26/02/2023
Ngayong Pebrero 12 ay ipinagdiriwang natin ang ika-limang taong anibersaryo ng Malasakit Centers program na nagsimula sa pangunguna ni Senator Kuya B**g Go noong 2018.
Si Senator Go ang principal author at sponsor ng Malasakit Centers Act of 2019 na siyang nag-institutionalize sa nasabing programa.
Mula nang maitayo ang unang Malasakit Center sa Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) sa Cebu City noong Pebrero 12, 2018 ay umabot na sa 154 na mga Malasakit Centers ang nabuksan sa buong bansa at nakapaghatid ng tulong sa milyun-milyon nating mga mahihirap na kababayan.
Kuwento ng senador, naging saksi siya sa naging hirap ng ating mga kababayan sa pagpila araw-araw sa iba't ibang ahensya ng gobyerno upang humingi ng tulong medikal. Dito nagsimula ang ideya sa likod ng Malasakit Centers upang magkaroon ng one-stop shops kung saan ipinagsama-sama na sa iisang kwarto sa mga DOH-run hospitals at Philippine General Hospital ang DSWD, DOH, PhilHealth at PCSO upang magbigay ng mas convenient na access sa medical assistance programs ng gobyerno.
Pagbibigay-diin pa niya, bakit natin pahihirapan ang mga Pilipino? Aniya, pera naman nila โyan at dapat lamang ibalik ito sa kanila sa pamamagitan ng mabilis na serbisyo. โBasta Pilipino ka, kwalipikado ka sa Malasakit Center. Walang pinipili ang programa na Malasakit Center,โ saad pa ni Senator B**g Go.
**gGO
๐๐ผ๐ต๐ญ