Traffic News

Traffic News The stories that make you stop and the stories that make you go. Through my Minsan Okay Lang Ma-traffic blog, I keep repeating, “Pinalalaya ako ng pagsusulat.

It all started from the dream of making the most out of my passion in writing: to write when I’m happy, to write when I’m sad, to write when nothing could go wrong, to write when everything’s falling apart, to write while rushing as the green light shines, to write when it’s red light’s turn to make everything stop, and simply to write no matter where I am in life. From literature to news writing,

be it fiction or 100 percent real, I always go back to what compels me from the very start: to write with a purpose, to write for other souls. Sana palayain ka rin ng pagbabasa.” And here I am, trying to free souls again amid all the uncertainties of time; through literature, information, entertainment, and events from around the world. Here’s Traffic Digest, bringing you the stories that make you stop (literature, which make you sit back, relax, feel, and reflect)—and the stories that make you go (news that informs, entertains, and inspires you make a change or take a stand).

-Charina Clarisse Echaluce,
Founder and head writer of Traffic Digest

03/09/2024

Have you ever wondered why cats are so special? This fun and exciting video will explore why cats make the best pets ever! 🐱 From their cool history to thei...

03/09/2024

Did you know that the Statue of Liberty was disassembled into 350 individual pieces and packed into 214 crates for its voyage across the Atlantic? There's a ...

BELLE MARIANO, HINANGAAN SA PAG-HANDLE NG ISANG FANHinangaan ang   other half na si Belle Mariano matapos mag-viral ang ...
03/09/2024

BELLE MARIANO, HINANGAAN SA PAG-HANDLE NG ISANG FAN

Hinangaan ang other half na si Belle Mariano matapos mag-viral ang fan encounter video kung saan makikita ang isang lalaking tagahanga na biglaan na lamang lumapit na may dalang bouquet sa gitna ng kanyang performance sa isang Davao event.

Sa video na ibinahagi ng TikTok user na si .shai, makikitang tumakbo ang lalaki papunta.sa.aktres, na agad namang tinakbo ng security officer. Inilapag nito ang bouquet at pilit na pinaalis ang officer. Hindi naman nag-atubili si Belle na paunlakan ang fan, nakangiti at magalang niya itong kinausap habang nakikipag-selfie sa kanya.

Gayunman, hindi pa rin umalis ang lalaki dahil gusto nito ng isa pang selfie na kasama naman ang bouquet. Sa puntong ito, nagsilapit na rin ang iba pang mga tagapagpatupad ng kaayusan sa nasabing event.

Nanatiling accommodating si Belle at sa huli ay masayang umalis ang fan. Nagpasalamat pa rito ang aktres sa mikropono.

Sa social media, hinangaan ng marami si Belle sa pagiging professional at mabait sa gitna ng isang di-pangkaraniwang sitwasyon. Anila, ipinapakita lamang nito ang character at humility ng aktres.

Sa kabilang banda, may mga nabahala rin at nagpaalala na dapat ay alam ng fans ang kanilang hangganan.
___
MOLMT PUBLICATIONS:
🚦 Minsan Okay Lang Ma-traffic
🌍 Traffic News
💜 Reels People Words
✨ MOLMT Daily
🌆 MOLMT Now

‘DONUTS FOR TYPHOON VICTIMS’ 🍩Partnering with GMA Kapuso Foundation, Dunkin' extended support to victims of Typhoon   by...
02/09/2024

‘DONUTS FOR TYPHOON VICTIMS’ 🍩

Partnering with GMA Kapuso Foundation, Dunkin' extended support to victims of Typhoon by sending donuts and other goods in time for the foundation’s relief operations. (Via Charina Clarisse Echaluce)
___
MOLMT PUBLICATIONS:
🚦 Minsan Okay Lang Ma-traffic
🌍 Traffic News
💜 Reels People Words
✨ MOLMT Daily
🌆 MOLMT Now

02/09/2024

In a world of superheroes, few stories shine as brightly as that of Iron Man. 🦾💥 Born from the brilliant mind of Tony Stark, a genius billionaire with a kn...

