Bantay Bicol News

Bantay Bicol News A newspaper dedicated to watchdog journalism

Bilang bahagi ng Anti-Illegal Drug Enforcement Operation, dalawang indibidwal ang nahuli para sa paglabag sa illegal na ...
04/12/2023

Bilang bahagi ng Anti-Illegal Drug Enforcement Operation, dalawang indibidwal ang nahuli para sa paglabag sa illegal na pagbebenta ng droga. Sa oras na 3:58 ng hapon noong Disyembre 2, 2023, sa Barangay Tres Reyes, Bato, Camarines Sur, ang isang tao na kilala bilang "kambal" (may asawa) at si "Net" (may kinakasama), na pareho ay residente ng Barangay Tres Reyes, Bato, Camarines Sur. Ang lalaking suspek ay nakuhanan ng isang plastic sachet na naglalaman ng isang white crystalline substance na itinuturing na "shabu," at ang kasamahang babae ay nakuhanan naman ng limang daang piso bilang buy bust money.

Courtesy: LPS

Nagpahayag si Speaker Martin Romualdez ng kanyang pangako na susuportahan ng Kongreso ang mga pangangailangan ng mga bik...
04/12/2023

Nagpahayag si Speaker Martin Romualdez ng kanyang pangako na susuportahan ng Kongreso ang mga pangangailangan ng mga biktima ng pagsabog sa Mindanao State University.
Ang lider ng Kamara ay nagsabi na ang Kapulungan ay maaaring magbigay ng tulong para sa mabilis na pagbawi at paghilom ng komunidad.

mahigit 400 na mag-aaral mula sa Mindanao State University (MSU) ay dumating sa Iligan City kagabi, Disyembre 3, matapos...
04/12/2023

mahigit 400 na mag-aaral mula sa Mindanao State University (MSU) ay dumating sa Iligan City kagabi, Disyembre 3, matapos sunduin sa Marawi City ng lokal na pamahalaan ng Iligan.
Ito ay bilang tugon sa hiling ng mga mag-aaral at ng kanilang mga magulang na umuwi muna kasunod ng pambobomba sa Dimaporo Gymnasium, na humantong sa pagkamatay ng apat na estudyante at sugatagg 45 na indibidwal.

Courtesy: Radyo Pilipinas

Ako Bicol Partylist at ang Department of Labor and Employment (DOLE) ay nagbigay ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disad...
04/12/2023

Ako Bicol Partylist at ang Department of Labor and Employment (DOLE) ay nagbigay ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) na may higit sa 2,000 benepisyaryo na nakuha na ang kanilang payout.
Ang mga natanggap ay nagmula sa 25 barangay sa Camalig, Albay.

Courtesy: Ako Bicol PartyList

Isang lalaki ang sugatan sa isang hit-and-run accident sa Barangay Ilaod, Polangui, Albay. Agad na tumugon ang Polangui ...
04/12/2023

Isang lalaki ang sugatan sa isang hit-and-run accident sa Barangay Ilaod, Polangui, Albay. Agad na tumugon ang Polangui Quick Response Team at nagbigay ng paunang lunas sa biktima bago ito dalhin sa ospital. Sa ngayon, inaalam pa ang boung nangyari.

Photo Courtesy: Polangui EMS QRT

Pinupusuan ngayon ng netizens ang mga gawang sushi ni Chef Miller Ramos na mula sa Agno, Pangasinan dahil sa hindi laman...
03/12/2023

Pinupusuan ngayon ng netizens ang mga gawang sushi ni Chef Miller Ramos na mula sa Agno, Pangasinan dahil sa hindi lamang ito nakakabusog, kundi dahil din sa kaakit akit ito sa mata!
Ayon pa kay Chef Miller, iba’t ibang trabaho na ang pinasok niya sa Pilipinas at Italy bago niya pinasok ang paggawa ng sushi.
Ilan sa kaniyang mga obra ay ang heart sushi, sushi santa claus, sushi cake, at marami pang iba.

Hinirang na Top 7 Overall ang Camarines Sur Polytechnic College-Nabua at nasa Top 10 Overall naman ang Bicol University-...
03/12/2023

Hinirang na Top 7 Overall ang Camarines Sur Polytechnic College-Nabua at nasa Top 10 Overall naman ang Bicol University-Polangui Campus sa Top Performing Schools sa kakatapos lamang na November 2023 Philippine Nurses Licensure Examination o PLNE Result.

