Pwersa Balita

Pwersa Balita Pwersa Balita, with 28+ years of expertise, delivers inclusive, innovative, and hyper-local news across print, TV, radio, and digital, reaching 10M+ monthly.
(2)

Pwersa Balita leverages over 28 years of expertise in broadcast journalism to provide news and information with a focus on linguistic inclusivity, innovative journalism, and hyper-local coverage. Our comprehensive approach bridges the gap between traditional and digital media, delivering content across multiple platforms including print, television, radio, social media, digital media, and emerging

channels. Serving over 10 million people monthly through our extensive network of platforms, subsidiaries, and affiliates, Pwersa Balita stands at the forefront of modern journalism. www.PwersaBalita.com

Naku mukhang dadami ang mga KorNoy (korean Pinoy) neto 🤣 happy sunday mga ka pwersa
01/09/2024

Naku mukhang dadami ang mga KorNoy (korean Pinoy) neto 🤣 happy sunday mga ka pwersa

"Sa Setyembre, ang hangin ay may dalang pangako ng pagbabago." Let's welcome this beautiful month with open hearts and f...
31/08/2024

"Sa Setyembre, ang hangin ay may dalang pangako ng pagbabago."

Let's welcome this beautiful month with open hearts and fresh beginnings. 🌾💛

Happy First Sunday this September mga ka Pwersa!

"Amang Diyos, maraming salamat po sa mga biyayang natanggap namin sa araw na ito. Patnubayan Niyo po kami sa bawat hakba...
31/08/2024

"Amang Diyos, maraming salamat po sa mga biyayang natanggap namin sa araw na ito. Patnubayan Niyo po kami sa bawat hakbang namin at bigyan kami ng kapayapaan sa aming pagtulog. Amen."

May God bless us all with restful sleep and renewed strength for tomorrow. Sweet dreams! 💤✨

UPDATE: lagpas 600 na bata at matanda ang lumahok sa ginaganap ngayon isang  medical mission kung saan 3 doctor ang nag ...
31/08/2024

UPDATE: lagpas 600 na bata at matanda ang lumahok sa ginaganap ngayon isang medical mission kung saan 3 doctor ang nag bibigay ng free consultation at namimigay rin tayo ng libreng gamot at iba pang serbisyong medical sa Barangay Alima Basketball court. Alima, Bacoor, Cavite.

Maraming salamat sa mga nag abot ng tulong Unigrow Philippines at management ng Pwersa Balita.

UPDATE: Ginaganap ngayon isang  medical mission kung saan 3 doctor ang nag bibigay ng free consultation at namimigay rin...
31/08/2024

UPDATE: Ginaganap ngayon isang medical mission kung saan 3 doctor ang nag bibigay ng free consultation at namimigay rin tayo ng libreng gamot at iba pang serbisyong medical sa Barangay Alima Basketball court. Alima, Bacoor, Cavite.

Inaasahang 1,000+ na mga indibidwal ang target ma abot ng joint medical mission.

Pinagsanib pwersa po eto ng Radyo Kalusugan, Asul.TV, Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) Calabarzon Chapter, volunteers, friends at and inyong Pwersa Balita!

May medical mission po tayo nyayon mga ka Pwersa! Libre doctor at gamot at iba pa saBarangay Alima Basketball  court. Al...
30/08/2024

May medical mission po tayo nyayon mga ka Pwersa! Libre doctor at gamot at iba pa sa
Barangay Alima Basketball court. Alima, Bacoor, Cavite.

Pinagsanib pwersa po eto ng Radyo Kalusugan, Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) Calabarzon Chapter, volunteers, friends at and inyong Pwersa Balita!