‘OKAY NA PO ANG AKING TATAY’ 🙏🏻🥹Nakauwi na ang amang na-trap kasama ng kanyang mga alagang hayop sa isang binahang kubo ...
02/09/2024

‘OKAY NA PO ANG AKING TATAY’ 🙏🏻🥹

Nakauwi na ang amang na-trap kasama ng kanyang mga alagang hayop sa isang binahang kubo sa Morong, Rizal kaninang umaga.

Sa isang post, nagpasalamat si Chel Gonzales San Antonio sa lahat ng mga taong tumulong para makaligtas ang kanyang tatay na si Zaldy Gonzales.

Nauna nang nagpahayag ang pamilya ng pangamba na abutin pa ng gabi ang padre de pamilya sa ganoong estado. (Via Charina Clarisse Echaluce)
___
MOLMT PUBLICATIONS:
🚦 Minsan Okay Lang Ma-traffic
🌍 Traffic News
💜 Reels People Words
✨ MOLMT Daily
🌆 MOLMT Now

‘PATULONG TATAY KO’ Humihingi ng tulong ang isang anak para sa kanyang ama na na-trap sa kanilang kubo sa Morong, Rizal ...
02/09/2024

‘PATULONG TATAY KO’

Humihingi ng tulong ang isang anak para sa kanyang ama na na-trap sa kanilang kubo sa Morong, Rizal kasama ang kanilang mga alagang hayop.

As of posting, ayon sa most recent update ng social media user na si Chel Gonzales San Antonio, hindi pa rin nasasagip ang kanyang amang si Zaldy Gonzales mula sa nasabing lugar at pinangangambahan ng pamilya na abutin pa ito ng gabi sa ganoong sitwasyon.

“Tatay Zaldy Gonzales ko po, naroon pa rin sa tumana 1 p.m. na ‘di pa natutulungan. Kawawa naman, gutom na, basa pa,” panawagan niya.

“Sitio Tabing Ilog, San Guillermo, Morong, Rizal. Salamat. Sana po ay matulungan na. Baka po abutin ng dilim,” pagpapatuloy niya. (Via Charina Clarisse Echaluce)
___
MOLMT PUBLICATIONS:
🚦 Minsan Okay Lang Ma-traffic
🌍 Traffic News
💜 Reels People Words
✨ MOLMT Daily
🌆 MOLMT Now

BAGONG PAG-IBIG NI ANDREW, BAGONG MIYEMBRO NG PAMILYA NI JHO 🥹Tila hindi lamang bagong pag-ibig ang natagpuan ng Kapuso ...
01/09/2024

BAGONG PAG-IBIG NI ANDREW, BAGONG MIYEMBRO NG PAMILYA NI JHO 🥹

Tila hindi lamang bagong pag-ibig ang natagpuan ng Kapuso actor na si Andrew Schimmer sa katauhan ni “Dimps”, kung hindi isang bagong miyembro ng pamilya ng kanyang yumaong partner na si Jorhomy “Jho” Rovero.

Sa kanilang social media posts at comment exchanges, mapapansin kung gaano kalapit si Dimps sa mga mahal sa buhay ni Jho, lalo na sa mga anak nila ni Andrew at sa kanyang inang si Josephine.

Kamakailan lamang ay sinorpresa nina Andrew, Dimps, at ng kanilang mga anak si Josephine para sa kaarawan nito.

“Thank you so much sa pa-deliver, Andrew and Dimps, sa pa-birthday gift, at sa mga apo ko Andrea, Xander, at sa mga kambal Belle, Bella, Gino,” aniya, na kasama sa mga tinutukoy na apo ang mga anak ni Dimps sa ex-partner nito.

Nauna nang pinasalamatan ni Andrew si Dimps sa biyaya ng pagmamahal nito, “You restored me. Slowly put me back together. You took away all the pain and gave me something that made me love the world again.”

