San Bartolome High School Campus Journalism

San Bartolome High School Campus Journalism This is the official fb page and the official school publication of "Ang Ehemplo".

๐—”๐—ก๐—จ๐—ก๐—ฆ๐—ฌ๐—ข | Supendido ang klase mula Public Day Care hanggang Senior High School sa Lunes, Enero 13. Ito ay bilang pakikii...
10/01/2025

๐—”๐—ก๐—จ๐—ก๐—ฆ๐—ฌ๐—ข | Supendido ang klase mula Public Day Care hanggang Senior High School sa Lunes, Enero 13. Ito ay bilang pakikiisa sa gaganaping National Rally for Peace ng Iglesia ni Cristo.

Samantala, hinihimok ng Quezon City Local Government ang mga pampublikong paaralan na magpatuloy sa pag-aaral sa pamamagitan ng alternative delivery mode tulad ng synchronous at asynchronous na klase.

๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—œ | Panibagong kulay sa kwento ng ating buhayni: Caitlen DellosaPagpatak nang alas-dose ng hating gabi, iyo nang ...
31/12/2024

๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—œ | Panibagong kulay sa kwento ng ating buhay
ni: Caitlen Dellosa

Pagpatak nang alas-dose ng hating gabi, iyo nang maririnig ang hiyawan, mga pagbati, at iba't ibang ingay na pinaniniwalaang pampaalis ng malas o panghihikayat sa suwerte โ€” hudyat ng pagsapit ng panibagong taon. Bagong taon, bagong pahina muli ang ating sisimulan.

Sa aking pagpilas mula sa aming kalendaryo, napagtanto ko na katapusan na naman. Tila kay bilis ng pag-usad ng oras, hindi mo na namamalayang isang taon na naman ang lumipas โ€” isang taon na puno ng pagsubok at pakikipagsapalaran.

Sa mga oras na ito, masasaksihan sa ang paghahanda ng karamihang pamilya ngunit ngayon ay tila kakaiba, para bang normal na lamang ang lahat at lilipas lang din naman. Ang mga ingay ng pagsalubong, mga paghahanda at pagkakaroon ng "countdown" ay tila hindi na kasing saya tulad ng nakaraan.

Aking napansin, na dahil sa mga sinapit na pagsubok at hamon ngayong taon, ang kahulugan ng bawat sandali ay nagbago. Ang pagdiriwang na dati'y kay sigla napalitan ng pag-aalala para sa panibagong taon na kahaharapin.

Mapapatanong ka na lamang kung "ano na naman kaya ang dala ng bagong taon na ito?"

Hindi man tayo sigurado, ngunit isa ang natitiyak ko โ€”kakayanin natin ito. Sa mga karanasang ating kinaharap ngayong taon, natuto tayong tumayo at magpatuloy. Isang tanda na sa bawat unos, may naghihintay sa atin na bagong umaga, isang pagkakataon para magsimula muli.

Umuusad na naman ang oras, ngunit ngayon, tayo ay mas matatag at mas handa sa mga hamong darating. Panibagong taon, panibagong kuwento na muling magbibigay kulay sa kuwento ng ating buhay. Tulad ng mga paputok sa kalangitan, tayo ay magliliwanag sa kabila ng dilim, at maghahatid ng bagong sigla sa ating mga buhay.

Kayaโ€™t sa pagsalubong natin sa bagong taon, bitiwan natin ang mga takot at alalahanin. Magpatuloy tayo sa pag-abot ng ating mga pangarap, at higit sa lahat, magpasalamat sa bawat araw na ipinagkaloob sa atin. Sa bawat pagsikat ng araw, may bagong pagkakataon, at sa bawat bagong taon, may bagong pag-asa.

Dibuho ni: Ashily Vallejos

Sa katatapos lamang na Division Secondary Schools Press Conference 2024, PAGBATI sa ating Punong Patnugot ng 'Ang Ehempl...
14/12/2024

Sa katatapos lamang na Division Secondary Schools Press Conference 2024, PAGBATI sa ating Punong Patnugot ng 'Ang Ehemplo', Arvin Josh N. Santos na nagkamit ng ๐Ÿฅ‰ IKATLONG PUWESTO sa Mobile Journalism (Filipino). โœ๐Ÿผ๐ŸŽฅ๐ŸŽž๏ธ

Tunay na katangi-tangi ang iyong husay na ipinamalas, Arvin! Ipinagmamalaki ka ng buong Pamahayagan!