Courtesy: PRC

Ikonondena ng Pangulong Ferdinand R. Ang pambobomba ay naganap sa Mindanao State University sa Marawi City ngayong umaga...
03/12/2023

Ikonondena ng Pangulong Ferdinand R. Ang pambobomba ay naganap sa Mindanao State University sa Marawi City ngayong umaga, Disyembre 3.
Sa kanyang pahayag, ipinahayag ng Pangulo ang kanyang pakikiramay sa mga biktima ng trahedya at ipinahayag ang patuloy na aksiyon ng administrasyon, kasama ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, na suportahan ang mga biktima at wakasan na ang anumang karahasan sa bansa.

Courtesy: Presidential Communications Office

Pinangunahan ni Mayor Krisel Lagman-Luistro, ang lighting ceremony ng Tabaco City Christmas in Wonderland 2023 na dinumo...
03/12/2023

Pinangunahan ni Mayor Krisel Lagman-Luistro, ang lighting ceremony ng Tabaco City Christmas in Wonderland 2023 na dinumog ng tao kagabi.

📸:Mayor Krisel

Sabado ng gabi, Disyembre 2, 2023, niyanig ng magnitude 6.9 na lindol ang Surigao del Sur.Nangyari ang pag lindol dakong...
03/12/2023

Sabado ng gabi, Disyembre 2, 2023, niyanig ng magnitude 6.9 na lindol ang Surigao del Sur.
Nangyari ang pag lindol dakong alas-10:37 ng gabi, at tectonic ang pinagmulan, ayon sa data ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). 42 kilometro hilagang silangan ng bayan ng Hinatuan at may lalim na walong kilometer.
Sa Bislig, Surigao del Sur, at Cabadbaran, Agusan del Norte, naramdaman naman ang Intensity 5.

Lalo pang pinapaigting ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang information drive sa buong bansa upang maturuan ang ...
02/12/2023

Lalo pang pinapaigting ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang information drive sa buong bansa upang maturuan ang mamamayan tungkol sa Philippine Identification System (PhilSys), partikular sa ePhilID at PhilSys Check.
Nagsasagaw rin sila ng house-to-house activity at isang program proper ang PSA—na kung saan nakatuon para ipabatid ang hinggil sa ePhilID, na mayroon itong parehong functionality at validity gaya ng PhilID naka-print man o na-download.

Magkakaroon ng Madame Tussauds wax figure si Anne Curtis na kung saan magiging unang Filipino celebrity  sa Madame Tussa...
02/12/2023

Magkakaroon ng Madame Tussauds wax figure si Anne Curtis na kung saan magiging unang Filipino celebrity sa Madame Tussauds Hong Kong na "Hong Kong Glamour Zone." Ang kanyang wax figure ay nasa parehong lugar ng Hollywood bigwigs tulad nina Nicole Kidman, Robert Pattinson, Angelina Jolie, Brad Pitt, at Chris Hemsworth

PHOTO BY MADAME TUSSAUDS HONG KONG

Nagkaroon ng engkwentro sa Sitio Pasto, Barangay Buenos Airies, San Fernando, Masbate, sa pagitan ng mga opisyal ng pama...
02/12/2023

Nagkaroon ng engkwentro sa Sitio Pasto, Barangay Buenos Airies, San Fernando, Masbate, sa pagitan ng mga opisyal ng pamahalaan at mga miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG).
Inaalam pa kung may casualties sa panig ng rebeldeng grupo, habang wala namang naiulat na casualties sa mga awtoridad ayon sa inisyal na impormasyon.
Nakumpiska sa nasabing engkentro ang personal na kagamitan ng mga rebelde, kabilang ang isang M16 Rifle, sa panahon ng labanan.

