Camarines Norte News

Camarines Norte News The first News Portal in Camarines Norte to cater news & information to Camnorteños across the world.
(22)

20/11/2024

CANORECO Advisory:

Ang naranasang biglaang pagkawala ng kuryente ngayong November 20, 2024 (Miyerkules), mula 1:20 ng hapon, ay dahil sa naputol na Jumper ng ABS sa may Brgy. San Roque, Mercedes.

APEKTADONG Lugar:
- Brgys. Del Rosario, San Roque, 1, 2, 3, 4, 5, 6, at 7 sa bayan ng MERCEDES.
- Bahagi ng Brgy. Gubat sa DAET.

Sa kasalukuyan ay inaasikaso na ng Technical Personnel ng Area 1 Office ang pagbabalik ng serbisyo ng kuryente.

MGA MAG-AARAL NA CAMNORTEÑO WAGI SA REGIONAL SCIENCE AND TECHNOLOGY FAIR AND ROBOTICS OLYMPICS 2024Itinanghal na over -a...
20/11/2024

MGA MAG-AARAL NA CAMNORTEÑO WAGI SA REGIONAL SCIENCE AND TECHNOLOGY FAIR AND ROBOTICS OLYMPICS 2024

Itinanghal na over -all champion ang School Division ng Camarines Norte sa katatapos lamang na Regional Science Technology Fair and Robotics Olympics 2024 na ginanap sa Legazpi City, Albay nitong November 13-15,2024.

Ang mga mag-aaral na siyang opisyal na kinatawan ng SDO Camarines Norte ay mula sa Vinzons Pilot High School (VPHS), Camarines Norte National High School (CNNHS), Jose Panganiban National High School (JPNHS) at Moreno Integrated School (MIS).

Matatandaan na kamakailan lamang ay nanalo rin internationally ang Paracale National High School and Basud National High School sa World Robot Games na ginanap naman sa Singapore noong November 7-8, 2024.

Congratulations sa lahat ng schools, mga g**o, coaches, mga magulang at sa SDO Camarines Norte na pinamumunuan ni SDS Crestito M. Morcilla V, SDO Camarines Norte.

📸 Sir Crestito Morcilla

20/11/2024
AERIAL INSPECTION SA CALAGUAS ISLAND SA BAYAN NG VINZONS, CAMARINES NORTE, ISINAGAWA MATAPOS ANG BAYONG PEPITOKasama si ...
20/11/2024

AERIAL INSPECTION SA CALAGUAS ISLAND SA BAYAN NG VINZONS, CAMARINES NORTE, ISINAGAWA MATAPOS ANG BAYONG PEPITO

Kasama si CamNorte 2D Representative Rosemarie Panotes ni Governor Ricarte "D**g" Padilla sa pagsasagawa ng aerial inspection sa Calaguas Island sa bayan ng Vinzons, Camarines Norte matapos ang pananalasa ng bagyong Pepito sa lalawigan.

The first News Portal in Camarines Norte to cater news and information to Camnorteños across the world.

PrimeWater Public Service Announcement
19/11/2024

PrimeWater Public Service Announcement

𝐓𝐀𝐁𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐈𝐊𝐎𝐋, 𝐓𝐈𝐍𝐃𝐎𝐆 𝐎𝐑𝐀𝐆𝐎𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐀 𝐒𝐀 𝐂𝐀𝐌𝐀𝐑𝐈𝐍𝐄𝐒 𝐍𝐎𝐑𝐓𝐄, 𝐂𝐀𝐌𝐀𝐑𝐈𝐍𝐄𝐒 𝐒𝐔𝐑 𝐀𝐓 𝐀𝐋𝐁𝐀𝐘 𝐔𝐏𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐔𝐌𝐔𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐍𝐀𝐒𝐀𝐋𝐀𝐍𝐓𝐀 𝐍𝐆 𝐌𝐆...
18/11/2024

𝐓𝐀𝐁𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐈𝐊𝐎𝐋, 𝐓𝐈𝐍𝐃𝐎𝐆 𝐎𝐑𝐀𝐆𝐎𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐀 𝐒𝐀 𝐂𝐀𝐌𝐀𝐑𝐈𝐍𝐄𝐒 𝐍𝐎𝐑𝐓𝐄, 𝐂𝐀𝐌𝐀𝐑𝐈𝐍𝐄𝐒 𝐒𝐔𝐑 𝐀𝐓 𝐀𝐋𝐁𝐀𝐘 𝐔𝐏𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐔𝐌𝐔𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐍𝐀𝐒𝐀𝐋𝐀𝐍𝐓𝐀 𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐁𝐀𝐆𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐃𝐔𝐌𝐀𝐀𝐍

Parating na sa Camarines Norte ang "Tabang Bicol, Tindog Oragon" Relief and Rehabilitation Caravan ng Malacanañang at Kamara de Representantes upang magdala naman ng tulong sa mga naapektuhan ng mga nagdaang bagyo.