Yumao si Jho noong December 20, 2022 matapos makaranas na severe asthma na nagresulta sa cardiac arrest at hypoxemia. December 2023 naman nang isapubliko ni Andrew ang relasyon nila ni Dimps, na sa simula pa lamang ay may basbas na umano mula sa pamilya ni Jho.

Nito lamang nakaraan ay inanunsyo ng dalawa na magkakaroon na sila ng anak. (Via Charina Clarisse Echaluce)
___
MOLMT PUBLICATIONS:
🚦 Minsan Okay Lang Ma-traffic
🌍 Traffic News
💜 Reels People Words
✨ MOLMT Daily
🌆 MOLMT Now

JHONG, NAGTAPOS BILANG MAGNA CUM LAUDE 🏅🎓Nagtapos bilang magna cm laude ang   host at aktor na si Jhong Hilario sa kany...
30/08/2024

JHONG, NAGTAPOS BILANG MAGNA CUM LAUDE 🏅🎓

Nagtapos bilang magna cm laude ang host at aktor na si Jhong Hilario sa kanyang Master’s Degree in Public Administration sa World Citi Colleges.

"We are so proud of you! Master's [Degree] in Public Administration with Highest Merit, World Citi Colleges," saad sa IG post ng kanilang anak na si Sarina.

Matatandaang si Jhong ay kasalukuyang councilor sa Lungsod ng Makati.
_
MOLMT PUBLICATIONS:
🚦 Minsan Okay Lang Ma-traffic
🌍 Traffic News
💜 Reels People Words
✨ MOLMT Daily
🌆 MOLMT Now

⚠️ WARNING: DO NOT FALL FOR THE ‘LOST URN’ SCAM ⚠️As sad as the story goes, reposting the photos of a “tiny urn found in...
30/08/2024

⚠️ WARNING: DO NOT FALL FOR THE ‘LOST URN’ SCAM ⚠️

As sad as the story goes, reposting the photos of a “tiny urn found in a parking lot” is bad idea.

Just recently, photos of the “lost urn” containing ashes started circulating on Facebook, appealing to social media users to help a dead person “reunite” with his loved ones. This, however, is a type of scam that taps into human emotion—and compassion—to gain clicks, shares, and traction.

While Zachery Levi Bowers is a real person who indeed passed away in 2019, the posts about his lost tiny urn are completely untrue. To begin, the parking lot’s location varies to make it relevant to people in different locations across the globe such as Elmira, Zanesville, and Bacoor.

After gaining engagements and going viral, the scammers will edit the post to include malicious links or have a completely different narrative to victimize people. This is a common strategy used by scammers, website MALWARETIPS warned. (Via Charina Clarisse Echaluce)
___
MOLMT PUBLICATIONS:
🚦 Minsan Okay Lang Ma-traffic
🌍 Traffic News
💜 Reels People Words
✨ MOLMT Daily
🌆 MOLMT Now

Celebrating his wife Angeli Pangilinan’s birthday, Mr. Pure Energy Gary “Gary V” Valenciano looked back on their younger...
28/08/2024

Celebrating his wife Angeli Pangilinan’s birthday, Mr. Pure Energy Gary “Gary V” Valenciano looked back on their younger years, sharing how grateful he is for the gift of growing old with the love of his life. (Via Charina Clarisse Echaluce)
___
MOLMT PUBLICATIONS:
🚦 Minsan Okay Lang Ma-traffic
🌍 Traffic News
💜 Reels People Words
✨ MOLMT Daily
🌆 MOLMT Now

MALL DOG WITH AN ID 🐕🪪Advocacy group PAWSsion Project shared the joy of watching more and more people care for animals, ...
28/08/2024

MALL DOG WITH AN ID 🐕🪪

Advocacy group PAWSsion Project shared the joy of watching more and more people care for animals, particularly the strays.