📸: 9th ID

Arestado ang isang lalaki matapos hulihin ng mga awtoridad sa Brgy. Calangcawan Sur, Vinzon Camarines Norte alas 10:30 n...
02/12/2023

Arestado ang isang lalaki matapos hulihin ng mga awtoridad sa Brgy. Calangcawan Sur, Vinzon Camarines Norte alas 10:30 ng umaga Disyembre 1, 2023.
Kinilalang si Alyas "Jr." ay may asawa, isang construction worker, at nakatira sa Purok 2, Brgy. Calangcawan Sur, Camarines Norte.
Ang suspek ay nahaharap sa dalawang kaso ng paglabag sa Republic Act 9262 Anti-Violence against Women and their Children (VAWC), na may piyansang P72,000 bawat isa.
Ang suspek ay nasa Vinzons MPS upang harapin ang kasong isinampa laban sa kanya.

: Vinzons MPS

Ibinida ang ganda ng Abasig Matogdon Mananap Natural Biotic Area (AMMNBA), na kabilang sa mga protected areas sa probins...
02/12/2023

Ibinida ang ganda ng Abasig Matogdon Mananap Natural Biotic Area (AMMNBA), na kabilang sa mga protected areas sa probinsya ng Camarines Norte, sa virtual photo exhibit ng Bicol Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Pangunahing pinagkukunan ng inuming tubig ang forest area ito para sa irigasyon at domestic use ng walong munisipalidad sa lalawigan ng Camarines Norte tulad ng Basud, Talisay, Vinzons, Labo, San Lorenzo Ruiz, San Vicente, Mercedes, at Daet.

📸: PENRO Camarines Norte via DENR Bicol

Timbog ang apat kataong sangkot sa iligal na droga sa magkakahiwalay na operasyon ng awtoridad sa Camarines Sur at Camar...
02/12/2023

Timbog ang apat kataong sangkot sa iligal na droga sa magkakahiwalay na operasyon ng awtoridad sa Camarines Sur at Camarines Norte.
Nahuli ang unang sa Purok 7A, Brgy. Bagumbayan, Paracale, Camarines Norte, kinilalang si alyas "Rene", 24 taong gulang, binata at residente ng Barangay Poblacion Norte, Paracale, Camarines Norte at nakuhanan ng 1.5 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P10,200.
Inaresto naman sa isang Dru gden sa Bgy. Mabolo, Naga City sina alyas "Baby", 50-anyos, drug den maintainer; mas kilalang alyas "Lyn", na residente ng nasabing lugar at si alyas "Heg", 40-anyos, na residente ng Brgy. Concepcion Pequeña, Naga City.
Mahigit sa P78,000 halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa mga suspek
Nasa kustodiya na ng awtoridad ang mga suspek para sa kaukulang disposisyon.

📸: Paracale MPS, PDEA Bicol

Ramdam na ramdam na ang simoy ng Pasko sa Provincial Capitol Park ng Sorsogon dahil sa kanilang kumukutikotitap na paila...
02/12/2023

Ramdam na ramdam na ang simoy ng Pasko sa Provincial Capitol Park ng Sorsogon dahil sa kanilang kumukutikotitap na pailaw at makukulay na dekorasyong pang Pasko.
Pinalamutian ito ng Christmas tree, mga makukulay na parol, at iba pang dekorasyon ang kapitolyo para sa papalapit na kapaskohan.

📸: Sorsogon PIO

Pormal na nagsimula sa lungsod ng Naga, ang 1st Regional Cluster Summit at Cacao and Coconut Fair. Ang aktibidad ay maga...
01/12/2023

Pormal na nagsimula sa lungsod ng Naga, ang 1st Regional Cluster Summit at Cacao and Coconut Fair. Ang aktibidad ay magaganap mula ngayong araw, Disyembre 1, hanggang Disyembre 3, 2023.
Ang Department of Agriculture (DA) ng Bicol, ang RTC Bicol - ang Agricultural Training Institute - at ang Department of Trade and Industry ng Camarines Sur ang mga naguna sa aktibidad.
Ang mga negosyante, Farmers Cooperatives and Associations, at iba pang organisasyon ay nagsasagawa ng isang fair na nilahukan kasabay ng aktibidad.

Courtesy: Radyo Pilipinas

Pinuntahan ng mga emplayado ng Governor's Office ang babaeng sanggol na inabanduna sa isang masukal na lugar sa Sogod, B...
01/12/2023

Pinuntahan ng mga emplayado ng Governor's Office ang babaeng sanggol na inabanduna sa isang masukal na lugar sa Sogod, Bacacay, Albay.
Ang bata na kasalukuyang nasa kustudiya ng Bacacay MSWDO ay nakatanggap din ng tulong mula kay Gobernador Edcel "Grex" Lagman para sa pangagalaga sa sanggol.