Pasado alas diyes ng umaga, November 18, 2024 ng umalis sa Batasan Complex ang convoy ng 24 na malalaking truck na naglalaman ng mga relief goods. Layunin ng programa na suportahan ang mga komunidad sa Camarines Norte, Camarines Sur at Albay na makarekober sa pinsalang tinamo sa bagyong Kristine, Carina at panghuli ay ang malakas na bagyong Pepito na nagpabaha sa malaking bahagi ng lalawigan.

Ang Tabang Bikol, Tindog Oragon relief caravan ay inilunsad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. katuwang sina Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

𝐂𝐎𝐍𝐆𝐖. 𝐉𝐎𝐒𝐈𝐄 𝐁𝐀𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐋𝐋𝐀𝐃𝐎 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐆𝐊𝐀𝐋𝐎𝐎𝐁𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐓𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐓𝐑𝐔𝐂𝐊 𝐁𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐔𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐀𝐓 𝐒𝐔𝐏𝐎𝐑𝐓𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐀𝐍𝐆𝐀𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐔𝐍𝐀𝐍𝐆 𝐃𝐈𝐒𝐓𝐑𝐈𝐓𝐎

Bilang Provincial Chairperson ng Lakas CMD sa Camarines Norte at Chairperson ng Bicol Affairs and Economic Development ng buong Bicol Region ng 19th Congress, hindi pinalagpas ni Congresswoman Josie Baning Tallado at agaran siyang nakipag-ugnayan kina Pangulong Bongbong Marcos at House Speaker Martin Romualdez sa ilalim ng programang Tabang Bicol, Tindog Oragon Relief and Rehabilitation Caravan.

Pasasalamat agad ang naging tugon ni Congw. Josie Baning Tallado sa agarang suporta matapos na agad na maaprubahan hindi lang isa kundi tatlong truck na mga nakuhang tulong mula sa mabisang pakikipag-ugnayan nito na ihahatid ng programang .

Ang nagpapatuloy na pagtulong ni Congw. Josie Baning Tallado sa hagupit ng mga bagyong lumipas ay sumisimbolo ng bayanihan at pagkakaisa ng mga Pilipino upang makatulong sa panahon ng pangangailangan.

Senyales din ito na maraming nagtitiwala sa mga programa at proyektong hinahatid ni Congw. Josie Baning Tallado na direkta sa tao ang nakikinabang dahil sa tama at maayos ang pagbibigay nito na ang nakikinabang ay nakararami sa kanyang nasasakupan.

CLASSES IN ALL LEVELS IN BOTH PUBLIC AND PRIVATE SCHOOLS SHALL RESUME TOMORROW, NOVEMBER 19, 2024.
18/11/2024

CLASSES IN ALL LEVELS IN BOTH PUBLIC AND PRIVATE SCHOOLS SHALL RESUME TOMORROW, NOVEMBER 19, 2024.

CANORECO Public Advisory:Ipinapaabot sa lahat ng Member-Consumer-Owners ng CANORECO na tuloy-tuloy ang power service res...
18/11/2024

CANORECO Public Advisory:

Ipinapaabot sa lahat ng Member-Consumer-Owners ng CANORECO na tuloy-tuloy ang power service restoration activities ng mga lineman sa iba’t ibang bahagi ng ating lalawigan.

Gayunpaman, isinasaalang-alang rin ng ating Kooperatiba ang kaligtasan ng lahat, mapa-MCO man o lineman, upang maiwasan ang anumang aksidente na maaaring magdulot ng pagkawala ng buhay.

Ating inihihingi ng paumanhin at pang-unawa ang hakbang na ito, na ang tanging layunin ay mapailawan ang lahat ng tahanan at negosyo ng ligtas sa lalong madaling panahon.

Maraming salamat po.

TRUCK NG RELIEF GOOD MULA SA KONGRESO PATUNGO NANG BICOL REGIONAyon sa facebook post ni CamNorte 2D Representative Rosem...
18/11/2024

TRUCK NG RELIEF GOOD MULA SA KONGRESO PATUNGO NANG BICOL REGION

Ayon sa facebook post ni CamNorte 2D Representative Rosemarie Panotes patungo nang Bicol Region ang mga truck ng releif goods mula mismo sa kongreso.

The first News Portal in Camarines Norte to cater news and information to Camnorteños across the world.

