Caanawan NHS - Anahaw Tri-Media

Caanawan NHS - Anahaw Tri-Media The Official Online Publication of Caanawan National High School, SDO San Jose City

Bahagi pa rin ng aktibidad ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika ang ipinamalas na galing ng mga mag-aaral sa Grade 12 sa pag-...
28/08/2024

Bahagi pa rin ng aktibidad ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika ang ipinamalas na galing ng mga mag-aaral sa Grade 12 sa pag-interpret ng awiting "Ipagdiwang Natin ang Wikang Sarili". Isang makabuluhang pagtatanghal upang ipakita ang pagpapahalaga sa kagandahan ng ating wika at kultura, dahil sa bawat salita, tayo'y nagkakaisa.

Pagbati sa mga nagwagi!
Unang Gantimpala - 12 HUMSS B
Ikalawang Gantimpala - 12 ABM
Ikatlong Gantimpala - 12 GAS

Nagpakitang-gilas ang mga mag-aaral mula sa Grade 11 ng kanilang husay sa sayaw interpretasyon upang ipakita ang makabay...
28/08/2024

Nagpakitang-gilas ang mga mag-aaral mula sa Grade 11 ng kanilang husay sa sayaw interpretasyon upang ipakita ang makabayang pagdiriwang ng kasaysayan ng pagiging malaya mula sa kanilang pagtatanghal sa saliw ng awiting "Malaya Ka Na, Pilipino". Isang palabas na puno ng madamdaming pagmamahal sa bayan at pag-asang patuloy na itataguyod ang kalayaan ng bawat Pilipino.

Pagbati sa mga nagwagi!
Unang Gantimpala - ABM 11
Ikalawang Gantimpala - HUMSS A 11
Ikatlong Gantimpala - TVL - AFA 11

Matagumpay na isinagawa ang symposium sa Preparedness on Disaster Risk Management para sa mga mag-aaral ng Grade 9 at 10...
28/08/2024

Matagumpay na isinagawa ang symposium sa Preparedness on Disaster Risk Management para sa mga mag-aaral ng Grade 9 at 10 sa tulong at paggabay ni G. Noel Padiernos RN, mula sa Office of LRRMDC, San Jose City.

Layunin ng aktibidad na ito na itaguyod ang kahalagahan ng disaster preparedness at resilience sa mga kabataan. Sa pamamagitan ng mga interaktibong pagsasanay, mga talakayan, at simulation drills, nakuha ng bawat isa ang mga kaalaman at kasanayan na magagamit sa oras ng pangangailangan. Ang ganitong mga pagkakataon ay hindi lamang nagpapalawak ng kaalaman kundi nagpapalakas din ng ugnayan ng paaralan at komunidad sa pagharap sa ganitong klase ng mga pagsubok.

Binigyang-pansin ni Ma'am Elenor Vallangca,Guidance Designate, ang mahahalagang bagay na dapat malaman ng mga mag-aaral ...
28/08/2024

Binigyang-pansin ni Ma'am Elenor Vallangca,
Guidance Designate, ang mahahalagang bagay na dapat malaman ng mga mag-aaral ukol sa anti-bullying.

Republic Act No. 10627 o Anti-Bullying Act of 2013 ang pangunahing batas na tumutugon sa bullying, partikular sa mga konteksto ng paaralan. Layunin ng batas na ito na protektahan ang mga mag-aaral mula sa bullying sa loob ng mga educational institutions.

Layunin ng kaganapang ito na magbigay ng kaalaman, itaguyod ang respeto, at lumikha ng mas positibong kapaligiran para sa lahat.

Nagsama-sama ang mga magulang at mag-aaral ng 4Ps upang pag-usapan ang mga hakbang na magtutulak sa mas maayos at maluso...
28/08/2024

Nagsama-sama ang mga magulang at mag-aaral ng 4Ps upang pag-usapan ang mga hakbang na magtutulak sa mas maayos at malusog na pangangatawan ng mga kabataan. Sa talakayan ng feeding program, pinagtibay ang pagkakaisa at pagtutulungan ng paaralan at komunidad, na naglalayong itaas ang antas ng kalusugan at edukasyon ng bawat mag-aaral.

