06/05/2022
EXPRESSION OF FRUSTRATIONS
Dear Politico's
Ako po ay isang retiradong local media practitioner , Founder of Bicol Insights.
Dati sa panahon ng election hindi ako nakikialam mag komento PROS o CONS dahil gusto ko balanse.
Personally tulad ng ibang botante, inilalabas ko din ang aking opinyon, doon sa mga nagtatanong, "Ka Bert, kanino po ba tayo?", hindi ko ipinagkakait ang aking opinyon, pero ako kase ang klase ng tao na ang expression ay very strong, nais kong maintindihan ng nagtatanong sa akin ang nais kong iparating.
Sa tatlong laban ni Ma'am Jeana Yapyuco sa pagka alkalde hindi ako bumitaw at kahit itanong ninyo kay Vice Jeana, hindi ako nanghihingi kase ang boto ko ay sagrado at diko binebenta.
Noong nakaraang eleksyon sabi nila "Sa pagbabago tayo", naalala ko noon sa panahon ni "Lagatak" (Jimmy Lo) ako ang personal na gumawa ng campaign slogan ni Jimmy Lo ang "Sya ang pagbabago, sasama kaba"?". Several months before election at tinanggap at sinamahan ng taong bayan at nanalo laban kay Maning Tee.
Ngayon meron nanamang isang "pagbabago" na isinigaw noong nakalipas na eleksiyon, sumakay ang mga mamamayan at naniwala sa pagbabago, resulta talo ang mag kapatid at isa ako sa matigas na naniwala sa pagbabago.
Sa unang ilang buwan nakikita ko na kaagad ang mga kapuna-punang desisyon ng bagong administrasyon, una na doon ang kawalan ng tiwala sa kanyang mga kasama na nakipaglaban para sa kanya. Unahin ko na ang isang kasama nya na hindi nya sinuportahan na maging administrador na ang dahilan ay hindi na qualified dahil over-age na, inilaban ito sa Civil Service at nanalo ito pero hindi nalang itinuloy noong tao.
Sumunod, isang mahusay na Executive Staff nya na hindi nya rin sinuportahan kaya nagresign nalang , infrustration. Kaya nan pala ay may gusto siyang ilagay na administrador isang lehitimong taga Daet na nagpalipat dito sa Mercedes na ang ginamit na resident address ay ang bahay mismo ng Alkalde. Wala palang tiwala ang Alkalde sa mga Mercedeño gayong marami namang mahuhusay na taga Mercedes, nanahimik nalang ako, infrustration pinipitik ko nalang kapag kailangan at nararapat.
Dumating ang Pandemya, halos walang maayos na suporta ang mamamayan mula sa LGU, sa bilang ko sa loob ng kulang-kulang na dalawang taon ang bawat pamilya ay tumatanggap lamang ng 16kls na bigas, isang buong manok at isang kilo ng isda (tambansya), at kapag humihingi ng tulong ang mamamayan ang palaging sagot ay walang pundo ang munisipyo, walang naiwang pundo ang nakaraang administrasyon. Sa unang taon marami ang naniwala na wala ngang pundo.
Noong namigay ng kaunting tulong ang dating Mayor sinikap kung makausap at masagot ang maraming katanungan sa aking isipan bilang isang dating Media Practitioner alam ko kung paano magtanong at ito ang tanong ko sa dating Mayor, "Mayor, totoo po bang walang natira sa pundo ng Munisipyo pagalis ninyo?, bakit po naubos ang pundo at saan po napunta?", ang isa lang sa hanga ko sa dating Alkalde mapagkumbaba parin syang nagsalita at sumagot sa aking mga katanungan gayong halos sarkastiko na ang paraan ng pagtatanong ko at ang sagot nya, "hindi po totoo Kuya Bert na wala akong naiwang pundo at ang totoo po ay P29Million po ang naiwan ko ng ako ay umalis ng LGU. Shock ako, ang sabi ko sa kanya, kaya nya bang patunayan na may naiwang pundo?., at ang sagot nya sa akin ay, "Bigyan mo po ako Kuya Bert ng ilang panahon at ikokopya po kita ng dokumento na magpapatunay na mayroong pundo ng umalis ako sa Munisipyo". Sa isip ko nasaan ang pundo?, bakit sa panahon ng pandemya hirap na makahingi ng tulong at ayuda ang mamamayan?.
Minsan nakita ko sa Facebook ang regular na ayudang ibinibigay ng LGU Basud sa lahat ng mga taga Basud at walang pinili, kalaban man o kakampi lahat tumatanggap ng ayuda, kinausap ko ang admin ng Basud dahil kaibigan ko ito, ipinakita at ipinaliwanag nya sa akin na kailangan at kahit anong mangyari gagawa sila ng paraan para masuportahan ang bawat pamilya ng Basud. Maliit na Bayan lamang ang Basud kumpara sa Mercedes pero nagagawa nila ang tamang ayuda kaya yon ang hinahanap namin, nasaan ang pundo ng Mercedes sa panahon ng Pandemya?. Sa tuwing may hihingi ng tulong sasabihin "walang pundo, walang pundo".
Bakit nga ba puro proyekto ang inilalabas ng LGU Mercedes?, bakit hindi tulong ng hikahos at naghihirap na mamamayan?. Ah kaya pala ito ang kinuha ni Mayor isang mahusay na batikang administrador na mahusay humanap ng pundo di bale ng gutom at nakanganga ang mamamayan.
Nalulungkot lang po ako, ngayon bigyan nyo po ako ng magandang sagot sa itatanong ko sa inyo at kapag nabigyan nyo ako ng magandang sagot bilib na bilib na po ako sainyo.
Tanong ko po , sa palagay mo po ba tama ang ginawa nyo sa paglalagay ng isang administrador na lehitimong taga Daet, na ang bahay ay nasa baranggay 3 ng Daet na kahit sinong tanungin mo sa Daet ay kilalang-kilala sya?, tama po ba na lumipat sya dito sa Mercedes na ang address nya ay tulad rin ng address na ginagamit mo Mayor?, tama po ba yon, wala po bang anomalya yon at tama po ba yon sa batas? Noon pong panahon na malakas ang dagat na nagpwersa ang maliliit na mangingisda para lang may makain dahil nga walang ayuda ay pinaghuhuli ninyo na ang basehan daw ay R.A 8550, bakit po sa Canimog dinadala ang mga lambat at hindi sa Munisipyo?.
Marami pa po akong gustong itanong pero hindi po matatapos dito ang mga katanungan na nais kong linawin. Hindi po matatapos yan manalo man kayo o matalo.
Uulitin ko po hindi ako politiko at hindi ako kandidato o suporter ng sino mang kandidato, ako po ay isang ordinaryong mamamayan, inilalabas ko lang po ito dahil after election whatever happens, marami pang katanungan ang nais kong malaman ang kasagutan.
Mayor Boboy sa nakaraang panahon, apat na beses kay Yapyuco ako bumoto, noong nakaraan SAYO at hindi pa po ako bumoto kay Lo pero ngayong eleksyong ito doon ako sa magalang at sa di nananakit o nanununtok na kandidato, KAY MAYOR ALEX LO PAJARILLO.