Taos puso ring nagpapasalamat ang pamahayagan sa walang humpay na suporta ng paaralan sa mga batang mamamahayag sa pangunguna nina Bb. Dolores E. Natividad, Puno ng Kagawaran VI sa Filipino at ni G. Eulogio B. Pebres, Punongg**o IV. ๐Ÿซถ๐Ÿผโœจ

Pagbati, !

๐—ฃ๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—œ๐—— | Alinsunod sa DepEd National Capital Region, Regional Memorandum No. 1183, s. 2024 WALANG PASOK sa ating Paaral...
27/11/2024

๐—ฃ๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—œ๐—— | Alinsunod sa DepEd National Capital Region, Regional Memorandum No. 1183, s. 2024 WALANG PASOK sa ating Paaralan at ito ay magsisilbi bilang mid-year academic break mula Nobyemre 28-29, 2024.

Ang klase ay magbabalik sa Lunes Disyembre 2, 2024.

Pagpupugay!๐Ÿ™ŒMalugod naming ipinakikila sa inyo ang mga bagong Patnugot ng pamahayagan ng Ang Ehemplo. Ang buong pamahaya...
29/10/2024

Pagpupugay!๐Ÿ™Œ

Malugod naming ipinakikila sa inyo ang mga bagong Patnugot ng pamahayagan ng Ang Ehemplo. Ang buong pamahayagan ay saksi sa kahusayan na inyong ipinakita sa pagmumulat at pagiging tanglaw sa pamamahayag. Ipinamalas ng bawat isa ang kanilang kakayahan na may angking paninindigan para sa paghahayag ng katotohanan. Ito ay patunay ng inyong kahandaan na maglingkod at magsisilbing tanglaw para sa malayang pamamahayag.

Layag batang mamamahayag!โœจ

Sa katatapos lamang na District V Secondary Schools Press Conference, buong pusong ipinagmamalaki ng Paaralang Sekondary...
21/10/2024

Sa katatapos lamang na District V Secondary Schools Press Conference, buong pusong ipinagmamalaki ng Paaralang Sekondarya ng San Bartolome at ng 'Ang Ehemplo' ang mga mag-aaral na nagpamalas ng husay at galing.

3rd PLACE - PAGKUHA NG LARAWAN
- Haj Angelica Garcia

5th PLACE - PAGKUHA NG LARAWAN
- Aaron Louis Sta. Ana

7th PLACE - PAGSULAT NG LATHALAIN
- Caitlen Rose Dellosa

At sa iba pang mag-aaral na buong pusong nilipad ang pangarap, ipinagmamalaki kayo ng Kagawaran ng Filipino sa pangunguna ni Bb. Dolores E. Natividad at ng ating pinakamamahal na Punongg**o G. Eulogio B. Pebres โœจ

BASAHIN | Philippine Festival Dances ng SHS, Ginanap;  12-STEM-Pangkat Democritus, Kampeon!Isinulat nina: Arvin Santos a...
18/10/2024

BASAHIN | Philippine Festival Dances ng SHS, Ginanap; 12-STEM-Pangkat Democritus, Kampeon!
Isinulat nina: Arvin Santos at Alliah Duran

Nagpasinaya ng iba't ibang kultura at festival dance ang mga mag-aaral ng Senior High School ng Paaralang Sekondarya ng San Bartolome ngayong Biyernes, Oktubre 18, 2024 sa Covered Court ng paaralan. Ito ay ginanap bilang bahagi ng selebrasyon ng Buwan ng Araling Panlipunan sa panukala ng Senior High School Club at sa tulong ng mga g**o sa SHS.

Ipinakita ng bawat pangkat ang iba't ibang Pista na ipinagdiriwang sa bansaโ€” Pista ng Sinulog, Ati-Atihan, Panagbenga, Pintados, at iba pa.

Itinanghal bilang kampeon ang Baitang 12 Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) Strand Pangkat Democritus. โ€œMahirap, nakaka-pressure sobra. Sobrang saya, worth it lahat ng pagod namin, sacrifice namin, lahat ng ginastos namin.โ€, saad ng isang mag-aaral ng pangkat.

Samantala, wagi ng unang pwesto ang 11-Archimedes at itinanghal din bilang Festival Queen, Best in Costume, at Best in Choreography. Nasungkit naman ng 11-Univac ang ikalawang pwesto, ikatlong pwesto ang 12-Watt, at 12-Herodotus sa pang-apat na pwesto.