1 PATAY AT ISA ANG SUGATAN NA NAITALA SA PANANALASA NG BAGYONG PEPITO SA CAMARINES NORTEDaet, Camarines Norte – Isa ang ...
18/11/2024

1 PATAY AT ISA ANG SUGATAN NA NAITALA SA PANANALASA NG BAGYONG PEPITO SA CAMARINES NORTE

Daet, Camarines Norte – Isa ang nasawi, habang isa ang sugatan sa isang aksidente sa kalsada kaugnay sa pananalasa ng Bagyong Pepito sa probinsiya ng Camarines Norte, kahapon, Nobyembre 17, 2024, dakong alas-7:30 ng umaga sa kahabaan ng Bagasbas Road, Barangay Bagasbas, Daet, Camariones Norte.

Basahin sa: 👇👇👇

The first News Portal in Camarines Norte to cater news and information to Camnorteños across the world.

CLASS SUSPENSION‼️CLASSES IN ALL LEVELS (Public and Private) ARE STILL SUSPENDED TOMORROW, November 18, 2024, in the Pro...
17/11/2024

CLASS SUSPENSION‼️

CLASSES IN ALL LEVELS (Public and Private) ARE STILL SUSPENDED TOMORROW, November 18, 2024, in the Province of Camarines Norte.

TINGNAN: Naging abala ang maintenance crew and equipment ng DPWH CNDEO sa 1st District ngayong Linggo, Nov.17, sa cleari...
17/11/2024

TINGNAN: Naging abala ang maintenance crew and equipment ng DPWH CNDEO sa 1st District ngayong Linggo, Nov.17, sa clearing operation sa kanilang area of responsibility matapos ang paghagupit ni Super Typhoon .
Kaagad na rumesponde ang mga ito upang masig**ong passable ang mga lugar sa Maharlika Highway na may natumbang puno katulad sa Brgy.Daguit at Brgy.Kabatuhan sa Labo, at Brgy.Sta.Rosa at Brgy.Osmeña sa Jose Panganiban.

WORK IN BOTH GOVERNMENT AND PRIVATE INSTITUTIONS SHALL RESUME TOMORROW NOVEMBER 18, 2024.
17/11/2024

WORK IN BOTH GOVERNMENT AND PRIVATE INSTITUTIONS SHALL RESUME TOMORROW
NOVEMBER 18, 2024.

PrimeWater Update: Status of Water Facilities
17/11/2024

PrimeWater Update: Status of Water Facilities

PAUNAWA MULA SA PAMUNUAN NG CANORECO‼️Narito ang order ng priority kapag nagsasagawa ng power restoration pagkatapos ng ...
17/11/2024

PAUNAWA MULA SA PAMUNUAN NG CANORECO‼️

Narito ang order ng priority kapag nagsasagawa ng power restoration pagkatapos ng isang bagyo. Kung inyong mapapansin, nauuna ang mga pasilidad na pangunahing pangangailangan ng isang bayan.

Maraming salamat sa pag-unawa sa magiging prayoridad sa pagpapanumbalik ng serbiyo ng kuryente. Maging handa at mag-ingat sa paparating na bagyo.

Ito ay Atin, Pangalagaan Natin!

17/11/2024

*DPWH CAMARINES NORTE SUB-DEO*
Second Legislative District
Camarines Norte

SITUATIONAL REPORT for Super Typhoon "PEPITO"
TCWS #5 Calaguas Island
TCWS #4 rest of Cam Norte
As of November 17, 2024
10:00 AM

Incident:
Daet-Mercedes Road K0348+200
uprooted tree - half lane passable

Weather Condition:
Moderate Rain with Gusty Winds

Traffic Situation: Light

Action Taken:
Monitoring of all roads section and Clearing Operation of affected areas within our AOR

Road Condition:
All roads within our AOR are passable.

Continuous monitoring of all National Roads and Bridges within AOR.

Remarks:
- District Incident and Management Teams together with Maintenance crew and equipment are on alert status and ready for emergency response.

Assets Deployed:
1 Dumptruck
1 L300
1 telehandler
5 chainsaw
12 Manpower

17/11/2024

CANORECO Advisory:

Ipinapaabot po sa mga MCO ng CANORECO na ang pagkawala ng serbisyo ng kuryente ay dahil sa malalakas na hangin at ulang dala ng Super Typhoon Pepito.

Sa oras na humina ang mga ito, agad na magsasagawa ng line inspection at damage assessment ang kooperatiba.

Para sa inyong kaligtasan, ipinapaalala po na itrato ang bawat electrical wire na "live wire".

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa. Hangad po namin ang kaligtasan ng bawat isa.

Address

Daet
4600

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Camarines Norte News posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Camarines Norte News:

Videos

Share

Category

Nearby media companies


Other Media Agencies in Daet

Show All