KCMP INFORM. INSPIRE. UNITE. In solidarity for helping God’s people, we are devoted on providing assistance on our poor brethren.
(22)

Pursue the realization of a fair and genuine investigative journalism and to be able to merge the different organizations in promoting the welfare of the people. OUR VISION: To be the leading and trusted mass media service provider for the good transformation of society.

22/07/2024
10/07/2024

See you soon in Smart Araneta Coliseum.

Perlas ng Silangan Basketball League Grand Opening!

Get your tickets now! We have a lot in store for everyone.




19/06/2024

We’re making general leaders assembly in all regions to ensure small community sectors are heard and get a much bigger attention of government in all its opportunities.

It’s just one way of delivering a better unity of our country towards our dream of unification.

Support our IBP Regional Leaders Summit!
Support the Isang Bansa Pilipino!

Mabuhay ang BAGONG PILIPINAS!


10/06/2024
28/05/2024
26/04/2024
13/04/2024
03/03/2024

IBP is the biggest volunteer movement in the Philippines with over 5 Million Filipinos being members of this noblest cause, unifying and empowering all our community sectors.

It was another new hope we give to our people by giving solidarity support in our community of Brgy San Jose Salay Buhi Camarines Sur.

Mabuhay ang Nagkakaisang Pilipino!


BASAHIN: Nagbigay ng babala ang DOST-PHIVOLCS sa publiko at mga lokal na pamahalaan patungkol sa posibleng epekto ng akt...
07/06/2023

BASAHIN: Nagbigay ng babala ang DOST-PHIVOLCS sa publiko at mga lokal na pamahalaan patungkol sa posibleng epekto ng aktibidad ng Bulkang Taal na kasalukuyang nasa Alert Level 1.

Pinag-iingat ng DOST-PHIVOLCS ang mga naninirahan malapit sa Taal Volcano Island (TVI) at mga tauhan ng civil aviation sa volcanic gas at ash, acid rain, malalaking tipak ng bato at lindol. Payo ng ahensya, manatili sa loob ng bahay, isara ang mga pinto at bintana, at gumamit ng N95 facemask.

ADVISORY PARA SA BULKANG TAAL
7 Hunyo 2023
11:00 ng umaga

Ito ay paunawa ukol sa nagaganap na pagbuga ng gas ng Bulkang Taal.

Sa nakalipas na 24 oras, ang masigabong pagbuga ng gas mula sa Bulkang Taal ay nagdulot ng upwelling sa lawa ng Main Crater at ng makapal na steam-rich plume na tumayog hanggang 2,000 metro mula sa Taal Volcano Island o TVI. Dahil dito, namuo ang makapal na volcanic smog o vog sa kapaligiran ng bulkan. Nagbuga ang Taal Main Crater ng 7,680 tonelada kada araw na volcanic sulfur dioxide o SO2 gas kahapon, 6 Hunyo 2023, kasunod ng mataas sa average na 9,391 tonelada kada araw nitong 5 Hunyo 2023. Ang vog ay maaasahang manatili sa kalakhang Taal habang patuloy ang pagbuga ng gas, ang mahinang ihip ng hangin at maalinsangang panahon.

Bilang paalala, ang vog ay binubuo ng mga pinong droplet na naglalaman ng volcanic gas tulad ng SO2 na acidic at maaaring magdulot ng pangangati ng mata, lalamunan at respiratory tract na may kalubhaan depende sa mga konsentrasyon ng gas at tagal ng pagkakalantad. Ang mga taong maaaring partikular na sensitibo sa vog ay ang mga may kondisyong pangkalusugan tulad ng hika, sakit sa baga at sakit sa puso, mga matatanda, mga buntis na kababaihan at mga bata. Para sa mga komunidad na maaaring maapektuhan ng vog, mangyaring alalahanin ang mga sumusunod.

1. Limitahan ang iyong pagkakalantad. Iwasan ang mga aktibidad sa labas, manatili sa loob ng bahay at isara ang mga pinto at bintana upang harangan ang vog.
2. Protektahan ang iyong sarili. Takpan ang iyong ilong, mainam gamitin ang N95 facemask. Uminom ng maraming tubig upang mabawasan ang anumang pangangati o paninikip ng lalamunan. Kung kabilang sa partikular na sensitibong grupo ng mga tao sa itaas, bantayan ang iyong sarili at humingi ng tulong sa isang doktor o sa barangay health unit kung kinakailangan, lalo na Kung malalang epekto ang nararanasan.

Dagdag dito, maaaring mabuo ang acid rain sa mga panahon ng pag-ulan at paglabas ng gas ng bulkan sa mga lugar kung saan ang plume ay kumalat, na nagdudulot ng pinsala sa mga pananim at nakakaapekto sa mga metal na bubong ng mga bahay at gusali.

Ang DOST-PHIVOLCS ay nagpapaalala sa publiko na nakataas ang Alert Level 1 sa Bulkang Taal, na nangangahulugang wala sa normal na kalagayan ang bulkan at hindi pa lumilipas ang aktibidad o ang banta ng pagputok nito. Kung magkaroon ng paglala o matinding pagbabago sa mga monitoring parameters, maaaring itaas muli ang antas ng alerto sa Alert Level 2. Sa kabilang dako, kung manumbalik sa baseline na antas ang mga monitoring parameters matapos ang sapat na panahon ng pagmamanman, maaari namang ibaba ang antas ng alerto sa Alert Level 0. Sa kasalukuyang Alert Level 1, maaaring maganap ang biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions, volcanic earthquakes, manipis na ashfall at pagipon o pagbuga ng mga nakalalasong gas sa kapaligiran ng TVI. Mariing iminumungkahi ng DOST-PHIVOLCS ang mahigpit na pagbabawal sa pagpasok sa TVI, na siyang Permanent Danger Zone o PDZ ng bulkang Taal, lalung-lalo na sa palibot at loob ng Main Crater at ng Daang Kastila fissure. Hinihimok ang mga Local Government Units (LGU) na patuloy na suriin ang mga pinsala at kalagayan ng kalsada’t daanan at ang pagpalakas ng paghahanda, contingency, at mga pamamaraan ng komunikasyon para kung sakaling magbago ang kalagayan ng bulkan. Pinapayuhan ang mga tao na mag-ingat sa paggalaw ng lupa na nagkaroon ng bitak (fissure), maaaring pag-ulan ng abo at mahihinang lindol. Ang mga pamunuan ng civil aviation ay hinihimok na magpayo sa mga piloto na huwag lumipad malapit sa bulkan upang makaiwas sa biglaang pagbuga ng abo at malalaking tipak ng bato o paglipad ng abo dala ng malakas na hangin na maaring magdulot ng panganib sa mga sasakyang panghimpapawid.

Ang DOST-PHIVOLCS ay masusing nagbabantay sa kalagayan ng Bulkang Taal at agarang ipababatid ang anumang pagbabago nito sa lahat ng kinauukulan.

DOST-PHIVOLCS

https://phivolcs.dost.gov.ph/index.php/volcano-advisory-menu/18191-advisory-para-sa-bulkang-taal-7-hunyo-2023-11-00-ng-umaga

Address

14C Casimiro Bldg. Llano Road Llano
Valenzuela

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when KCMP posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Nearby media companies



You may also like