📸:Edcel "Grex" Lagman

Mga miyembro ng House Committee on Legislative Franchises ay nagpaalala na ang SMNI ay may pananagutan sa mga maling imp...
01/12/2023

Mga miyembro ng House Committee on Legislative Franchises ay nagpaalala na ang SMNI ay may pananagutan sa mga maling impormasyong inilabas ng ilang mga host ng programa na umeere sa kanilang network.
Nag ugat ang pagdinig ng komite sa privilege speech ni David Suarez, ang Deputy Majority Leader ng House, na inalam kung ang SMNI ay may nalabag sa kanilang prangkisa sa pagpapakalat ng fake news.

CHAPTER CLOSED!Kinumpima ni Kathryn Bernardo sa kanyang social media post na ang kanilang 11 na taon bilang magkarelasyo...
01/12/2023

CHAPTER CLOSED!

Kinumpima ni Kathryn Bernardo sa kanyang social media post na ang kanilang 11 na taon bilang magkarelasyon ni Daniel Padilla ay humantong na sa hiwalayan na kung saan ibinagi pa ng actress ang kanilang throwback picture.

Patay na nang matagpuan ang mangingisda ng tamaan ng kidlat sa bahagi ng San Ramon Siruma, Camarines Sur bandang alas 4:...
01/12/2023

Patay na nang matagpuan ang mangingisda ng tamaan ng kidlat sa bahagi ng San Ramon Siruma, Camarines Sur bandang alas 4:50 kahapon, Nobyembre 30, 2023

Kinilala ang biktima na si Rolando "Togs" Pitogo Jr., isang mangingisda at residente ng Barangay Mapid, Lagonoy Camarines Sur, kasama ang isa nitong kasamahan.
Ang biktima ay tinamaan ng kidlat, ngunit ang kasama nito ay nakaligtas.

📸: L Barsaga

Sa isang operasyon na isinagawa ng mga awtoridad sa Brgy. Capantawan, Legazpi City, Nobyembre 30, 2023, timbog ang dalaw...
01/12/2023

Sa isang operasyon na isinagawa ng mga awtoridad sa Brgy. Capantawan, Legazpi City, Nobyembre 30, 2023, timbog ang dalawang indibidwal na tulak ng ilegal na droga.
Si Sandra Floralde, isang kilalang provincial drug-listed personality, ay kabilang sa naaresto.
Ang mga suspek ay nakuhanan ng humigit-kumulang 500 gramo ng shabu, na tinatayang nagkakahalaga ng P1.6 milyong piso.
Kasalukuyang nakakulong sa Legazpi CPS ang mga suspek para sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

📸: PDEA Bicol

Isang driver ng motorsiklo ang namatay sa isang aksidente sa Brgy. Nalayahan, Siruma, Camarines Sur, noong Nobyembre 30,...
01/12/2023

Isang driver ng motorsiklo ang namatay sa isang aksidente sa Brgy. Nalayahan, Siruma, Camarines Sur, noong Nobyembre 30, 2023, bandang 3:45 ng hapon.
Ang biktima, si Marvin Espedellion, 32-anyos, na nakatira sa Zone 2, Brgy Nalayahan, Siruma, Camarines Sur, ay sinasabing nawalan ng kontrol sa kanyang motorsiklo nang tumilapon sa kalsada at nasagasaan ng isang paparating na motorsiklo.
Ang driver at backrider ng nakabanggang motorsiklo ay parehong idinala sa ospital, ngunit si Espedellion ay idineklarang dead on arrival.

📸: BFP Siruma

Aprubado na ng Senado ang House of Representatives Bill 8980 o ang Php5.768 trillion 2024 General Appropriations Bill (G...
30/11/2023

Aprubado na ng Senado ang House of Representatives Bill 8980 o ang Php5.768 trillion 2024 General Appropriations Bill (GAB), sa botong 21 affirmative, 0 negative, at 1 abstention galing kay Senador Koko Pimentel.

