05/11/2024
ILOG SA ABAD SANTOS, BULAN, SORSOGON KUMUKUHA NG BUHAY TUWING NOBYEMBRE
Bulan, Sorsogon - May lima nang buhay ang kinuha ng ilog sa Barangay Abad Santos sa Bulan, Sorsogon at lahat ito ay naganap sa buwan ng Nobyembre kung saan ang pinakahuli ay ang tatlong paslit na nalunod at namatay noong Sabado araw ng Undas Nobyembre 2, 2024.
Ayon kay Bgy.Capt. Ferdinand Gidoc, mga kagawad nito at mga residente ng barangay ay Nobyembre 29 nang unang may nalunod at namatay dito marami nang taon ang nakakalipas, Nobyembre 9 naman ang sumunod na kiniha ng ilog na parehong nasa edad na at noong Sabado ay tatlong paslit na may edad 8 ang dalawa at siyam naman ang isa.
Maraming residente ang naniniwalang may espiritong kumukuha ng buhay dito at ito ay itinataon sa buwan ng Nobyembre kung kaya kailngan ang padasal at pagbawi dito. Ayon naman kay Kapitan Gidoc ay ipagbabawal na nila ang paliligo dito at hihingi sila ng tulong sa nakakataas na pamahalaan na magsagawa ng dredging at pagrechannel ng ilog upang maituwid ang agos nito at maiwasan ang pagbuwis ng buhay ng nga dumadaan at tumatawid dito.
DASAL NGA BA O DREDGING ANG SOLUSYON?