19/04/2024
Pahayagang Ang Suba, Nakabingwit ng Karangalan
Nag-uwi ng karangalan ang pahayagang Ang Suba sa katatapos lamang na Division Schools Press Conference na idinaos sa PTMNHS nitong nagdaang Abril 16-19, 2024.
Nagkamit ng 6th Place para sa Best School Paper ang pahina ng Editoryal. Ang mga nilalaman ng nasabing pahina ay pinamagatang: K-12 Curriculum: Hindi Sapat Ang Tatag na isinulat ni Lawrence Vincent Nise; Tiktok, Tiktok: Oras ay Habulin sa panulat ni Villalyn Buruanga; at Aray ng Konsyumer ni Rhian Neroza. Papuri at pagpupugay naman ang natanggap ng mga batang manunulat at ng kanilang Adviser na si Gng. Laurice Juillene G. Tatad.
Gayun din ang karangalang hatid ni Liam Andrein Gener nang masungkit niya ang 4th Place sa Science and Technology English Category sa patnubay at gabay ng kanyang coach na si Gng. Eloisa May Dahilig-Dela Rosa.
Tunay na hindi magpapahuli ang San Agustin ES sa pagbibigay karangalan at inspirasyon hindi lamang para sa mga batang SAES kundi pati na rin sa mga g**o, punongg**o, at mga bumubuo sa paaralan.