Sumailalim ang 20 benepisyaryo sa skills training sa loob ng 34 na araw  at nakapagtapos sa kursong Shielded Metal Arc W...
30/11/2023

Sumailalim ang 20 benepisyaryo sa skills training sa loob ng 34 na araw at nakapagtapos sa kursong Shielded Metal Arc Welding NC 1 nitong Biyernes, Nobyembre 24, 2023, sa Greenfield Technology and Skills Training Center, Inc., Purok 3 Lico 1, Barangay Sto. Domingo, Vinzons, Camarines Norte.

Courtesy: AKB

Ipinag-utos ng lokal na pamahalaan ng Camalig, Albay na magpapatupad ng distance learning ang mga paaralan na lalahok sa...
30/11/2023

Ipinag-utos ng lokal na pamahalaan ng Camalig, Albay na magpapatupad ng distance learning ang mga paaralan na lalahok sa Paskuhan sa Camalig Kickoff Parade sa darating na Disyembre 1, 2023.

📸: Camalig PIO

Dumating si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee sa GMA Network Center para sa kanyang homecoming media c...
30/11/2023

Dumating si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee sa GMA Network Center para sa kanyang homecoming media conference.

📸:GMA News fb

Tatlong resolusyon na hinihikayat ang pamahalaan na makipagtulungan sa pagsisiyasat ng International Criminal Court (ICC...
30/11/2023

Tatlong resolusyon na hinihikayat ang pamahalaan na makipagtulungan sa pagsisiyasat ng International Criminal Court (ICC) sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay inaprubahan sa Kamara sa pamamagitan ng unanimous votes. Ang mga resolusyon na ito ay inilabas ng House Committee on Justice at Committee on Human Rights.

Ang House Resolution (HR) No. 1477, na inihain nina Manila Representative Bienvenido Abante Jr. at 1-Rider Representative Ramon Rodrigo Gutierrez. Ito ay pinagsama sa HR 1393 ng Makabayan Bloc at HR 1482 ni Albay Rep. Edcel Lagman.

Idineklara ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. ang huling araw ng Nobyembre 30 bilang “National Bike-to-Work Day” para ip...
30/11/2023

Idineklara ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. ang huling araw ng Nobyembre 30 bilang “National Bike-to-Work Day” para ipromote ang pagbibisikleta bilang paraan ng transportasyon sa bansa.
Sa ipinalabas na Proclamation 409 noong Nobyembre 28 ni Executive Secretary Lucas Bersamin, binigyang diin na mabigyan ng malawak na kaalaman ang publiko na kaya maging ‘mainstream’ nG transportasyon ang paggamit ng bisikleta.

Nagpasya ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi muna dumalo sa COP28 sa Dubai upang personal na tutukan at talak...
30/11/2023

Nagpasya ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi muna dumalo sa COP28 sa Dubai upang personal na tutukan at talakayin ang hostage situation sa 17 Filipino seafarers sa Red Sea.

📸: PBBM/Twitter

Hinuli ang tatlong indibidwal ng salakayin ng awtoridad ang isang drug den sa Brgy Mabolo, Naga City bandang alas 7:30 k...
30/11/2023

Hinuli ang tatlong indibidwal ng salakayin ng awtoridad ang isang drug den sa Brgy Mabolo, Naga City bandang alas 7:30 kagabi, Nobyembre 29, 2023.
Naaresto ang mga suspek na sina Lo**ta Perillo, drug den maintainer; Hegino Francisco Jr, na may kasong frustrated paricide at si Ailyn Tora.
Umabot sa P74,000 ang halaga ng iligal na drogang nakumpiska sa mga suspek.
Nakakulong na sa ngayon ang mga suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act o 9165 Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

📸: PDEA Bicol

Kahapon, Nobyembre 29, 2023, isang lalaki ang sugatan sa isang aksidente sa bahagi ng Barangay Paulog, Ligao City, Albay...
30/11/2023

Kahapon, Nobyembre 29, 2023, isang lalaki ang sugatan sa isang aksidente sa bahagi ng Barangay Paulog, Ligao City, Albay.
Ang rescue team ng City Disaster Risk Reduction Management Office ng Ligao ay agad na tumugon sa biktima, na nagkaroon ng maliit na pinsala sa katawan.