โ€œSo far naging matagumpay naman, naging participative, cooperative, at maganda yung organization na nangyari.โ€, ayon kay G. John Michael Colegio, na isa sa mga naging hurado. Layunin din ng SHS Club na maiangkla ang pagtatanghal sa higit na pagmamahal ng mga mag-aaral sa ating kultura.

Larawang kuha nina: Aaron Sta. Ana, Angelica Garcia, at Miles Dianela.

Ngayon, ipinagdiriwang natin ang Pandaigdigang Araw ng mga G**o.๐Ÿง‘โ€๐Ÿซ Ang buong pamahayagan ng Ang Ehemplo ay nakikiisa sa...
05/10/2024

Ngayon, ipinagdiriwang natin ang Pandaigdigang Araw ng mga G**o.๐Ÿง‘โ€๐Ÿซ Ang buong pamahayagan ng Ang Ehemplo ay nakikiisa sa kadakilaan ng ating mga g**o na walang sawang naglilingkod para bayan. Bilang pakikiisa sa mahalagang araw na ito, narito ang iba't ibang akdang pampanitikan ng mga mamamahayag na nagpapakita sa kadakilaan at kahalagahan ng ating mga g**o.๐Ÿ™Œ

Pagpupugay para sa ating mga dakilang G**o!Sa pagdiriwang ng World Teacher's Day, ginugunita natin ang kahalagahan ng mg...
04/10/2024

Pagpupugay para sa ating mga dakilang G**o!

Sa pagdiriwang ng World Teacher's Day, ginugunita natin ang kahalagahan ng mga g**o sa ating lipunan. Sila ang mga ilaw na gumagabay sa landas ng kaalaman. Mga nagsisilbing inspirasyon sa bawat mag-aaral na abutin ang kanilang mga pangarap. Sa kanilang mga kamay nakasalalay ang hinaharap, at sa kanilang pagtuturo, unti-unti nating natutuklasan ang mga bagay na maghuhubog sa ating pagkatao.

Ito ang araw upang ipakita natin ang ating pasasalamat at pagpapahalaga sa ating mga minamahal na g**o. Sa likod ng bawat tagumpay ng isang mag-aaral, mayroong g**o na nagbigay diin at naglaan ng matinding sakripisyo upang tayo'y umunlad.

Ngunit higit pa sa kanilang tungkulin, ang mga g**o ang tagapagtanggol ng mga pangarap. Kaya't sa araw na ito, sama-sama nating ipagdiwang ang kanilang dedikasyon, pagmamahal at suporta at muli nating kilalanin ang kanilang mahalagang papel sa ating paglalakbay sa buhay.

BASAHIN: Buwan ng Agham, Matagumpay na Idinaosni: Alliah Jane DuranNagtapos na ang selebrasyon ng Buwan ng Agham sa Paar...
01/10/2024

BASAHIN: Buwan ng Agham, Matagumpay na Idinaos
ni: Alliah Jane Duran

Nagtapos na ang selebrasyon ng Buwan ng Agham sa Paaralang Sekondarya ng San Bartolome sa pamamagitan ng isang programa nitong Lunes, Setyembre 30, 2024 na ginanap sa Audio Visual Room ng paaralan. Ito ay may temang Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, at Panatag na Kinabukasan.

Nagsimula ang programa sa pag-awit ng โ€˜nationalistic songโ€™at pambungad na panalangin. Sinundan ito ng isang pambungad na pananalita mula kay Gng. Merlyn F. Villaruz, Master Teacher I at ng โ€˜inspirational messageโ€™mula kay Dr. Eulogio B. Pebres, Principal IV.

Pagkatapos nito, pinarangalan ang mga mag-aaral na nagkamit ng pwesto sa mga paligsahang ginanap ngayong buwan. Ito ay ang paligsahan sa Digital Art, Sci-Talk, Scientist Look-Alike, Siyensikula, Science Quiz Show, at Salin Siyensya. Inanunsyo rin ang mga kalahok na nagwagi sa paligsahan ng Ecomodelo matapos nilang ipresenta ang kanilang magagarbong kasuotan.

Nagtanghal din si Natalie Fajardo mula sa ika-sampung baitang, seksyon St. Monica ng isang awitin. Natapos ang programa sa pamamagitan ng pangwakas na pananalita mula kay Gng. Rosemarie F. Villareal, Master Teacher I. Pinasalamatan niya ang lahat ng nag-ayos, nakilahok, nakiisa, at sumuporta sa nasabing pagdiriwang.