Unsplash photos by: Alexandr Podvalny | via hookle.app

"Kaya't huwag kayong mag-alala tungkol sa kinabukasan, sapagkat ang bukas ay may sarili nitong alalahanin. Sapat na ang ...
30/08/2024

"Kaya't huwag kayong mag-alala tungkol sa kinabukasan, sapagkat ang bukas ay may sarili nitong alalahanin. Sapat na ang problema ng araw na ito." — Mateo 6:34

Huwag tayong magpatalo sa pangamba ng bukas, sapagkat ang bawat araw ay may sapat na biyaya at lakas mula sa Diyos. Tiwala lamang at magpatuloy sa paglakad sa tamang landas. 🧡 Pwersa Balita 🌐

30/08/2024

30th NATIONAL RETAIL CONFERENCE AND EXPO 2024 EP.6 ECLOUD VALLEY

30/08/2024

30th NATIONAL RETAIL CONFERENCE AND EXPO 2024 EP.5 DIEBOLD NIXDORF

30/08/2024

30th NATIONAL RETAIL CONFERENCE AND EXPO 2024 EP.4 RETAIL ASSOCIATES

30/08/2024

30th NATIONAL RETAIL CONFERENCE AND EXPO 2024 EP.3 SALMON

30/08/2024

30th NATIONAL RETAIL CONFERENCE AND EXPO 2024 EP.2 MR. D.I.Y. PHILIPPINES

30/08/2024

PBBM, sinibak si NYC Chair Cardema

Sinibak na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Duterte Youth Leader Ronald Cardema bilang Chairperson ng National Youth Commission (NYC).

Si Cardema ay kilalang Duterte supporter na namumuno sa NYC simula pa noong 2018.

Papalit kay Cardema bilang bagong pinuno ng NYC si Joseph Francisco Ortega na naging Regional Director ng Department of Tourism (DOT) Region 1 noong 2019.

Ayon sa Malacañang, ang pagtatalaga kay Ortega ay bahagi ng pangako ng administrasyon na bigyang kapangyarihan ang mga kabataang Pilipino at tiyakin na ang kanilang mga boses ay kinakatawan sa pinakamataas na antas ng pamahalaan.

Samantala, itinalaga rin ng Pangulo ang Director sa House of Representatives na si Karl Josef Legazpi, bilang second Commissioner-at-large ng NYC. (JUN U. JARIOL)

30/08/2024

Civil service modernization program, inilunsad ng gobyerno

Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Philippine Civil Service Modernization Project (PCSMP) na layung mapabuti ang kasanayan sa burukrasya at mapahusay ang serbisyo sibil sa bansa.

Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan, ang PCSMP ay kabilang sa mga paksang tinalakay sa 20th National Economic and Development Authority (NEDA) Board Meeting noong Miyerkules.

Sinabi ni Balisacan na ang civil service modernization program ay naglalayong i-upgrade ang serbisyong sibil ng bansa, partikular na ang pangangailangang i-streamline ang mga proseso at pamamaraan sa pamamahala ng human resource sa pampublikong sektor.

Pagpapabuti aniya ng PCSMP ang kasalukuyang sistema, na gagawing interconnected at digitalized ang mga ahensya ng gobyerno sa paghawak ng pampublikong pananalapi at sa pagpuno ng mga bakanteng trabaho sa pampublikong sektor.

Sinabi pa ni Balisacan na halos dalawang milyong lingkod-bayan ang makikinabang sa PCSMP na tutugunan din ng programa sa inefficiency

Aniya, ang PCSMP ay tutulong sa pag-streamline ng paggamit ng pondo sa iba't ibang ahensya, na tutulong na matiyak ang mabilis na serbisyo publiko. (JUN U. JARIOL)

30/08/2024

30th NATIONAL RETAIL CONFERENCE AND EXPO 2024 EP.1 ETP INTERNATIONAL PTE LTD

30/08/2024

DOLE, hinihikayat ang mga MSME na lumahok sa programang magpapalakas ng kanilang negosyo

Pinayuhan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga maliliit na negosyante na samantalahin ang Adjustment Measures Program para sa Micro Small Medium Enterprises (MSME).

