Balitang Camarines Norte - BICOL

Balitang Camarines Norte - BICOL News and Event

TINGNAN: Dalawang bagong multipurpose building ang na i-turnover ngayong linggo ni CamNorte 1st District Cong.Josie B. T...
26/01/2025

TINGNAN: Dalawang bagong multipurpose building ang na i-turnover ngayong linggo ni CamNorte 1st District Cong.Josie B. Tallado sa mga barangay officials ng Brgy.North Poblacion (January 23) at Brgy.Sta.Elena (January 25) kapwa sa bayan ng Jose Panganiban mula sa programang “Buwis ng Mamamayan, Proyekto para sa Bayan”.

Ang mga de kalidad na gusali, naisagawa sa pamamagitan ng DPWH CNDEO, ay inaasahang magagamit upang maging mas mabisa ang transaksiyon at iba pang gawain sa barangay. Maaari din itong magsilbing evacuation area sa panahon ng kalamidad.

“Ito po ay malaking tulong sa ating barangay na hatid ni Cong.Josie Tallado kaya sa aking mga kasama sa konseho, sana ay magtulungan tayo upang mas maging maayos ang paghatid ng de-kalidad na serbisyo sa ating komunidad,” sabi ni David Reyes, punong barangay ng North Poblacion.

25/01/2025

CONGRATULATIONS FOR BEING THE CHAMPION DLC COMPETITION ON THE 27TH PABIRIK FESTIVAL OF PARACALE CAMARINES NORTE
SAN ROQUE NATIONAL HIGH SCHOOL MERCEDES CAMARINES NORTE..

BASAHIN: Pinarangalan ang lokal na pamahaaang bayan ng San Vicente ng fully compliant sa ginanap na ika-24  Gawad KALASA...
24/01/2025

BASAHIN: Pinarangalan ang lokal na pamahaaang bayan ng San Vicente ng fully compliant sa ginanap na ika-24 Gawad KALASAG Seal for Local Disaster Risk Reduction and Management Council and Offices (LDRRMCOs) ng NDRRMC sa lungsod ng Legazpi.

Nakamit nito ang rating na 1.89 at kinilalang generally adherent sa mga pamantayan para sa mahusay na pagtatag at operasyon ng LDRRMCOs.

Batay sa LGU San Vicente, isa itong karangalan bilang patunay ng malasakit at husay ng lokal na pamahalaan sa pangangalaga sa kaligtasan at kapakanan ng bawat San Vicenteño.

Ang parangal ay tinanggap nina Private Secretary Allan Augusto, Rustan Jay Robles ng MDRRMO at Aiza Elep Freyra ng Municipal Treasurer’s Office.

Kasama rin sina Mayor Ma. Jhoanna C. Ong, Vice Mayor Vivian Mago Villamor at ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan.

VICE GOV. JOSEPH ASCUTIA, BUMISITA SA STA. ELENA PARA IPAGKALOOB ANG BIRTHDAY CASH GIFT SA MGA SEBIOR CITIZENS AT PWD'SS...
24/01/2025

VICE GOV. JOSEPH ASCUTIA, BUMISITA SA STA. ELENA PARA IPAGKALOOB ANG BIRTHDAY CASH GIFT SA MGA SEBIOR CITIZENS AT PWD'S

Sta. Elena, Camarines Norte – Personal na binisita ni Bise Gobernador Joseph Ascutia ang Bayan ng Sta. Elena upang ipamahagi ang Birthday Cash Gift sa mga Senior Citizens at Persons with Disabilities (PWDs), bilang bahagi ng programa ng Pamahalaang Panlalawigan.

Ayon kay Bise Gobernador Ascutia, layunin nilang magbigay saya at pag-asa sa mga kabarangay, sa tulong ng mga ganitong programa. Pinahayag din ni Gobernador D**g Padilla ang kanilang hangarin na ipadama ang malasakit at tulong sa bawat CamNorteño sa abot ng kanilang makakaya.


🇵🇭🇵🇭🇵🇭

TINGNAN: Isang aksidente ang naganap sa Tulay No. 2 sa Barangay Daguit, Labo, bandang alas-4 ng hapon sangkot ang isang ...
24/01/2025

TINGNAN: Isang aksidente ang naganap sa Tulay No. 2 sa Barangay Daguit, Labo, bandang alas-4 ng hapon sangkot ang isang truck at single motor.

