Teacher, inakyat ang pole at ikinabit ang naputol na lubid upang matuloy ang flag ceremony
PANOORIN: Pinuri ng netizens ang isang teacher sa Sabtang, Batanes matapos mag ala-superhero sa buwis buhay na pag-akyat sa flag pole upang ikabit ang naputol na lubid ng bandila at matuloy ang flag ceremony.
PANOORIN: Pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa ibaโt ibang lugar na sinalanta ng Bagyong Carina.
๐น ABS-CBN News
Maruming tubig ng Primewater ang lumalabas ngayon mula sa gripo ng ilang kabahayan sa Santa Cruz
โNAIPANG-MUMOG KO PAโ
Maruming tubig na sinusupply ng Primewater ang lumalabas ngayon mula sa gripo ng ilang kabahayan sa Santa Cruz, Laguna.
Tingnan ang ipinadalang video at reklamo ng isa sa ating mga follower.
โGood morning Opinyon! Share ko lang po itong nakakabwisit na karanasan ko kaninang madaling araw. Hindi ko alam kung ganito rin ang sitwasyon sa ibang mga barangay. Kanina habang nagtotoothbrush at naghihilamos ako, nagulat na lang ako nang mapansin ko na kulay putik na ang lumalabas mula sa gripo. T**g*na talaga naipang-mumog ko pa. Lintik na Primewater yan pagkamahal-mahal ng singil tapos ganyan lang ang serbisyo. HOY PRIMEWATER AYUSIN NIYO SERBISYO NIYO SAYANG ANG BINABAYAD NG TAO!! AT SA SANTA CRUZ LGU NAMAN, PAKIGAWAN PO SANA ITO NG PARAAN ANG TAGAL NANG INIREREKLAMO NG MGA TAO. YUNG SA BAY, LAGUNA NGA NAGAWANG MAGSAMPA NG LGU NG KASO SA WATER SERVICE PROVIDER NILA TAPOS DITO SA ATIN ANG TANGING SAGOT LANG AY โWALANG MAGAGAWAโ??โ
TINGNAN: Nasunog ang isang SUV matapos bumangga sa poste at tumilapon sa highway sa Brgy. Santa Isabel, San Pablo, Laguna kaninang madaling araw.
Galing umano sa bar ang mga kabataang sakay ng sasakyan na pawang mga taga-Santa Cruz, Laguna.
๐น Dennevhyn Capiรฑa
TRUCK SA SAN PEDRO, LAGUNA, NANG-ARARO NG PITONG MOTORSIKLO!!
Pitong motorsiklo ang inararo ng isang truck sa San Pedro, Laguna. Batay sa salaysay, imbes na preno ay accelerator umano ang naapakan ng driver.
Napag-alaman ding hindi awtorisado ang lalake na magmaneho ng truck at nais lamang matuto kaya pinakialaman nito ang truck.
Isa ang ang naitalang sugatan at kasalukuyang nagkasundo na ang magkabilang panig sa insidente.
๐๐บ๐ฏ๐๐น๐ฎ๐ป๐๐๐ฎ, ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ฎ๐บ๐ถ๐ ๐ป๐ด ๐ ๐๐ป๐ถ๐๐ถ๐ฝ๐๐ผ ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฉ๐ผ๐๐ฒ-๐๐๐๐ถ๐ป๐ด?
Ito ang matunog na usap-usapan ngayon sa bayan ng Santa Cruz, matapos mamamataan ng mga residente na ginagamit ng mga tauhan ni Mayor Egay San Luis ang ambulansya ng munisipyo para sa umano'y vote-buying.
Ang aktwal na insidente ay nakuhanan kagabi, October 29, sa live stream ni Kapitan Eric Ambrocio ng Brgy. Gatid.
Ayon sa mga residente ng Brgy. Gatid, ang ambulansya ay namataang paikot-ikot sa kanilang lugar, at nagsasakay at nagbababa ng mga tao.
Makailang beses din umano itong nagpabalik-balik sa bahay ni Rigor Amil Elca.
Si Elca ay tumatakbong kapitan ng Brgy. Gatid, at kilalang taga-suporta ni Mayor Egay San Luis. Kamakailan ay naging laman ito ng mga balita matapos mabunyag ang pangungurakot nito sa PHP 120,000 pondo para sa Livelihood Program ng FEDESCO.
Ang parehong ambulansya ay nakita ring naghahatid-sundo ng mga tao sa Labuin, Bagumbayan, Pagsawitan, at iba pang mga barangay.
Dagdag ng ilan, ang mga taong sakay nito ay nakitang may dalang malalakig bag na pinaghihinalaang naglalaman ng pera para sa vote buying. Ilan sa mga ito ay natukoy bilang mga empleyado ng munisipyo. #
----------------------------------
Maaaring panoorin ang aktwal na video sa link na ito: https://www.facebook.com/konshaleric/videos/362111339587412/?mibextid=cr9u03
WATCH: PONDO NA PARA SANA SA SENIOR CITIZENS AT SOLO PARENTS, GINAMIT BILANG PANUHOL NG EMPLEYADO NG MUNISIPYO
Makikita sa video na sinusuhulan ng isang empleyado ng munisipyo ang mga residente ng Santa Cruz ng PHP 5,000 kapalit ng pagbawi nila ng kanilang pirma para sa recall elections.
Ayon sa aming source, ang pondong ginamit bilang panuhol ay pondo na para sana sa senior citizens at solo parents.
Gayunpaman, ang tanging nakuha lang ng mga taong tumanggap ng suhol ay isang balde at PHP 500.
Diumano, ang lalaki sa video ay ang "social worker" na nagpadaa ng mensahe kahapon sa aming page na nagsabing patay gutom ang mga senior citizens at solo parents.
BABALA SA LAHAT: Ang pagtanggap po ng suhol gamit ang pondo ng gubyerno ay isang krimen. Kayo po ay pwede ring makasuhan bilang kasangkapan sa krimen. WAG NA WAG PONG TATANGGAP NG PERANG SUHOL MULA SA MUNISIPYO O ANUMANG AHENSYA NG GUBYERNO.
From a netizen: "CRIME WATER."