Recently meeting Chuchay, the resident mall dog of Ayala Malls Fairview Terraces who even got her own ID, group members couldn't be happier seeing a former stray having her fur-ever home and living her best life.

“Chuchay is an aspin and a resident of the mall. She has been there for over a year now, spayed, vaccinated, and even with an ID. Oftentimes you’ll see her sleeping at her spot in the corner or walking around so gracefully like a regular mall goer,” PAWSsion Project shared.

“In the middle of all our struggles in this advocacy, we are blessed with moments and days like this where we continue to hope for more people, places, and humans for animals,” it went on. (Via Charina Clarisse Echaluce)
___
MOLMT PUBLICATIONS:
🚦 Minsan Okay Lang Ma-traffic
🌍 Traffic News
💜 Reels People Words
✨ MOLMT Daily
🌆 MOLMT Now

'THE BOOK CONTAINS MANY ERRORS'Pinuna ni Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel ang librong "Isang Kaibigan" ni Vice Presi...
28/08/2024

'THE BOOK CONTAINS MANY ERRORS'

Pinuna ni Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel ang librong "Isang Kaibigan" ni Vice President Sara Duterte sa budget hearing sa Kamara dahil sa mga aniya ay "maling nilalaman" nito.

"Kasama po riyan, 'dahon ng Banahaw', wala naman pong dahon ng Banahaw. Baka Anahaw po yung tinutukoy. 'Yong word na 'sila', dapat po 'sina' tapos 'yong 'walang awa' dapat nga may hyphen po iyan," paliwanag ni Manuel.

Bago ipakita ni Rep. Manuel ang ilang "errors" sa nasabing libro ay tinanong nito kay VP Sara kung sino ang editor nito ngunit hindi ito sinagot ni Duterte at sa huli ay nagbiro pa ito.

"The name of the editor of the book is Raoul Manuel. It's a joke, ma'am. You strike it out of the record if you want," ani Duterte.

Matatandaang ang "Isang Kaibigan" na libro ni Duterte ay nais niyang paglaanan ng P10 million upang ipamahagi sa mga kabataan.
_
MOLMT PUBLICATIONS:
🚦 Minsan Okay Lang Ma-traffic
🌍 Traffic News
💜 Reels People Words
✨ MOLMT Daily
🌆 MOLMT Now

27/08/2024

In this episode, we're diving into the heart of Filipino cuisine as we trace the roots of the internationally famous Filipino adobo. Explore the fascinating ...

WELCOME HOME, LITTLE ANGEL!Ibinahagi ng Canadian pop superstar na si Justin Bieber ang  larawan ng first baby nila ng as...
24/08/2024

WELCOME HOME, LITTLE ANGEL!

Ibinahagi ng Canadian pop superstar na si Justin Bieber ang larawan ng first baby nila ng asawang si Hailey na pinangalanan nilang Jack Blues.

"WELCOME HOME JACK BLUES BIEBER," saad ni Justin sa kaniyang Instagram post.
___
MOLMT PUBLICATIONS:
🚦 Minsan Okay Lang Ma-traffic
🌍 Traffic News
💜 Reels People Words
✨ MOLMT Daily
🌆 MOLMT Now

‘STRAIGHT SI BIMB’Tiniyak ng retired editor at longtime friend ni Queen of All Media Kris Aquino na si Dindo M. Balares ...
23/08/2024

‘STRAIGHT SI BIMB’

Tiniyak ng retired editor at longtime friend ni Queen of All Media Kris Aquino na si Dindo M. Balares (DMB) na hindi si Bimby Aquino Yap ang nasa mga kumakalat na litrato mula sa engagement ng isang happily in love gay couple.

