05/13/2024
9 REASONS BAKIT AYAW MAKIPAG-S*X NI MISIS
*Ang blog na ito ay rated SPG. Striktong, patnubay at gabay ng magulang ang kailangan. May mga maseselang tema, lengwahe, kaharasan o sekswal, na hindi angkop sa mga bata.😅😁
Para sa mga hubby na nagtataka kung bakit hindi kayo maka-score kay Misis, nawa’y makatulong ito.
Sa mga Misis, just incase may nakalimutan ako, feel free to add 😍
Men are s*xual beings.
Women are emotional beings.
There’s nothing wrong with men being s*xual and us (women) being emotional. Yan talaga ang wirings natin. Ganyan tayo ginawa ni Lord.
Kaya lang minsan nagiging cause ito ng conflict, panlalamig, infidelity or unfaithfulness at minsan nauuwi pa sa sabunutan at hiwalayan.
I’m sure ayaw natin na dahil lang sa “s*x issues” ay masisira ang marriage natin. Kaya naman para maresolve ang isa sa mga marital issues ni hubby at ni wifey, isasambulat ko na ang ilan sa mga possible reasons kung bakit hindi nakikipag-s*x si Misis.
AYAW NI MISIS MAKIPAG-S*X SAYO KASI...
1. YUNG HYGIENE MO MEDYO QUESTIONABLE
Ito na ata ang isa sa pinaka-mababaw na dahilan pero promise posibleng isa ito sa mga dahilan. Iba yung pareho kayong amoy ginisa dahil nagluluto kayo sa kusina pero iba din yung amoy palmolive na si Misis tapos ikaw gabi na pero amoy araw parin 😅
Seriously, syempre we all want na mabango ang lahat ng singit ng katawan natin; ang hininga natin amoy may kinabukasan hindi yung amoy yesterday once more 😅
Alam kong gets na gets nyo na ako at hindi na ito kailangan ng further explanation 😂 Kapag minsanan lang siguro pwedeng palagpasin pero pag parang habit na yung hindi naliligo o nagsisipilyo, etc ibang usapan na yan.
TIP: Alam mo na kung anong gagawin mo. Malaki ka na. 😂 Good personal hygiene is a must.
2. FEELING NILA HINDI NA SILA ATTRACTIVE
She hates her body. Feeling nya rice terraces na yung patong-patong na bilbil nya. Feeling losyang na sya. So much of a woman’s libido is tied up in feeling like she is desired. It isn’t enough for you to actually desire her. She has to feel as if she’s worthy of being desired. Kung paano ka humaling na humaling sa kanya noon, kailangan nya paring maramdaman yun ngayon.
TIP: Boost her self-image! Let her know na sya parin ang pinaka-attractive na babae sa balat ng lupa and mean it! Hindi yung panay puso at follow mo sa mga s*xy na babae sa tiktok at facebook tapos yung asawa mong nagahit ng kili-kili, di mo mang lang napansin. Pwedeng hindi na sya ang pinaka-s*xy but for you, sa kanya ka lang attracted. Sabihin mo sa kanya yung paborito mong part ng katawan nya at hawakan mo yun. Sabihin mo na rin na hindi lang katawan nya ang mahal mo kundi ang buong pagkatao nya. Naku ewan ko nalang!
3. FEELING NIYA P**N STAR SYA
Sorry guys pero ang mga Misis nyo ay hindi p**n star 😅 Kaya wag nyo naman hanapin sa kanila ang performance ng isang p**n star 🤣🤭🥹
Nakakatanggap ako ng mga sulat sa ibang mga wifeys na problem nila ito sa hubby nila. Na-ppressure sila at nahihirapan sa taas ng expectation ng mga asawa nila pagdating sa k**a. Hindi daw nila kaya kasi masakit sa balakang 😂
Seriously, in the first place hindi naman dapat kayo nanonood ng p**n. Promise wala naman syang magandang madudulot sa inyo lalo na sa marriage nyo. Ma-aadik lang kayo at madudumihan pa utak nyo.
God designed s*x to be threefold: spiritually intimate (feeling like you’re one); emotionally intimate; and physically intimate. Pano naman sya gaganahan makipag-s*x sa inyo kung aware sya na meron kayong ibang pinag-papantasyahan.
Don’t let her feel na gusto mo lang magrelease at parang gamit lang sya na gusto mong gamitin. Make her feel that you really love her and you want to express it.
TIP: Basura ang p**n. Tapon mo na yan. Kung mahalaga sayo ang s*x life nyong mag-asawa at ang marriage nyo, titigilan mo na yan. Get an accountability partner kasi hindi naman madaling kumawala sa p**n. Hindi madali pero posible. Kaya mo yan.
4. S*XUALLY ABUSED SYA BEFORE
Pwedeng hindi rin talaga sayo ang problem. Perhaps she grew up with s*x being used as a weapon against her o kaya she was abused or assaulted. Then it’s very hard to get excited about s*x in your marriage. Ask her kung meron siyang hindi magadang experience from her past and help her resolve and move on from it.