Mga larawang kuha ni: Mike Anthony Dela Cruz

NGAYON | Kasalukuyang ipinagdiriwang ng Paaralan ang Pandaigdigang Buwan ng mg G**o na pinangunahan ng Supreme Secondary...
01/10/2024

NGAYON | Kasalukuyang ipinagdiriwang ng Paaralan ang Pandaigdigang Buwan ng mg G**o na pinangunahan ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) ngayong Oktubre 1, 2024.

Ang Pandaigdigang Buwan ng mga G**o ay ipinagdiriwang tuwing Setyembre 5 hanggang Oktubre 5.

๐ˆ๐Š๐€-๐Ÿฑ๐Ÿฎ ๐€๐๐ˆ๐๐„๐‘๐’๐€๐‘๐˜๐Ž ๐๐† ๐ƒ๐„๐Š๐‹๐€๐‘๐€๐’๐˜๐Ž๐ ๐๐† ๐Œ๐€๐‘๐“๐ˆ๐€๐‹ ๐‹๐€๐–Hindi malilimot ang sinapit na masalimuotni: Arvin Santos Pilit mang bur...
23/09/2024

๐ˆ๐Š๐€-๐Ÿฑ๐Ÿฎ ๐€๐๐ˆ๐๐„๐‘๐’๐€๐‘๐˜๐Ž ๐๐† ๐ƒ๐„๐Š๐‹๐€๐‘๐€๐’๐˜๐Ž๐ ๐๐† ๐Œ๐€๐‘๐“๐ˆ๐€๐‹ ๐‹๐€๐–

Hindi malilimot ang sinapit na masalimuot
ni: Arvin Santos

Pilit mang burahin sa alaala ng bawat isa
Hindi malilimot yaring pagpapahirap sa masa
Ipinagkait ang kalayaan
ng bawat tao'y inaasam
Sigaw ng bayan lumaya sa paraang mapayapa

Gamit ang kapangyarihan, siniil ang dignidad
Pilit ipininid bibig ng mga naghahayag
Pinatahimik mga taong asam ay pagbabago
Binulag ang bayan para manatili sa pwesto

Pilit ikinukubli mga bahong umaalingasaw
Mga taong pinaslang katarungan ang sigaw
Libo-libong mula sa kaban ng bayan ay ninakaw
Magpasahanggang ngayon tila'y sumpa sa bayang tinubuan

Huwag hayaan tapakan ang kalayaan
Imulat ang mata sa tunay na nangyayari sa bayan
Lagi't lagi piliing maghahayag ng katotohanan
Huwag nang pipikit pang muli at patuloy na tumindig at lumaban.

Disenyo ni: Angel Acoba

Deserve mong batiin ng isang Happy Birthday, Bini_Nheajoy! ๐ŸŒธ-Mula sa buong panahayagan ng 'Ang Ehemplo'
10/08/2024

Deserve mong batiin ng isang Happy Birthday, Bini_Nheajoy! ๐ŸŒธ

-Mula sa buong panahayagan ng 'Ang Ehemplo'

NGAYON: Pormal nang sinimulan sa Paaralan ang Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa pamamagitan ng isang Banal na M...
02/08/2024

NGAYON: Pormal nang sinimulan sa Paaralan ang Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa pamamagitan ng isang Banal na Misa ngayong Agosto 2, 2024 na pinangunahan ni Fr. Harvey Bagos na sinunandan ng maikling programa na dinaluhan ng mga g**o at mag-aaral kasama ang Puno ng Kagawaran ng Filipino na Si Bb. Dolores E. Natividad at ng Punongg**o na si Dr. Louie B. Pebres.

Ayon kay Dr. Pebres, "Ang wika ay mapagpalaya sapagkat ginagamit ito ng tao upang makipagtalastasan at sa paraang ito ay malaya nating naipahahayag ang ating mga saloobin at damdamin."

Inilatag din ni G. John Dave D. Cavite ang iba't ibang gawain at paligsahan na maaring lahukan ng mga mag-aaral na lilinang sa kahusayan sa larang ng Filipino.

Kasunod nito ay ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong talagang opisyales ng samahan sa Filipino o 'Ang Tanglaw' na pinangunahan ni Bb. Natividad.