📸: Leo Magana Villaluz

LALAKING TULAK NG ILIGAL NA DROGA, NASABAT SA IKINASANG DRUG BUY-BUST OPERATION SA BAYAN NG SAN VICENTEIsang lalaki na t...
24/01/2025

LALAKING TULAK NG ILIGAL NA DROGA, NASABAT SA IKINASANG DRUG BUY-BUST OPERATION SA BAYAN NG SAN VICENTE

Isang lalaki na tulak ng iligal na droga ang natimbog sa ikinasang buy-bust operation laban sa iligal na droga ng mga tauhan ng San Vicente Municipal Police Station katuwang ang mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit, Provincial Intelligence Unit at 1st Provincial Mobile Force Company, ayon sa koordinasyon sa PDEA ROV dakong 9:56 ng gabi nitong Enero 23, 2025 sa Purok 2, Brgy. Silangan, San Vicente, Camarines Norte.

Ang suspek ay nakilalang si alyas na "MAK”, 25 taong gulang, binata at residente ng Barangay Alawihao, Daet, Camarines Norte.

Ayon sa report, matagumpay na nakabili ang nakatalagang poseur buyer sa nasabing suspek ng pakete ng hinihinalang shabu, dahilan upang agad arestuhin ang suspek.

Kumpiskado sa operasyon ang hindi pa matukoy na bigat at halaga ng iligal na droga. Ang isinagawang operasyon, imbentaryo at pagmarka sa mga nakuhang ebidensya ay nasaksihan ng opisyales ng barangay at kinatawan ng media.

Samantala, ang nasabing suspek ay kasalukuyang nasa kostudiya ng San Vicente MPS para sa kaukulang pagdodokumento at disposisyon.

27th PABIRIK FESTIVALCALENDAR OF ACTIVITIES
23/01/2025

27th PABIRIK FESTIVAL
CALENDAR OF ACTIVITIES

LALAWIGAN NG CAMARINES NORTE, HINDI KABILANG SA ELECTION HOT SPOTS, AYON KAY PROVINCIAL ELECTION SUPERVISOR ATTY. FRANCI...
23/01/2025

LALAWIGAN NG CAMARINES NORTE, HINDI KABILANG SA ELECTION HOT SPOTS, AYON KAY PROVINCIAL ELECTION SUPERVISOR ATTY. FRANCIS NIEVES

Sa ngayon ay hindi kasama ang lalawigan ng Camarines Norte sa listahan ng mga election hot spots ng Commission on Elections (COMELEC) kaugnay ng idaraos na May 12, 2025 midterm elections.

Ito ang ipinahayag ni Provincial Election Supervisor Atty. Francis Nieves sa panayam ng Radyo Pilipinas kaugnay ng isinasagawang preparasyon sa nalalapit na halalan ng Comelec-Camarines Norte.

Ayon kay Atty. Nieves, sa kasalukuyan ay wala ang lalawigan ng Camarines Norte sa listahan ng Comelec na itinuturing na hot spots o mga lugar na posibleng isailalim sa Comelec control dahil sa maituturing na maayos ang peace and order situation sa ngayon ng ating probinsya.

Gayunman, hindi pa rin isinasantabi ng Comelec ang posibilidad na mapasama ang Camarines Norte sa listahan ng election hot spots depende sa magiging sitwasyon ng peace and order sa ating probinsya sa mga susunod na araw habang papalapit ang halalan.

Umaasa naman ang naturang opisyal ng Comelec na magiging malinis, maayos at mapayapa ang isasagawang halalan sa lalawigan sa pagtutulungan ng ibat-ibang ahensiya ng pamahalaan kasama ng ibang mga organisasyon.

Samantala, sa ngayon ay abala ang Comelec sa roadshow ng bagong Automated Counting Machines para maging pamilyar ang mga botante sa mga features ng naturang makina na gagamitin sa halalan sa buwan ng Mayo.