Nauna nang nilinaw ni DMB na fake news ang isinasaad ng caption ng viral pictures at hinimok ang social media users na i-report ang mga nasabing post. (Via Charina Clarisse Echaluce)
___
MOLMT PUBLICATIONS:
🚦 Minsan Okay Lang Ma-traffic
🌍 Traffic News
💜 Reels People Words
✨ MOLMT Daily
🌆 MOLMT Now

THE RED LIGHTS OF MAKATI MEDICAL CENTER 🚨🚨🚨 🏥  , the red lights in front of the Makati Medical Center are only turned on...
23/08/2024

THE RED LIGHTS OF MAKATI MEDICAL CENTER 🚨🚨🚨 🏥

, the red lights in front of the Makati Medical Center are only turned on when the hospital is in need of blood, welcoming donors who want to help extend lives.

“When these red lights in front of MakatiMed are switched on, it means that the hospital is in need of blood. If you happen to see them, our doors are open for your gracious donation—and we will be forever grateful,” according to the MakatiMed.

Should you wish to donate blood, the
MakatiMed Blood Bank is open from 8 a.m. to 10 p.m. You may also reach out to them by calling the hotline (+632) 8888 8999 local 3016 or sending an e-mail to [email protected]. (Via Charina Clarisse Echaluce)
___
MOLMT PUBLICATIONS:
🚦 Minsan Okay Lang Ma-traffic
🌍 Traffic News
💜 Reels People Words
✨ MOLMT Daily
🌆 MOLMT Now

'TRUE GENTLEMAN'May mensahe ang aktres na si Mariel Rodriguez sa kanyang asawang si Senator Robin Padilla para sa kanila...
23/08/2024

'TRUE GENTLEMAN'

May mensahe ang aktres na si Mariel Rodriguez sa kanyang asawang si Senator Robin Padilla para sa kanilang 14th wedding anniversary.

Sa isang post, nagpahayag ng pasasalamat si Mariel sa mister na isa raw “true gentleman”.

“Throughout 14 years, this true gentleman has shown me nothing but respect, honor, gallantry, tenderness, and love,” saad niya.

“Opinions are free to be formed, but not at the expense of the truth,” dagdag pa ng actress-host.
___
MOLMT PUBLICATIONS:
🚦 Minsan Okay Lang Ma-traffic
🌍 Traffic News
💜 Reels People Words
✨ MOLMT Daily
🌆 MOLMT Now

Ipinakilala ng pamunuan ng Manila Zoo ang bagong dating na batang babaeng leon, na pinangalanan nilang “Isla”.Sa officia...
23/08/2024

Ipinakilala ng pamunuan ng Manila Zoo ang bagong dating na batang babaeng leon, na pinangalanan nilang “Isla”.

Sa official page nito, ibinahagi ng admin ng zoo na dumating na si Isla at kasalukuyan nilang pinalalakas.

“Amin pong ipinakikilala ang bagong miyembro ng ating Manila Zoo, isang batang babaeng leon, na pinangalanan nating ‘Isla’, para sa karagdagang eksibisyon at koleksyon ng ating mga hayop,” saad ng caption ng mga larawang ibinahagi nito.

Ayon sa pamunuan, hindi pa agad makikita ng publiko si Isla dahil kailangan pa nila itong palakihin at ihanda.

“Habang si Isla po ay ating pinalalaki at pinalalakas, pansamantala po munang hindi siya makikita ng publiko,” pahayag ng Manila Zoo.
___
MOLMT PUBLICATIONS:
🚦 Minsan Okay Lang Ma-traffic
🌍 Traffic News
💜 Reels People Words
✨ MOLMT Daily
🌆 MOLMT Now

Nilinaw ng aktres at Pasig City Councilor na si Angelu de Leon na personal niyang proyekto ang isinagawang birthday comm...
23/08/2024

Nilinaw ng aktres at Pasig City Councilor na si Angelu de Leon na personal niyang proyekto ang isinagawang birthday community pantry kamakailan.

Ito ay matapos kumalat sa X ang ilang clips niyang namamahagi ng gulay habang inaanyayahan ang mga taong manood ng seryeng 'Pulang Araw.'

Binatikos ng ilan ang pamamahagi niya "kakapiranggot" na gulay habang pino-promote ang kaniyang show.