Ang pagkakaisa ng mga magulang, mag-aaral at ng paaralan ay nagsilbing inspirasyon para ipagpatuloy ang mga programang magpapabuti sa hinaharap ng mga kabataan.

"Sa bawat himig ng Kundiman, muling binuhay ng mga mag-aaral ang kwento ng ating lahi at pagmamamahal sa bayan."Nagkaroo...
28/08/2024

"Sa bawat himig ng Kundiman, muling binuhay ng mga mag-aaral ang kwento ng ating lahi at pagmamamahal sa bayan."

Nagkaroon ng makasaysayang pagtatanghal ng Kundiman ang mga mag-aaral ng ikapitong baitang, ipinamalas sa pamamagitan ng awit ang yaman ng ating kultura at pagmamahal sa bayan. Ang kanilang mga tinig ay nagbigay-buhay sa ating kasaysayan. Sa bawat nota at liriko, ipinadama nila ang pagka-Pilipino.

Itinanghal na kampeon si Symon Jacob Sotto, ikalawang gantimpala si Julia Vallo at nakamit ang ikatlong gantimpala ni Marianne Tulod na mga mag-aaral mula sa 7-SPA..

Matagumpay na isinagawa ang Leadership Training Seminar sa pamamagitan ng masusing paggabay ni G. Lemuel Duran na nagbig...
21/08/2024

Matagumpay na isinagawa ang Leadership Training Seminar sa pamamagitan ng masusing paggabay ni G. Lemuel Duran na nagbigay-daan sa mas malalim na pag-unawa at paghubog ng kakayahan sa pamumuno ng mga mag-aaral.

Sa pamamagitan ng kanyang makabuluhang mga aral at estratehiya, natutunan ng mga kalahok ang kahalagahan ng pagiging isang epektibong lider na may malasakit at pananagutan. Sa pagsasanay na ito, tinalakay ni G. Duran ang mga katangian ng isang mabuting pinuno kabilang na rito ang mga praktikal na hakbang para sa paghubog ng isang mahusay at responsableng lider.

Tunay na ang bawat isa ay umuwi na may bagong kaalaman at pag-asa para sa mas mahusay na kinabukasan bilang mga lider ng kanilang komunidad at organisasyon.

Congratulations Ma’am Sheila Marie D. Baluran for earning the esteemed title of Region 3 Civil Service Awardee! This sig...
20/08/2024

Congratulations Ma’am Sheila Marie D. Baluran for earning the esteemed title of Region 3 Civil Service Awardee! This significant achievement underscores your exceptional dedication, tireless work, and strong commitment to public service.

Your success is a clear reflection of your positive influence and outstanding contributions to your community. We are immensely proud of your accomplishment and inspired by your exemplary service.

Congratulations Ma’am Jin Orpha B. Dela Cruz for passing the Guidance Counselor Licensure Examination! This accomplishme...
20/08/2024

Congratulations Ma’am Jin Orpha B. Dela Cruz for passing the Guidance Counselor Licensure Examination! This accomplishment highlights your expertise and dedication to support others, underscoring your determination and skill.

Your achievement is truly inspiring, and we are thrilled to celebrate your success. We look forward to the continued contributions you will make in your field.

Muling nagningas ang diwa ng pagka-Pilipino sa Sabayang Pagbigkas mula sa ikasiyam na baitang nang itanghal ng bawat kal...
19/08/2024

Muling nagningas ang diwa ng pagka-Pilipino sa Sabayang Pagbigkas mula sa ikasiyam na baitang nang itanghal ng bawat kalahok sa entablado ang nagkakaisang mga tinig na puno ng buhay at pag-asa. Sa bawat salitang binibigkas at kumpas ng mga mag-aaral ay nagsilbing buhay na larawan ng ating kultura at kasaysayan.