Ang programa ay nag-aalok ng pondo para sa mga proyekto na magpapataas sa kasanayan at kaalaman ng mga manggagawa sa mga MSME.

Nasa P500,000 hanggang P1.5 milyong pondo ang alok ng DOLE sa ilalim ng nasabing programa para sa mga capacity-building measures.

Kasama rin dito ang mga programa para sa development o pagpapahusay ng mga produkto, labor compliance, business enhancement at iba pa.

Maaari pang maitaas ang pondo, depende sa proyektong isasagawa ng MSME na mangangailangan ng teknolohiya o kasanayan.

Sa ilalim ng Adjustment Measures Program, target ng DOLE na maproteksyunan ang mga manggagawa at mga negosyo mula sa pagbabago sa ekonomiya. (JUN U. JARIOL)

30/08/2024

DND, nilinaw na walang plano ang Pilipinas na magtatag ng sariling nine-dash line sa South China Sea

Walang plano ang Pilipinas na itatag ang sarili nitong nine-dash line sa South China Sea.

Ito ang binigyang-diin ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro Jr. sa deliberation ng House Committee on Appropriations sa proposed budget ng ahensya.

Sa kabila nito, iginiit ni Teodor na tila nagpaliban ang bansa sa pagtugon sa mga banta sa West Philippine Sea (WPS).

Aniya, dapat ay noon pa lang, o nung nakalipas pang mga taon ay bumuo na ang pamahalaan ng mga forward bases.

Ito aniya ang paraan para maging mas matibay ang presensya ng Pilipinas sa katubigan.

Matatandaan na una nang sinabi ng kalihim na ang China ay ang ‘greatest disruptor of peace’ sa West Philippine Sea.

Ilegal umano nitong kine-claim ang mga areas sa lugar kahit na labas na ito sa kanilang teritoryo. (JUN U. JARIOL)

30/08/2024

Pamahalaan, naghahanap pa ng pondo para sa Horizon 3 AFP modernization program


Inihayag ni Defense Secretary Gilbert Teodoro na patuloy pang naghahanap ang pamahalaan ng paraan upang matustusan pagbili ng mga kagamitan para sa Horizon 3 ng Revised Armed Forces of the Philippines Modernization Program gamit ang resources ng banking system.

Nabanggit niya na ang Pilipinas ay nanghihingi ng mga alok upang makakuha ng 40 bagong multi-role fighter aircraft upang palakasin ang depensa ng bansa.

Bilang bahagi ng mas malawak na mga reporma, naghain din ang DND ng transformation bill upang pahusayin ang mga kakayahan ng organisasyon.

Napansin ni Teodoro ang pangangailangan para sa mga espesyal na kasanayan at imprastraktura upang mabisang pamahalaan ang mga operasyon ng departamento, dahil sa pabagu-bagong kapaligiran ng seguridad at mga hinihingi ng modernong pamamahala ng depensa. (JUN U. JARIOL)

30/08/2024

Pentagon, tiniyak ang suporta sa Pilipinas sa gitna ng tuloy-tuloy na paghaharass ng China sa WPS

Tiniyak ng Pentagon na mananatiling nakasuporta ang US government sa Pilipinas, bilang kaalyadong bansa sa anumang aspeto.

Hinggil naman sa isyu na kung maaaring mag-es**rt ang US sa mga supply mission ng Pilipinas sa West Phil Sea.

Sinabi ni Pentagon Press Secretary Air Force Maj. Gen. Pat Ryder na mangunguna pa rin ang Pilipinas sa mga isasagawa nitong mission o operasyon sa West Phil Sea.

Aniya, magpapatuloy ang US sa pagbibigay nito ng ‘significant advisory support’, kasama na ang paglalaan nito ng tulong para maisa-moderno ang Philippine military.

Nilinaw ni Ryder na bagaman nakahanda ang US na tumulong sa Pilipinas at tumugon sa mga kahilingan o request nito, mangangailangan pa rin aniya ito ng formal consultation sa pagitan ng dalawang bansa.

