Pink Kubo
Sa mga mahilig magcamping at paborito ang kulay pink, pwedeng pasyalan ang pink kubo sa Sto. Domingo, Albay. | Aireen Jaymalin, Neffateri Dela Cruz
Quarry sa Albay
Paano nga ba nakakaapekto ang quarrying lalo na sa mga nakatira malapit sa quarry sites?
Panoorin ang ilang hinaing ng mga residente sa Albay patungkol dito, na nagdudulot umano sa patuloy na pagkasira ng kalikasan. | Lyzha Mae Agnote
Daraga MPS, wala pa umanong natatanggap na direktiba tungkol sa pag-aresto kay Daraga Mayor Baldo
Matapos ang ilang araw mula nang ilabas ng Regional Trial Court (RTC) National Capital Region (NCR) ang kautusan sa pag-aresto kay Daraga Mayor Carlwyn Baldo, wala pa umanong natatanggap na direktiba ang Daraga municipal police station (MPS) ukol sa pagdakip sa naturang alkalde.
Inilabas ang warrant of arrest na pirmado ni Acting Presiding Judge Acerey Pacheco nitong Agosto 21 kung saan iniutos na arestuhin si Baldo dahil sa umano’y pagkakasangkot sa pagpaslang kay dating Ako Bicol (AKB) Representative Rodel Batocabe at police aide nito na si Master Sergeant Orlando Diaz taong 2018.
Ayon sa warrant, si Baldo ay nahaharap sa kasong two (2) counts of murder at walang piyansa na inirekomenda ang korte.
Sa panayam ng BicoldotPH kay Cherry Cutaran, ang deputy chief of police ng Daraga MPS, ngayong Lunes, Agosto 26, sinabi nitong wala pa ring natatanggap na kopya ng arrest warrant ang himpilan ukol sa kautusan ng korte.
Dagdag ni Cutaran, may natatanggap umano silang ulat na mayroong mga awtoridad na pumunta sa mismong bahay ni Baldo upang ihain ang arrest warrant ngunit wala roon ang alkade.
Paglilinaw ng Daraga MPS, wala pang natatanggap ang ahensya na koordinasyon tungkol sa pag-aresto kay Baldo.
Matatandaan na itinuturong mastermind si Baldo sa pagpaslang umano kay Batocabe at Diaz habang nasa isang gift-giving event para sa mga senior citizens sa Brgy. Burgos, Daraga, Albay, tatlong araw bago ang pasko taong 2018.
Paggamit ng kabayo bilang uri ng transportasyon sa Daet, tama pa nga ba?
PANOORIN: Nag-trending sa social media ang video na ito na in-upload ng isang concerned citizen matapos madaanan nila ang isang buto't balat na kabayo na ginagamit sa pagbuhat ng mabibigat na bagahe nitong Biyernes ng tanghali, Agosto 23, sa Daet, Camarines Norte.
Ayon sa uploader na humiling sa BicoldotPH na huwag nang pangalanan, taga-Laguna aniya sila at binisita lamang nila ang kaniyang kapatid na nasa Daet.
"Nag-joiner van po kami. Nang makita po namin ang kalagayan ng kabayo, hindi ko po kayang walang gawin. Pero joiners lang kami na nasa dulo ng van kaya hindi namin maipatigil ang van," saad nito.
Bilang isang animal lover, dapat umanong may gawin ito kaya't nang huminto ang kanilang van dahil sa mabigat na trapiko, doon na ito nagkaroon ng pagkakataon na makuhanan ng video ang kabayo.
"Sobrang payat po ng kabayo. Kita po yung ribs at pelvis niya sa sobrang payat, at humihingal siya. Sobrang tirik din po ng araw. Sobrang sakit po sa puso kaya napost ko sa social media," pahayag pa nito.
Sa bayan ng Daet, nakasanayan na ang paggamit ng kabayo bilang isang uri ng transportasyon. Pawang makikita ang mga ito sa iba't ibang kalye at paligid ng palengke.