Itinanghal na kampeon ang mga kalahok mula sa G9-SPJ, nasa ikalawang pwesto ang mga kalahok mula sa G9-Sincerity at ikatlong pwesto ang mga kalahok mula sa G9-Loyalty.

Sa kanilang sabay-sabay na pagbigkas, ipinadama nila ang malalim na pagmamahal at paggalang sa ating wika—isang patunay na ang kabataang Pilipino ang tagapangalaga ng ating mga tradisyon at adhikain.

"Pagtali ng Nakaraan sa Kasalukuyan"Sa panahong digital kung saan ang teknolohiya at social media ang pinagkakaabalahan ...
12/08/2024

"Pagtali ng Nakaraan sa Kasalukuyan"

Sa panahong digital kung saan ang teknolohiya at social media ang pinagkakaabalahan ng kabataan, nakatutuwang makakita ng mga g**o na hindi lamang bihasa sa pagtuturo kundi nagiging bahagi pa rin ng laro ng lahi upang maipakita sa mga mag-aaral at mapahalagahan ang ating tradisyon at kultura. Hindi alintana ang kanilang edad upang maipakita ang kahalagahan ng pagkakaisa at disiplina maging ang pagbibigay-halaga sa ating kultura.

Ayon nga sa resulta ng isang pag-aaral
sa Enverga University, epektibo ang paggamit ng laro bilang tulong o integrasyon sa pagtuturo at pag-aaral ng asignaturang Filipino kung ang tatalakayin ay tungkol sa kultura, paniniwala at tradisyong Pilipino.

Kung maimumulat natin ang mga kabataan sa ganitong uri ng mga laro ay mabibigyan sila ng bagong karanasan sa pakikipagkapwa at hindi lamang cellphone ang kasama nila. Patunay na ang edukasyon ay hindi lamang limitado sa akademikong aralin kundi ang maging bahagi ng muling pagbuhay sa nalilimutang tradisyon.

Buong puso at galing na ipinamalas ng mga Caanawenian mula sa ikawalong baitang ang kanilang talento sa pagbigkas ng tul...
12/08/2024

Buong puso at galing na ipinamalas ng mga Caanawenian mula sa ikawalong baitang ang kanilang talento sa pagbigkas ng tula. Ang bawat taludtod na binibigkas ay isang patunay ng kanilang malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa sining ng panitikan. Sa kanilang pagkumpas, kanilang ipinadama ang damdamin at mensaheng nais iparating ng tula na nagbigay-buhay sa mga salita at naging inspirasyon para sa lahat ng nakikinig.

Ang ikatlong pwesto ay nakamit ni Jellian Jean Javellana mula sa 8-Mt. Pulag, ikalawang pwesto ang nasungkit ni Erika Mae Villano at ang unang pwesto ay nakuha ni Bianca Joy Rapada ng 8-Mt. Makiling.

Ang kanilang pakikilahok ay hindi lamang pagpapakita ng talento kundi pati na rin ng kanilang pagmamahal sa kulturang Pilipino.

Isa sa inabangan sa pagdiriwang ng San Jose City Day, August 10, 2024, ang KADIWA NG PANGULO na umiikot sa buong Pilipin...
11/08/2024

Isa sa inabangan sa pagdiriwang ng San Jose City Day, August 10, 2024, ang KADIWA NG PANGULO na umiikot sa buong Pilipinas para ihatid ang mga murang produkto na dala ng magsasaka, mangingisda at maliliit na negosyante.

Sa pagdiriwang na ito, nakilahok ang magsasaka ng San Jose at mga negosyante sa pangunguna ni Mayor Kokoy Salvador.

Kabilang din sa mga nakiisa sa programang ito ang Caanawan National High School na naghatid ng mga punlang gulay tulad ng talong, kamatis at sili. Gayundin ang vermicast soil na siyang magpapaganda at magpapalago sa tanim ng mga San Josenio. Layunin ng paaralan na makapaghatid ng tulong, serbisyo at kasanayan sa mga nagnanais magsimula ng maliit na negosyo.