Maalalang sa pagbisita ni US Indo-Pacific Command Commander Adm. Samuel Paparo Jr., dito sa Pilipinas, sinabi nitong isang resonalbleng opsyon lamang ang posibilidad ng paglalaan ng es**rt sa mga Philippine vessel na nagsasagawa ng resupply mission sa WPS sa ilalim ng Mutual Defense Treaty. (JUN U. JARIOL)

30/08/2024

P170 milyong halaga ng mga proyekto ng kalsada, tabing-ilog nakompleto na ng DPWH

Ipinagmalaki ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang natapos na road safety at riverbank protection projects na may pinagsamang halaga na P170 milyon sa Davao de Oro at Camarines Sur.

Sinabi ni DPWH Secretary Manuel Bonoan na gumastos ang DPWH ng P77.2 milyon para sa paglalagay ng solar-powered streetlights na may double arm steel post sa kahabaan ng 6.03-kilometrong bahagi ng Daang Maharlika highway sa Barangay Banlag sa Monkayo, Davao de Oro.

Nasa P93.1 milyon naman ang nagamit para sa pagtatayo ng flood control project sa isang bahagi ng Pawili River sa mababang barangay ng Salvacion sa Bula, Camarines Sur.

Sa kanyang ulat kay Bonoan, sinabi ni DPWH Regional Office 11 (Davao) Director Juby Cordon na ang off-carriageway improvement project ay naglalayong tugunan ang mga alalahanin sa kaligtasan sa kalsada sa isang bahagi ng Daang Maharlika.

Bahagi din aniya ng safety road project ang paglalagay ng mga karagdagang babala at mga regulatory sign, hazard marker, delineator, tubular marker, pavement stud marker, at pag-install ng reflectorized traffic paint pavement marking at thermoplastic pavement marking.

Samantala, sinabi ni DPWH Region 5 (Bicol) Director Virgilio Eduarte na itinayo sa kahabaan ng mababang bahagi ng Pawili River ay isang istraktura sa tabing-ilog na may haba na 323 metro at may kasamang dalawang berms, na may pinagsamang taas na 6.72 metro.

Kasama rin sa proyekto ang mga rehas, hagdan, at mga poste ng lampara para sa kaligtasan at accessibility.

Aniya, ang natapos na flood control ay isang patuloy na proyekto na naglalayong maiwasan ang pagbaha dahil sa pag-apaw ng Pawili River.

Noong 2023, ang DPWH Camarines Sur 5th District Engineering Office (DEO) ay nagtayo rin ng mga istruktura ng proteksyon ng bangko sa apat na iba pang seksyon ng Pawili River sa Barangay Fabrica, Sto. Domingo, Salvacion, at San Roque, na may pinagsamang halaga na P289.29 milyon.

Ang DPWH Camarines Sur 5th DEO ay gumagawa din ng isa pang P96.5-million extension ng riverbank protection sa Barangay Fabrica na ngayon ay 91.84 percent na natapos. (JUN U. JARIOL)

30/08/2024

DA, namahagi ng P135-M halaga ng mga post-harvest facility sa Nueva Ecija

Nagkaloob ang Department of Agriculture (DA) ng humigit-kumulang P135.8 milyong halaga ng post-harvest facilities at tulong pinansyal sa mga magsasaka at grupo ng mga magsasaka sa Nueva Ecija.

Sa isang pahayag, sinabi ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., na namahagi ito ng mga rice mill at dryer mula sa Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) sa dalawang kooperatiba ng mga magsasaka sa Jaen at Guimba.

Ayon kay Laurel, ibinabalik ng gobyerno sa mga magsasaka ang nararapat sa kanila at sa tulong ng ating mga mambabatas, mabibigyan natin ng karagdagang tulong ang mga producer ng bigas upang mapahusay ang kanilang competitiveness sa pamamagitan ng pagpapalawig ng Rice Tariffication Law.

