Lakas ng Kabataang Palawenyo

  • Home
  • Lakas ng Kabataang Palawenyo

Lakas ng Kabataang Palawenyo Mga totoo sa Palawan

01/02/2025
01/02/2025

PAGLALAGAY NG SEAWALL SA BARANGAY COCORO MAGSAYSAY PALAWAN PINASASALAMATAN NG MGA OPISYALES NG BARANGAY SA PANGUNGUNA NI KAPITAN REYNANTE PALAO SA KASALUKUYANG GOBERNADOR DENNIS M. SOCRATES

Laking pasasalamat ngayon ng mga Barangay opisyales sa Cocoro Magsaysay Palawan sa pangunguna ni Kap Reynante Palao kay Governor Dennis M. Socrates sa pagbibigay muli ng isa pang proyekto sa kanilang barangay sa pamamagitan ng paglalagay ng seawall sa kanilang baybayin o dalampasigan.

Samantala, nitong nakaraang linggo lamang sinimulang Gawin ang nabangit na proyekto na siya namang ikinatuwa at pinasasalamatan ng mga residente sa naturang barangay sa gobernador ng lalawigan.

Patrol #8 Ric Tabi

30/01/2025
30/01/2025

SAVE PALAWAN MOVEMENT, NAKALIKOM NG MAHIGIT 100,000 PIRMA SA SIGNATURE CAMPAIGN PARA SA 25-YEAR MINING MORATORIUM SA PALAWAN

Nakalikom na ng mahigit 100,000 pirma ang Save Palawan Movement sa kanilang signature campaign na may layuning ipahayag ang pagsuporta sa 25-year mining moratorium sa lalawigan ng Palawan.

Ayon kay Father Dick Caabay mula sa Apostolic Vicariate of Taytay, umabot sa 40,000 ang aktuwal na mga pirma sa papel, habang 60,000 naman ang lumahok sa online campaign.

Dinala ng grupo ang hard copy ng mga pirmadong dokumento sa Kapitolyo kahapon kasabay ng regular na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan. Gayunman, hindi ito tinanggap ng mga board member dahil nais muna nilang pag-usapan ang isyu sa isang committee meeting sa susunod na Martes, kung saan iimbitahan ang DENR at NCIP para sa mga legal na basehan at opinyon.

Bukas naman umano ang mga board member sa ideya ng mining moratorium, ngunit iginiit nilang kailangang mapag-aralan ito nang mabuti at magkaroon ng matibay na legal na pundasyon.| via JB Juanich

30/01/2025
30/01/2025

| Palawan is known to be the "last ecological frontier."

Currently, the national government granted mining rights to eleven companies for a total of 29,430 hectares.

However, the possibility of mining expansion and applications to new companies will result in more deforestation, soil erosion, water pollution, and the destruction of habitats and tribal sacred sites and places of worship, which will affect numerous Indigenous communities, farmers, and fisherfolk.

Therefore, we say NO TO MINING EXPANSION AND NEW MINING APPLICATIONS!

Help us by signing the petition in the comment section.


24/01/2025
14/01/2025

PROSESO NG MANDATORY DRUG TEST NG PALSU, PAHIRAP UMANO AYON SA ILANG ESTUDYANTE

Pahirap umano ayon sa ilang estudyante ng Palawan States University ang proseso ng pagkakaroon ng Mandatory Drug Test sa kanila ng Pamantasan kada semestre.

Ayon sa isang concern student, mayroon naman umanong isang taong validity ang kada drug test bakit kailangan pa umanong gawin ito ng dalawang beses kada taon.

Nanghihinayang umano kasi sila sa kanilang ginagastos na nadodoble at sa oras na kanilang nilalaan.

Sagot naman ni PalSu Public Information Officer Claire Mendoza, nakasaad umano sa CHED Memorandum Order na kailangan nilang magsagawa ng mandatory Drug Testing.

Iginiit din nito na hindi dapat maantala ang pag-eenroll ng mga estudyante ng PALSU dahil, pinapayagan umano ng Pamantasan silang maka-enroll kahit wala pa ang resulta ng drug test basta ba kumpleto ang kanilang mga iprepresentang dokumento.

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lakas ng Kabataang Palawenyo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share