Muling nagpamalas ng husay at galing sa street dance ang Caanawan Nationa High School (Tribo Damara) sa pagdiriwang ng 5...
11/08/2024

Muling nagpamalas ng husay at galing sa street dance ang Caanawan Nationa High School (Tribo Damara) sa pagdiriwang ng 55th San Jose City Day, Agosto 10, 2024. Kabilang sila sa parada na isinagawa mula sa City Social Circle hanggang sa PAG-ASA Gymnasium kung saan napanood ang kanilang pampasilang bilang.

Buo ang suporta ng Caanawan Faculty and Staff sa pangunguna ng kanilang Punongg**o Ma'am Jocelyn T. Leonardo at Ulongg**o Ma'am Teresita M. Circa sa pagdiriwang na ito at sa mga batang handang maglaan ng oras at panahon upang magbigay ng kasiyahan sa mga manonood.

Ang taunang kaganapan na nagtatampok sa paggunita sa araw pagkakatatag ng San Jose bilang isang lungsod ay dinaluhan ng mga pampubliko at pribadong kawani ng paaralan maging ng mga empleyado ng Lokal na Pamahalaan (LGU).

Ang pagiging malaya ng Wikang Filipino ay ang pagbibigay nito ng boses sa bawat Pilipino upang maipahayag ang kanilang d...
09/08/2024

Ang pagiging malaya ng Wikang Filipino ay ang pagbibigay nito ng boses sa bawat Pilipino upang maipahayag ang kanilang damdamin, pangarap at karanasan para sa pagbabago at pag-unlad na siyang magbubuklod sa bawat isa bilang mamamayan ng bansang Pilipinas.

Tampok ngayong Agosto ang iba't ibang gawaing pangwika upang maipahayag ang saloobin at iniisip ng mga mag-aaral para sa pagtugon na mapahalagahan ang wikang pambansa.

Ready, Set, Write!Aspiring writers of Caanawan National High School immediately went to action to show they have what it...
08/08/2024

Ready, Set, Write!

Aspiring writers of Caanawan National High School immediately went to action to show they have what it takes to be a campus journalist. Students from different grade levels came for the screening of The Anahaw new staff members.

Isang matagumpay na pagtitipon ang isinagawa sa Caanawan National High School sa pangunguna ng ating butihing punongg**o...
07/08/2024

Isang matagumpay na pagtitipon ang isinagawa sa Caanawan National High School sa pangunguna ng ating butihing punongg**o Ma'am Jocelyn T. Leonardo para sa mga halal na opisyal ng SSLG, BKD, WINS at YES-O kasama ang ating Head Techer |||, Ma’am Teresita Circa at mga tagapayo ng nasabing mga organisasyon.

Binigyang-diin dito ang kahalagahan ng kolaborasyon at aktibong partisipasyon ng bawat miyembro upang maisakatuparan ang kalinisan at maayos na pamamahala sa bawat silid-aralan at pasilidad ng paaralan.

P&C: Shayne Lauriaga

Bilang pakikiisa sa mga aktibidad sa Buwan ng Wikang Pambansa batay sa KWF Kapasiyahan Blg. 8-2, s. 2024, ang tema ay hi...
05/08/2024

Bilang pakikiisa sa mga aktibidad sa Buwan ng Wikang Pambansa batay sa KWF Kapasiyahan Blg. 8-2, s. 2024, ang tema ay hinati sa limang (5) lingguhang tema kabilang ang Filipino Sign Language (FSL) tungo sa Ingklusibong Pambansang Kaunlaran.

Sa mga inilatag na pangwikang aktibidad, ang Caanawan National High School ay nagbigay ng pangkakataon sa mga kabataan na mamulat sa Wikang Pasenyas at mabigyan ito ng pagpapahalaga sa pamamagitan ng simpleng pagbati sa kapwa gamit ang FSL.

