumpay sa semi finals ng Distrito Dos, 2-0.

๐—ง๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜† ๐—ฆ๐—ฎ ๐—š๐—ถ๐—ป๐˜๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ผ

Sa kabilang banda, NAGMISTULANG kabayo ang Lakan Dula High School Sepak matapos sumipa ng tagumpay kontra Jose P. Laurel High School, 1-0 at sa matinik na dipensa ng Florentino High School, 1-0, Disyembre 2, 2023, sa Pres. Sergio Osmeรฑa H.S

Masipat na binida ni Laurente ang tantsadong Horse Kick Serves at Sunback Spikes na lumasing sa mala-goliath na depensa ng koponan dahilan sa pag arangkada ng LDHS Takraw sa pilak na upuan, 1-0.

_____________

Pluma ni: P.K Vesorio
Lente nina: K. Ampeloquio at S. Mastura

Maligaya na, Kaarawan mo pa Gng. Iza Verzosa!Mula sa kaibuturan ng mga pusong makatotohanan ng patnugutang Ang Baranggay...
10/12/2023

Maligaya na, Kaarawan mo pa Gng. Iza Verzosa!

Mula sa kaibuturan ng mga pusong makatotohanan ng patnugutang Ang Baranggay, malugod ka naming binabati ng masayang araw ng kapanganakan. Hindi namin sukat akalain na mabibiyayaan kami ng isang taga-payong nag-uumapaw ang husay at lubusang kariktan. Lubos kaming nagpapasalamat sa iyong walang sawang patnubay sa aming pagtahak sa mga pasikot-sikot at buhol na dala ng pamamahayag. Sa huling pagkakataon, maligayang kaarawan, Ma'am! Ikaw lamang ang tanging maganda sa bawat umaga, tanghali, hapon, at gabi. HBD POOO!!!

- Ang Baranggay S.Y 2023-2024

Address

Juan Luna Street, Gagalangin
Manila
1012

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Telephone

+639178717789

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Baranggay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Ang Baranggay:

Videos

Share

Category