πππππ§π | LARONG SEPAK TAKRAW, NAGSIMULA NA ANG PAGSIPA
Sa ikatlong araw ng Intramurals sa Paradise Farms National High School, nitong Oktubre 20, ipinamalas ng mga takrawista ang kanilang husay at galing sa natatanging laro.
Nanaig mula sa ika-pitong baitang hanggang sa ating mga senior paradisians, ang dugo ng pagiging takrawista. Sa bawat lipad, palo, at service napanatili nila ang hiyawan at suporta ng bawat estudyanteng manonood sa covered court ng ating paaralan.
ποΈ:Anthon Aquino
ποΈ:Cyrus Diez
π₯:Shawn Cuevas
π·:Shawn Cuevas & Cyrus Diez
πππππ§π | LAKAS NG KABABAIHAN, IPINAMALAS SA LARONG VOLLEYBALL
Noong nakaraang linggo lamang sa araw na biyernes, nitong Oktubre 20, nagpamalas ng kakaibang galing ang mga kababaihan sa larong women's volleyball sa Paradise Farms National Highschool.
Mula baitang na ikapito hanggang labindalawa ay naglaban-laban ang mga kababaihan upang maipakita ang kanilang natatanging galing sa laro, nagdulot naman ito ng saya sa mga mag-aaral na nakapanood ng laro lalong-lalo na ang mga coaches at mga kasapi ng kani-kanilang grupo.
ποΈ:Cyrus Diez
ποΈ:Anthon Aquino
π₯:Rhema Jean
π·:Shawn Cuevas
πππππ§π | MENβS VOLLEYBALL, BIDA SA INTRAMS
Tagisan ng galing ng mga mag-aaral sa larong volleyball ginanap nang nagdaang biyernesβOktubre 20.
Ang bawat baitang mula Grade7 hanggang Grade12 ay nagtagisan ng kanilang husay sa larong volleyball. Napuno ng sigawan at hiyawan ang covered court mula sa suporta ng mga kapwa estudyante at coaches ng nasabing patimpalak.
ποΈ & ποΈ: Crizelle Boneo
π₯: Shawn Cuevas
π·: Anthon Aquino
π§ππ‘ππ‘ππ‘ | Manlalaro ng PFNHS, naghahanda na
Para sa pagsisimula ng iba't ibang laro sa Intramurals 2023 sa Paradise Farms National High School, naghahanda na ang bawat manlalarong paradisian sa kani-kanilang mga sinalihang isports.
ποΈ: Shawn Cuevas
π₯ : Rhema Dausen
π [ap.] Ang Paraiso Balitang Isports
β‘Flash Report
πVolleyball Boys Semi Finals G11 vs G9
Grade 11, wagi sa semi finals laban sa Grade 9
Narito ang video ng sayaw ng mga kinatawan ng District 9.
πPFNHS TEACHING AND NON - TEACHING PERSONNEL KINATAWAN ANG DISTRICT 9 SA PATIMPALAK SA KATUTUBONG SAYAW PARA SA DEPED DAY
Nagpakita ng galing sa pagsayaw sa saliw ng katutubong tugtugin ang mga guro mula sa ibaβt ibang paaralan at distrito sa lungsod sa ginanap na DepEd Day βPatimpalak sa Katutubong Sayaw.β
Layunin ng patimpalak na ito na kilalanin ang husay at talento ng mga guro sa larangan ng sining, partikular sa pag-indak ng mga katutubong sayaw.
Bahagi pa rin ng selebrasyon ng Tanglawan Festival 2022 at selebrasyon ng National Teachersβ Month na ipinagdiriwang tuwing buwan ng Setyembre.
Nagpakita ng suporta si Vice Governor Alex C. Castro, Congresswoman Florida P. Robes at Mayor Arthur B. Robes na dumalo sa nasabing patimpalak.
#PFNHS-ONE-SCHOOL-GOAL
#DISTRICT9
#TANGLAWANFESTIVAL
#ANGPARAISO
πΈMa'am Florie Fe Ampo
πPFNHS BE KICK OFF VIRTUAL CLOSING PROGRAM '2022
β€οΈPagpupugay at pasasalamat sa lahat ng mga nakiisa at naglaan ng oras para tumulong sa PFNHS BRIGADA ESKWELA '2022 na may temang TUGON SA HAMON NG LIGTAS NA BALIK-ARAL.
#PFNHS-ONE-SCHOOL-ONE-GOAL
#PFNHSBEKICKOFFVIRTUALCLOSINGPROGRAM
#ANGPARAISO
[ ap.] πππ π’πππ π§π πππ -ππ¬π: πππ π€π’π₯ππ₯πβπ πππ¬ππ¬ππ₯ππ¦ππ
βSimula nang maminsala ang kagat ng pandemya, marami sa atin ang nahirapang mamuhay. Maraming nawalan ng trabaho na lalong nagpahirap sa pagtustos sa kani-kanilang pangangailangan na nag-udyok sa lalong kagutuman. Sinubok din ang pakikipagpatintero ng mga sangay ng gobyerno para sa ating buhay. Nang dahil sa pandemya, marami ring establisyemento ang nagsara at kabilang na rito ang mga eskuwelahan.
Gayunpaman, sa kabila ng pandemya, patuloy namang nagturo ang kaguruan sa pamamagitan ng mga online classes at pamamahagi ng mga βprinted modulesβ buhat na rin ng walang sawang paglilingkod ng ating school at barangay volunteers. Ibaβt-iba ang naging estilo at malaki ang ginawang pagbabago upang mabigyan ng kalidad na edukasyon ang mga estudyante. Kabi-kabila man ang naging problema sa naturang midyum ay hindi pa rin nagpatinag ang kagawaran ng edukasyon at itinuloy ang pasukan ngayong taon.
Kaya naman, sa ngalan ng pahayagang Filipino ng Paradise Farms National High School βAng Paraisoβ , aming ipinaabot ang taos pusong pagkilala at pasasalamat sa mga bayaning pinagsabay ang kanilang responsibilidad sa tahanan at ang kanilang pagiging pangalawang magulang.
Sa ating masisipag na volunteers, mga minamahal naming mga magulang, sa aming kagalang-galang na punong-guro at sa lahat ng nakiisa sa pagpapaabot ng edukasyon para sa mga mag-aaral sa gitna ng bagong normal, lubos ang aming pagpapasalamat sa inyong mainit na paggabay at paglilingkod para sa amin. Hindi magiging posible ang lahat ng ito sa bukas palad ninyong pagpapatnubay at pagmamahal sa amin.
Nananatiling hamon ang pandemya sa pagtuturo ngayon, ngunit mas nananaig ang hangarin ninyong buhayin ang dagitab ng pag-asa sa puso ng bawat mag-aaral.
Maraming salamat po. β
β Vincent Moreno, Ang Paraiso Publication EIC
#DagitabNgPagAsa
#Ang