C: Ederlyn Facun
P: Shayne Lauriaga

𝐒𝐚𝐧 𝐉𝐨𝐬𝐞𝐧𝐢𝐨’𝐬 𝐏𝐫𝐢𝐝𝐞: 𝐒𝐮𝐜𝐜𝐞𝐬𝐬 𝐢𝐧 𝐭𝐡𝐞 𝐌𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠In the recently concluded National events which were all held in Cebu, our reg...
02/08/2024

𝐒𝐚𝐧 𝐉𝐨𝐬𝐞𝐧𝐢𝐨’𝐬 𝐏𝐫𝐢𝐝𝐞: 𝐒𝐮𝐜𝐜𝐞𝐬𝐬 𝐢𝐧 𝐭𝐡𝐞 𝐌𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠

In the recently concluded National events which were all held in Cebu, our regional competitors in CLRAA and RSPC who made it also in the said national level, regained wins and one of them also set a record-breaker which attracted attention not only from the participants but also viewers and media practitioners.

One among the Palarong Pambansa athletes who engraved history in athletics is the twelve-year-old Jyane Kirt Cantor from Caanawan Elementary School of our Division, representing Central Luzon (Region III), has garnered attention for setting a new long jump record during the said competition.

The in-coming 6th grade Cantor jumped 6.14 meters, surpassing the 22-year-old record of 6.04 meters set by Jeremie Tamles from the Davao Region during the 2002 Palarong Pambansa in Naga.

Cantor's impressive achievement has brought even more shining pride not only to his school but also in Region III after leading a team and winning another gold in a team event contributing another point in the regional rank.

Also, in the Athletic team of the Division of San Jose City is Sophia Angela Mae Dela Vega who is a yearly participant in the Palarong Pambansa cooped the bronze medal in her event. Dela Vega has been a runner in different venues in the national level. Joined by her mother, Romina dela Vega, an Elementary teacher at San Jose East Central School, who also represented Region III and won gold in Laro ng Lahi event, both brought San Jose City in one of the country’s most awaited sports event.

Aside from Sports, our division also sent Shan V. Macato, a campus journalist who represented Region III in the National Schools Press Conference. Winning the highest place in the Regional Schools Press Conference in Editorial Writing in English (Elementary level), Shan made it to the 5th place contributing a point to our regional rank in the National level. With his place, Region III was placed 4th in the over-all rank in the National Schools Press Conference.

In addition to the achievements mentioned, the Volleyball Boys Elementary team from San Jose West Central School also made a mark by winning silver. Special awards were given to Vince Kian Manganan as the Best Libero and Marcus Bulanhagui as the Best Opposite Spiker. The team, consisting of Marcus Bulanhagui, Jacob Bulanhagui, John Gabriel Calma, Mathew Josh Nava, Vince Kian Manganan, Xian Rafael Lim, Jerome Gatchalian, Carl Sanidad, and Jedrix Pascual, brought pride to their school and the region.

This victory of our learners showcases the dedication and talent that young as they are, they have just proven that the Schools Division of San Jose City has athletes and campus journalists who, in their own way, can bring honor not only to their schools but more so to San Jose City. This milestone is a result of their hard work and determination, serving as an inspiration for others aiming for excellence in sports, journalism and in other competitions. Their record-breaking performance has caught the attention of national media, highlighting the potentials of the next generation of Filipino youth. Their achievement reminds us of the importance of supporting and nurturing young talents in the schools.

With their continued dedication and performance, there is no doubt that these young heroes will achieve even greater heights in the future. Their story highlighted the importance of extensive support for them. Their victory did not just inspire other competitors in all aspects but also exposed them to different environments that are essential for their growth. Who knows, one of them will bring another history in another field someday.

The victory of these young and talented learners caught the attention of our Division and City officials, which, after giving them tribute not only during a Flag Raising Ceremony in the City but also in a motorcade during the Brigada Eskwela kick-off this School Year. But the tribute recognizing their great performance also led the Sangguniang Panlungsod to give them Commendation in a Sanggunian Session last July 24, 2024. And, the peak of the surprise is that the approval of the Sangguniang Panlungsod Ordinance No. 24-022 authored by San Jose City Councilor Patrixie Salvador-Garcia. This ordinance grants cash incentives to individuals, duo, and team players and coaches who excel in sports and other competitions at both regional and national levels. This is indeed a big and historic support that is not just relevant but timely and necessary. It will surely encourage students to strive for better performance and boosts their confidence and participation in various competitions.