Aniya, bukod sa sitaw na nakitang ibinibigay niya sa video ay namahagi rin siya ng ibang gulay.

"Meron pa hong putol na upo kasi hindi ko kaya mag bigay ng buo. Pinuputol namin para meron ang lahat. May talong, ampalaya at okra rin," aniya.

"Ang mahal na pala talaga ng gulay ngayon. Hindi talaga aabot ang P64 sa isang masustansyang meal per day."
___
MOLMT PUBLICATIONS:
🚦 Minsan Okay Lang Ma-traffic
🌍 Traffic News
💜 Reels People Words
✨ MOLMT Daily
🌆 MOLMT Now

21/08/2024

‘GANITO ANG CLASSROOM SETUP NAMIN’

Sa pamamagitan ng pag-a-upload ng photos at videos, ibinahagi ng isang g**o sa social media ang umano’y mahirap na sitwasyon nila ng kanyang co-teacher habang nagtuturo nang sabay sa iisang silid-aralan.

“Unahin po ang mga pangunahing pangangailangan ng paaralan like classrooms. ‘Wag muna ang friendship book,” wika niya sa caption ng isa sa mga post.

“Ganito ang classroom setup namin dito sa pinagtuturuan namin dahil sa kakulangan ng silid-aralan,” pagpapatuloy pa nito.

As of posting, wala pang tugon ang Department of Education sa nasabing hinaing.
___
MOLMT PUBLICATIONS:
🚦 Minsan Okay Lang Ma-traffic
🌍 Traffic News
💜 Reels People Words
✨ MOLMT Daily
🌆 MOLMT Now

In commemoration of Ninoy Aquino Day, the admin/s of Dogs in Philippine History remembered the time when late senator Be...
21/08/2024

In commemoration of Ninoy Aquino Day, the admin/s of Dogs in Philippine History remembered the time when late senator Benigno “Ninoy” Aquino, Jr.’s childhood dog Rin-Tin-Tin died, leaving him greatly affected that he even organized a funeral for his furry friend.

“That incident ‘displayed’ his ‘extroverted precocity’, said Jose Y. Dalisay, Jr. and Arnold Azurin in a biographical sketch of Ninoy in Six Modern Filipino Heroes,” the page’s post read.

Dogs in Philippine History is a book written by Ian Christopher Alfonso, chronicling Filipinos' cultural and historical encounters with dogs since the earliest documented existence of a domesticated dog in the country some 4,000 years ago. Believing that history can attest how Filipinos love dogs, Alfonso aims to help his countrymen in “fostering responsible furrenthood”. (Via Charina Clarisse Echaluce)
___
MOLMT PUBLICATIONS:
🚦 Minsan Okay Lang Ma-traffic
🌍 Traffic News
💜 Reels People Words
✨ MOLMT Daily
🌆 MOLMT Now

VICO SOTTO VS GRAFTNahaharap sa kasong graft si Pasig City Mayor Vico Sotto at tatlong iba pang local offcials matapos u...
20/08/2024

VICO SOTTO VS GRAFT

Nahaharap sa kasong graft si Pasig City Mayor Vico Sotto at tatlong iba pang local offcials matapos umanong papirmahin ang mga empleyado ng city hall sa resibo ng cash allowance na P1,500 gayong anila ay T-shirts lamang ang kanilang natanggap.

Ayon sa reklamong inihain ng Pasig City resident na si Michelle Prudencio, lumabag daw sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Government Procurement Reform Act si Sotto.

Salaysay ni Prudencio, dapat sanang tatanggap ang mga empleyado ng city hall ng P1,500 bilang allowance para sa pagbili ng uniform o costume at iba pang kailangan para sa pagdiriwang ng Pasig Foundation Day. Sa halip, T-shirts lang daw ang ipinamigay ng human resources department.