"Tuloy pa rin ang AUGUST ng buhay ko, magbago man ang hugis ng puso mo." Eeeyy ๐Ÿค™๐ŸผNgayong buwan ng Agosto, kaisa tayo sa ...
01/08/2024

"Tuloy pa rin ang AUGUST ng buhay ko, magbago man ang hugis ng puso mo." Eeeyy ๐Ÿค™๐Ÿผ

Ngayong buwan ng Agosto, kaisa tayo sa pagdiriwang at pagpapayabong ng ating Wikang Pambansa! Mayroon ka bang paboritong salita sa Filipino? I-share mo naman 'yan!



Sa kasalukuyang panahon, 'di maiiwasan ang pagtakot sa anumang mang landas na ating tinatahak. Sa larang ng pag-aaral at...
03/06/2024

Sa kasalukuyang panahon, 'di maiiwasan ang pagtakot sa anumang mang landas na ating tinatahak. Sa larang ng pag-aaral at pamamahayag, takot ang isang malaking hamon na kinahaharap. Subalit sa kabila ng pagsubok na 'to, ikinagagalak naming ipakilala ang mga Mamamahayag ng โ€˜Ang Ehemploโ€™ na nagtapos ng Pag-aaral ngayong Taong Panuruan.

Sa isang taong pamamahayag, ipinamalas niyo ang husay, tapang, at dedikasyon niyo 'di lang sa pagsulat at paghatid ng balita โ€” maging sa inyong pag-aaral. Saksi ang pahayagan sa bawat pagpapagal ninyo.

Kayo ang nagsilbing tanglaw sa gitna ng bagyong inyong tinahak. Isang panibagong pag-asa ang inyong ipinakita sa buong isang taong ito. Sa kabila ng bawat takot sa pagsubok, ay ang puso niyong lumalaban para sainyong pangarap.

Iba-iba man ang kwento ng mga batang ito, ngunit iisa lang ang nais nilang marating โ€“ ang tagumpay ng buhay. Maraming naging at magiging harang sa pagkamit nito. Gayunpaman, batid naming mayroong tapang kayong taglay na lalamon sa puso niyong natatakot harapin ang bawat sitwasyon. Maraming beses kayong papagurin ng mundo, kaya't tandaang magpahinga at huminga.

Sa araw na ito, pagpupugay at pasasalamat ang hatid ng โ€˜Ang Ehemploโ€™ sainyong lahat. Tapos na ang kwento niyo bilang Junior High. Tanda, na hindi kayo nagpadaig sa inyong mga takot bagkus, ito ang nagsilbi niyo bilang motibasyon. Nawa'y hindi rito matapos ang paghahatid niyo ng katotohanan sa bawat mamamayan. Ipagpatuloy ang pagiging matapat at ang pagtindig sa katotohanan.

Pagod, puyat, at pawis kapalit ng tagumpay na ito. Muli, pagbati, mga Mamamahayag ng โ€˜Ang Ehemploโ€™!

โ€˜Karangalan ng Paaralan ang maging bahagi sa pag-abot ng inyong mga pangarap. Layag, batang mamamahayag!โ€™ - G. Mendoza

Isinulat ni: Nhea Sedayon
Dibuho ni: Nhea Sedayon

Malugod na pagbati sa mga Mamahayag na nagkamit ng Karangalang Pang-akademiko ngayong Taong Panuruan! ๐Ÿฅณ๐Ÿ… Ang inyong tagu...
03/06/2024

Malugod na pagbati sa mga Mamahayag na nagkamit ng Karangalang Pang-akademiko ngayong Taong Panuruan! ๐Ÿฅณ๐Ÿ…

Ang inyong tagumpay ay isang patunay ng inyong sipag, determinasyon, at kahusayan. Nawa'y patuloy niyo pang pagbutihin at magsilbi kayong inspirasyon sa iba.

Muli, pagbati at pagpalain nawa kayo ng Poong Maykapal. Patuloy kayong magsilbi sa bayan at maging daan upang magpamulat sa mamamayan.

Mula sa inyong, Tagapayo, Punong Patnugot, at mga Mamamahayag ng Ang Ehemplo. โœจ

Kapsyon at disenyo | Nhea Sedayon

Address

Holy Cross Road, San Bartolome, Novaliches
Quezon City
1116

Opening Hours

Monday 9am - 1pm
Tuesday 9am - 2:30pm
Wednesday 9am - 2:30pm
Thursday 9am - 2:30pm
Friday 9am - 1pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Bartolome High School Campus Journalism posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share

Category