Dagdag pa ng uploader, hindi niya intensyon na saktan o siraan ang may-ari ng kabayo, nais lamang aniya nitong magbigay ng awareness sa publiko na hindi dapat tino-tolerate ang mga ganitong aksyon sa mga hayop.
"I really hope and pray na magkaroon po tayo ng awareness na ang mga hayop po ay katulad din natin, napapagod rin, may limitation din. Na as much as nakakatulong sila sa atin, sana ay hindi natin sila abusuhin, lalo kung sila ang pangunahing katulong natin sa paghahanapbuhay," pagpapaliwanag nito.
Sa kasalukuyan, patuloy na nakikipag-ugnayan ang uploader sa Daet Municipal Office at sa ilang mga animal advocates upang mabigyan ng aksyon ang sitwasyon ng kabayo.
Samantala, sinubukan ng BicoldotPH na makapanayam at makuha ang rea
Lalaking umakyat sa isang radio station tower sa Legazpi City, nasagip
Ligtas na naibaba ang isang 40-anyos na lalaki matapos umakyat sa tuktok ng tore ng isang radio station bandang alas-4 ng hapon nitong Huwebes, Agosto 22, sa Legazpi City.
Ayon sa panayam ng BicoldotPH kay Police Executive Master Sergeant Carlos Paña, ang chief investigator at public information officer ng Legazpi City police station, nakainom ang lalaki at inabot ng halos tatlong oras bago ito nakumbinsing bumaba sa nasabing tore matapos pakiusapan ng kaniyang anak.
“Ando’n ‘yong first family niya, so, napakiusapan siya ng anak na bumaba,” saad ni Paña.
Agad namang rumespunde ang Bureau of Fire Protection (BFP) Legazpi at sinalubong ang biktima upang tulungan ito pababa ng tore.
Ayon kay Paña, problema sa pamilya ang posibleng sanhi ng pag-akyat ng lalaki sa tuktok ng tower.
Isinugod naman ang lalaki sa Legazpi City Hospital upang masuri ang kalagayan nito. Samantala, sasampahan sana ng kaso ang lalaki ng mga awtoridad dahil sa kaguluhan at iskandalong idinulot nito ngunit nakiusap ang kapitan ng Brgy. Peñaranda na dalhin muna sa kanilang barangay ang problema upang doon ito isaayos.
Video courtesy: Legazpi CPS
Government Job Fair, isasagawa ng CSC ngayong Setyempre
Trabaho sa gobyerno, alok ng CSC ngayong darating na Setyembre
Bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-124th anibersaryo ng Civil Service Commission (CSC), isasagawa ang Government Job Fair tampok ang mga bakanteng trabaho sa iba't ibang ahensya ng gobyerno ngayong darating na Setyembre 4, sa SM City Legazpi.
Iniimbitahan ng CSC Bicol ang mga aplikante na makiisa at magpasiguro ng kanilang mga requirements kagaya ng personal data sheet (PDS), certificate of eligibility, curriculum vitae, at application letter.
Ayon kay Atty. Daisy Punzalan Bragais, ang Regional Director ng CSC Bicol, bagama't isa sa mahalagang requirements ang certificate of eligibility sa pag-apply ng trabaho sa gobyerno, may pagkakataon rin aniya ang mga aplikanteng walang eligibility na matanggap dahil may mga ahensya ring nag-aalok ng posisyong hindi kinakailangan nito.
Sa kasalukuyan, nagsasagawa pa ang CSC Bicol ng mga pagpupulong patungkol sa job fair at ilalabas nila ang kumpletong listahan ng ahensyang makikiisa, maging ang kabuuang bilang ng bakanteng posisyon, sa oras na maging pinal na ito. | Jeric Lopez
TINGNAN: Nakuhanan ng isang uploader ang paggalaw ng ilaw sa kisame sa ika-anim na palapag ng kaniyang pinapasukang opisina sa isang mall sa Legazpi City matapos yanigin ng 5.7 magnitude na lindol ang Northern Samar, alas-11 ng umaga ngayong Lunes, Agosto 19.
