Ang Bantay Online

Ang Bantay Online Ang opisyal na news online portal ng pampaaralang pampahayagan ng San Roque Elementary School, Marikina City

Pamasko sa Kabataan:SRES nakiisa sa National Tree PlantingKasama ng 33 iba pang pampublikong paaralan sa Lungsod ng Mari...
06/12/2023

Pamasko sa Kabataan:
SRES nakiisa sa National Tree Planting

Kasama ng 33 iba pang pampublikong paaralan sa Lungsod ng Marikina, nakilahok ang San Roque Elementary School sa simultaneous tree planting activity alinsunsod sa Department of Education (DepEd) memorandum 69 series of 2023, Disyembre 6 sa Malanday, Marikina.

Layunin ng proyekto na makapagtanim ng 236,000 mga fruit-bearing trees, native species trees o mangroves sa buong bansa.
Ninais rin ng DepEd na makapagbigay ng pamasko sa kabataan at susunod na henerasyon, ang magkaroon ng malinis at luntiang kapaligiran.

Nagkaroon ng maikling programa at oryentasyon sa Malanday Nationa High School gymnasium kabilang ang BSP, GSP, YES-O officers, g**o at punongg**o mula sa SRES.

“Huwag nating ituring ito bilang simpleng tree planting activity. Ituring natin itong Christmas gift na lalago pa upang matamasa ng inyong mga anak, inyong magiging apo. Ngayon pa lang ay handog na natin ito sa kanila ang isang malinis at maayos at malinis na siyudad,”pahayag ni Marikina District I Representative Maan Teodoro.

Para naman sa YES-O adviser na si Janice Vivien Cano, itinuturing niya itong magandang adhikain mula sa DepEd.

“Napagandang adhikain ito ng kagawaran na nagpapakita na mayroong pagkakaisa ang ating lungsod pati na ang buong bansa. Nawa sa mula sa programang ito at maging mulat ang kabataan na magtanim ng halaman lalo na sa ating lugar na mabilis bahain,” paliwanag ni Cano.

Address

Marikina City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Bantay Online posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share