As of posting, wala pang pahayag ukol dito si Sotto. Matatandaang naharap din sa kasong graft si Sotto noong 2022 ngunit tinawag niya lamang itong "dirty tactics" ng "political groups."
___
MOLMT PUBLICATIONS:
🚦 Minsan Okay Lang Ma-traffic
🌍 Traffic News
💜 Reels People Words
✨ MOLMT Daily
🌆 MOLMT Now

Isa sa mga paborito nating meryenda noon! 🩵___MOLMT PUBLICATIONS:🚦 Minsan Okay Lang Ma-traffic 🌍 Traffic News  💜 Reels P...
19/08/2024

Isa sa mga paborito nating meryenda noon! 🩵
___
MOLMT PUBLICATIONS:
🚦 Minsan Okay Lang Ma-traffic
🌍 Traffic News
💜 Reels People Words
✨ MOLMT Daily
🌆 MOLMT Now

'PARA TAYONG GINISA SA SARILI NATING MANTIKA'Isiniwalat ni Senator Risa Hontivores sa publiko na nakaalis na ng Pilipina...
19/08/2024

'PARA TAYONG GINISA SA SARILI NATING MANTIKA'

Isiniwalat ni Senator Risa Hontivores sa publiko na nakaalis na ng Pilipinas ang kontrobersyal na si dating Bamban City Mayor Alice Guo noong July 18 at lumipad patungong Kuala Lumpur, Malaysia.

Sa dokumento na ipinakita ni Senator Risa sa Senado, tumungo rin ng Singapore si Guo kung saan nito kinita ang kanyang mga magulang at kapatid.

“I am now in receipt of information that in fact this person was already out of the country on July 18, 2024 to Kuala Lumpur, Malaysia. Ipapakita ko po ang dokumentong ito, bilang patunay na pumasok sa Malaysia si Alice Guo. Siya po ay pumasok ng 12:17:13 military time ng July 18, kaya ibig sabihin umalis siya ng Pilipinas sa gabi ng July 17,” saad ng senadora.

Kasunod nito ay kinuwestiyon ni Sen. Risa ang mga awtoridad kung paano nakalabas ng Piilipinas si Guo.

“Hindi makakaalis si Alice Guo kung walang tumulong sa kaniya na mga opisyales ng pamahalaan. Para tayong ginigisa sa sarili nating mantika,” dagdag pa nito.
___
MOLMT PUBLICATIONS:
🚦 Minsan Okay Lang Ma-traffic
🌍 Traffic News
💜 Reels People Words
✨ MOLMT Daily
🌆MOLMT Now

CARETAKER NA NANAKIT NG LEON, SINIBAK SA TRABAHO Sinibak na sa trabaho ang isang empleyado ng Baluarte Zoo matapos mahul...
19/08/2024

CARETAKER NA NANAKIT NG LEON, SINIBAK SA TRABAHO

Sinibak na sa trabaho ang isang empleyado ng Baluarte Zoo matapos mahuli sa akto ng pang-aabuso sa isang lalaking leon para sa photo opportunities.

Ang nasabing insidente ay kumalat online matapos may mag-upload ng video nito, dahilan para magalit at mangamba ang netizens ukol sa kalakaran sa zoo.

Sa inilabas na pahayag ng Baluarte Zoo, kinumpirma nilang agaran nilang tinanggal sa trabaho ang caretaker matapos nilang mapanood ang viral video.

“Effective immediately, the employee involved has been terminated. Baluarte Management, Hon. Luis Chavit Singson, and our entire team are committed to the highest standards of animal care and will not tolerate any behavior that compromises the well-being of the animals in our care,” saad ng Baluarte Zoo sa kanilang Facebook post.

Magsasagawa rin daw ng hakbang ang management upang hindi na maulit pa ang insidente.

“We are taking steps to ensure that such incidents do not happen again and are reinforcing our commitment to the humane treatment of all animals at Baluarte Zoo,” dagdag pa nila.

Nagpasalamat ang Animal Kingdom Foundation (AKF) sa naging pagdinig ng pamunuan ng Baluarte Zoo sa kanilang panawagan.

