PANOORIN: MARINE SCIENTIFIC SURVEY NG BFAR HINARANG NG CHINESE COAST GUARD AT CHOPPER SA SANDY CAY, WEST PHILIPPINES SEA.
Iniatras ng Bureau of Fishers and Aquatic Resources o BFAR ang gagawin sana na Marine Scientific survey at pagkuha ng sample sa Sandy Cay, kahapon sa West Philippines Sea, matapos na harangin ng mga rubber boat ng Chinese ang rubber boat ng BFAR na magdadala sa mga personnel sa Sandy Cay.
Bukod diyan nagpalipad din ng kanilang helicopter ang People Liberation Army Navy ng China na ginamit na pang harass sa mga sakay ng rubber boat. Ang PLA chopper ay may tail number 24.
Kung saan nag hover ito sa taas ng rubber boat na napakadilikado para sa kaligtasan ng mga personnel ng Marine Scientific Survey personnel.
At dahil sa dami ng mga rubber boat ng Chinese na nakaharang kaya nagpasya na ipagpaliban ang pagkuha ng sample sa Sandy Cay January 24, 2025.
Ang Sandy Cay sa West Philippines Sea ay tanaw lang sa Isla ng Pag-asa, Bayan ng Kalayaan, Palawan.
Pero bago yan ilang beses na muntik ng banggain ng mga Chinese Coast Guard ang BFAR ship BRP Datu Pagbuaya at BRP Datu Bankaw.
via Romeo Luzares
#DYPRBalita #DYPRatendia
Miss Puerto Princesa 2025
PANOORIN | Swimsuit presentation ng 26 na kandidata ng Miss Puerto Princesa 2025.
PANOORIN: MAG AMA PATAY SA BANGGAAN NG TOP DOWN AT MOTORSIKLO SA BGY. MAOYON PUERTO PRINCESA CITY.
Patay ang dalawang taong gulang na batang lalaki at tatay nito at sugatan ang tatlo pa na sakay ng top down, maging ang driver na bumangga na motorsiklo sugatan din, sa vehicular accident sa pagitan ng top down at motorsiklo na nangyari sa Highway ng Barangay Maoyon Puerto Princesa City, pasado alas 5:00 kahapon ng hapon, January 22, 2025.
Ayon kay Police Captain Rebecca Faith Libarra, hepe ng Puerto Princesa City Police station 5, ang nasawi na bata ay si Reden Kin Gamarza, 2 years old, at ang nasawi na tatay ay si Johnrey Gamarza 25 anyos driver ng top down residente ng Bgy. Maoyon Puerto Princesa City.
Ang tatlo pang sakay na sugatan ay sina Jessie Gamarza 63 anyos may asawa at magsasaka, Judith Gamarza 62 anyos residente ng Bgy. Maoyon at Luz Veranda 65 anyos may asawa at magsasaka na residente ng Bgy. Mabuhay Puerto Princesa City.
Sugatan din ang Spanish National na driver ng motorsiklo na bumangga sa top down na kinilalang si Raul Pou Muñoz 46 anyos na isinugod sa Adventist hospital.
Sa imbistagasyon ng Police station 5, magkasalubong ang top down at motorsiklo nang bigla umanong lumiko ang top down, na sakto namang parating ang Spanish National sakay ng V2 black Honda motorcycle na dahilan ng aksidente.
Naisugod pa sa San Rafael Satellite Clinic ang bata na idineklara na Dead on arrival, dahil sa tinamo na matinding pinsala, maging ang tatay ng bata ay sa Ospital ng Palawan na nasawi, dahil matinding pinsala din sa katawan na tinamo sa banggaan.
Tumakas umano ang Spanish National na si Munoz na inabutan sa Paliparan ng Puerto Princesa.
Nahaharap ang Spanish National sa kasong Reckless Imprudence Resulting in homicide and physical injury. Naisailalim narin ito sa inquest proceedings ngayong araw, January 23, 2025.
via Romeo Luzares
#DYPRBalita #DYPRatendia
video courtesy Buncag Comanda Yulmar.