Ayon kay Raymond Banares, nagulat na lamang siya at ang kaniyang mga katrabaho nang yumanig ng malakas ang kanilang opisina. Hindi na aniya sila lumabas ng gusali at hinintay na lang na bumuti ang sitwasyon.
Sa ulat ng PHIVOLCS, ang sentro ng lindol ay natagpuan sa Pambujan, Hilagang Samar, sa lalim na 54 kilometro. Naramdaman sa Legazpi City ang intensity III. | Jeric Lopez
Courtesy: Raymond Banares
ICYMI: Ibalong foot parade #bicoldotph #IbalongFestival #legazpicity #ibalongfestival2024
Isang pampasaherong bus sa Cam Sur, nasunog
Nilamon ng apoy ang isang public utility bus bandang alas-5 ng hapon nitong Huwebes, Agosto 8, sa Brgy. Old Moriones, Ocampo, Camarines Sur.
Sa panayam ng BicoldotPH kay SFO1 Michael Ray Rivero, ang chief ng Intelligence and Investigation Unit ng Bureau of Fire Protection (BFP) Ocampo, nasa fully developed stage na ang sunog nang marating ng mga awtoridad ang pinangyarihan ng insidente.
“Napansin ng driver (ng bus) na meron daw pong something na umuusok o nangangamoy sunog sa ilalim ng compartment ng makina kaya itinabi agad nila ‘yong bus. Immediately, nag-conduct ng evacuation sa more or less 10 passengers lang plus ang driver and ang conductor,” saad ni Rivero.
Base sa imbestigasyon, wala namang pasaherong nasugatan o nasaktan sa insidente ngunit mayroong mga properties tulad ng bagahe ang nasunog. Inabot naman sa 30 minuto ang pag-apula sa apoy. Nagdeklara ang BFP Ocampo ng fire out bandang 6:25 ng hapon sa parehong araw.
Ang nasabing bus ay pagmamay-ari ng JC Liner Corporation na biyaheng Naga City pabalik sa Lagonoy. | Nicole Frilles
Video Courtesy: Jerry Jake Rivero Remoto
School renovation ng Pacific Partnership
Panoorin. Eskwelahan sa Legazpi City, pinagtulungang ayusin ng mga sundalong amerikano, koreano at pilipino.
Pacific Partnership in Legazpi City
WATCH. Ropes Rescue and Collapse Structure, a search and rescue training being held in Legazpi City, part of Pacific Partnership 2024. #bicoldotph #baretangbikol #PacificPartnership #searchandrescue #disasterpreparedness
Related news: https://www.facebook.com/share/YLRfuzq1QNf3v2k9/?mibextid=WC7FNe
Pacific Partnership 2024
Barko ng Estados Unidos at South Korea, dumating sa Albay lulan ang higit 200 mga sundalo upang makibahagi sa Pacific Partnership 2024-2, isang humanitarian mission kung saan nagsama sama ang ilang bansa upang magtulungan nang mapaghandaan ang mga kalamidad na maaaring tumama lalo na sa bahagi ng pasipiko. I Aireen Perol-Jaymalin, Neffateri Dela Cruz
Ang Tabaco City raw ang unang nakapagsumite ng mga dokumento at may nailaang lote kung kaya’t dito itatayo ang pinakaunang Tourist Rest Area (TRA) sa Bicol.