Source: Jun Bagwis Avila

VICE GOV. JOSEPH ASCUTIA, NAGPASALAMAT SA PAGDIRIWANG NG 36th FOUNDING ANNIVERSARY NG BRGY. POBLACION 1, BASUDNagpasalam...
23/01/2025

VICE GOV. JOSEPH ASCUTIA, NAGPASALAMAT SA PAGDIRIWANG NG 36th FOUNDING ANNIVERSARY NG BRGY. POBLACION 1, BASUD

Nagpasalamat si Vice Governor Joseph Ascutia sa pagkakataong maging bahagi ng selebrasyon ng ika-36 na anibersaryo ng Barangay Poblacion 1, Basud. Sa kanyang mensahe, ipinahayag niya ang pasasalamat sa mga mamamayan ng barangay at binigyang-pugay ang mga kasamahan sa pamahalaang lokal, partikular kay Punong Barangay Rowena Z. Ramirez na nagsilbing pangunahing tagapag-organisa ng makulay at masayang pagdiriwang.

Hangad ni Vice Gov. Ascutia ang patuloy na lakas at pagkakaisa ng komunidad upang mapanatili ang isang matiwasay at maunlad na pamumuhay para sa lahat.


🇵🇭

BINISITA NAMAN NGAYONG ARAW NI CONGW.ROSEMARIE PANOTES ANG MGA BARANGAY NG MAMBALITE,COBANGBANG AT BRGY.SAN ISIDRO SA  B...
23/01/2025

BINISITA NAMAN NGAYONG ARAW NI CONGW.ROSEMARIE PANOTES ANG MGA BARANGAY NG MAMBALITE,COBANGBANG AT BRGY.SAN ISIDRO SA BAYAN NG DAET

PADAGOS LANG ANG PAGSESERDISYO SA IKALAWANG DISTRITO NG CAMARINES NORTE

Samantla una ng binisita ang mga barangay ng Daet

January 22, 2025
Bgy Calasgasan, Magang, Bibirao, Pamorangon,Mang Cruz

January 23, 2025
Barangay 6
Barangay 7

LALAKI, TIMBOG SA IKINASANG DRUG BUY-BUST OPERATION SA BAYAN NG MERCEDESIsang lalaki ang nasabat sa ikinasang buy-bust o...
23/01/2025

LALAKI, TIMBOG SA IKINASANG DRUG BUY-BUST OPERATION SA BAYAN NG MERCEDES

Isang lalaki ang nasabat sa ikinasang buy-bust operation laban sa iligal na droga ng mga tauhan ng Mercedes Municipal Police Station katuwang ang mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit, 1st Provincial Mobile Force Company, at 503RD Manuever Company, Regional Mobile Force Batallion 5 ayon sa koordinasyon sa PDEA ROV dakong 1:26 ng hapon nitong Enero 23, 2025 sa Purok 1, Brgy. Del Rosario, Mercedes, Camarines Norte.

Ang suspek ay nakilalang si alyas na "RIC”, 42 taong gulang, binata at residente ng Barangay San Roque, Mercedes, Camarines Norte.

Ayon sa report, matagumpay na nakabili ang nakatalagang poseur buyer sa nasabing suspek ng pakete ng hinihinalang shabu, dahilan upang agad arestuhin ang suspek.

Kumpiskado sa operasyon ang hindi pa matukoy na bigat at halaga ng iligal na droga. Ang isinagawang operasyon, imbentaryo at pagmarka sa mga nakuhang ebidensya ay nasaksihan ng opisyales ng barangay at kinatawan ng media.

Samantala, ang nasabing suspek ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Mercedes MPS para sa kaukulang pagdodokumento at disposisyon.

MGA KONSUMEDORES NG TUBIG, NAGPAHAYAG NG LABIS NA PASASALAMAT SA RESOLUSYON NG CNWD BOARD OF DIRECTORS NA IPAWALAMBISA N...
23/01/2025

MGA KONSUMEDORES NG TUBIG, NAGPAHAYAG NG LABIS NA PASASALAMAT SA RESOLUSYON NG CNWD BOARD OF DIRECTORS NA IPAWALAMBISA NA ANG JOINT VENTURE AGREEMENT BILANG ISA SA MGA TUGON SA ULTIMATUM NI GOVERNOR D**G PADILLA NA SOLUSYUNAN NA ANG KRISIS SA TUBIG

Labis-labis ang kasiyahan at pasasalamat ng mga nagrereklamong konsesiyonaryo ng tubig sa pag-aapruba ng Camarines Norte Water District Board of Directors ng resolusyon na naglalayong ipawalambisa na ang Joint Venture Agreement sa Primewater bilang isa
sa mga hakbangin upang masolusyunan ang krisis sa tubig sa ilang mga lugar sa lalawigan batay sa ultimatum ni Governor Ricarte D**g Padilla .

