01/07/2024
LATHALAIN | MARIPOSA
GHILPER JOHN SANTIAGO BILANG KAUNA-UNAHANG MUTYA NG BAHAGHARI NG CGCI.
โButil na hinasik ng isang tao, kapares nitoโy pangmalawakang pagbabago.โ
Suntok sa buwan para sa mga miyembro ng LGBTQia+ community ang pagnanais na mapabilang sa pamantayan ng lipunan magpasa-hanggang ngayon; danas ng karamihan, kailangan munang may patunayan bago tanggapin. Hindi unos o bagyo ngunit ang paglabas sa silid-damitan ay isang napakalaking delubyoโang sandata nila, isang gatiting na telang suot-suot bilang tapis, repleksyon sa pagkilala at pagtanggap harap ang salamin. Bagamaโt taliwas man sa pisikal na postura ang trato at tingin sa sarili nila, sa ikabuturan ay hindi sila naiiba.
Kung minsan ay nakapagtataka, malaki ang espasyo sa pagitan ng mga salitang respeto, pagmamahal, karapatan, katarungan, kalinangan, kabilangan, kaisahan, kalipunan at kapayapaan kahit pa na matagal na itong aprubado sa papel at ipinaglalaban sa sambayanang kontra sa hustisya, kung maaari namang ibigay ito sindali ng kung paano ipagtabuyan at husgahan ang isang lalaking may makulay na kolorete sa labing nakapagpapasaya. Sa lalaking pursigido para sa pamilya kahit pa na ang kasuotan nito ay baroโt saya. Lalaking handang ibigay ang buong pusong pagmamahal matapos ay tunay at balingkinitang katawan ang ipapalit lamang.
Sa kabila ng kanilang patuloy na kontribusyon sa ating buhay, ani moโy isa pa ring palaisipan para sa mga kabilang nito kung ano ang kabayaran na naghihintay para sa kanila. Kailan ba papabor ang paligid? Tunay ang ibinibigay ngunit kailanman ay hindi mapantayan ng ganti. Sa mundong kinamumuhian sila, saang sulok ilalarga na kung saan ang pakikisalamuha ay hindi parang isang sakit na nakahahawa. Na may kapit-bisig pa rin, hawak-hawak ang mga kamay ng bawat isa nang walang pag-aalinlangan at pangamba. Nakasasawang pumalagi sa sariling bayan na ang kalayaan na dapat kusa ay ipinagdaramot kahit pa na sarili mong lipi.
Kagila-gilalas ang kakayahan ng buhok sa buhay ng isang indibidwal. Mahaba-habang proseso ang kinakailangaan upang tuluyang makuha ang kapal at haba nang naayon sa kagustuhan. Kabaliktaran ito ng isang mag-aaral ng Core Gateway College, Inc. (CGCI) na si Ghilper John Santiago, na pagkaraan ng apat na taong pag-iimpok ng lakas ng loob sa desisyong pagpapalit-wangis at biswal, hindi sukat-akalain ng estudyante na sa ikalawang taon niyang pag-aaral ng kolehiyo ay muli niyang kahaharapin ang hindi makatarungan trato ng mundo para sa katulad niyang miyembro ng LGBTQia+ community. Sa pagtapak niya sa institusyon, isang patay na sistema ang tumambad sa kaniya. Walang lugar para sa isang katulad niyang ang hangad lang ay makapagtapos sa kabila ng kung papaano kilalanin ang sarili na haharap sa maraming tao. Hindi niya alam kung kanino siya darapo.