TIP: Ask for professional help or counseling kung hindi nyo maresolve ng kayo lang.
5. HINDI SYA NALILIGAYAHAN
Wag naman climax agad! 😂 Medyo lumigoy-ligoy ka naman. 😅 Wag mo agad tumbukin ang bull’s eye. Di nako mag-explain further, gets nyo nako. 😆
Alam mo ba for women, s*x is a whole day affair! Yes! Hindi yan yung kakalabitin mo sa gabi tapos yun na yun! Noooooo! S*x starts in the kitchen! 😁 Tulungan mo sya sa kusina. Yayain mo manood ng Kdrama sabay I-holding hands mo. I-text mo sya ng sweet messages kahit nasa kabilang kwarto lang siya. Be creative! Be sincere.
Make her feel great! Promise, ma-susurprise ka sa mga kaya niyang gawin. 🤩
TIP: Figure out how to make it feel good for her! Remember that her s*xual pleasure matters. Don’t be selfish. Kung hindi mo mahuli kiliti niya be honest and tanungin mo kung anong preferences nya.
6. MAY MGA UNRESOLVED ISSUES KAYO
Kahit magawa mo yung 1 to 5 at yung mga susunod pang tips pero may mga unresolved issues naman kayo na solvabale naman, balewala din. Pag ang babae may tampo o galit, asahan mo wala kang maaasahan 😅 Meron man pero pilit na pilit. Magpapanggap lang yan 🤭
TIP: Heart to heart talk muna bago mo ik**a. Kamustahin mo. Ask her kung na-offend mo ba sya or baka may issues kayo na kailangan munang maayos. Take the lead. Ikaw na maunang mag-initiate. Wag mo din iparamdam na kaya mo gusto iresolve ang issues ay dahil gusto mo lang ng s*x 😅 Though pwede ka naman maging honest 🤣 You want to resolve marital issues because you want your marriage to thrive, bonus nalang ang s*x 😉
7. EXHAUSTED SIYA
Ang level ng pagod nya ay hindi na kayang sukatin ng ruler or medida 😅 Sagad hanggang buto ang kapaguran nya. Hindi naman sa hindi ka nya mahal at ayaw ka nyang pagbigyan, sadyang kahit umihi wala na syang energy talaga 😅
TIP: Para hindi naman 100% ang kapaguran niya, tulungan mo syang i-identify mga priorities niya. She can’t say yes to everything. Kung mahalaga kamo sa kanya ang marriage at family nyo kailangan nyang magbawas ng trabaho. Tulungan mo din siya sa mga bata tsaka sa mga gawaing bahay. Pagusapan nyo kung paano ka makakatulong sa kanya para naman mabawasan ang exhaustion nya.
8. CONSUMED SIYA
Mahusay mag-multitask ang mga babae. Madami silang iniisip at iniintindi. Kaya kapag anxious sila or worried sa madaming bagay hirap silang mag-focus or mag-concentrate sa s*x. Ito ang pumapatay ng s*x drive nila.
For men, s*x is nice distraction. For women, distractions make s*x virtually impossible.😂
TIP: If she’s worried, listen to her. Let her talk. Pray with her. Be patient. Sometimes she needs the reminder to put things in God’s hands! Kailangan niyang ma-remind na hindi siya si Darna. 😅
9. FEELING DISCONNECTED SIYA SAYO
Men make loved in order to feel loved, whereas women need to feel loved in order to make love.
Naalala nyo nung bagong kasal kayo? Ang dalas nyo mag-s*x. Ihi lang halos ang pahinga 😂 Bakit? Connected kayo sa isa’t-isa. You do things together. You talk, as in unli-talk talaga. Wala pa kayong ibang iniintindi kundi ang isa’t-isa.
Pero ngayon iba na. Minsan kahit magkasama kayo lagi you feel disconnected with each other kasi distracted kayo sa maraming bagay. Connected kayo masyado sa work, sa games, sa internet, sa ibang tao at sa kung saan-saan pa na nakakalimutan nyo na top priority nyo dapat ang isa’t-isa.
TIP: Disconnect to connect. Mag-disconnect kayo sa mga distractions. Sobrang challenging nito especially kung may mga bagets na kayo. Pero diba noon lahat nagagawan ng paraan? Rekindle the fire. Kung sakaling nahihirapan kayo kumonek ulit sa isa’t isa dahil sa layo na ng gap ninyo, ask for professional help. Look for a marriage counselor that can intervene. Wag mahihiyang magpatulong.
Gaya ng lagi kong sinasabi “Marriage is Hardwork and HEARTwork”. Marriage is not just about s*x. S*x and intimacy is just a fruit of a thriving marriage. I pray for every struggling couple na nagbabasa nito ngayon.. may you find this helpful. 💜
*x *xNiMisis
Original Words by: Bibong Pinay