17/05/2020
10 BAGAY NA DAPAT MONG TANDAAN KAPAG MAGKA-AWAY KAYONG MAG PARTNER
1. Ang pagkausap mo sa ibang lalake or babae ay hindi makakatulong. Hindi paglandi sa iba ang solusyon.
2. Wag na wag mo siyang titiisin. Hindi pwedeng galit siya tapos galit ka din.
3. Update mo pa din siya kahit hindi siya nagrereply sayo. Dun niya malalaman na may pake ka pa din sakanya kahit magka-away kayo.
4. Wag mo siyang murahin, wag mo siyang pagbubuhatan, wag mo siyang susumbatan. Mas masarap sa pakiramdam na magkakabati kayo nang hindi mo siya sinasaktan.
5. Hindi kayo nag-hiwalay, galit lang kayo. Kaya hindi required na gumawa ka ng mga bagay na hindi niya gusto.
6. Wag mong hayaang kainin siya nang galit. Dahil kapag naipon ang tampo, nauuwi ito sa hinanakit. Suyo lang ng suyo at wag kang maghanap ng kapalit.
7. Ipakita mong sincere ka kung gusto mo talagang magka-ayos kayo. Hindi yung isang "sorry" lang, gusto mo okay na agad kayo.
8. Kung ayaw niyang magpatalo sa bawat pagtatalo. Hayaan mo na, may medal ka bang matatanggap kapag nanalo ka sa bawat pagtatalo niyong dalawa?
9. Hindi pag-inom at pagsama sa tropa ang mabisang pagresolba sa away niyong dalawa. Wag mong sanayin na sa tropa ka tumatakbo para takasan ang pag-aaway niyo.
10. Kung suko ka na at pagod ka na. Mag-isip ka muna. Kaya mo bang makita siya na iba na ang sumusuyo sakanya? Pangit yung sumuko kasi nagsawang sumuyo. The best pa din yung "Susuyo pero hindi susuko"
Lahat ng couple nagdadaan sa matinding away. Yun bang ultimo maliliit na bagay nagiging mitsa para humantong sa paghihiwalay. Kita niyo? Kasalanan niyo din kung bakit pati yung relasyon niyo nadadamay. Sa pagtatalo, walang medal kapag palagi kang panalo. Matatawag ka bang champion kung natalo mo ang partner mo sa pagtatalo niyo? Magkakampi kayo pero kayo mismo ang naglalaban. Tandaan niyo, ang laban lang sa relationship ay pababaan ng pride. Dahil sa relasyon, kapag mataas ang pride mo. Talo ka, paniguradoβ€οΈ