PANOORIN: CHINESE COAST GUARD PINALITAN NA NAMAN NG MAS MALIIT NA BARKO SA KARAGATAN NG ZAMBALES.
Patuloy ang pagbuntot ng Philippine Coast Guard sa Chinese Coast Guard kung saan ngayong alas 9:00 ng gabi, January 21, 2025, ay nasa 76 nautical miles ang layo ng CCG-3103 sa coast ng Pundaquit Zambales .
Ang pumalit na Chinese Coast Guard ay mas maliit sa dalawang Chinese Coast, na patuloy na iligal na nagpapatrolya sa hindi nila teritoryo, wala namang tigil kaka radio challenge ang Philippine Coast Guard.
Sa kasalukuyan ang Monster Chinese Coast Guard 5901 ay 113 nautical miles na ang layo, maging ang isa pang Chinese Coast Guard 3304 ay nasa 105 nautical miles lang ang layo Zamabales pero nasa loob parin sila ng karagatan ng Pilipinas.
via Romeo Luzares
#DYPRBalita #DYPRatendia
PANOORIN: TUBIG NA LALANGUYAN SA BAYWALK PARA SA IRONMAN MALINIS NA, AYON KAY CITY SPORTS DIRECTOR ATTY. ROCKY AUSTRIA.
Malinis na daw ang dagat na lalanguyan sa baywalk sa magaganap na Ironman sa February 28 hanggang March 2, 2025, ito ang tiniyak ng City Sports Director Atty. Rocky Austria sa pagharap sa Prescon para ipaalam sa mamamayan ng lungsod ang muling pagsabak sa international competition ng Puerto Princesa.
Matatandaan na nitong nakaraang taon ay nadismaya si Mayor Lucilo Bayron dahil sa mabahong amoy na lumalabas sa Sewage treatment Plant sa Baywalk na maaring makaapekto sa kalidad ng dagat sa Baywalk.
May mga private entity din ang nagtest umano ng dagat sa Baywalk nakaraang taon at hindi umano ito pumasa sa kalidad ng tubig para paliguan o languyan.
Ayon kay Atty. Austria patuloy naman umano ang pagtest sa kalidad ng dagat sa Baywalk para tiyakin na hindi ito makakapinsala sa kalusugan ng mga lalahok na mga manlalaro sa Ironman ngayong taon.
Nas 40 countries na umano ang nag confirmed na lalahok sa international competition na ito.
via Romeo Luzares
#DYPRBalita #DYPRatendia
PANOORIN: PANUKALA NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD NA DALAWANG BUWAN NA PAG-ALIS NG MULTA SA RENEWAL NG BUSINESS TAX AT IBA PANG BAYARIN, PINALAGAN NG CITY TREASURER'S OFFICE.
Kahit walang magagawa dahil walang kapangyarihan ang Treasurer's Office na pigilan ang ordinansa ng Committee on Ways and means ng City Council sa pagsulong sana na dalawang buwan na pag-alis ng multa sa renewal ng Business Permit sa mga market vendors, ay pinalagan at tinutulan nila ito, dahil sa paniniwala na malaking kabawasan sa hinahabol na income ng siyudad. Ito ay ayon kay Philip Ong na mula sa Treasurer's Office.
Dahil sa pagtutol na ito, kaya nagsuhistiyon si Konsehal Jonjie Rodriguez na gawin nalang na isang buwan mula January 20 hanggang February 20, 2025, mula sa orihinal na plano na January 20 hanggang March 20, 2025.
Pero hindi lang dapat sa mga market vendors kundi para sa lahat ng mga negosyante sa lungsod na sinuportahan ni Konsehal Luís Marcaida III.
At upang hindi magmulta ang lahat ng magrerenew ng business permit simula January 21, ay ginawang retroactive ang Ordinansa, para masakop ang lahat ng magrerenew mula January 21 hanggang February 20, 2025, hanggang sa maging ganap na batas n ang Ordinansa. ito ay base sa mungkahe ni Konsehal Herbert Dilig at Konsehal Nesario Awat.