“Animals are not PROPS, they are sentient beings who deserve dignity and respect. To the entire team of Baluarte Zoo and Hon. Luis Chavit Singson for hearing our appeals and calls, maraming salamat po!” wika ng AKF sa isang statement.

Nanawagan din muli ang foundation at binigyang-diin na hindi “worth the selfies” ang paghihirap ng mga hayop sa zoo.

“We continue to appeal to the public and Baluarte Zoo management to STOP TAKING SELFIES with King and other wild animals. While capturing moments with a majestic creature may seem harmless, it disrupts their natural behaviors and may cause stress that can lead to potential risks. Rather than take photos with them, support conservation efforts, raise awareness, and appreciate them from a respectful distance,” saad nito. (Via James Rusia)
___
MOLMT PUBLICATIONS:
🚦 Minsan Okay Lang Ma-traffic
🌍 Traffic News
💜 Reels People Words
✨ MOLMT Daily
🌆 MOLMT Now

🐕🩵
18/08/2024

🐕🩵

Happy ! 💜

Our aspins (asong Pinoy) deserve some extra treats today as we celebrate everything we love about them! 🐕🤗

In 2021, the Philippine Animal Welfare Society (PAWS) officially designated August 18 as the National Aspin Day, in honor of the “unique spirit and beauty of Aspins (asong Pinoy)”. (Via James Rusia)
___
MOLMT PUBLICATIONS:
🚦 Minsan Okay Lang Ma-traffic
🌍 Traffic News
💜 Reels People Words
✨ MOLMT Daily
🌆 MOLMT Now

Nadurog ang puso ng maraming netizens nang makita ang larawan ng isang stray dog na maluha-luha na habang naghihintay sa...
18/08/2024

Nadurog ang puso ng maraming netizens nang makita ang larawan ng isang stray dog na maluha-luha na habang naghihintay sa labas ng isang tapsilogan sa Koronadal City.
___
MOLMT PUBLICATIONS:
🚦 Minsan Okay Lang Ma-traffic
🌍 Traffic News
💜 Reels People Words
✨ MOLMT Daily
🌆 MOLMT Now

Nakatanggap ng suporta sa pagtitinda ng longganisa ang ina ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo na si Angelica ...
18/08/2024

Nakatanggap ng suporta sa pagtitinda ng longganisa ang ina ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo na si Angelica Yulo. Sa comments section ng kanyang post, mababasa na marami ang nagpahayag ng kagustuhang makabili ng kanyang paninda.
___
MOLMT PUBLICATIONS:
🚦 Minsan Okay Lang Ma-traffic
🌍 Traffic News
💜 Reels People Words
✨ MOLMT Daily
🌆 MOLMT Now

'I DON'T WANT TO STEAL THE SPOTLIGHT'Suportado ng aktor na si Gerald Anderson ang pagbabalik-tambalan ng kanyang girlfri...
18/08/2024

'I DON'T WANT TO STEAL THE SPOTLIGHT'

Suportado ng aktor na si Gerald Anderson ang pagbabalik-tambalan ng kanyang girlfriend na si Julia Barreto at ng ex-boyfriend nitong si Joshua Garcia para sa kanilang movie na Un/Happy For You.

“I’m here as a silent supporter. Alam ko pinaghirapan niya ‘yan. That’s why it’s been like this, naging okay kami for so many years, is because sinusuportahan namin ang isa’t isa,” saad ni Gerald.

“I try to be as supportive as possible. I don't want to steal the spotlight. Pinaghirapan nila 'yan, e. And I know how hard it is to work on a movie na gustong mapanood ng tao. So, you just give it to her,” dagdag pa nito. (Via James Rusia)
___
MOLMT PUBLICATIONS:
🚦 Minsan Okay Lang Ma-traffic
🌍 Traffic News
💜 Reels People Words
✨ MOLMT Daily
🌆 MOLMT Now

Address

Marikina
Marikina City
1809

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Traffic News posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Traffic News:

Videos

Share