Sa panayam ng Radyo Pilipinas kay Jed Guinto , isa sa mga convenors ng mga nagrereklamong konsumedores ng tubig, isang napagandang kaganapan ang naging desisyon ng CNWD Board of Directors na aprubahan ang isang resolusyon na naglalayong iterminate na ang JVA sa Primewater sa layuning maresulba na ang problema sa suplay ng tubig sa ilan mga bayan sa lalawigan.

Ayon kay G. Guinto, ang pagpapawalambisa sa kontrobersiyal na JVA ang isa sa kanilang pangunahing ipinaglalaban taong 2019 pa kasama ang ilang mga personalidad na ang ilan ay sumakabilang buhay na kagaya ng yumaong Daet Councilor Marlon Bandelaria.

Pinasalamatan din ng mga consumers ang naging hakbang ni Governor Padilla na bigyan ng ultimatum ang CNWD sa pamamagitan ng isang sulat nitong nakalipas na buwan ng Disyembre na naging daan sa desisyon na ito ng CNWD Board of Directors na magpasa ng resolusyon na naglalayong iterminate na ang JVA, ang kasunduan ng pagkontrol ng pribadong water company na Primewater sa serbisyo ng tubig sa probinsya.

Mismong si G. Guinto na din ang nagpaliwanag na kung bakit ngayon lang naipasa ang resolusyon na aniya ay resulta ng Ibat-ibang pagkilos sa layuning matugunan ang krisis sa tubig sa probinsya.

Kabilang na aniya dito ang pagkakaroon ng bagong komposisyon ng CNWD Board of Directors na itinalaga ni Governor Padilla na nagpasa sa resolution para ipawalambisa ang JVA.

Sa huli, hinimok ni Guinto ang lahat ng mga taong may kinalaman sa pagkakaapruba ng JVA na aminin ang kanilang pagkakamali at humingi ng kapatawaran sa kanilang nagawang pagpapasok ng pribadong kompanya sa pangangasiwa ng water district.

Source: Jun Bagwis Avila

TULAK NG DROGA, NASAKOTE NG PULISYA SA BUY-BUST OPERATION SA DAETNasakote ang isang hinihinalang tulak ng iligal na drog...
22/01/2025

TULAK NG DROGA, NASAKOTE NG PULISYA SA BUY-BUST OPERATION SA DAET

Nasakote ang isang hinihinalang tulak ng iligal na droga sa matagumpay na buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng Daet Municipal Police Station (lead unit), katuwang ang PPDEU/CNPIU at sa pakikipagtulungan ng PDEA Region V.

Ang operasyon ay isinagawa alas-3:33 ng hapon noong Enero 22, 2025, sa Bicierra St., Purok 3, Barangay I, Daet, Camarines Norte.

Kinilala ang suspek bilang si alyas “David,” 36 taong gulang, isang bar employee at residente ng nasabing lugar. Ayon sa ulat, nakabili ang poseur buyer mula kay David ng isang plastik na pakete ng hinihinalang shabu na hudyat upang agad arestuhin ng mga operatiba.

Nakumpiska sa operasyon ang ilang pakete ng hinihinalang shabu na kasalukuyang inaalam pa ang eksaktong bigat at halaga.

Ang proseso ng imbentaryo at pagmamarka ng mga ebidensya ay nasaksihan ng mga opisyal ng Barangay I at isang media representative.

Ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatan at dinala siya sa Camarines Norte Provincial Hospital para sa kaukulang medikal na pagsusuri. Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng Daet MPS si “David” para sa karampatang dokumentasyon at disposisyon.

Patuloy ang pinaigting na kampanya ng PNP laban sa iligal na droga sa probinsya upang mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan ng komunidad.

