05/08/2024
Noong 1995, isa sa pinakapinag-usapan noon ay ang biglaang pagkawala ni Mel Tiangco sa TV patrol, ito ay ang panahon kung saan tutok ang mga tao sa TV, dahil ito lamang ang source ng balita bukod sa radyo at pahayagan.
Nilait at minata ng mga Executive ng ABS-CBN si Mel Tiangco na tila inapakang parang ipis, bukod sa sermon at parang nabaliwala lahat ang kanyang naging serbisyo sa estasyon mula 1987, sinuspende pa ito at hindi pinapasok ng tatlong buwan.
Ang pagsuspinde ay may kaugnayan sa paglabas ni Mel Tiangco sa isang Tide Ultra TV commercial ng walang pahintulot ng estasyon, sa panig ni Tiangco walang naka-specific sa laman ang kanyang kontrata na hindi s'ya pwedi lumabas ng TV ads. Banat ng estasyon, matagal ng rules sa buong mundo na hindi dapat lumabas ang isang TV News anchor o tagapaghatid-balita sa isang commercial, dahil maaring ma-compromise ang kabuluhan ng unbiased o wala dapat pinapanigang kumpanya o produkto ang tagapagbalita.
1996, agad na lumipat si Mel Tiangco sa GMA-7 habang umuusad ang kaso, dito nabigyan s'ya ng maraming programa gaya ng Mel and Jay at Saksi.
Imbis na pumabor kay Tiangco ang desisyon ng Quezon City Regional Trial Court, nabaligtad pa ito dahil nasa kontrata ni Tiangco na hindi s'ya maaaring lumabas sa anumang estasyon ng isang buong taon. Ngunit giit ni Tiangco, tinanggap ng ABS-CBN ang kanyang resignation kaya may karapatan itong maghanap ng trabaho sa ibang kumpanya.
Kinasuhan din ng ABS-CBN ang GMA-7, kasama si Jay Sonza sa usapin ng pamimirata, umabot ng 16 years ang kaso at napatunayan na isang 'regular employee' si Tiangco at hindi 'Independent contractor' gaya ng pinalalabas noon ng mga abugado ng ABS-CBN.
Taong 2005, sampung taon matapos ang kontrobersiya, lumabas muli si Tiangco sa isang commercial ng sabong panlabang Champion detergent soap, ngunit sa pagkakataong ito ay may pahintulot na ng GMA-7. Gaya ng ibang talent na may kontrata sa anumang estasyon may bahaging kita ang TV station sa mga talents nilang kukuhanin para maging brand ambassador, na pabor sa kumpanya.
Sumuko ang ABS-CBN sa kaso at nakipagkasundo kay Tiangco sa danyos na hiling nito, Kasama sa settlement ang suweldo niya sa mga buwang sinuspinde, 13th month pay, travel allowance, refund ng 'contributions to the employees' as stock option plan, at signing bonus na umabot ng 20 million pesos, dahil sa tagal ng kaso, i-bina-se na ang ibinayad kay Tiangco sa Inflation rate mayroon ang 2012.
Isang episode ng 24-oras, ang inabangan ng mga manunuod sa magiging reaksyon ni Mel kung paano n'ya i-di-deliver ang pagsasara ng ABS-CBN o pagkawala ng prangkisang umere sa Free TV. Pagkatapos noon, nagbigay ito ng pahayag na, pinatawad na n'ya ang mga ito dahil naging maganda naman ang kanyang naging buhay sa GMA-7. dagdag nito "iba pala ang pakiramdam na bilang tagapagbalita ay maging laman ka ng balita."
Isa sa pinakamatagumpay na Journalist at News Anchor si Mel ng ating henerasyon, ka-ka-pirma lamang nito kamakaylan ng panibagong kontrata sa GMA for another 5 years. Si Mel Tiangco ang ina ng songwriter at singer na si Wency Cornejo.
Natutong lumaban at natuto ring magtagumpay 'yan ang aral ng kanyang buhay-telebisyon. "'Wag kang titigil ipaglaban ang bagay na alam mong may ilalaban ka, dahil gaano man katagal ang isang giyera? sa huli ay may tiyak na liwanag na naghihintay, ngayon, bukas at magpakailanman. " — Mel Tiangco