24/04/2024
๐ ๐๐ฌ๐๐ ๐๐ฅ๐ข ๐ก๐ ๐ก๐ฃ๐, ๐ฃ๐๐ง๐๐ฌ, ๐ฎ ๐ฃ๐๐ก๐ ๐๐๐ฆ๐๐ ๐๐๐๐ก, ๐ฆ๐จ๐๐๐ง๐๐ก ๐ฆ๐ ๐๐ก๐๐๐ช๐๐ก๐ง๐ฅ๐ข ๐ก๐ ๐๐ง๐ ๐๐ง ๐ ๐๐ ๐ฃ๐จ๐๐๐ฆ ๐ฆ๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐ฌ |
Patay ang isang hindi pa nakikilalang miyembro ng New Peopleโs Army (NPA) habang dalawa pang kasamahan nito ang sugatan matapos ang engkwentro sa pagitan ng Communist Terrorist Group (CTG) at kapulisan ng Camalig MPS sa Brgy. Magogon, bayan ng Camalig, Albay.
Sa report ng pulisya, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen ukol sa umanoโy presensya ng hindi matukoy na bilang ng mga armadong lalaki na naglalakad sa paligid ng nasabing barangay.
Dahil dito, agad na rumesponde ang pulisya kasama ang 31st Infantry Batallion, 9th Infantry Division at NICA5 sa lugar, ngunit pinaputukan ito ng armadong grupo, kung saan tumagal ng humigit-kumulang 30 minuto ang palitan ng mga putok.
Kinilala ang mga naarestong miyembro ng NPA na sina alyas โMarsi/Masiโ, 42 anyos, construction worker, at may warrant of arrest para kasong Attempted Murder at Destructive Arson, at si alyas โKa Yengโ, 44 anyos, magsasaka at may warrant of arrest sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.
Si Ka Yeng ay nakumbinsing aminin ang impormasyong itinago ng kanilang grupo ang mga baril na matatagpuan sa Purok 3, Brgy. Panoypoy ng kaparehong bayan.
Agad namang pinuntahan ang lugar at narekober nila ang samuโt saring mga baril at mga bala sa bakanteng lote.
Samantala, wala namang naiulat na namatay sa panig ng gobyerno dahil sa engkwentro.