𝗣𝗔𝗚𝗟𝗔𝗕𝗔𝗚 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗜𝗠𝗘𝗪𝗔𝗧𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗝𝗩𝗔 𝗜𝗡𝗜𝗨𝗟𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗖𝗡𝗪𝗗 𝗚𝗘𝗡𝗘𝗥𝗔𝗟 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗚𝗘𝗥 𝗞𝗔𝗬 𝗚𝗢𝗩 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔, 𝗥𝗘𝗦𝗢𝗟𝗨𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚-𝗧𝗘𝗥𝗠𝗜𝗡𝗔𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗝𝗩𝗔 𝗜...
21/01/2025

𝗣𝗔𝗚𝗟𝗔𝗕𝗔𝗚 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗜𝗠𝗘𝗪𝗔𝗧𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗝𝗩𝗔 𝗜𝗡𝗜𝗨𝗟𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗖𝗡𝗪𝗗 𝗚𝗘𝗡𝗘𝗥𝗔𝗟 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗚𝗘𝗥 𝗞𝗔𝗬 𝗚𝗢𝗩 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔, 𝗥𝗘𝗦𝗢𝗟𝗨𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚-𝗧𝗘𝗥𝗠𝗜𝗡𝗔𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗝𝗩𝗔 𝗜𝗡𝗔𝗣𝗥𝗨𝗕𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗖𝗡𝗪𝗗 𝗕𝗢𝗔𝗥𝗗

Maraming paglabag ng PrimeWater sa mga obligasyon nito na nakapaloob sa Joint Venture Agreement (JVA) ang naging laman ng ginawang pag-uulat ni CNWD General Manager Engr Froilindo Villaluz kay Governor D**g Padilla kahapon, Martes, Enero 21, 2025, bilang tugon ng CNWD sa ipinalabas na ultimatum ng Gobernador noong nakaraang Disyembre 27, 2024 para mabigyan ng solusyon ang nararanasang krisis sa suplay ng tubig.

Batay sa ulat ni GM Villaluz, simula sa unang taon ng Joint Venture Agreement noong 2016 hanggang 2024 sa ika-siyam (9) na taon ay naitala ng CNWD-Contract Monitoring Unit ang mga paglabag ng PrimeWater sa mga obligasyon nito. Na kinabibilangan ng mga sumusunod:

Sa unang taon ng JVA noong 2016 ay naitala na ang tatlong (3) paglabag ng PrimeWater:

1. Probisyon ng tuloy-tuloy na water supply
2. Customer service
3. Water shed management and protection program.

At pagsapit ng ikalawa at ikatlong taon ng JVA noong 2017 at 2018 ay naitala ang apat (4) na paglabag ng PrimeWater:

1. Probisyon ng tuloy-tuloy na water supply
2. Customer service
3. Compliance to KPIs and BEMs
4. Water shed management and protection program.

Sa pagsapit ng taong 2019, 2020, 2021 at 2022 ay naitala ang limang (5) paglabag ng PrimeWater sa JVA:

1. Probisyon ng tuloy-tuloy na water supply
2. Customer service
3. Compliance to KPIs and BEMs
4. Septage management
5. Water shed management and protection program.

At pagdating ng 2023 at 2024 ay muling nadagdagan ang mga paglabag ng PrimeWater sa Joint Venture Agreement kung saan umabot na ito sa anim (6) na mga paglabag:

1. Service Coverage
2. Probisyon ng tuloy-tuloy na water supply
3. Customer service
4. Compliance to KPIs and BEMs
5. Septage management
6. Water shed management and protection program.

Bunsod nito, ang CNWD Board na kinabibilangan nina Board of Directors Romeo Bacolor, Luisa Vinzons at Agnes Garcia ay iniulat naman ng mga ito, kay Governor D**g Padilla, na kanila nang inaprubahan kahapon January 21, 2025 ang resolusyon na naglalaman ng pag-terminate sa JVA batay sa Section 13 o Pre-Termination Agreement na nakapaloob sa nilagdaang Joint Venture Agreement.

LALAKI, ARESTADO SA IKINASANG DRUG BUY-BUST OPERATION SA BAYAN NG VINZONS!Isang lalaki ang naaresto sa ikinasang buy-bus...
21/01/2025

LALAKI, ARESTADO SA IKINASANG DRUG BUY-BUST OPERATION SA BAYAN NG VINZONS!

Isang lalaki ang naaresto sa ikinasang buy-bust operation laban sa iligal na droga ng mga tauhan ng Vinzons Municipal Police Station, ayon sa koordinasyon sa PDEA ROV dakong alas 10:28 ng gabi nitong Enero 20, 2025 sa Sitio Bolo, Purok 4, Brgy. Calangcawan Norte, Vinzons, Camarines Norte.