Kaya naman lahat ng mga hindi pa nakapag renew ng kanilang permit ay maari pang makarenew na walang multa.
via Romeo Luzares
#DYPRBalita #DYPRatendia
PRESS CONFERENCE, IRONMAN BY FEBRUARY 28 TO MARCH 2, 2025.
PANOORIN: MONSTER SHIP NG CHINA LUMAYO NA SA ZAMBALES PERO PINALITAN NG IBANG CHINESE COAST GUARD.
Nakitaan na ng unti-unting paglayo sa coast ng Zambales ang tinutukoy bilang “monster ship” ng China o ang Chinese Coast Guard-5901.
Batay sa binigay na update ni Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard for the West Philippine Sea (PCG-WPS), alas tres ng hapon nitong Linggo nang mapansin ng pwersa ang paglayo ng “monster ship” sa barko ng Philippine Coast Guard (PCG).
Alas nuwebe naman ng gabi nang mamataan itong nasa 95 nautical miles na layo mula sa Zambales.
Bagaman dumistansya ay pinalitan naman ito ng CCG-3304, mas maliit na barko pero kung ikukumpara sa barko ng PCG ay ‘di hamak na mas malaki pa rin umano na nasa 65 nautical miles naman ang layo sa Zambales.
Patuloy naman ang oras-oras na radio challenges ng PCG sa Chinese vessels upang ibabala ang ilegal nitong operasyon sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
via Romeo Luzares
#DYPRBalita #DYPRatendia
PANOORIN: PANG-APAT NA SUNOG NGAYONG TAON AT NGAYONG BUWAN NG JANUARY SA PUROK KATARUNGAN, ZONE II BGY. SAN MIGUEL, DAKONG ALAS DOSE E MEDYA , SA KANTO NG LAGAN AT RIZAL AVENUE, PUERTO PRINCESA CITY.
ABANGAN ANG DETALYE NG SUNOG NA ITO. NA NAAPULA DAKONG MAG AALAS DOS NA NG MADALING ARAW NGAYONG LUNES JANUARY 20, 2025.
via Romeo Luzares
#DYPRBalita #DYPRatendia
Tribu Iraraynon
TRIBU IRARAYNON, KAMPEON SA ATI-ATIHAN SA ESPANOLA
Ang Tribu Iraraynon ang tinanghal na kampeon sa Ati-Atihan ng Paghilinugyaw Festival sa bayan ng Sofronio Espanola, sa Kapistahan ng Sto.Nino ngayong araw Jan 19, ang patron ng nasabing bayan.
Nakuha din ng Iraraynon ang Best in Choreography at nag uwi ng P40K cash prize. First Runner up ang Tribu Mintaanon na Best in Costume din, 2nd placer ang Tribu Bagsikanon na Best in Musicality din.
Ito na ang ika 51 taon pista ng Espanola, at ikatlong taon ng Paghilinugyaw na ang ibig sabihin ay Kasiyahan mula sa Panay na wika.
Via Joel Contrivida
#DYPRBalita #DYPRAtenDia
Paghilinugyaw Festival 2025
PANOORIN | ATI- ATIHAN SA PAGHILINUGYAW FESTIVAL NG BAYAN NG ESPANOLA.
PANOORIN: RAMBULAN NG DALAWANG FOREIGNER SA ISANG BAR SA LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA CITY KANINANG MADALING ARAW.
Nagsapakan kaninang madaling araw ang dalawang banyagang turista na mga taga US at Canada, inabutan Ng City Anti Crime Task force ang rambulan ng dalawa.
Ang nakaitim na damit ang turista mula sa Canada, Naawat din naman ang mga ito at naiturn over sa Tourist Police na sa huli ay kapwa hindi magrereklamo sa bawat isa.
Kaya pinauwi nalang ang dalawang banyaga na hindi na nakuha ang pangalan at dahilan ng kanilang away.
via Romeo Luzares
#DYPRBalita #DYPRatendia
Courtesy We R1 at Your Service.