22/04/2025
LAKAS CANDIDATES LAMANG SA ALBAY MAYORAL RACES - SWS
Nangunguna ang mga kandidato ng partido Lakas sa Albay batay sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations mula March 29 hanggang April 5.
Sa Legazpi City, nangunguna si Kap Hisham Ismail laban kay dating mayor Carmen Geraldine Rosal ng PDP-Laban. Sa mga bayan ng Malinao, Sto. Domingo, Tiwi, Camalig, Daraga, Rapu-Rapu, Pio Duran at Polanguiānangunguna rin ang mga kandidato ng Lakas.
Sa iba pang lugar gaya ng Bacacay, Tabaco City, Guinobatan, Jovellar at Libon, pumapangalawa ang Lakas candidates ngunit dikit ang laban.
Sa pagka-gobernador, lamang si Joey Salceda ng Lakas laban kay dating Legazpi Mayor Noel Rosal ng PDP-Laban.
Sa tatlong distrito ng Albay, nangunguna rin ang mga kandidato ng Lakasāsina Rep. Jil Bongalon sa District 1, dating Rep. Kito Co sa District 2, at Mayor Adrian Salceda sa District 3.