Ang suspek ay nakilalang si alyas na "JIM”, 28 taong gulang,binata at residente ng Barangay Cobangbang, Daet, Camarines Norte.

Ayon sa report, matagumpay na nakabili ang nakatalagang poseur buyer sa nasabing suspek ng pakete ng hinihinalang shabu, dahilan upang agad arestuhin ang suspek.

Kumpiskado sa operasyon ang hindi pa matukoy na bigat at halaga ng iligal na droga. Ang isinagawang operasyon, imbentaryo at pagmarka sa mga nakuhang ebidensya ay nasaksihan ng opisyales ng barangay at kinatawan ng media.

Samantala, ang nasabing suspek ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Vinzons MPS para sa kaukulang pagdodokumento at disposisyon.

SMOKING BAN NAGSIMULA NG IPATUPAD SA BAYAN NG DAET, CAMARINES NORTEKahapon, Enero 20, mahigpit nang ipinapatupad sa baya...
21/01/2025

SMOKING BAN NAGSIMULA NG IPATUPAD SA BAYAN NG DAET, CAMARINES NORTE

Kahapon, Enero 20, mahigpit nang ipinapatupad sa bayan ng Daet, Camarines Norte ang Smoking Ban alinsunod na rin sa mga kasalukuyang Ordinansang ipinapatupad ng nasabing bayan.

Ayon sa Municipal Ordinance No. 252-2013, ipinagbabawal ang paninigarilyo sa mga “enclosed” at “confined” na pampublikong lugar katulad ng ospital, eskwelahan, terminal, opisina, hotel, restaurant at malls.

Ang mga lalabag rito ay maaaring pagmultahin ng P1,500 para sa unang paglabag, at P2,500 para sa pangalawang panglabag, pagkansela ng permit, pagpapasara ng negosyo o pagkakakulong ng tatlumpung (30) araw hanggang anim (6) na buwan (o pareho) depende sa magiging desisyon ng korte.

Mahigpit rin ipapatupad ang Municipal Ordinance No. 517-2023, na nagbabawal sa pagbebenta, pagbibigay o paggamit ng vaporized ni****ne at non-ni****ne products at novel to***co products sa menor de edad.

Ang lalabag rito ay maaaring pagmultahin ng P2,500 o maaari din makulong ng hanggang anim (6) na buwan depende sa desisyon ng korte.

Layunin nito na mas magkaroon ng malusog na kapaligiran ang mga Daeteño at maging ang mga magiging bisita ng nasabing bayan.

Source: MENRO Daet/ Camarines Norte Provincial Information Officer

CAMARINES NORTE, MALAPIT NANG MAGKAROON NG APECIAL ECONOMIC ZONE House Bill No. 11200, na layong magbigay ng trabaho at ...
21/01/2025

CAMARINES NORTE, MALAPIT NANG MAGKAROON NG APECIAL ECONOMIC ZONE

House Bill No. 11200, na layong magbigay ng trabaho at oportunidad sa mga CamNorteño, naaprubahan na sa ikalawang pagbasa sa Kongreso

Magandang balita para sa mga mamamayan ng Camarines Norte! Noong Enero 15, 2025, naaprubahan na sa ikalawang pagbasa sa Kongreso ang House Bill No. 11200, na kilala bilang Camarines Norte Special Economic Zone Act.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan nina Gov. D**g Padilla, mga mababatas, at iba't ibang komite, patuloy ang pagsusumikap ni Congw. Rosemarie Panotes upang maisakatuparan ang proyektong ito na magbibigay ng mas maraming trabaho at oportunidad para sa mga CamNorteño.

Mula sa pagsusulat ng batas hanggang sa pagdalo sa mga session at meeting, hindi tumitigil ang mga lokal na opisyal sa pagtupad sa kanilang tungkulin na irepresenta ang distrito para sa layuning ito.

Padagos lang po tayo!



Source: Congw. Rosemarie Panotes

21/01/2025

121st REGULAR SESSION

Sangguniang Panlalawigan ng Camarines Norte

January 21, 2025

Address

Kilyawan Street, Alpine Ecology Village, Brgy. Gubat
Daet
4600

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Balitang Camarines Norte - BICOL posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share