Ipinaglaban ni Ghilper kahit sa huling pagkakataon ang karapatan niya bilang isang tao at hindi bilang isang mag-aaral. Na kung maliit na bagay man para sa karamihan ang kagustuhang ipaputol ng paaralan ang buhok na sumasalamin sa tagal ng panahon niyang paghihintay, ay wala itong kaibahan sa paruparong tinanggalan ng pakpak. Paruparong ipinagkait ang bulaklak sa paraan na kung saan niya natatamasa ang depinisyon ng tuwa at laya. Mga mata ay nangusap, at mga labi ay bumagsak nang ilang sandaling pagtigil ng mundo, muli itong bumalik agad nang tainga ay makarinig ng balitang pagpapahintulot para sa mga katulad niya. Ngunit hindi niya sukat-akalain na pinagbigyan lamang pala siya ng panahon, na sa pangalawang pagkakataon ay nasa posisyon siyang muli, iniisip kung papaano isasalba ang sarili niya ngayoโy parang sinasakal siya ng reyalidad ng buhay at mahigpit namang nagpupumipiglas ang mga kamay na nagsisilbing dignidad at moralidad niya bilang isang tao. Hindi niya alam kung saan siya huhugot ng tapang tanggapin ang binitawang salita ng isang gurong malapit sa kaniyang puso, โAnak, magpagupit ka na. Kailangan na talagaโฆ Bawal talaga.โ
Humingi ng palugit kahit isang linggo para tanggapin ni Ghilper ang alituntunin ng paaralan bilang pagbibigay respeto at galang. Mula noon, gunting ay naging kustilyo na para bang paulit-ulit siyang sinasaksak habang tinitingnan ang sarili, nakaupo at hawak-hawak ang ulo niya ng barbero. Nagsipagbasag ang mga pinggan at baso. Sa pag-ihip ng malamig na hangin ay naramdaman ng manipis na balat niya ang halik ng mga bubog. Tila ba alikabok sa islang malayo sa lungsod, mag-isa sa gitna ng dalampasigan, tinitingala ang dilim. Hanggang sa isang araw, sa ilalim ng bughaw na kalangitan, berdeng paligid, mga taong naghahagikgikan sa tuwa, naglalakad at paparoon si Ghilper nang sugatan ang puso at damdamin.
Gayunpaman, ipinagduruan man si Ghilper, tumindig at hindi siya nagpatinag ituloy ang ipinangakong legasiya. Ang isang salita niya, โButil na hinasik ng isang tao, kapares nitoโy pangmalawakang pagbabago.โ Misyon niyang huwag maranasan ng kapwa niya mga transgender woman ang pasakit at init ng nagbabagang asupre sa mundong ibabaw. Sa halip na ibaon ang sarili nang buhay sa hukay, ay mas pinagdiinan niyang maging isang huwarang modelo sa paraang paglilingkod at pagsali sa ibaโt ibang organisasyon sa loob ng paaralan. At habang paabante siya patungo sa pagbabago ay tila papalapit din siya nang papalapit sa pinapangarap na pagbuo ng sarili niyang organisasyon na naglalayong pagtibayin, pagyabungin at tangkilikin ang mga kasapi ng LGBTQia+ community sa loob ng paaralan. Ayon sa kaniya, mahalaga ang katulungan nito, hindi lamang sa taon niyang paninilbihan kung di pati na rin sa mga susunod pang henerasyon.
Sa tulong ng mga tagapagtaguyod at sumusuporta sa grupo, sa wakas ay nagkaroon nang muli ng kulay ang paaralan ng CGCI. Sa ikatlong pagkakaton, pakiramdam ni Ghilper na sulit ang tatlong taong paghihintay sa inilunsad na programa para sa mga katulad niya. Taong 2024, ika-unang araw ng Marso ay nakita niya ang sarili na suot-suot ang makukulay na tela, hindi sa harap ng salamin at walang pag-aalinlangang husgahan nang may ambang kamao, kung di isang paruparong mariposa na umaalingawngaw, malaya, masaya, makinang, mataas ang lipad at lapad ang mga pakpak sa paraisong hindi lamang siya ang nag-iisa. Sa paraiso na walang pagkalito iba-iba man ang kulay. Sa paraiso na may karatungan at kapantayan. Pagmamahal, respeto, karapatan at pagtanggap ang pundasyon na sila-sila lamang ang nagkakaintindihan. Nakita niyang muli ang sarili nang may mahaba at punong-puno ng palamuti ang buhok na tila sumasayaw sa kada hampas ng kaniyang baiwang. Na kung dati ay diskriminasyon ang natatamasa, ngayon kapag ilaw na ay tumama sa kaniyang balat, hindi na pangmamata ang natatanggap niya, bagkus malalakas na sigawan at masisigabong palakpakan.
Huli man para kay Ghilper pumabor ang lipunan bago siya tingalain suot ang koronang nagniningning, isang karangalan para sa kaniya na tanghalin bilang kauna-unahang Mutya ng Bahaghari 2024 ng Core Gateway College, Inc. Sapat na sa kaniyang nagbubunga na ang mga inaasam-asam at tiyak itong magtutuloy-tuloy na.
โโButil na hinasik ng isang tao, kapares nitoโy pangmalawakang pagbabago.โ Kahit gaano man kaliit ang tingin ng iba sa isang katulad niya, mataas ang tinitingalang langit ni Ghilper. Langit na kung saan naghihintay ang bahagharing para sa kaniya. At sa bawat hakbang na ipinagkakaloob niya ay ang pagbibigay ng bagong liwanag at pag-asa ng mga mariposang katulad niya.
Isinulat ni Christian B. Sembrano