Libreng magagamit ng mga turista ang mga basic facilities sa loob ng TRA gaya ng restroom, charging facility, shower area at iba pa. I Aireen Perol-Jaymalin, Neffateri Dela Cruz
1st TBPPS Day
Nitong July 26 ay ipinagdiwang ang Ticao Burias Pass Protected Seascape Day kasabay ng selebrasyon ng International Mangrove Day. Kabilang sa mga yamang dagat ng TBPPS na inaalagaan ay ang mga bakawan, na malaki ang naitutulong laban sa climate change. | Aireen Perol-Jaymalin, Neffateri Dela Cruz #bicoldotph #baretangbikol #mangrove
Pink Kubo
Naghahanap ka ba ng camping site? Ito ang KaCAMPink sa San Fernando, Sto. Domingo, Albay. Kulay rosas ang buong paligid ng Pink Kubo. 20 pesos ang entrance para sa adults at 10 pesos naman sa mga bata. Pero kung nakasuot ka ng pink, libre na ang iyong entrance. 699 pesos naman ang camping para sa 2-3 katao, kasabay na ang pink tent #bicoldotph #camping #albay #pink
Sa katatapos lang na ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., umani ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga Bikolano kaugnay sa mga napapanahong isyu na kanilang nararanasan.
#SONA2024
#BicoldotPH
3 classrooms sa Sorsogon, nasunog
Ilang oras bago ang simula ng Brigada Eskwela, nilamon ng apoy ang tatlong (3) classrooms sa Old Building ng San Antonino Elementary School sa Brgy. San Antonio (Sapa), Pilar, Sorsogon nitong Linggo ng gabi, Hulyo 21.
Sa inisyal na ulat, alas-6 ng gabi nag-umpisang masunog ang gusali. Bandang alas-7 naman ng gabi dumating ang mga nagrespondeng tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) - Pilar Mercedes Sub-Station kung saan naapula ang apoy makaraan ang isang oras.
Sa kasalukuyan, patuloy pa ang imbestigasyon at wala pang inilalabas na impormasyon ang BFP - Pilar Mercedes Sub-Station tungkol sa dahilan ng sunog. | Joey Galicio
Video courtesy: Kennon Mestiola
#bicoldotph #baretangbikol #sorsogon #BrigadaEskwela
EDC Binary Geothermal Power Plant
Ano nga ba ang sagot sa kadalasang tanong ng mga bikolano partikular ng mga Albayano, bakit ang mahal ng kuryente sa Albay samantalang narito ang ilang geothermal power plant?
Muling nabuhay ang diskusyon matapos pasinayaan ang pagbubukas ng Binary Geothermal Power Plant sa Manito, Albay ng Energy Development Corporation nitong nakaraang linggo.
Lumulubog na barangay
Sa isinagawang "Let's Talk Climate" workshop training noong Hulyo 1-3 sa Quezon City, binisita ng sampung mga mamamahayag mula sa iba't ibang bahagi ng bansa, kabilang ang BicoldotPH, ang islang barangay ng Binuangan, Obando Bulacan, na nakakaranas ng pagtaas ng lebel ng tubig dulot ng pabago-bagong klima.
Kasabay nito ang epekto sa kanilang kabuhayan na sanhi umano ng reclamation project para sa ipinapatayong airport na sakop rin ng Manila Bay.
Miyembro umano ng NPA Sorsogon, patay sa engkwentro; mga armas, nasamsam
Patay ang isang miyembro umano ng New People’s Army (NPA) - Sorsogon matapos ang sagupaan sa pagitan ng mga awtoridad nitong madaling araw ng Martes, Hulyo 2 sa Brgy. Biriran, Juban, Sorsogon.
Ayon sa ulat, tumagal sa halos 30 minuto ang palitan ng bala mula sa tropa ng 22nd Infantry Battalion at tatlong miyembro ng NPA umano na nagkukubli sa isang bahay kubo. Nagresulta ang bakbakan sa pagkamatay ng isang hindi pa nakikilalang NPA umano.
Nareboker ng mga awtoridad ang M653 rifle, mga bala at iba pang personal na kagamitan. Sa ngayon, patuloy ang hot pursuit operation sa nasabing barangay at mga kalapit na lugar na maaaring dinaanan ng mga nakatakas na kasamahan.
Wala namang naiulat na nasugatan o namatay sa panig ng awtoridad maging sa mga naninirahan sa lugar.
Video courtesy: 9ID, Philippine Army