Initiatives like this can ignite a fire within our young learners, pushing them beyond their limits. Along with the provision of quality training, guidance, and financial support, Officials can help them reach their full potential and elevate our performance status from local to regional and national competitions.

Cantor’s record-breaking performance, Dela Vega’s sustained place in her event, and the regaining performance of a campus journalist like Macato at the Palarong Pambansa and National Schools Press Conference 2024, and the volleyball team’s achievements, respectively, our pride and inspiration, supporting our young athletes ensures that we continue to witness and celebrate such achievements, listing another victorious performer in the future.

By 𝐀𝐋𝐘𝐒𝐒𝐀 𝐏. 𝐂𝐀𝐑𝐁𝐎𝐍𝐄𝐋

Caanawan National High School gathered Grade 7 parents for a brief orientation on MATATAG Curriculum and the following S...
02/08/2024

Caanawan National High School gathered Grade 7 parents for a brief orientation on MATATAG Curriculum and the following Special Curricular Programs (SCP) — Special Program in Journalism (SPJ), Special Program in Arts (SPA), and Rural Farm School (RFS).

𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐖𝐢𝐤𝐚 𝟐𝟎𝟐𝟒Sa pagsibol ng buwan ng Agosto, ipagdiriwang natin ang Buwan ng Wika alinsunod sa Kalupunan Blg. 08-02...
01/08/2024

𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐖𝐢𝐤𝐚 𝟐𝟎𝟐𝟒

Sa pagsibol ng buwan ng Agosto, ipagdiriwang natin ang Buwan ng Wika alinsunod sa Kalupunan Blg. 08-02 s. 2024 na nagsasaad ng temang: "Filipino: Wikang Mapagpalaya."

Ang wikang Filipino ay higit pa sa isang wika ng komunikasyon, ito ay wika ng kalayaan at pagkakaisa. Ating itaguyod at pahalagahan ang ating pambansang wika, na siyang nagbibigay-daan sa mas malaya at mas maunlad na bayan.

C: Milagros Angela M. Olivar
P: Angel Señeres
Layout: Alyssa P. Carbonel

𝐂𝐚𝐚𝐧𝐚𝐰𝐞𝐧𝐢𝐚𝐧, 𝐂𝐚𝐚𝐧𝐚𝐖𝐄𝐋𝐂𝐎𝐌𝐄!Today marks the first day of school at Caanawan National High School for S.Y. 2024-2025, and w...
29/07/2024

𝐂𝐚𝐚𝐧𝐚𝐰𝐞𝐧𝐢𝐚𝐧, 𝐂𝐚𝐚𝐧𝐚𝐖𝐄𝐋𝐂𝐎𝐌𝐄!

Today marks the first day of school at Caanawan National High School for S.Y. 2024-2025, and we are so excited to see everyone back!

Get ready for a year full of fun adventures and amazing learning experiences!

Let's make this year the best one yet! Here's to new friends, great memories, and endless possibilities!

C: Alyssa P. Carbonel
P: Clyde Ryu B. Agnes, Alyssa P. Carbonel

23/07/2024
𝐁𝐫𝐢𝐠𝐚𝐝𝐚 𝐄𝐬𝐤𝐰𝐞𝐥𝐚 𝐍𝐚!Opisyal na Sinimulan ang Brigada Eskwela 2024 sa Caanawan National High School.Nagtipon ang mga g**o,...
22/07/2024

𝐁𝐫𝐢𝐠𝐚𝐝𝐚 𝐄𝐬𝐤𝐰𝐞𝐥𝐚 𝐍𝐚!

Opisyal na Sinimulan ang Brigada Eskwela 2024 sa Caanawan National High School.