Photo Courtesy: Choi Perillo

Yinanig ng magnitude 4 na lindol ang Caramoran, Catanduanes kaninang alas 4:41 ng madaling araw, Nobyembre 30, 2023.Nara...
30/11/2023

Yinanig ng magnitude 4 na lindol ang Caramoran, Catanduanes kaninang alas 4:41 ng madaling araw, Nobyembre 30, 2023.
Naramdaman din ang lindol sa mga sumusunod na lugar:
Intensity III - Naga, Camarines Sur
Instrumental Intensities:
Intensity III - Virac, Catanduanes
Intensity II - Tabaco, Albay; Pili, ; Castilla, SORSOGON; City of Legazpi, Albay
Intensity I - Sipocot, CAMARINES SUR; City of Sorsogon and Donsol, Sorsogon

Courtesy: PHIVOLCS

Sa Sitio Mainit, Barangay Binanuahan, Lagonoy, Camarines Sur, isang matandang lalaki ang sugatan nang mahulog sa kanal a...
30/11/2023

Sa Sitio Mainit, Barangay Binanuahan, Lagonoy, Camarines Sur, isang matandang lalaki ang sugatan nang mahulog sa kanal ang kanyang minamanehong motorsiklo.
Ang MDRRMO Lagonoy ay nagbigay ng paunang lunas sa biktima pagkatapos dadalhin na sa ospital.
Patuloy ang imbestigasyon sa aksidente.

📸: CTTO

Nagkaroon ng isang pagpupulong si BHWpartylist Rep. Angelica Natasha Co sa Juban, Sorsogon, Mayor Gloria Alindogan; Coun...
29/11/2023

Nagkaroon ng isang pagpupulong si BHWpartylist Rep. Angelica Natasha Co sa Juban, Sorsogon, Mayor Gloria Alindogan; Councilor Aida Guevarra; Ma'am Gleena Sy; at Sir Sherwin Sy upang pag-usapan at plantsahin ang mga plano at programa para sa mga BHW sa munisipalidad ng Juban.

Courtesy: BHW Partylist

Namaalam na ang sikat na elepante ng Manila Zoo na si Vishwa Ma’ali na mas kilala sa ngalang Mali kahapon, Nobyembre 28,...
29/11/2023

Namaalam na ang sikat na elepante ng Manila Zoo na si Vishwa Ma’ali na mas kilala sa ngalang Mali kahapon, Nobyembre 28, 2023 ayon yan sa Manila Zoological and Botanical Parks.

Nakilahok rin ng mga tauhan ng Paracale MPS, sa pangunguna ni PCPT NOEL M ARIMADO, DCOP,  sa Blood Letting Activity ngay...
29/11/2023

Nakilahok rin ng mga tauhan ng Paracale MPS, sa pangunguna ni PCPT NOEL M ARIMADO, DCOP, sa Blood Letting Activity ngayong Nobyembre 29, 2023 sa Ginintuang Bulwagan, Paracale, Camarines Norte, mula 8:00 am hanggang 12:00 pm.

Courtesy: Paracale MPS

Naprubahan na ang limang proyekto sa climate change adaptation PHP 539.44 milyon ang halagaBinigyang-diin ni Pangulong F...
29/11/2023

Naprubahan na ang limang proyekto sa climate change adaptation PHP 539.44 milyon ang halaga
Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang People’s Survival Fund ang magpapalakas sa pagtugon ng pamahalaan sa mga problemang dulot ng climate change.
Bilang karagdagan, inanunsyo ng Pangulo ang kanyang nalalapit na pagdalo sa 28th Conference of the Parties to the United Nations Framework Convention on Climate Change (COP28) sa Dubai na ang kanyang pangunahing layunin ng kanyang pagdalo ay upang makibahagi sa mga pag-uusap at global commitments para sa climate financing.

Courtesy: Presidential Communications Office

Maaaring makiisa sa isasagawang 90th Anniversary Job Fair ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Biyernes, Disy...
29/11/2023

Maaaring makiisa sa isasagawang 90th Anniversary Job Fair ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Biyernes, Disyembre 1, 2023 sa SM City Legazpi, Lungsod ng Legazpi, Albay.
Daan-daang trabaho ang hatid sa mga walang trabaho ang naturang job fair.
Bago makalahok sa DOLE 90th Anniversary Job Fair, magparehistro muna dito: http://dolero5.com/jobfair/RegOnline

Courtesy: DOLE Bicol

Address

Legazpi
4500

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bantay Bicol News posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share


Other Media/News Companies in Legazpi

Show All