Sa ilalim ng Rice Tariffication Law, ang PhilMech ay tumatanggap ng P10 bilyon na alokasyon mula sa Rice Competitiveness and Enhancement Fund (RCEF) upang makinabang ang mga lokal na magsasaka sa pamamagitan ng suporta sa farm input at mekanisasyon.

Sa Jaen, binigyan ng DA ang Pakul Primary Multi-Purpose Cooperative ng rice processing system II na nagkakahalaga ng P53.6 milyon, na kinabibilangan ng multi-stage rice mill na may kapasidad na 2 tonelada hanggang 3 tonelada kada oras, na mayroon ding pre-cleaner, de-stoner, huller, mist polisher, length grader, color sorter, blending tank, automatic packing machine para sa milled rice, rice hull bin, dust collection system, at air-conditioned control room.

Makakakuha din ang kooperatiba ng recirculating dryer, na may 12-tonelada kada batch na drying capacity, at isang recirculating dryer, na may 6-ton-per-batch drying capacity, na may kabuuang halaga na P7.06 milyon.

Bukod sa mga ito, ang DA 3 (Central Luzon) ay nagbigay din ng P13 milyong halaga ng RCEF production technologies at intervention, gayundin ang P1.9 milyong halaga ng tulong sa ilalim ng High-Value Crops Development Program.

Sa Guimba, ibinigay ng DA at PhilMech sa Cooperative Enterprise for True Economic Reform ang katulad na rice processing system II na nagkakahalaga ng P48.58 milyon, kasama ang tatlong 12-toneladang recirculating dryer na nagkakahalaga ng P11.71 milyon. (JUN U. JARIOL)

30/08/2024

Bakunahan sa mga baboy kontra ASF, umarangkada na sa Lobo, Batangas

Inarangkada na ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Animal Industry (BAI) ang pagbabakuna sa mga baboy kontra African Swine Fever (ASF) sa Lobo, Batangas
Sa isang interview, sinabi ni Agriculture Assistant Secretary at Spokesperson Arnel De Mesa na ang mga baboy na tuturukan ay isinailalim sa testing ay pawang negatibo sa ASF at malulusog.

Ayon kay Asec. De Mesa, prioridad ng BAI sa pagbabakuna ay ang mga maliliit na nag-aalaga ng baboy at pangungunahan ng mga municipal veterinarian.

Kinakailangan din na maging strategic ang pagbabakuna dahil sensitibo sa temperatura ang mga bakuna kontra ASF.

Para sa unang batch ng ASF government-controlled vaccination, 10,000 doses ng emergency-procured vaccine ang gagamitin.

Ang iba pang lugar na binabantayan para sa susunod na paglulunsad ng bakuna ay ang mga red zone o barangay na may aktibong kaso ng ASF sa Quezon, Rizal, Laguna, Occidental Mindoro, at North Cotabato. (JUN U. JARIOL)

30/08/2024

AFP, tumulong na sa PNP sa paghahanap sa wanted na si Quiboloy sa KOJC compound

Tumutulong narin ang tropa ng militar sa paghahanap kay Apollo Quiboloy ang wanted na lider ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao city.

Ito ang sinabi ni Philippine National Police Public Information Officer (PIO) Chief Police Colonel Jean Fajardo matapos magpasaklolo ang PNP sa Armed Forces of the Philippines (AFP) kasabay nang nagpapatuloy na pagtugis kay Apollo Quiboloy at apat na kapwa akusado nito.

Ayon kay Fajardo, mismong ang PNP ang humingi ng augmentation sa AFP dahil sa pagod at nasa 60 pulis na rin kasi ang sugatan matapos magkaroon ng tensyon sa KOJC compound.