Nagtipon ang mga g**o, magulang, mag-aaral, mga boluntaryo, at iba’t ibang mga stakeholder upang opisyal na simulan ang Brigada Eskwela 2024 ngayong Lunes, Hulyo 22.

Ayon sa DepEd Order No. 3, s. 2024, ang taunang aktibidad na ito para sa pag-aayos ng paaralan ay magaganap mula Hulyo 22 hanggang Hulyo 27, 2024. Ito ay magbibigay-daan sa mga pampublikong paaralan na maging handa para sa pagbubukas ng klase sa Hulyo 29.

𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧𝐢𝐡𝐚𝐧 𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐌𝐚𝐭𝐚𝐭𝐚𝐠 𝐧𝐚 𝐏𝐚𝐚𝐫𝐚𝐥𝐚𝐧! 𝐓𝐚𝐫𝐚 𝐍𝐚! 𝐌𝐚𝐠𝐛𝐫𝐢𝐠𝐚𝐝𝐚 𝐍𝐚 𝐓𝐚𝐲𝐨!

Caanawan National High School received various awards in different categories during the Senior High School Academic Exi...
10/05/2024

Caanawan National High School received various awards in different categories during the Senior High School Academic Exit Conference 2023-2024.

Best Poster Presentation
1st Place
-Eco Engineers in Action: African Night Crawlers, Vermicast, and Vermicompost Production Using Various Organic Waste Substrates

Best in Flyer
2nd Place
-The Impact of Bullying on the Mental Health of the LGBTQIA+ Community

4th Place
-Eco Engineers in Action: African Night Crawlers, Vermicast, and Vermicompost Production Using Various Organic Waste Substrates

5th Place
-Dress To Impress: Relationship of Dress Style On Students' Self Esteem, Body Image, and Overall Well-Being of Senior High School Students

Best Research Paper
3rd Place
-Eco Engineers in Action: African Night Crawlers, Vermicast, and Vermicompost Production Using Various Organic Waste Substrates

Best Research Presenter
3rd Place
-Eco Engineers in Action: African Night Crawlers, Vermicast, and Vermicompost Production Using Various Organic Waste SubstratesInvest

4th Place
-Investigating the Relationship of Financial Support and Academic Performance Among Senior High School Students

Congratulations CNHS Researchers for a job well done!


𝐇𝐚𝐩𝐩𝐞𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐨𝐰:Caanawan National High School - Senior High School participates in Project: ALERT (Advancement in Language...
09/05/2024

𝐇𝐚𝐩𝐩𝐞𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐨𝐰:

Caanawan National High School - Senior High School participates in Project: ALERT (Advancement in Language and Numeracy Equitable in Research-Based Skills for Technological Breakthroughs) - a senior high school academic exit conference, in partnership with the Local Government Unit of San Jose City, Central Luzon State University and Araullo University.

This event showcases research projects of students from different senior high schools in the division.

The research congress is currently being held at Knights of Columbus Hall, Brgy. Malasin, San Jose City, Nueva Ecija.

P: Ma’am Theia Jacelle P. Garcia
C: Milagros Angela Olivar
Layout by: Alyssa P. Carbonel

From ink to impact.Caanawan journalists poured their hearts into the Division Schools Press Conference! Every effort and...
25/04/2024

From ink to impact.

Caanawan journalists poured their hearts into the Division Schools Press Conference!

Every effort and training session paid off.

Here's to their dedication and the stories yet to unfold!

Congratulations Caanawan Journalists!

HAPPENING NOW: Campus Journalists from different schools in San Jose City brace their pens as the Division Schools Press...
25/04/2024

HAPPENING NOW: Campus Journalists from different schools in San Jose City brace their pens as the Division Schools Press Conference kicks-off today.

Address

Zone 1 Caanawan
San Jose
3121

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Caanawan NHS - Anahaw Tri-Media posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Caanawan NHS - Anahaw Tri-Media:

Videos

Share

Category


Other Newspapers in San Jose

Show All