Samantala, nilinaw ni Philippine Army Spokesperson Col. Louie Dema-ala na tanging layunin ng mga sundalo sa KOJC compound ay para lang sa crowd management at humanitarian assistance at hindi para tulungan ang PNP na arestuhin ang nagtatagong pastor. (JUN U. JARIOL)

30/08/2024

Grupo ng evangelical churches sa bansa, nanawagan kay Pastor Quiboloy na sumuko

Nanawagan ang Philippine Council of Evangelical Churches kay Pastor Apollo Quiboloy na sumuko na sa mga otoridad.

Ayon sa pahayag ng grupo na nilagdaan ni Bishop Noel Pantoja, sana ay harapin ni Quiboloy ang mga nag-aakusa sa kaniya at patunayan kaniyang argumento sa halip na magtago.

Giit ng grupo, “No one is above the law”, kaya mahalagang harapin ang kaso sa mapayapang pamamaraan.

Kasabay nito, nanawagan din ang organisasyon sa Philippine National Police (PNP) na irespeto ang karapatang pantao at ipatupad ng tama ang batas.

Habang para naman sa mga matataas na opisyal ng bansa, hiniling nilang maging tagapagtaguyod ng kapayapaan ang mga ito at huwag gamitin ang sitwasyon para sa kanilang political agenda o pansariling pakinabang.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang pagsisilbi ng warrant of arrest laban kay Quiboloy at iba pang kapwa nito akusado sa Kingdom of Jesus Christ compound sa Buhangin, Davao City. (JUN U. JARIOL)

30/08/2024

Freeze order sa bank accounts at property ni Pastor Quiboloy, pinalawig pa ng CA

Pinalawig pa umano ng Court of Appeals ang inisyung freeze order sa bank accounts, ari-arian at iba pang assets ni Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy.
Ito ang kinumpirma ng legal counsel ng KOJC na si Atty. Dinah Tolentino-Fuentes sa isang press conference kahapon sa Davao City.

Aniya, pinalawig pa ang freeze order hanggang Pebrero 3 ng susunod na taon pero hindi pa nila natatanggap ang kopiya ng extended freeze order.

Matatandaan na noong Agosto 5 nang unang inisyuhan ng CA ng 20 araw na freeze order ang mga ari-arian ni Quiboloy kabilang na ang KOJC at Swara Sug Media Corp., na siyang nago-operate sa Sonshine Media Network Internationalm (SMNI), ang media arm ng KOJC.

Sakop ng freeze order ang 10 bank accounts, pitong real properties, limang motor vehicles at isang aircraft na pagma-may-ari ng KOJC, gayundin ang 47 iba pang bank accounts, 16 real properties at 16 motor vehicles ng KOJC.

Ang naturang freeze order ay hiniling ng AMLC na inaprubahan naman ng CA matapos na makakita ng resonableng basehan upang paniwalaang my kaugnayan ang mga bank account ni Quiboloy sa mga ilegal na aktibidad at krimen gaya ng human trafficking, sexual at child abuse, at iba pa. (JUN U. JARIOL)

30/08/2024

Sikretong lagusan sa KOJC compound, napasok na ng PNP

Sa kabila ng pahirapang paghahanap sa lagusan ng sinasabing underground kung saan nagtatago ang wanted na lider ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ay natagpuan na ito ng mga otoridad.

Pinasok ng Philippine National Police (PNP) at Department of the Interior and Local Government (DILG) ang umano’y sikretong lagusan sa cathedral ng Kingdom of Jesus Christ.

Bumulaga sa mga otoridad ang magagarang silid, detelyado at kakaiba rin ang disensyo sa ilalim na nagpapahirap sa paghahanap kay Pastor Apollo Quiboloy.

Bukod dito, natagpuan din ng mga otoridad ang mga explosives at deadly weapons sa underground.

Ayon sa DILG, ang mga nakitang sikretong lagusan ay papunta sa kwarto raw ni Pastor Quiboloy.

Tiniyak naman ng DILG at PNP na patuloy ang kanilang ginagawang paghahanap kay Pastor Quiboloy gamit ang mga bagong teknolohiya. (JUN U. JARIOL)

30/08/2024

PNP, dismayado sa naging pahayag ni Lt. Col. Espenido sa Kongreso

Ikinabahala ng Philippine National Police (PNP) ang alegasyon ni Police Colonel Jovie Espenido sa House Quad Committee hearing na ang Pambansang Pulisya ang “largest organized crime group in the country.”

Ayon sa PNP, ang naturang alegasyon ay lumikha ng pagdududa sa integridad at dedikasyon ng mga unipormadong kasapi ng Pambansang Pulisya na nanumpang pangalagaan ang sambayanang Pilipino.

Bagama’t aminado na may ilang miyembro ng organisasyon ang naligaw ng landas, pero hindi sila kumakatawan sa mayorya ng tapat at matitinong pulis.

Binigyang diin pa ng PNP ang kanilang patuloy na pagsisikap na malinis ang kanilang hanay, at marami nang tiwaling pulis ang na-dismiss o nasuspindi sa hindi pagsunod sa alituntunin o pagkakasangkot sa iligal na aktibidad.

Kasunod nito, nanawagan ang PNP sa sinumang may impormasyon patungkol sa iligal na aktibidad ng mga pulis na magsumbong upang maimbestigahan at mapanagot sa batas. (JUN U. JARIOL)

30/08/2024

PNP, bukas sa imbestigasyon kaugnay ng mga isiniwalat ni Espenido sa Kamara

Bukas ang Philippine National Police (PNP) sa anumang imbestigasyon kaugnay ng mga pahayag ni Lt. Col. Jovie Espenido sa House Quad committee kahapon.

Maaalalang sa kaniyang testimonya, idiniin niya ang sariling institusyon bilang ugat ng krimen dahil sa ipinatutupad na reward system sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Philippine National Police Public Information Officer (PIO) Chief Police Colonel Jean Fajardo, handa ang Pambansang Pulisya na tulungan si Espenido kung mayroon itong hawak na mga ebidensiya.

Pero sana, una muna itong idinulog sa kanilang hanay upang nabigyan sila ng pagkakataon na malinawan ang lahat.

Samantala, iginiit ni Col. Fajardo na hahabulin nila ang mga pulis na hindi gumagawa ng tama sa kanilang hanay at hindi kailanman kukunsentihin ang mga iligal na aktibidad. (JUN U. JARIOL)

30/08/2024

Muntinlupa court, pinagtibay ang pagbasura sa huling drug case ni ex-Sen de Lima

Pinagtibay ng Muntinlupa RTC Branch 206 ang pagbasura nito sa ikatlo at huling drug case ni dating Senador Leila de Lima.

Principle of double jeopardy ang naging rason ng korte sa pagbasura nito sa apela ng prosekusyon na baliktarin ang naging acquittal ng hukuman sa dating senadora.

Ayon kay Presiding Judge Gener Gito, ang pagbasura sa kaso ni De Lima sa pamamagitan ng demurrer to evidence ay katumbas ng acquittal.

Maaari lamang aniyang mabaliktad ang desisyon ng korte kapag nagkaroon ng grave abuse of discretion. (JUN U. JARIOL)

30/08/2024

BSP, ibinasura na ang kontrata sa supplier ng National ID

Binasura na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang kontrata nito sa supplier ng national ID.

Sinabi ni Finance Secretary Ralph Recto, na bilang Monetary Board Member na ang desisyon ay dahil sa hindi pagsunod ng supplier sa nakasaad sa kontrata.

Nagpahayag naman ng suporta ang Philippine Statistic Authority sa pasya na ito ng BSP.

Gayunman, nilinaw ng PSA na magpapatuloy pa rin ang pag-iisyu ng mga ID.

Pinayuhan din ng PSA ang publiko na bukod sa physical na ID ay maaring maidownload ito sa ibang formats. (JUN U. JARIOL)

Address

Quezon City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pwersa Balita posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Pwersa Balita:

Videos

Share